40,000 KAPSULA NG ANTI COVID, NAI-DELIVER NA SA MAYNILA
- Published on November 26, 2021
- by @peoplesbalita
NATANGGAP na ng pamahalaang lungsod ng Manila ang 40,000 kapsula ng anti-Covid drug na Molnupiravir.
Ang nasabing gamot para sa COVID-19 ay idiniliber sa Sta.Ana Hospital kung saan mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Aksyon Demokratiko Presidential aspirant ang nanguna sa symbolic turn-over ng ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila Covid 19 Field Hospital sa Luneta noong Martes ng umaga.
Sinasabing 50 porsyentong nakagagamot ng COVID-19 ang Molnupiravir.
“We should always be ahead of Covid infections. We were the first to purchase Remdesivir and Tocilizumab. And now this wonder drug Molnupiravir, tayo rin ang naunang bumili. I will continue to listen to science. I always listen to Doc Willie Ong when it comes to anti-covid drugs,”pahayag ni Domagoso
Sinabi ni Domagoso na marami na ang matutulungan ang 400,000 capsules ng naturang anti-Covid drug kung saan mismong si Doc Willie Wong na kanyang runningmate ang siyang nagrekomenda nito.
Ang Molnupiravir (Molnarz) ay available na sa bansa matapos bigyan ng Compassionate Special Permit (CSP) ng Philippine Food and Drug Administration. GENE ADSUARA