2026 budget, ipinasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa
- Published on October 13, 2025
- by @peoplesbalita
IPINASA ng Kamara, sa ilalim ng liderato ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, nitong Biyernes sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4058, o General Appropriations Bill (GAB) para sa taong 2026, na P6. 793-trillion national budget.
Siniguro ni Committee on Appropriations Chairperson at budget sponsor Rep. Mikaela Angela Suansing sa mga kasamahang mambabatas na ang lahat ng panukalang amendments para sa 2026 national budget ay masusing tinalakay at nakalagay sa ipinasang bersiyon ng version passed by the panel.
Sinabi pa nito na walang karagdagang amendments ang gagawin matapos aprubahan ang GAB sa ikalawang pagbasa.
Sa ginanap na period of individual amendments, nakiisa ang mga mambabatas lawmakers sa diskusyon sa ilang panukalang pagbabago sa budget. Kung saan nagpaliwanag si Suansing at dinepensahan at ipinaliwanag nito ang mayorya sa naging pagtatanong ng mga miyembro sa mga adjustments sa panukala.
(Vina de Guzman)