32 siyudad at bayan, isinailalim sa State of Calamity dahil kay bagyong Karding
- Published on September 28, 2022
- by @peoplesbalita
KASALUKUYANG nasa 32 mga lungsod at munisipalidad ang nasa ilalim ngayon ng state of calamity.
Ito ang inihayag ni Press Secretary Atty Trixie Cruz-Angeles sa gitna ng patuloy na assessment na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa bagyong Karding.
Wika ni Cruz-Angeles, may 60, 817 katao ang apektado ng bagyong Karding kung saan, 46,000 ang nananatiling nasa iba’t ibang evacuation centers.
Gayunman, sinabi ni Cruz-Angeles na ‘minimal’ pa rin ang naging epekto ng bagyo partikular na sa buhay ng 8 indibidwal na nasawi.
Malaking bagay aniya ang ginawang maagang paglilikas ng mga tao dahilan para hindi naman ganoon kataas ang bilang sa death roll. (Daris Jose)