• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 NA NAWAWALANG MANGINGISDA, NATAGPUAN NA

APAT sa siyam na mangingisdang nawawala ang natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) search and rescue/ retrieval operations.

 

 

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, kinilala ang natagpuan  mga bangkay ng mga mangingisda  ng FB St .Peter The Fisherman II ay nakilalang sina Sonar Operator Norberto Parlotzo ng Bantayan Island, Cebu; Piscador Rommel Engle ng  Cadiz City, Negros Occidental; Piscador Julit Salvo ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental at isang hindi pa nakilalang mangingisda.

 

 

Magpapatuloy pa rin ang SAR operations sa iba pang nawawalang mangingisda kabilang sina Boast Captain Frankie Chavez (Toboso, Negros Occidental); Steersman Renante Forsuelo (Cadiz City, Negros Occidental); Chief Engineer Herminio Ronamo (Estancia, Iloilo); Cook Julian Dungog (Cadiz City, Negros Occidental) at Third Engineer Manuel Auditor (Cadiz City, Negros Occidental)

 

 

September 24 nang lumubog ang fishing vessel sa karagatan sakop sa pagitan ng  Tanguingui Island sa Northern Cebu at  Gigantes Island sa Iloilo. GENE ADSUARA