• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:56 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 milyong registered voters target ng COMELEC

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na makapagrehistro ng hindi bababa sa tatlong milyong overseas voters para sa 2028 national at local elections (NLE).

Positibo si Comelec Chairperson George Garcia sa pagkamit ng target na overseas voter registrants dahil ito ay magiging presidential elections.

Sinabi ni Garcia na umaasa silang makakuha ng humigit-kumulang dalawang milyong bagong botante kapag natuloy ang rehistrasyon ng botante sa ibang bansa sa Disyembre 1.

Dagdag pa niya, hihingi rin sila ng tulong sa iba pang ahensya ng gobyerno upang maabot ang kanilang target sa pagpaparehistro.

Ang panahon ng pagpaparehistro ng botante sa ibang bansa ay tatakbo hanggang Setyembre 30, 2027.

Ginanap noong Disyembre 9, 2022 hanggang Setyembre 30, 2024, ang huling pagpaparehistro sa ibang bansa kung saan humigit-kumulang 200,000 ang nagparehistro.

Mayroong kabuuang 1.241 milyong rehistradong botante sa ibang bansa noong Mayo 12 midterm elections. (Gene Adsuara)