• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 11:54 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 22nd, 2025

Hergie Bacyadan sasabak na sa SEA Games matapos na magbago ang desisyon

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nagbago ng desisyon si Olympian boxer Hergie Bacyadan at ito ay lalahok na sa 33rd Southeast Asian (SEA) Games.

Ang nasabing pagbabago ay matapos na nakausap niya sina Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) secretary general Marcus Manalo at Philippine Olympic Committee (POC) secretary Wharton Chan sa posibilidad na sasabak ito sa women’s 70 kilogram division.

Sinabi nito na nakakuha siya ng suporta mula sa ABAP at POC kung saan magiging puspusan na ang kaniyang gagawing ensayo para mahabol ang timbang.

Makakasama niya sina Olympians Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas para ma-improve ang panalo ng boxing na nakakuha ng apat na ginto, limang silver at isang bronze medal noong 2023 SEA Games sa Cambodia.

Karl Eldrew Yulo pasok na sa finals ng all-around at tatlong apparatus ng Junior World Championship

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na sa finals ng individual all-around at tatlong apparatus ng 3rd Artisitic Gymnastics Junior World Championships si Filipino gymnast Karl Eldrew Yulo na ginaganap sa lungsod ng Pasay.

Sa qualifiers ay nagtala ang nakakabatang Yulo ng 78,332 points sa buong apparatus na nagtapos ito ng pang-15th overall.
Kasama rin siyang nag-qualify sa floor exercise, vault at horizontal bar finals.

Sinabi nito na bagamat natupad ang pangarap nito ay hindi pa aniya tapos ang laban kaya’t lalo pa niyang gagalingan sa finals.

Ang individual all-around finals ay gaganapin sa araw ng Sabado habang ang floor exercise finals ay sa araw ng Linggo at ang horizontal bar finals ay sa araw naman ng Lunes.

Si Karl Eldrew ay kapatid ng double Olympic Gold medalist na si Carlos Yulo na nanood din sa laro ng kapatid.

BABAENG ENGINEER PINASOK ANG APARTMENT, GADGET TINANGAY, SUSPEK ARESTADO DAHIL SA LOCATION APP

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

APARTMENT NG BABAENG ENGINEER, PINASOK, GADET TINANGAY, SUSPEK ARESTADO

ARESTADO ang isang hinihinalang akyat bahay nang natunton ang kanyang kinaroroonan dahil sa sa gadget na kanyang tinangay sa apartment isang isang babaeng Engineer sa Gen Trias City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Hawak na ng Gen Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas Paul, 46, isang delivery rider ng Brgy San Miguel 2, Silang, Cavite.

Sa salaysay ng biktima na si alyas Joana Mae, 29, isang Engineer ng F. Dizon Apartment , Green Breeze Village Ilang-ilang St., Brgy Biclatan, Gen Trias City, Cavite, umalis siya sa kanilang bahay at nagtungo sa isang ospital sa Maynila upang magpa-check up.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang bumalik ito sa kanyang apartment nang napansin na sira ang doorknob ng kanyang pintuan at nawawala na ang MacBook M4, Samsung Tablet S10 FE’ Nikon D7200 camera, Fujifilm Mini EVOCamera at cash na P20,000 o kabuuang P180,000.

Humingi ng tulong sa Manggahan Compac ang biktima kung saan ni-review ang CCTV sa lugar at namukhaan ang suspek.

Gumamit din ng aplication na locator sa pamagitan ng gadget na tinangay ng suspek kung saan natunton ang kinaroroonan nito at nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.
(Gene Adsuara)

PBBM, kumpiyansa na mapapagaan at mabawasan ang Oplan Kontra Baha ang pagbaha sa Cebu, Pinas

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapapagaan ang pagbaha sa bansa sa pamamagitan ng bagong inilunsad na programa na Oplan Kontra Baha.

Ikinasa ang inisyatiba sa Mahiga Creek malapit sa M. Logarta Bridge, matatagpuan sa pagitan ng mga lungsod ng Mandaue at Cebu.

“Ang projection natin, ang pangako sa atin… one year… ang pangako sa akin, ‘pag ka umulan ulit, hindi na magbabaha,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa Cebu province.

Sa nasabing event, sinaksihan ng Pangulo ang nagpapatuloy na aktibidades sa Mahiga Creek, kabilang ang ‘dredging, waste removal, cleaning waterways, at removal of illegal structures’ upang maibalik ang natural water flow at mabawasan ang panganib ng pagbaha.

Pinangasiwaan din ni Pangulong Marcos ang karagdagang dredging operations.

Ang Mahiga Creek ay bahagi ng halos 12-kilometer Subangdaku–Mahiga River system, na kinokonsidera bilang crucial waterway na mag-extends sa urban core ng Cebu City at nakapalibot na barangay.

Sa ulat, madalas na umaapaw ang ilog sa panahon ng matinding pag-ulan dahil sa pagtatayo ng banlik at naipon na basura na humaharang sa waterways, lalo na sa paligid ng Subangdaku Bridge. (Daris Jose)

IPINAAALAM ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa taumbayan na ang lahat ng mga impormasyon ukol sa kontrobersiyal at maanomalyang flood control projects na nakalap ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ire-refer o idudulog na sa Ombudsman para kaagad itong maimbestigahan.

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na ang impormasyon na kanyang tinutukoy ay tungkol sa mga impormasyon ng dating Speaker Martin Romualdez at Zaldy Co.

“Pag nakita lahat ng ebidensya, baka magfile ng kaso ng plunder o anti-graft o indirect bribery. Malakas naman ang loob natin na yung Ombudsman, ang ginagawa lamang ay sumusunod sa ebidensya, at kung saan tayo dinadala ng ebidensya, doon pupunta ang ating imbestigasyon,” ayon sa Pangulo

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na kagaya ng kanyang nasabi sa kanyang nakaraang pag-uulat, patuloy siyang magre-report sa taumbayan hinggil sa mga kaso at mga hindi magandang impormasyon na nakukuha niya tungkol sa mga flood control project. (Daris Jose)

HIGIT SA 24,000 MARIJUANA PLANTS NA NAGKAKAHALAGA NG ₱4.9-M WINASAK NG PDEA AT PNP SA 2 SUCCESSIVE HIGH-IMPACT OPERATIONS SA ILOCOS SUR

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY ang isinagawang dalawang magkasunod na High-Impact Operations (HIO) ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office I (PDEA RO1), kasama ang partner nitong mga law enforcement unit na nagta-target ng malalaking cultivation sites ng marijuana sa mga malalayong lugar ng Sugpon, Ilocos Sur mula Nobyembre 19 hanggang 20, 2025.

Unang operasyon (Nov. 19–20, 2025 | Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur). Ang joint operation ay pinangunahan ng PDEA Ilocos Norte Provincial Operations (INPO), na may suporta mula sa PDEA Regional Special Enforcement Team (RSET), PDEA Ilocos Sur Provincial Office PDEA ISPO), at Ilocos Sur Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit (IS PDEU).

Naglakbay ang mga operating team sa maraming plantasyon na lugar na sumasaklaw sa tinatayang 2,060 square meters, na nagresulta sa pagkatuklas at pagkasira ng 11,050 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱2,210,000.00; 250 na punla ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱10,000.00

Ang pagpuksa ay isinagawa sa pitong magkakahiwalay na lugar sa bulubunduking kalupaan ng Barangay Licungan.

Ikalawang operasyon (Nob. 20, 2025 | Sitio Sawangan, Sugpon, Ilocos Sur). Ilang oras lamang matapos ang unang operasyon, naglunsad ang PDEA Ilocos Sur Provincial Office at Sugpon Police Station (MPS) ng panibagong aktibidad sa pagpuksa ng marijuana, na suportado ng PDEA RSET, PDEA INPO, Ilocos Sur Police Provincial Office- 2nd Provincial Mobile Force Company (ISPPO-2nd PMFC), at ISPPO PDEU.

Sinakop ng team ang humigit-kumulang 1,900 metro kuwadradong lugar sa Sitio Sawangan, kung saan binunot ng mga awtoridad ang 13,400 fully grown na halaman ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱2,680,000.00 mula sa tatlong plantasyon.

Ang kabuuang halaga ng mga halaman ng marijuana na nawasak mula sa parehong operasyon ay nagkakahalaga ng ₱4,900,000.00.

Pinuri ni Regional Director Atty. Benjamin G. Gaspi ng PDEA RO1 ang tuluy-tuloy na koordinasyon ng mga yunit ng PDEA at katuwang na puwersa ng pulisya, na binibigyang-diin na ang mga sunud-sunod na operasyong ito ay nagpapakita ng hindi natitinag na pangako sa pagbuwag sa mga ilegal na droga sa rehiyon.

“Ang mga tagumpay na ito ay binibigyang-diin ang aming tuloy-tuloy, walang humpay na pagsisikap na putulin ang supply ng iligal na droga sa mismong pinagmumulan nito, ang PDEA at ang aming mga kasama ay hindi papayag na ang aming mga kabundukan ay pinagsasamantalahan para sa produksyon ng droga. Ang bawat operasyon ay isang hakbang para tiyakin na ligtas ang komunidad at walang ilegal na droga.”, dagdag ni RD Gaspi.

Ang mga nawasak na halaman ng marijuana ay sinunog sa lugar na sumusunod sa mga karaniwang protocol. (PAUL JOHN REYES)

Tagumpay para sa maayos na pamamahala:

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Malabon LGU, nakatanggap ng maraming papuri
NAKATANGGAP ng maraming papuri ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ngayong Nobyembre para sa mga tagumpay nito sa public health, family-centered development, at exemplary local legislation na nagpapatibay sa katayuan nito bilang isa sa mga pinaka-progresibo at mahusay na pinamamahalaan na mga lungsod sa Metro Manila.
Sinabi ni Mayor Jeannie Sandoval na ang mga pagkilala ay sumasalamin sa pinalakas na mga sistema at paghahatid ng serbisyo ng lungsod.
“Tatlong pagkilala po ang naigawad sa Malabon dahil sa ating mga programa sa kalusugan, pamilya, at paggawa ng polisiya. Ito ay inspirasyon sa atin na magpatuloy para sa mas maunlad na Malabon,” aniya.
Nakakuha ang City Health Department ng Malabon ng tatlong pangunahing pagkilala mula sa DOH–Metro Manila Center for Health Development sa isang awarding.
Ang Imelda Elementary School ay pinangalanang Outstanding Healthy Learning Institution, na nakakuha ng score na 96.22%, habang ang Walang Tulugan Serbisyo Caravan ay binanggit bilang isa sa Malabon’s model practices sa health service delivery.
Ibinahagi ng City Health Department na patuloy nitong sinusubaybayan at pinalalakas ang pagtataguyod ng iba’t ibang hakbangin sa kalusugan ng paaralan at komunidad upang matiyak na ang bawat pamilyang Malabueno ay nananatiling malusog at may kaalaman
Sa larangan ng paggawa ng patakaran, pinarangalan ang Malabon ng Exemplary Performance Local Legislative Award sa 2025 Urban Governance Exemplar Awards (UGEA). Kinikilala ng parangal ang mga lungsod na may lubos na gumagana, mahusay, at tumutugon sa lokal na lehislatibong katawan.
Ang Sangguniang Panlungsod ng Malabon ay pinapurihan sa paggawa ng mga ordinansang dokumentado, napapanahon, at nakahanay sa pag-unlad na naaayon sa Limang Haligi ng Pag-unlad ng lungsod: klima at kapaligiran, pag-unlad ng ekonomiya, proteksyon sa lipunan, mga ordinansa sa pagbabago ng ekonomiya, pag-unlad ng tao, at pag-unlad ng imprastraktura. Tinanggap ni Vice Mayor Edward Nolasco ang parangal sa ngalan ng LGU.
Nakuha rin ng Malabon ang 3rd Runner-Up, Model City – Family First Category sa ginanap na The Manila Times Philippine Model Cities and Municipalities PH 2025 na kumikilala sa mga LGU na may komprehensibong, family-centered programs.
Binigyang-diin ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na ang mga pagkilalang ito ay nagpapatunay sa pangako ng lungsod sa sustained, people-centered na pag-unlad.
“Ang bawat programang ating ipinapatupad ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay sa Malabon. This recognition strengthens our resolve to deliver initiatives that are compassionate, strategic, and truly beneficial to our communities,” pahayag niya. (Richard Mesa)

KONSEHO NG LUNGSOD NG MAYNILA, KINILALA BILANG OUTSTANDING LOCAL LEGISLATIVE AWARDEE; VICE MAYOR ATIENZA, NANAWAGAN NG PATULOY NA KAHUSAYAN SA PAGLILINGKOD

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Vice Mayor Chi Atienza ang 13th City Council sa pagpapahayag ng pasasalamat nitong Huwebes, Nobyembre 20, matapos tanggapin ng lungsod ang parangal na Outstanding Local Legislative Awardee mula sa Department of the Interior and Local Government – National Capital Region (DILG-NCR).

Inaprubahan sa unang pagbasa ang Draft Resolution No. 9305 na inakda ni Konsehal Elmer “Joel” Par, na kumikilala sa parangal ng DILG bilang patunay ng kahusayan ng Sangguniang Panlungsod sa paggawa ng mga lokal na batas na nagsisilbing haligi ng mahusay na pamamahala.

Ayon kay Konsehal Par, ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa mga halal na opisyal, kundi para rin sa buong support system ng lehislatura.

“Ako rin po ay dating empleyado ng City Council at ang karangalang ito ay tinataas na rin ang dignidad ng pagiging empleyado,” pahayag niya sa sesyon.

Ipinabatid din niya na ang tagumpay ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng council secretariat at ng pamumuno ng pangalawang alkalde.

Inaprubahan ni Atienza ang resolusyon at hinimok ang mga miyembro ng konseho na gawing inspirasyon ang natanggap na parangal.

“I also would like to make a manifestation that such an award should give you more drive to create more ordinances and resolutions na nag-aaklas para sa ating mga kababayan,” aniya.

Iginawad ang parangal sa 2025 Urban Governance Exemplar Awards na ginanap noong Nobyembre 4, 2025 sa Quezon City.

Kinilala rin ang Maynila bilang NCR Top Performer para sa Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) 2025 Functionality Audit at NCR Top Performer para sa Informal Settler Families (ISF) Cluster.

Nakatanggap din ang lungsod ng pagkilala bilang Significant and Invaluable Partner ng Peace and Order Council (POC) at Anti-Drug Abuse Council (ADAC).

Sa pagpapatuloy ng konseho, pinatutunayan ng mga natanggap na pagkilala na ang pamumuno ni Atienza ay nananatiling nakatuon sa pagpapanatili ng mataas na antas ng serbisyo—at sa pagtiyak na bawat sesyon ay produktibo at nakaugat sa tunay na pangangailangan ng bawat Manileño. (Gene Adsuara)

Higit sa 24,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng P4.9 M winasak ng PDEA at PNP sa 2 successive high- impact operations sa Ilocos Sur

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY ang isinagawang dalawang magkasunod na High-Impact Operations (HIO) ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office I (PDEA RO1), kasama ang partner nitong mga law enforcement unit na nagta-target ng malalaking cultivation sites ng marijuana sa mga malalayong lugar ng Sugpon, Ilocos Sur mula Nobyembre 19 hanggang 20, 2025.

Unang operasyon (Nov. 19–20, 2025 | Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur). Ang joint operation ay pinangunahan ng PDEA Ilocos Norte Provincial Operations (INPO), na may suporta mula sa PDEA Regional Special Enforcement Team (RSET), PDEA Ilocos Sur Provincial Office PDEA ISPO), at Ilocos Sur Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit (IS PDEU).

Naglakbay ang mga operating team sa maraming plantasyon na lugar na sumasaklaw sa tinatayang 2,060 square meters, na nagresulta sa pagkatuklas at pagkasira ng 11,050 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱2,210,000.00; 250 na punla ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱10,000.00

Ang pagpuksa ay isinagawa sa pitong magkakahiwalay na lugar sa bulubunduking kalupaan ng Barangay Licungan.

Ikalawang operasyon (Nob. 20, 2025 | Sitio Sawangan, Sugpon, Ilocos Sur). Ilang oras lamang matapos ang unang operasyon, naglunsad ang PDEA Ilocos Sur Provincial Office at Sugpon Police Station (MPS) ng panibagong aktibidad sa pagpuksa ng marijuana, na suportado ng PDEA RSET, PDEA INPO, Ilocos Sur Police Provincial Office- 2nd Provincial Mobile Force Company (ISPPO-2nd PMFC), at ISPPO PDEU.

Sinakop ng team ang humigit-kumulang 1,900 metro kuwadradong lugar sa Sitio Sawangan, kung saan binunot ng mga awtoridad ang 13,400 fully grown na halaman ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱2,680,000.00 mula sa tatlong plantasyon.

Ang kabuuang halaga ng mga halaman ng marijuana na nawasak mula sa parehong operasyon ay nagkakahalaga ng ₱4,900,000.00.

Pinuri ni Regional Director Atty. Benjamin G. Gaspi ng PDEA RO1 ang tuluy-tuloy na koordinasyon ng mga yunit ng PDEA at katuwang na puwersa ng pulisya, na binibigyang-diin na ang mga sunud-sunod na operasyong ito ay nagpapakita ng hindi natitinag na pangako sa pagbuwag sa mga ilegal na droga sa rehiyon.

“Ang mga tagumpay na ito ay binibigyang-diin ang aming tuloy-tuloy, walang humpay na pagsisikap na putulin ang supply ng iligal na droga sa mismong pinagmumulan nito, ang PDEA at ang aming mga kasama ay hindi papayag na ang aming mga kabundukan ay pinagsasamantalahan para sa produksyon ng droga. Ang bawat operasyon ay isang hakbang para tiyakin na ligtas ang komunidad at walang ilegal na droga.”, dagdag ni RD Gaspi.

Ang mga nawasak na halaman ng marijuana ay sinunog sa lugar na sumusunod sa mga karaniwang protocol. (PAUL JOHN REYES)

Navotas, may bagong Iskolar ng Bayan

Posted on: November 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN ng 15 ang scholars ng Navotas City sa visual arts, music, dance, theater arts, at creative writing. Tatanggap sila ng P16,500 kada academic year para sa transportation at food allowance, at P20,000 naman para sa trainings at workshops. Binati sila ni Mayor John Rey Tiangco na nangakong suportado niya ang patuloy na paglago ng husay at talento ng mga ito. (Richard Mesa)