3 TIMBOG SA SHABU AT BARIL SA CALOOCAN
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
KULUNGAN ang kinabagsakan ng tatlong katao matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., Alas-10 ng gabi nang parespondehan ni West Grace Park Police Sub-Station deputy Commander PLT Ronald Allan Soriano sa kanyang mga tauhan ang kanilang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng indibidwal na nagsasagawa ng illegal drug
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang naturang grupo subalit, nang mapansin ang kanilang presensya ay mabilis na nagtakbuhan ang mga suspek.
Gayunaman, nagawang madakma ng mga pulis si Orlando Topacio, 40 ng Tondo Manila, at John Michael Cangas, 18 ng DM Compd. Brgy. 73 at nakuha sa kanila ang apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 3.05 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,740 ang halaga.
Nauna rito, dakong 3:30 ng hapon nang ipatupad ng mga tauhan ng Caloocan Amparo Police Sub-Station sa pangunguna niu PCPT Jansen Ohrelle Tiglao ang search warrant No. SW- 203 na may petsang February 19, 2021 na inisyu ni Hon. Raymundo G Vallega Executive Judge ng Branch 139 Regional Trial Court Caloocan City para sa paglabag sa R. A 10591 sa Blk 18 Lot 8&9 Miramonte Park Subdivision Brgy. 180 na nagresulta sa pagkakaaresto kay George Adalem gonzales, 44.
Narekober sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng anim na bala at 45 caliber pistol na may isang magazine at kargado ng limang bala. (Richard Mesa)