• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects, nalambat sa Valenzuela

SWAK sa hoyo ang apat na drug suspects kabilang ang isang itinuturing na Street Level Individual (SLI) nang malambat ng pulisya sa magkahiwalay na operation sa Valenzuela City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust laban kay alyas “Smug”, 45, sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng ilegal na droga.
35.

Sa Brgy., Malanday, laglag sa mga tauhan ng SS6 ang tatlong lalaki nang mahuli sa aktong nagsusugal umano ng lucky 9 sa D. Santiago Street alas-11:10 ng gabi. Nakumpiska sa kanila ang bet money, baraha at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasamsam umano kay alyas “Daniel”, 32.

Nadakma din ang dalawang kelot ng mga tauhan ng SS4 habang nag-cara y cruz umano sa Bundok St., Brgy. Malinta alas-5:00 ng hapon at nasamsam kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet umano’y shabu na nakumpiska umano kay alyas “Deo”, 47.

Sinubukan naman ng People’s Balita na kunin ang panig ng mga suspek subalit, minabuti ng mga ito na manahimik na lamang. (Richard Mesa)

Hindi nakapalag si ‘Smug’ nang sunggaban ng mga operatiba ng SDEU makaraang bintahan umano ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Sto. Rosario St., Brgy., Karuhatan dakong alas-5:15 ng umaga.

Nakumpiska sa kanya ang nasa limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000, buy bust money at P200 cash.

Alas-4:56 ng hapon nang maaresto naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 9, ang dalawang kelot nang maaktuhan nagka-cara y cruz umano sa isang abandonadong bahay sa Padrigal Ext., St., Brgy., Karuhatan. Nakuha sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet ng umano’y shabu na nakuha umano kay alyas “Ronwel”,