• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:27 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 Pinoy na nagtatrabaho sa Crypto Scam, pinauwi

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Filipino na pinabalik mula sa Cambodia na pinilit magtrabaho sa isang scam hub.

Ang mga Filipino na hindi binanggit ang pangalan alinsunod sa anti-trafficking laws ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NIA) sakay ng Philippine Airlines mula Phnom Penh, Cambodia nitong June 6.

Ayon sa mga biktima, umalis sila ng bansa matapos na nagpanggap na mga turista pero illegal silang ne-recruit upang magtrabaho sa ibang bansa at pinangakuan ng buwanang sueldo na USD 1,000, free lodging, four days off kada buwan.

Pero ibinunyag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na pagdating nila sa Cambodia ay iba ang kanilang naging trabaho at walang maayos na tirahan.

 “Two of them were grateful to have been housed outside the company premises, as this gave them the opportunity to contact the embassy and seek help,” ayon kay Viado .

Dagdag pa ni Viado na mas malala ang sinapit ang ikatlong biktima kung saan mayroon itong buwanang quota at kung hindi nito na matutugunan ay may multa itong USD 1,000 hanggang 2,000.

“It is also deeply concerning that the victims were required to pay the same substantial amount before they were even allowed to resign,” ayon pa kay Viado.

Ayon pa sa isang Pinoy, piniit din niyang manloko sa kapwa nitong Pinoy sa online.

“It is deeply concerning that these syndicates are now targeting Filipinos as their victims in both ways—by forcing them to be scammers and tricking their fellow Pinoys,” ayon kay Viado.

 Hinikayat din ni Viado ang mga Filipino na isumbong ang mga kahina-hinalang online investment schemes at i-report sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC). (Gene Adsuara)