3 MALAKING ORGANISASYON, SUMUPORTA SA ISKO-ATIENZA TANDEM
- Published on March 19, 2025
- by @peoplesbalita

Kabilang sa mga organisasyon ay ang Kababaihan ng Maynila, Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA), at Kaagapay ng Manileño na dinaluhan ng libo-libong mga taga-suporta sa Ninoy Aquino Stadium.
Kumpiyansa ang dating alkalde na ang suporta ng tatong malalaking organisasyon sa kanilang buong tiket ay malaking tulong upang matiyak ang panalo sa nalalapit na halalan.
“Taos-puso ang aking paniwala, nagawa niyo na dati. Kaya niyong gawin muli,” ayon sa dating alkalde.
Nangako naman ang ka-tandem ni Domagoso na si Chie Atienza, anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza na na ibubuhos niya ang tulong at suporta sa liderato ni Domagoso upang maging isang mabisang bise-alkalde.
Sinabi naman ni dating 5th District Rep. Amado Bagatsing na siyang founder ng KABAKA na kaisa siya sa hangarin ni Domagoso na ibalik ang disiplina, kalinisan, at kaayusan sa Maynila. (Gene Adsuara)