3K KABATAAN NABAKUNAHAN NA
- Published on October 23, 2021
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa mahigit na sa tatlong libong mga kabataan ang naturukan laban sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Health, nasa 3,416 na nasa edad 12-17 na may comorbidities ang nabakunahan na sa pilot implementation na nagsimula noong Biyernes
Isinagawa ang pilot run ng vaccination sa pediatric group sa walong ospital ngunit maaari pa umano itong madagdagan sa susunod na mga araw.
Paalala lamang ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, kailangan ang mga babakunahang kabataan ay may consent ang magulang o guardian at may clearance mula sa kanyang doktor
Ayon kay Vergeire, may report na apat ang nakaranas ng adverse reaction ngunit kanila pang biniberipika.
Sinasabi naman ng mga eksperto nasa mataas ang benepisyong naibibigay ng bakuna kesa sa panganib ng sinasabing adverse reactions.
Aniya, sasagutin ng gobyerno kung makakaranas ng adverse reaction ang mga kabataan matapos mabakunahan.
Bukod dito, may karagdagang insentibo kung naging seryoso ang adverse reaction.
Ayon kay Vergeire, merong Phihealth package para dito .
Sa kasalukuyan, mayroon nang 24.5 milyong Filipino ang fully vaccinated habang 28.3 milyon ang nakatanggap ng first dose, ayon sa datos ng gobyerno. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)