• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas drug bust

KALABOSO ang apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities, Martes ng madaling araw.

 

 

Sa ulat ng Northern Police District (NPD), dakong alas-3 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police ng buy bust operation sa Phase 2 Paradise Village, Brgy., Tonsuya na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang ‘tulak’ ng droga.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 9.0 grams ng hinihinalang shabu na may sandard drug price value na P61,200.00 at buy bust money.

 

 

Sa Navotas, nabingwit naman ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa ikinasa nilang buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa E. Rodriguez St., Brgy., Tanza 1, dakong alas-2:01 ng madaling araw sina alyas ‘Ega’ at alyas ‘Wilma’ matapos bintahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Sa report ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakuha sa mga suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,000.00.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)