3 HIGH-VALUE TARGET NAARESTO SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA SA TANZA CAVITE
- Published on August 19, 2025
- by @peoplesbalita

Naaresto ng mga awtoridad nitong Agosto 17, 2025 alas-3:50 ng hapon ang mga suspek na kinilalang sina alyas Marlon, 46, residente ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao, may asawa, magsasaka; alyas Kindak, 42, tubong Dalican Poblacion, Datu Odin Sinsuat Maguindanao, may asawa, driver; at alyas Tonggal, 31, tubong Talitay, Cotabato City, may asawa, magsasaka. Pawang mga residente ng Barangay Capipisa, Tanza, Cavite.
Nakuha mula sa tatlo ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek na pansamantalang nakakulong sa PDEA Regional Office 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna. (PAUL JOHN REYES)