3 PULIS MAYNILA, INARESTO SA PAGPATAY SA ISANG KOREANO
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
INARESTO ng Manila Police District (MPD) ang tatlo nilang kabaro matapos na masangkot sa pagpatay umano sa isang Koreano sa isang sementeryo sa Valenzuela City.
Kabilang sa nabanggit na mga pulis ay sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc.
Ayon kay MPD Director Brig.General Leo Francisco, ang naging biktima umano ng naturang mga kagawad ng MPD ay si Sunuk Nam,55 anyos kung saan nakipag-ugnayan ang tracker team ng Valenzuela Police sa MPD.
Napag-alaman na natagpuan ang biktima sa harap ng St. Angelus Cemetery Purok 4, Area 6, G. Marcelo St., Maysan Valenzuela City noong Pebrero 15 ng umaga.
May mga ianresto naman ang Valenzuela police kung saan natukoy ang pagkakasangkot ng tatlong pulis Maynil sa krimen.
Kinumpirma naman ni Francisco na pawang mga nakatalaga sa Roxas Blvd PCP ang tatlong pulis.
Ang motibo umano sa pagpaslang sa Koreano ay may kinalaman umano sa pera. (GENE ADSUARA)