• February 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 25th, 2026

PARA SA MGA MARALITANG TAGA-MAYNILA, BINONDOMINIUM 2 NA PABAHAY, ITATAYO

Posted on: February 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ceremony para sa Binondominium 2 sa San Nicolas, bilang ika-anim na proyektong pabahay na itinatayo sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Itatayo ang bagong gusali sa isang 405-square-meter na lote na may kabuuang floor area na 6,277.5 square meters. Maglalaman ito ng 98 residential units na may sukat na tig-40 square meters bawat isa, na dinisenyo na may dalawang silid-tulugan, palikuran at paliguan, kusina, kainan, at sala.

Magkakaroon din ang gusali ng dalawang elevator, isang office space, daycare center, multi-purpose hall, roof deck, at iba pang pasilidad na tutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryong pamilya.

Binalikan ng alkalde ang kanyang kabataan sa Tondo at ang sunud-sunod na relokasyon na naranasan ng kanilang pamilya dahil sa kahirapan at demolisyon, na aniya’y naging personal na inspirasyon sa proyekto.

Ikinuwento rin niya kung paano sila napaalis sa tirahan nang hindi na makabayad ng upa.

“Ang mahirap sa pagiging iskwater, galing ka sa eskwelahan pag-uwi mo, hindi ka sigurado kung ’yung bahay mo nakatusok pa,” aniya.

Pinaalalahanan niya ang mga residente sa kanyang pangakong pabahay noong 2019, at sinabi na bagama’t naantala ng pandemya ang ilang plano, hindi nito napigilan ang pagtatayo ng unang gusali.

Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng pamumuhunan ng lungsod ng daan-daang milyong piso para sa pampublikong pabahay.

Binanggit niya ang pahayag ng dating Pangulong Ramon Magsaysay:
“Those who have less in life must have more in law.”

Hinimok ng alkalde ang mga magiging benepisyaryo na pangalagaan ang gusali kapag ito ay natapos na, at iginiit na ang maayos na pabahay ay dapat sabayan ng disiplina at pananagutan sa komunidad.

Tiniyak din niya na magpapatuloy ang pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa pambansang pamahalaan para sa malalaking proyekto, kabilang ang pagpapatayo ng bagong gusali ng Allied Health Sciences ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ang planong pagbili ng lupa para sa isang bagong ospital sa Tondo.

“Ang Maynila ay mananatiling mamumuhunan sa MBN: Minimum Basic Needs—housing, education, healthcare, and jobs,” aniya. “Ang gobyerno ay kayang pataasin ang antas ng pamumuhay ng kanyang mamamayan.” (Gene Adsuara)

Inamin na malaking hamon at masakit na proseso… Historic ang pagdinig sa kaso ni FPRRD sa ICC – Sen Hontiveros

Posted on: February 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Senator Risa Hontiveros na isang malaking hamon at masakit na proseso para sa Senado bilang institusyon ang pagkakatukoy sa dalawa nilang kasamahan bilang mga co-perpetrator sa imbestigasyon ng “International Criminal Court” o ICC.

Ito ay matapos pormal na lumabas ang mga pangalan nina Senators Ronald Bato dela Rosa at Christopher Bong Go sa isinagawang confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Hontiveros, walang magagawa ang Mataas na Kapulungan kundi harapin ang sitwasyon.

“Sabi ko nga dati, mahirap man at masakit man itong proseso sa Senado bilang institusyon. kailangan naming harapin, kasi fact na sinabi talaga hanggang kahapon. So wala kaming kawala kundi harapin ito nang buo at saka nang tama,” pag-amin ng senadora.
Samantala, inilarawan din ng mambabatas ang araw ng pagdinig ng ICC bilang makasaysayan dahil nataon ito sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

“Parang isang bagong yugto, bagong mukha ng tuloy-tuloy na pagpapahayag ng kapangyarihan ng mamamayan,” dagdag pa ni Hontiveros. (Daris Jose)

VICE MAYOR CHI ATIENZA, SUPORTADO ANG LIVELIHOOD PROGRAM

Posted on: February 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang rollout ng programang pangkabuhayan ng lungsod bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na palakasin ang ekonomiya at kakayahan ng mga residente na magkaroon ng matatag na hanapbuhay.
Ayon sa bise alkalde, mahalagang bahagi ng Minimum Basic Needs (MBN) Program ng administrasyon ni Isko Moreno Domagoso ang pagbibigay ng napapanatiling trabaho sa mga Manileño. Binibigyang-diin ng programang ito ang paglikha ng oportunidad upang matulungan ang mga mamamayan na maging produktibo at makapagsarili.
Nagpasalamat din siya sa Manila Department of Social Welfare sa pangunguna ni Jay Dela Fuente sa aktibong pagpapatupad ng iba’t ibang programang panlipunan na sumusuporta sa mga komunidad.
Ipinaliwanag ng bise alkalde na layunin ng lungsod na ilayo ang mga residente sa panandaliang ayuda at sa halip ay bigyan sila ng kaalaman at kakayahang magtaguyod ng sariling kabuhayan.
“Sa halip na bigyan lamang sila ng isda, tinuturuan natin silang mangisda. Sa ganitong paraan, inihahanda natin sila upang harapin ang mundo,” aniya. “Kailangan lamang ay kasanayan at determinasyon upang kumita nang marangal.”
Sa isinagawang rollout, personal na nakipag-ugnayan ang bise alkalde sa mga trainee mula sa iba’t ibang distrito habang natututo silang gumawa ng banana bread gamit ang mga bagong oven at kagamitang pangkusina. Bukod sa baking, kasama rin sa pagsasanay ang product costing, packaging, at online selling upang matiyak na magiging handa ang mga kalahok sa aktwal na pagnenegosyo.
Ibinahagi rin niya na ang mga sumailalim sa pagsasanay ang magsisilbing trainers sa kani-kanilang barangay upang mas maraming residente ang matulungan, lalo na ang mga senior citizen at Persons with Disabilities na may limitadong oportunidad sa pormal na empleyo.
“Layunin ng lungsod na mabigyan kayo ng kapasidad na makatayo sa sarili ninyong mga paa sa pamamagitan ng ganitong uri ng training,” dagdag niya.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaang lungsod, Manila Manpower Development Center, at Universidad de Manila, naisakatuparan ang pagkuha ng commitment at mga kinakailangang kagamitan mula sa pambansang ahensya noong Enero 29.
Patuloy na isinusulong ng lungsod ang mga programang pangkabuhayan bilang bahagi ng paniniwala ng pamunuan na ang tunay na diwa ng paglilingkod publiko ay ang pagbibigay sa bawat Manileño ng kakayahan, oportunidad, at pag-asa upang magtagumpay sa buhay. (Gene Adsuara)

60 KARAGDAGANG BAHAY, IPINAGKALOOB NG NHA SA MGA PAMILYANG NAAPEKTUHAN NG BAGYONG PABLO

Posted on: February 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang ipinagkaloob ng National Housing Authority (NHA) ang 60 housing units sa Balai Maal’lag Housing Project (On-Site) sa Barangay Andap, New Bataan, Davao De Oro.

Sa ilalim ng gabay ni NHA General Manager Joeben A. Tai, ang seremonyang ito ay bahagi ng patuloy na pangako ng NHA na magbigay ng permanenteng pabahay para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa ilalim ng Housing Assistance Program for Calamity Victims (HAPCV).

Ang Balai Maal’lag Housing Project ay isang housing site na nakalaan para sa mga pamilyang nasalanta ang mga tahanan ng Bagyong Pablo. Ang mga benepisyaryo ay dating naninirahan sa Andap Resettlement Project, na idineklara ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) bilang isang “landslide-prone area.” Sa kabuuan, 315 kabahayan ang itinayo on-site, habang 19 na pamilya naman ang piniling ipatayo ang kanilang mga bahay sa labas (off-site) ng nasabing lugar, base sa rekomendasyon at pag-apruba ng MGB.

Ang proyektong ito ay ipinatutupad bilang isang “grant,” na nangangahulugang ang mga benepisyaryo ay inililipat sa mga housing site nang walang bayad, sa kondisyong susunod sila sa mga tuntunin at regulasyon ng NHA.

Bilang kinatawan ni NHA GM Tai, pinangunahan nina NHA Region XI Officer-in-Charge Engr. Shariffuddin I. Nami, at District 2 Manager Gerold P. Namoc ang seremonya. Dumalo rin sa kaganapan sina New Bataan Mayor Mar Bianca F. Cualing-Brua at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan upang suportahan ang mga benepisyaryo.

Ang kaganapang ito ang ikatlong turnover ceremony na isinagawa sa nasabing project site. Matatandaang 21 pamilya ang nakatanggap ng kanilang mga yunit noong Oktubre 2024, na sinundan naman ng 60 pang yunit para sa mga kwalipikadong benepisyaryo noong Agosto 2025.
(PAUL JOHN REYES)

Bagay talaga dahil sa matinding chemistry… KYLE, nagpakilig kasama si KAI sa matagumpay na Ilocos Sur Festival

Posted on: February 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SUPER enjoy sina Kyle Echarri at Kai Montinola sa Ilocos Sur Festival 2026.
12 days na pagdiriwang ito na tinawag na ONE Ilocos Sur.
Marami ang kinilig sa dalawa. Grabe raw ang chemistry nang magsama sila sa entablado, dahil todo ang binigay nilang saya.
Bagay raw ang KyleKai na ngayon ay magkasama sa seryeng ‘Roja.’
Sa loob ng labindalawang makulay at makabuluhang araw ng pestibal, pasabog ito dahil nakisaya rin sina Maris Racal, Catriona Gray, Arthur Nery, Adie, Yeng Constantino, Flow G atbp.
Samantala, ipinamalas ng Ilocos Sur Festival 2026 ang tunay na diwa ng pagkakaisa, kultura, pananampalataya, at kasiyahan sa buong lalawigan.
Sa temang ‘the people’s celebration’,
pinatunayan ng pagdiriwang na ang lakas ng probinsya ay nagmumula sa sama-samang pagkilos ng mamamayan—mula sa mga magsasaka at mangingisda hanggang sa kabataan at mga balikbayan.binuksan ang pista sa pamamagitan ng trade and food fair na nagbigay-pugay sa husay at pagkamalikhain ng mga lokal na negosyante at artisan
Tampok dito ang mga makabagong produkto at kompetisyon na nagpakita ng sigla ng micro, small, and medium enterprises ng lalawigan.
Sinundan ito ng isang banal at makabuluhang eucharistic celebration at los patrones procession na pinangunahan ni David William V. Antonio, na nagbuklod sa mga Ilokano sa iisang pananalig.
Isa sa mga tampok na kaganapan ang grand parade at grand opening sa Quirino Stadium, na dinagsa ng humigit-kumulang 40,000 katao.
Namukod-tangi ang mga naglalakihang floats ng iba’t ibang bayan habang nagbigay-aliw sina Kai at Kyle sa engrandeng opening.
Binigyang-halaga rin ang agrikultura sa Agri Day. Pinarangalan ang mga magsasaka at mangingisda bilang haligi ng ekonomiya.
Samantala, ipinagdiwang ang pagbabalik ng mga Ilokanong nasa ibayong-dagat sa “An Evening with the Balikbayans,” na ginanap sa Chavit Coliseum.
Naging makulay rin ang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang kompetisyon tulad ng Cosplay at Esports na isa sa hurado ay si Myrtle Sarrosa.
Nagkaroon din ng Tinnatoan: tattoo expo na nagbigay-pugay sa tradisyunal na batok ng mga inapo ni Apo Whang-od.
Kabugan din sa Mister at Miss Ilocos Sur, Pride Queen, Street Dance and showdown competition na nilahukan ng mga guest artists gaya nina Maris Racal at Paul Salas.
May mga pakulo rin gaya ng Gen Z-arzuela, Motocross, Bangkarera, at Battle of the Bands.
Ang Miss Ilocos Sur 2026 ay pinangunahan ni Catriona Gray bilang host, na lalong nagbigay ningning sa gabi ng koronasyon.
Hindi rin nakaligtaan ang serbisyong panlipunan sa pamamagitan ng One Ilocos Sur health Caravan at ang pagkilala sa mga natatanging mamamayan sa Pammadayaw: Father Jose Burgos Award.
Nagkaroon din ng tribute to elderlies bilang pagpupugay sa mga nakatatanda na naging pundasyon ng kultura at kasaysayan ng lalawigan.
Tinapos ang pagdiriwang sa isang Thanksgiving Mass at sa makulay na One Ilocos Sur Night concert tampok sina Arthur Nery, Yeng constantino, atbp.
Sinabayan ng engrandeng fireworks display. Umabot sa milyon-milyong online views ang mga kaganapan, patunay ng malawak na suporta at partisipasyon ng publiko.
Sa kabuuan, ang Ilocos Sur Festival 2026 ay hindi lamang isang pagdiriwang kundi isang makapangyarihang patunay na kapag nagkaisa ang mamamayan—sa kultura, serbisyo, at pananampalataya—ang buong lalawigan ay tunay na nagiging isa.

PSA Helpline accessible na via GCash app

Posted on: February 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INALERTO na ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. ang lahat ng police units kasunod ng pagdinig ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte simula Pebrero 23.

Ayon kay Nartatez, kasalukuyang mino-monitor ng PNP ang mga posibleng malawakang pagtitipon para matiyak na hindi magagambala ang kaayusang pampubliko.
“Our security measures are in place and it is intended to ensure the peaceful conduct of any activity in public places. Regardless of the affiliation of the groups, our personnel will be there to protect their rights and maintain peace and order,” ani Nartatez.

Iniutos din nito sa mga regional unit na mag-preposition ng mga Civil Disturbance Management (CDM) team at tiyaking nakaantabay ang mga medical emergency responder para sa mga posibleng rally.

Bagama’t iginagalang ang karapatan ng mga mamamayan na ipahayag ang kanilang mga pananaw, sinabi ni Nartatez na nananatiling prayoridad ng PNP ang kaligtasan ng publiko.

“Maximum tolerance will be strictly observed, but the law will be upheld. Our personnel are instructed to remain professional and avoid any confrontation,” dagdag pa ni Nartatez.

Sasailalim ang dating pangulo sa pre-trial na “confirmation of charges” hearing sa ICC sa The Hague kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra droga.
Ang apat na araw na pagdinig ay magpapasya kung may sapat na ebidensya upang ituloy ang paglilitis.

NUSTAR Online, masayang nakibahagi sa ’26th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta’

Posted on: February 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TAPAT sa pangakong ihatid ang mataas at nakaeenganyong mga karanasan sa pamumuhay, ang NUSTAR Online, isang luxury lifestyle gaming platform ng bansa, ay masayang nakibahagi sa ika-26 na pagdiriwang ng Philippine International Hot Air Balloon Fiesta, dala dala ang kilalang brand sa entertainment, kultura at pagiging eksklusibo sa isa sa bansang may pinakaaabangang pista na idinaos noong ika- 13-15 ng Pebrero 2026.

Ginanap sa New Clark City sa bayan ng Capas, lalawigan ng Tarlac, ang tatlong araw na selebrasyon ay nakahatak ng libo-libong bisitang sama samang pumunta upang masaksihan ang world-class na aeronautics exhibitions, mga naglalakihang at malikhaing hugis ng mga hot air balloon at buong araw na puno ng mga aktibidad mula umaga hanggang gabi.

Mula sa makukulay na paglipad ng mga lobo hanggang sa maningning na pailaw at live musical performances, binago ng pistang ito ang New Clark City bilang isang dynamikong lugar na sentro ng pagdiriwang, pagkamalikhain at pagbabahagi ng mga karanasan.

Sa gitna ng aksyon ay ang NUSTAR Online booth na ang disenyo ay sumasalamin sa pagiging primyado ngunit abot kamay na pamumuhay ng brand. Ang mga bisitang dumalo ay inanyayahan na makilahok sa platform sa pamamagitan ng isang interactive booth experience, kung saan may pagkakataon silang manalo ng mga exclusive NUSTAR Online merchandise at free gaming credits. Masayang nakibahagi ang mga bisita sa mga on-site photo opportunities, at inuwi ang mga printed souvenirs bilang alaala ng isang weekend binigyang kahulugan ang pananabik at saya.

Higit sa on-ground engagement, ginamit ng NUSTAR Online ang pistang ito bilang platform upang ipakita ang talento at kultura ng mga Pilipino. Sa mga gabi ng pagtatanghal, ang brand, kasama ang mga nag-organiza ng programa, ay binigyang pansin ang papausbong na mga bagong talento na nagpapatibay sa pangakong suportahan ang mga komunidad ng sining at bigyan nang makahulugang platform para sa pagtuklas.

Itinampok sa lineup ang Sound of Hera, KO Jones, Project March, ASA, Barabas, at isa sa pinakamabilis ang pagusbong na P-Pop Girl Group na Pix!e kung saan ipinakilala ang mga bagong tunog ng OPM sa mas malawak at tagatangkilik ng pista.

“The 26th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta is exactly the kind of event that captures the spirit we want to be part of at NUSTAR Online. At its core, it’s a celebration of Filipino culture and community, and that resonates deeply with what we bring to our audiences. For us at NUSTAR Online, moments and events such as the Hot Air Balloon Fiesta are an extension of what we offer — experiences worth coming back to, on and off the platform.” pagbabahagi ni Krizia Cortez, Director of Public Relations of NUSTAR Online.

Ang selebrasyon ay higit pa sa mga lugar ng pagdiriwang dahil muling matutunghayan ang mga highlights ng mga manonood sa pamamagitan ng NUSTAR Online: Exclusives na pinangungunahan ni Anne de Mesa, kung saan itatampok ang espesyal na episode na laan para sa 26th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta. (ROHN ROMULO)

Best Drama Actor para sa ‘Batang Quiapo’… COCO, special mention si JULIA sa acceptance speech sa 1st PAFTA

Posted on: February 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGHAL bilang Best Drama Actor si Coco Martin para sa “FPJ’s Batang Quiapo” sa nagdaang 1st Philippine Arts, Film & Television Awards (PAFTA) na ginanap last Saturday, February 21 sa Centennial Hall, The Manila Hotel.
Ang top rating serye ni Coco ay nanalo rin dito bilang Best Drama Series.

Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Coco ang mga naging bahagi at nasa likod ng FPJ’s Batang Quiapo. Special mention dito sina Julia Montes at ang lola ng aktor.

Sambit ni Coco, “Unang-una, maraming-maraming salamat po sa PAFTA sa award na ibinigay nyo sa amin as Best Actor and Best TV series. Alam nyo po sa totoo lang, nagtatrabaho po kami ngayon, nagte-taping po kami, pero pinilit po naming makapunta rito para magpasalamat.”

After pasalamatan ang mga co-actors, mga bossing nila, at iba pa, ito pa ang sinabi ni Coco, “Muli nagpapasalamat ako sa aking pamilya, especially po kay Julia (Montes), na nagpapakahirap para asikasuhin ako sa araw-araw. Dahil pag-uwi ko sa bahay, wala na, sobrang pagod na pagod na ako at siya ang nagpe-prepare nang lahat sa akin para sa kinabukasan sa pagtatrabaho ko.

“At siyempre po aking lola, sa lahat ng pagsusumikap niya… Nagpapasalamat ako na dahil sa kanya ay ganito ang pagtingin ko sa aking trabaho sa ating industriya, na talagang pinapahalagahan ko at pinagbubuti ko.”

Nagsilbing hosts sa event sina Ara Mina at Gelo Buencamino.

Naging mas maningning ang gabi ng parangal sa pagdalo nina Coco, Marian Rivera, Martin Nievera, Andres Muhlach, Kai Montinola, Matt Lozano, Ian de Leon, at iba pa.

Ang PAFTA ay binubuo nina Dr.Billy James Uy (Chairman of the Board), Teresita Tolentino Pambuan (President & Founder), Christina U. Aliada (Executive Vice President), Charlemagne Arceta (Vice President), Atty. Jocelyn Reyala (Corporate Secretary), Jenalyn Aliada (Secretary), Rafy Gellang (Treasurer), Edward Ralph Santos (Auditor), Nico lizardo (PRO).

Ang misyon ng PAFTA ay para igawad ang kahusayan, kilalanin ang individual distinction at isulong ang malikhain at kultural na buhay ng bansa sa pamamagitan ng pagdiriwang ng natatanging tagumpay sa pelikula, telebisyon, teatro, modeling at performing arts.

Kinikilala rin ng PAFTA ang makabuluhang kontribusyon sa pamumuno sa kultura, serbisyo publiko at pagkakawanggawa. Pinaparangalan din ang mga indibidwal at institusyon na ang trabaho ay nagpapasigla sa mga komunidad at nagpapalakas sa bansa.

Narito ang mga nawagi sa larangan ng telebisyon: Best Station-GMA 7; Best Morning Show – Unang Hirit; Best Noontime Show – It’s Showtime; Best News Program – 24 Oras; Best documentary program- I-Witness; Best Reality Show – Pinoy Big Brother 2.0; Best Drama Series – FPJ Batang Quiapo; Best Comedy Show – Bubble Gang; Best Drama Anthology – Magpakailanman; Best Variety Show – ASAP; Best Celebrity Talk Show – Fast Talk with Boy Abunda; Best Drama Actor – Coco Martin (Batang Quiapo); Best Drama Actress- Carla Abellana (Widows War); Best Male TV Host- Dingdong Dantes (Family Feud); Best Female TV Host – Anne Curtis (It’s Showtime), AGENDA-Excellence in Business News Awards, Kapuso Mo, Jessica Soho, Journalism Lifetime Achievement Award, PAFTA Iconic Film Performance Award – Judy Ann Santos, Breakthrough Performance Award – Maris Racal, PAFTA Youth Icon Award – Andres Muhlach at Kai Montinola.

Ang mga nanalo sa pelikula ay sina: Best Director – Gabby Ramos (When Magic Hurts), Best Actress – Marian Rivera and Rebecca Chuaunsu, Best Actor -Dennis Trillo (Green Bones), Best Supporting Actress -Gabby Padilla (Uninvited), Best Supporting Actor -Will Ashley (Balota), Best Child Actor – Enzo Osorio, Best Child Actress Elia Ilano, Breakthrough Performance – Euwenn Mikaell, Most Promising Star -Kian Co, Best Film – Balota, Best Screenplay – Anj Atienza and Ricky Lee, Best Cinematography – Neil Daza (Green Bones), Best Production Design – Jed Sicanggco and Jerann Ordinario (Outside), Best Editing (The Hearing), Best Visual Effects – Espantaho, Best Original Story -Her Locket, Best Sound -Narra Post Production by Sound (Balota), Best Original Theme Song- Guilty Pleasure (Luha sa Dilim by Yanco).

Best Short film: As The Moth Flies, Best Documentary Film Award – No Man Left Behind.

Sa Teatro: 1.Global Excellence in Theater & Film Production Award, Jhett Tolentino 2. Excellence in Contemporary Theater Award -Walang Aray 3.Excellence in Musical Theater Award – One More Chance.

May special award ang ‘Showbiz Pulis’ host at showbiz editor na si Roldan Castro para sa Excellence in Entertainment Journalism.

Special awards:

1. Icon of Philippine Cinema – Vilma Santos

2. Philippine Box Office star -Kathryn Bernardo

3. Philippine Box Office Star – Alden Richards

4. Special Citation Award for Global Cultural Excellence – SB19

5. Posthumous Award-Ms. Gloria Romero – Ms.Nora Aunor

6. Fashion Icon Awards- Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.

“ONE PIECE” RETURNS TO CRUNCHYROLL ON APRIL 5 WITH THE START OF THE ELBAPH ARC

Posted on: February 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WHAT:
Toei Animation and Crunchyroll today announced the return of the ONE PIECE Simulcast on Crunchyroll this spring with the start of the Elbaph Arc, continuing the global anime phenomenon with an all-new chapter in the Straw Hats’ journey. Crunchyroll also confirmed a March 2026 release window for the final English dub batch from the Egghead Arc, bringing the complete Egghead Arc to Crunchyroll in English dub.

WHEN:
Elbaph Arc: April 5, 2026
Egghead Arc English Dub (Episodes 1144–1155): Starting March 24, 2026
WHERE:
Streaming on Crunchyroll in the United States, Canada, Australia, New Zealand, South Africa, India, Southeast Asia (including Indonesia, Thailand, Singapore, and the Philippines), and Latin America.

SYNOPSIS:
After a daring escape from the Future Island Egghead, the Straw Hat Crew set their course for a legendary destination. Joined by the mighty Giant Warrior Pirates, they finally reach Elbaph, the long-awaited Land of Giants.

New encounters with Giants, and long hoped for reunions unfold. A colossal new chapter begins as the crew heads into an adventure unlike anything before, all in the pursuit of the ultimate treasure, the “One Piece!”

(ROHN ROMULO)

Ads February 25, 2026

Posted on: February 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments