3 drug suspects kalaboso sa P1 milyon droga sa Caloocan
- Published on May 23, 2024
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P1 milyong halaga ng Ilegal na droga sa tatlong drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, ala-1:35 ng Lunes ng madaling araw, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Phase 3-B, Brgy., 175, Camarin nang mapansin nila ang dalawang lalaking nag-uusap at kalaunan ay may iniabot ang isa sa kanyang kausap na hinihinalang shabu kaya nilapitan nila ang mga ito.
Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya ay nagtakbuhan ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner si alyas Jojo, 54.
Nang kapkapan, nakuha sa kanya ang isang knotted transparent plastic na naglalaman ng nasa 100.6 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P684,080.00 habang nakatakas ang nag-abot sa kanya ng droga.
Dakong alas-3:09 ng Linggo ng madaling araw nang matimbog naman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa buy bust operation sa Sampaguita St, Brgy. 175, sina alyas Boss, 18, ng Caloocan at at alyas Baliw, 27, ng Quezon City.
Nakumpiska sa kanila ang aabot 54.20 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P368,560 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim pirasong P1,000 boodle money.
Pinuri naman niĀ Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na drug operation kung saan nadakipĀ ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)