4 ginto sinikwat ni Ramos
- Published on July 21, 2022
- by @peoplesbalita
APAT na gold, isang silver at isang bronze medal ang inangkin ni Rose Jean Ramos sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
Dinomina ng 17-anyos na si Ramos ang labanan sa snatch (70 kgs), clean and jerk (83 kgs) at total lift (153 kgs) sa women’s 45-kilogram youth division (13-17 years old).
Isang ginto rin ang kinuha ng tubong Zamboanga City sa snatch (70 kgs) at tig-isang pilak sa total lift (153 kgs) at tansong medalya sa clean and jerk 83 kgs) sa junior’s division (15-20 years old).
“Congratulations,” sabi ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa kanyang kababayang si Ramos na isa sa mga sinasabing susunod sa kanyang mga yapak.
Nauna nang humakot ang 15-anyos na si Angeline Colonia ng dalawang gold at isang silver medal tampok ang pagbasag sa world at Asian records sa women’s 40kg category.
Nakatakda namang bumuhat ang 16-anyos na si Rosegie Ramos at ang 18-anyos na Asian at Southeast Asian Games champion na si Vanessa Sarno sa kanilang mga weight divisions.