23,000 kilo ng basura nakolekta sa Manila Bay
- Published on August 18, 2025
- by @peoplesbalita
Sa loob lamang ng pitong araw, umaabot sa mahigit 23,000 kilo ng basura ang nahakot sa baybayin ng Libertad Channel sa kalapit na baybayin ng Pasay City sa isinagawang coastal clean-up ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor na naglalayong maibsan ang pagbaha sa Metro Manila.
Katuwang ng Pasay City government ang SM Smart City Infrastructure Development Corporation (SM SCIDC) at Pasay Libertad Anglers Association (PLAA) sa pitong araw na paglilinis mula Agosto 7 -15 ng taong ito.
Ang basurang nakolekta ay humaharang sa mga daluyan ng tubig at sagabal rin para maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan laban sa mga toxic substances at panganib.
Samantalang ang coastal clean-up ay bilang suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na gumawa ng aktibong hakbang upang matugunan ang malawakang problema sa pagbaha.
( Daris Jose)