4 most wanted persons arestado sa Valenzuela
- Published on April 9, 2021
- by @peoplesbalita
Apat na most wanted persons ang arestado sa loob lamang ng 24-oras na operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) chief PLT Robin D Santos, ang apat na naarestong mga suspek ay kabilang sa list ng 10 Top Most Wanted Persons sa lungsod.
Ani PLT Santos, unang nadakip na si Ryan Jay Baylon, 31, residente ng Upper Tibagan, Brgy. Gen. T. De Leon, ang No. 1 top most wanted man sa lungsod.
Si Baylon ay inaresto ng mga operatiba ng WSS at Sub-station-2 sa pangunguna ni PLt Anthony Campado sa bisa ng isang arrest warrant para sa kasong Murder alas-11 ng gabvi at walang inirekomendang piyansa.
Ilang oras ang nakalipas, nadakip naman ng mga WSS ang pang walong top most wanted person ng lungsod na si Aaron De Los Reyes, 18, sa kanyang bahay sa Barangay Isla sa bisa din ng isang arrest warrant para sa kasong attempted homicide.
Timbog din ang pang limang top most wanted person ng lungsod na si Alfred V. Rivera, alyas “Pepeng”, 23, at si Wilfredo V. Rivera, alyas “Onyo”, 24, ang pang apat naman na top most wanted person din ng lungsod.
Inaresto ang dalawang Rivera ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PLT Santos at Sub-Station-8 sa pangunguna ni PLT Arnold San Juan sa bisa ng arrest warrants para sa kasong Robbery malapit sa kanilang bahay sa Que Grande St., Barangay Ugong. (Richard Mesa)