• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 drug suspects timbog sa Caloocan

LAGLAG sa selda ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas ‘Pusa’, 56, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta nito ng droga.

 

 

Nang tanggapin ni ‘Pusa’ ang P500 marked money na may kasamang 6-pirasong boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama si alyas ‘Lennon’, 26, dakong alas-3:47 ng madaling araw sa Torsilyo Street.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 14.25 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P96,900.00 at buy bust money.

 

 

Samantala, dakong alas-8:15 ng gabi nang maaresto naman ng mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 si alyas ‘Cardo’ matapos maaktuhan nakikipagtransaksyon sa ilegal sa Balintawak Street, Pag-asa, Barangay 175, Camarin.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakuha sa naarestong suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng humigi’t kumulang10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000 habang nakatakas naman ang nag-abot sa kanya ng droga.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)