29 PULIS NA SANGKOT SA 990 KILOS NG SHABU, MAY HDO
- Published on January 29, 2025
- by Peoples Balita
HINDI na maaaring makalabas ng bansa ang 29 na pulis na isinangkot sa nasabat na 990 kilos ng shabu na nagkakahalagang P6.7B, Tondo Manila nuong 2022 makaraaang maglabas ng hold departure order o HDO ang Bureau of Immigration (BI) .
Ito ay matapos katigan ng BI ang inihaing motion for issuance of hold departure order ang prosekusyon nitong Enero 10 laban sa nasabing mga pulis.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 92 sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga akusadong mga pulis.
Nakapaloob sa naturang kautusan na bawal o hindi papayagang makalabas ng bansa ang nasabing akusadong mga pulis. (Gene Adsuara)