• February 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 23rd, 2026

Muling mararamdaman ang magic at chemistry… BELA at CARLO, magbabalik-tambalan sa ‘A Special Memory’

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING kumupas ang mga aalala, pero ang tunay na pag-ibig, hindi nakakalimot, ito ang uri ng pagmamahal na isasabuhay sa ‘A Special Memory.’

Inihahandog ng Viva Films ang romance-drama na ito mula sa blockbuster director na si Jerry Lopez Sineneng at sa screenplay ng Pambansang Alagad ng Sining Ricky Lee, na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Carlo Aquino.

Isang Philippine adaptation ng kilalang Japanese series na ‘Pure Soul’. Ang ‘A Special Memory’ ay isang kwento kung paano nanatili ang pagmamahal sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Bibida si Bela Padilla bilang Sandra, isang fashion designer na pilit kinakalimutan ang heartbreak mula sa kanyang nakaraang relasyon. Habang sinusubukan niyang muling buuin ang kanyang buhay, makikilala niya si Dindo, na ginagampanan ni Carlo Aquino, isang construction foreman sa kumpanya ng kanyang pamilya.

Mula sa isang simpleng koneksyon, unti-unting mabubuo ang pag-iibigan nina Sandra at Dindo at magdedesisyon silang magsama sa iisang bahay. Ngunit, susubukin sila ng tadhana nang matuklasan ni Sandra na siya ay may early onset- Alzheimer’s disease. Dahil sa takot na maging pabigat, lalayo si Sandra at ipapasok ang sarili sa isang nursing home.

Nasaktan man sa naging desisyon ni Sandra ay igagalang ito ni Dindo. Mananatiling matatag ang pag-ibig niya para sa minamahal. Bibisitahin niya si Sandra at paulit-ulit na ipapakilala ang sarili sa pag-asang kahit saglit ay muli siya nitong maaalala.

Panoorin ang pag-ibig na patuloy na kumakapit sa kabila ng kumukupas na alaala, at ituturo sa atin na ang pagmamahal na wagas ay hindi kailanman mawawala sa puso.

Mula sa kanilang unang pagsasama sa ‘Meet Me in St. Gallen’ (2018), muling magtatambal sina Bela at Carlo sa ‘A Special Memory,’ kung saan mararamdaman muli ng mga manonood ang kanilang minahal na magic at chemistry.

Kilala sa kanyang relatable performances sa romance-drama, muling haharap si Bela sa isang papel na magpapakita ng kanyang emotional range. Si Carlo naman, na matagal nang hinahangaan sa kanyang pagiging versatile, ay muling magdadala ng lalim sa kanyang karakter.

Makakasama nina Bela at Carlo ang isang kahanga-hangang ensemble cast na kinabibilangan nina Lotlot de Leon, Joel Torre, Yayo Aguila, Jaime Fabregas, Phoebe Walker, at Paolo Gumabao, na pawang magdadagdag ng puso at damdamin sa pelikula.

Punung-puno ng emosyon, pagmamahal, at pag-asa, ipapaalala ng ‘A Special Memory’ na ang mga hindi malilimutang koneksyon ay mananatili sa atin magpakailanman.

Mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa simula March 11, 2026. (ROHN ROMULO)

Nagpaalala rin sa publiko na maging mapanuri… DINGDONG, tinanggap agad ang apology ng netizen na nagpakalat ng ‘fake quote’

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAP agad ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pagso-sorry nng isang netizen matapos magpakalat ng ‘fake quote’ tungkol kay Vice President Sara Duterte.
Sagot ni Dingdong, “Apology accepted.”
Ayon sa kumalat na fake statement: “Dingdong Dantes said, ‘Nakakatakot ‘pag nanalo si VP Sara. Nakikita ko sa kanya ang tapang, talino, at abilidad na may kakayahang mamuno gaya ng kanyang ama.”
Nilinaw agad ito ng aktor/host na hindi niya sinabi ang naturang statement.
Kasama ng kanyang pagpapatawad, nagpaalala rin siya sa publiko sa kumakalat na fake news sa social media.
“Nawa’y maging mas mapanuri po tayong lahat, lalo na sa misinformation at disinformation… at sa bawat diskurso, piliin sana natin ang respeto sa kapwa Pilipino. Peace!” pahayag ni Dingdong.
Nakatanggap naman ng mga papuri ang aktor mula sa netizens at may isang nag-comment pa ng, “nakaka-proud talaga na maging DDS.” Na ang ibig niyang sabihin ay Dingdong Dantes Supporter.
Narito ang ilan pang komento…
“Sana laging totoo ‘yung ipo-post madalas nakakadisgrasya ng ibang tao ang maling impormasyon [smiling face iwth hearts emoji].”
“A sincere simple apology lang naman talaga people make mistakes unintentionally, ng importante he apologize.”
“Napakabuti ni Mr Dingdong Dantes [red heart emoji] Lesson learned sa mga content creator na mahilig sa tsismis ng kapwa para lang pagkakakitaan.”
“‘Yan ang dapat. Magpasaya na lang tayo ng kapwa natin. Just be happy always. Iisipin mabuti kung makakasakit tayo o hindi bago tayo magbitaw ng mga salita.”
Marami rin ang nag-comment na hindi sapat na mag-sorry, dapat daw ay kasuhan din ni Dingdong ang nagpakalat ng fake news…
“Mabait parin si Dingdong Dantes hindi nya na kakasuhan yung nagpost.”
“Jusko bakit patatawarin yan jusme gagawa ng kwento gagawa ng salita at mandadamay ng taong may pangalan. Hehehe joke lang. Salute sir Dingdong Dantesnapakabuti mo.”
“Nakakahiya as a dds karamihan 90% kasi ng dds vlogger puro fake news . Mahilig sila gumawa nyan kasi alam nila ang kapwa nila Dds mabilis mapaniwala mauto at ma
Brainwash . Salamat at hindi na ako ganap na dds.”
“Kung ako yan mag kaso ako pag na iyak na withdraw ko na kase need talaga may ma sample sa mga nonsense na use ng names ng mga non political persons ehh.
Kasuhan mo. Apology is not enough for these people..lalala pa yan pag malapit na election
“No kasuhan mo.. hindi pweding maging normalize nalang sa knila yang mga ganyang palusot..”
“Yes sir. but much better file a cyber libel case for accountability. para magtanda.”
“Apology accepted, ok nman…. kaso d mo sana pinalampas ang consequence. Parang binigyan mo lang ULIT ng pagkakataon yung fake news peddler na namumuhunan sa likes at views ng bawat fake news posts niya, at base sa mga posts nga niya ay literal na namumuhay sa pagkakalat ng mga maling impormasyon at walang pakialam sa sinasabi ng iba bagkus pinagkakatuwaan pa niya ang mga issue laban sa kanya.”
“Sayang naman hindi pa nakasuhan para maging aral sa mga DDS na fake news spreader.”

(ROHN ROMULO)

Nag-share ng ilang plans kasama na maging U.S. citizen… KRIS, hindi pinapabayaan ang anak nila ni KATRINA na si KATIE

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Title 2 for front:
30 taon matapos siyang tumigil sa pag-aaral…
EPY, natupad na ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo

HINDI pinapabayaan ng Filipino‑American singer‑songwriter Kris Lawrence ang anak nila ni Katrina Halili na si Katie.

Nag-share pa si Kris ng ilang personal plans niya para sa kanyang anak, kabilang dito ang pag-asikaso niya para maging U.S. citizen si Katie.

Ikinatuwa naman ito ni Katrina dahil co-parenting ang arrangement nila ni Kris kay Katie.

Thankful ang Kapuso actress sa pagbigay ni Kris ng oras at panahon kay Katie kahit na may isa pa itong anak sa current partner nito.

Noong sumailalim si Katie sa isang operasyon kamakailan, full support si Kris sa anak at panay ang facetime nila habang nagpapagaling ito.

Nagsama sila ni Katrina ng limang taon bago sila naghiwalay noong 2014.

Nasabi nga ni Kris na kung single pa rin daw sila ni Katrina in ten years, baka may possibility na magkabalin sila.

Si Kris ay grand champion ng ‘Search For The Star in a Million’ noong 2006.

***

NATUPAD na ni Epy Quizon ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo, 30 taon matapos siyang tumigil sa pag-aaral.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang kanyang pagtatapos kamakailan sa De La Salle University. Nag-post siya ng kaniyang larawan sa harap ng iconic na St. La Salle Hall habang suot ang toga, at nagsulat ng liham para sa kaniyang sarili sa caption.

“Dear Self, 30 years ago, in 1996, you walked the halls of De La Salle University just a thesis away from graduation. Fear and circumstance pulled you away, and survival became more important than ceremony. But you made a promise. Through the years of work, loss, and other responsibilities.”

Binanggit din niya ang kanyang yumaong ama na si Dolphy, at panghihinayang na hindi na nito nasaksihan ang naturang mahalagang araw sa kaniyang buhay.

“Mama, turning 80 soon, will. Today, you return—not as the young man who left, but as someone steadier, stronger, and faithful to his word.”

Sinabi rin ni Epy na hindi lang kapirasong papel ang diploma kung hindi “a promise kept. A prayer answered. A legacy for your children.”

“It was never too late,” pagdiin niya.

***

MARAMI ang nabigla sa pagpanaw ng Hollywood actor na si Eric Dane sa edad na 53. Sumikat si Dane sa pagganap niya as
Dr. Mark Sloan a.k.a. McSteamy sa US medical series na Grey’s Anatomy.

Ayon sa actress-wife ni Dane na si Rebecca Gayheart, lumaban hanggang sa huli ang aktor sa sakit nitong ALS (amyotrophic lateral sclerosis) na isinapubliko niya last year.

Bago lumabas sa Grey’s Anatomy, lumabas si Dane sa mga shows na Saved By The Bell, The Wonder Years, Roseanne, Married With Children, Charmed, at Gideon’s Crossing. Huli niyang TV appearance ay sa Euphoria ng HBO.

Sa movies ay lumabas siya sa Valentine’s Day, X-Men: The Last Stand, Marley and Me, Bad Boys: Ride Or Die, at Burlesque

For dust you are. Watch the official trailer for “LEE CRONIN’S THE MUMMY”

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

And to dust you shall return.

One month after debuting the teaser trailer for “Lee Cronin’s The Mummy,” Warner Bros. Pictures has launched the official trailer for the latest horror film from the cult-favorite director of “Evil Dead Rise.” Directed by Cronin, “Lee Cronin’s The Mummy” is produced by James Wan, Jason Blum and John Keville, and stars Jack Reynor, Laia Costa, May Calamawy, Natalie Grace, with Veronica Falcón. It opens only in cinemas April 15, 2026.

Watch the newly launched official trailer: https://youtu.be/Dg8AzYx6Tsw

And check out the main poster:

#LeeCroninsTheMummy only in cinemas April 15

Official synopsis:

Hot off the record-setting resurrection of “EVIL DEAD RISE,” writer/director Lee Cronin turns to one of the most iconic horror stories of all time with an audacious and twisted retelling: “LEE CRONIN’S THE MUMMY.”

The young daughter of a journalist disappears into the desert without a trace – eight years later, the broken family is shocked when she is returned to them, as what should be a joyful reunion turns into a living nightmare.

More about “Lee Cronin’s The Mummy”

The film stars Jack Reynor, Laia Costa, May Calamawy, Natalie Grace, with Veronica Falcón. The film is written and directed by Cronin, and produced by James Wan, Jason Blum and John Keville. The executive producers are Michael Clear, Judson Scott, Macdara Kelleher and Lee Cronin.

Cronin is supported behind the camera by a team of sterling film artisans, including director of photography Dave Garbett, production designer Nick Bassett, editor Bryan Shaw, costume designer Joanna Eatwell, music by Stephen McKeon and casting by Terri Taylor and Sarah Domeier Lindo.

New Line Cinema, Atomic Monster and Blumhouse Present, A Wicked/Good Production, A Lee Cronin Film: LEE CRONIN’S THE MUMMY. The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, only in theaters and IMAX® in North America on April 17, 2026, and internationally beginning 15 April 2026. #LeeCroninsTheMummy

Photo credit: Warner Bros. Pictures

Barrios, dedepensahan ang WBC title vs Ryan Garcia

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Nakatakdang depensahan ni Mario Barrios ang kanyang World Boxing Council (WBC) welterweight champion, sa Sabado (araw sa Amerika) laban sa social media personality na si Ryan Garcia.

Haharapin ni Barrios (29-2-2) si Garcia, na isa rin sa tinuturing talentadong boksingero ngunit naging kontrobersyal sa nakalipas na tatlong taon dahil sa suspensyon, kaso, at iba pang isyu.

“I know I’m the champion for a reason,” ani Barrios. “Every time I get in there, I leave it all in there.”

Bagama’t siya ang kampeon, itinuturing na underdog si Barrios laban kay Garcia (24-2). Sa edad na 27, sinasabing papasok pa lamang sa prime si Garcia, at ang panalo laban kay Barrios ay magbibigay sa kanya ng WBC belt at posibleng makapagpabago sa imahe niya matapos ang sunod-sunod na kontrobersiya.

Alex Eala, aminadong malayo pa ang agwat sa mga top players matapos ang pagkatalo kay Coco Gauff sa Dubai

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang Filipina tennis superstar na si Alex Eala na marami pa Siyan kakaining bigas bago tuluyang makasabay sa mga pinakamahusay na manlalaro sa mundo ng tennis matapos ang kanyang 6-0, 6-2 na pagkatalo kay Coco Gauff sa quarterfinals ng Dubai Duty Free Tennis Championships.

Batay sa ulat, magkakaroon siya ng maraming pagkakataon na ihasa ang kanyang kakayahan sa totoong laban, dahil inaasahang bibigyan siya ng wild card sa ilang tournament kung saan hindi siya automatic qualifier sa main draw.
Dahil sa dami ng mga Pilipinong tagahanga na dumadalo sa kanyang mga laban, bumuo ang organizers ng iskedyul upang mas madalas siyang mailagay sa center court —isang hakbang na sinimulan pa noong Australian Open matapos na ma-criticize ang venue ng kanyang singles match.

Si Eala, co-winner ng Philippine Sportswriters Association Athlete of the Year kasama si gymnast Carlos Yulo, ay nakapagpuno ng mga venue ng torneo, dahilan upang isaalang-alang ng organizers ang pagbibigay sa kanya ng direct entry sa ilang events.
Sa kasalukuyan, ika-apat na ranked sa mundo si Gauff, habang si Eala ay nasa No. 47. Ngunit sa nakaraang taon, napatunayan nito na hindi imposible para talunin ang mga giants, kabilang ang nakamamanghang panalo niya laban kay Iga Swiatek sa Miami Open.

13 batang ooperahan inayudahan ng Manila LGU

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INAYUDAHAN ng Manila City Government ang 13 bata na nangangailangan ng mga delikadong ope­rasyon sa Philippine Heart Center, Chinese General Hospital, at healthcare facilities sa India.

Nabatid na pinulong ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pamilya ng naturang mga bata na kinabibilangan ng walong paslit na sasailalim sa liver transplants sa India, apat na batang sasailalim sa heart operations sa Philippine Heart Center, at isang pasyente na sasailalim sa operasyon para sa chronic kidney condition sa Chinese General Hospital.
Ayon kay Domagoso, naglaan ang city go­vernment ng kabuuang P16,818,557.49 pondo para sa naturang mga operasyon.

Kabilang dito ang P13,321,629.80 na inilaan para sa walong liver transplant cases, P3,323,311.50 na para sa isasagawang apat na heart operations, at P173,616.19 para sa kidney procedure. “Pagkatapos nito, una, magpasalamat kayo sa Diyos, ha? Magsimba kayo. Tapos, kung ’di man kalabisan, magpasalamat din kayo sa taxpayer ng Manila. Dahil sa kanila, nagagawa namin ’to. We’ll do our best, bagama’t gipit na gipit kami bilang siyudad. Kaya lamang, buhay ng mga anak niyo ’yung nakasalalay, eh,” ani Domagoso, sa mga magulang ng mga bata.

LTFRB, NAG-ISYU NG SCO VS PUV TERMINAL NA MATATAGPUAN MALAPIT SA 2 POPULAR QC MALLS

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ng show cause order (SCO) laban sa mga operator at manager ng mga public utility vehicle (PUV) terminal na matatagpuan malapit sa dalawang kilalang mall sa Quezon City, bilang bahagi ng patuloy na kampanya upang matiyak ang ligtas at komportableng serbisyo para sa mga mananakay.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, ang mga PUV terminal na sakop ng Ayala Malls Cloverleaf at Trinoma Mall ay natukoy na kulang sa mga pasilidad na kinakailangan para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero.

“Malinaw ang aming mensahe: ayusin ninyo ang dapat ayusin upang matiyak ang pagsunod sa regulasyon, o humarap sa kaukulang parusa dahil sa pagpapabaya sa mga pasaherong dapat ninyong pinaglilingkuran,” ani Chairperson Mendoza.
“Ito ay bahagi ng nationwide operation at ito na ang bagong normal sa ating patuloy na pagtataguyod ng kapakanan at karapatan ng mga mananakay.”

Ang mas pinaigting na operasyon laban sa mga hindi sumusunod na PUV terminal ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tiyakin ang kapakanan ng mga Pilipinong komyuter.

Batay sa ulat ng LTFRB inspection team, parehong terminal ay natukoy na hindi sumusunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon:

• PUV terminal malapit sa Ayala Malls Cloverleaf• Kakulangan ng bubong para sa proteksyon ng mga pasahero
• Hindi sapat na upuan para sa mga naghihintay
• Kawalan ng malinaw na gabay sa biyahe at dispatching
• Kawalan ng information at passenger assistance counters
• Inatasan din ang operator na kumuha ng kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan at maglatag ng security plan

• PUV terminal malapit sa Trinoma Mall• Kawalan ng information at passenger assistance counters
• Kakulangan ng komportableng upuan para sa mga naghihintay
• Kawalan ng priority lanes para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs)

Inatasan ang parehong terminal managers na magpaliwanag sa pamamagitan ng nakasulat na sagot kung bakit hindi dapat ipasara ang kanilang mga pasilidad dahil sa mga paglabag. Sila rin ay obligadong dumalo sa pagdinig sa Marso 18, 2026. (PAUL JOHN REYES)

Taas pasahe sa jeep, tinabla

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa umano napapanahon ang hirit na taas-singil sa pamasahe ng mga operator at driver ng jeep, sa gitna na rin ng panibagong banta sa taas presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na umiiral pa ang pisong provisional increase at kaya pang saluhin ang galaw sa pre­syo ng mga produktong petrolyo.
“Mukhang hindi pa napapanahon/premature dahil mayroon pong provisional fare increase sa halagang one peso at ayon sa kanilang computation, nako-cover pa po ang fuel cost para sa jeepneys,” pahayag ni Castro.

Giit pa ni Castro, na ang prayoridad ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay madagdagan ang singil sa pamasahe sa mga bus dahil wala silang temporary fare hike.
Sa kabila nito, patuloy aniyang pag-aaralan ng gobyerno kung ano ang maibibigay na tulong sa mga jeepney operators and drivers para mabawasan ang pasanin sa mahal na presyo ng petrolyo.

Sinabi naman ni ­LTFRB Chairman Vigor Mendoza na tututukan nila ang kampanya laban sa mga colorum vehicles dahil ito ang isa sa mga hiling ng mga operator at driver dahil sa pagliit ng kanilang kita.

Modernong serbisyo sa mga banko, inihain ng isang mambabatas

Posted on: February 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISANG panukala na naglalayong palakasin ang kapangyarihan ng Filipino consumer na makontrol ang kanilang pananalapi at oportunidad sa mga modernong serbisyo sa mga banko ang inihain ng isang mambabatas bangko.
“Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mga 44 porsyento ng mga Filipino adults ay walang bank accounts sa gitna ng pag usad ng digital payments at mobile banking,” ayon kay 1Tahanan Party-List Rep. Nathaniel Oducado, may akda ng House Bill No. 6669 o Open Banking and Open Financing Consumer Data Empowerment Act of 2025.
“This is often due to barriers such as distance from bank branches, documentary requirements, and the cost of maintaining accounts,” dagdag ni Oducado.
Inihain ni Oducado ang HB 6669 na nilalayong amyendahan ang Consumer Act at magtatag ng National Open Banking and Open Finance Framework, upang bigyan ng pagkakataon ang mga consumers, sa kanilang pahintulot, na ipamahagi ang kanilang financial data sa mga accredited banks, fintech firms, cooperatives, at iba pang regulated service providers.
“This bill puts the consumer at the center of the financial system,” Sinabi ni Oducado. “A framework which gives Filipinos ownership of their data would enable them to access better, more affordable, and more inclusive financial products.”
Ayon kay Oducado, ang Open Banking and Open Finance ay ginagamit sa mga mauunlad na bansa tulad ng Australia, sa European Union at United Kingdom, kung saan malaking benepisyo ang naidudulot sa mga consumers.
“Makakatulong ang ganitong sistema sa mga micro-entrepreneurs, low-income households, at mga malalayo at isolated communities kung saan ang mga residente rito ay may access sa credit, savings, at insurance products,” ayon kay Oducado.
(Vina de Guzman)