• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:14 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

22 ‘protektor, smugglers’ ng agriculture products tinukoy

KABILANG  ang pinakamatataas na mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) sa 22 katao na pinangalanang umano’y mga protektor at smuggler ng mga produktong agrikultura.

 

 

Ito ay base sa intelligence report na natanggap ni Senate President Vicente Sotto III nitong Mayo 17 at nakasaad sa committee report no. 649 ng Senate committee of the whole na nagsiyasat sa smuggling at nilagdaan ng 17 senador.

 

 

Sa intelligence report na isinalarawan bilang validated case, tinukoy sina BOC Chief Rey Leonardo Guerrero, Agriculture Undersecretary Ariel Caya­nan, BOC for Intelligence group Raniel Ramiro,  Dir. Geoffrey Tacio ng Customs Intelligence and Investigation Service, Atty. Yasser Abbas ng import and assessment.

 

 

Nasa listahan din ang isang Toby Tiangco, smuggling protector umano ng BFAR products; Dir. George Culaste, BPI; Dir. Eduardo Gongona, BFAr; Laarni Roxas, BPI PQSD Region 3.

 

 

Gayundin ang isang David Tan aka David Bangyan, Cebu, MICP, Port of Manila, Batangas; Gerry Teves, meat products no. 1 smuggler umano sa lahat ng major port sa bansa; isang Mayor Jun Diamante na umano’y smuggler ng lahat ng agri products sa port of Davao, CDO, Cebu at Subic; Manuel Tan, smuggler umano ng lahat ng agri fishery products sa Subic, DO at Batangas.

 

 

Nasa listahan din sina Jude Logarta, Leah Cruz, aka Luz Cruz at Lilia Matabang Cruz; Andy Chua, George Tan, David Ba­ngayan, Paul Teves, Tommy Go at Wilson Chua.

 

 

Sa 63-pahinang committee report na isinumite ni Sotto noong Hunyo 1, wala namang detalye tungkol sa kinalaman ng mga opisyal ng BOC at DA.

 

 

Ayon kay Sotto, ibi­nigay na niya ang listahan kay President-elect Bongbong Marcos dahil siya ang uupong DA Secretary at siya ng bahalang umaksyon dito. (Daris Jose)