• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 11:59 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 20th, 2025

MADRASAH EDUCATION PROGRAM, LUMUSOT NA

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PASADO na sa ikalawang pagbasa ang panukalang ordinansa sa Maynila na magpapalakas sa Madrasah Education Program.
Layunin nitong isama ang community-based Islamic schools sa sistema ng edukasyon ng lungsod sa pamamagitan ng mekanismong para sa akreditasyon, curriculum standardization, at pagbibigay ng teknikal at pinansiyal na suporta sa mga guro na matagal nang naglilingkod nang boluntaryo.
Ayon kay Councilor Elmer Par, tinatayang 50,000 Muslim ang naninirahan sa Golden Mosque area kaya’t mahalagang mabigyan ng pormal na suporta ang Madrasah.
Binibigyang-diin naman ni Councilor Lou Veloso ang pangangailangan ng standardized curriculum upang masiguro ang kalidad ng edukasyon habang napapanatili ang Islamic values.
Pinuri ni Vice Mayor Chi Atienza ang ordinansa bilang hakbang tungo sa mas inklusibong pamayanan sa Maynila. (Gene Adsuara)

Obrero, helper kulong sa sugal, droga sa Valenzuela SA loob ng selda humantong ang paglilibang ng apat na kelot sa pamamagitan ng paglalaro ng ilegal na sugal matapos silang maaresto ng pulisya sa Valenzuela City.

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA ulat ng Malinta Police Sub-Station 4 kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, bandang alas-3:30 ng hapon nang maaktuhan ng mga tauhan ng SS4 ang dalawang obrero na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa Area 5, Pinalagad, Brgy., Malinta.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang dambahin nina P/MSg. Belarma at Pat. Asuncion at nakuha sa kanila ang bet money at pangara habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu ay nasamsam kay alyas “Jay”, 25.

Nauna rito , dakong alas-8:30 ng gabi nang mahuli rin sa akto ng mga tauhan ni Karuhatan Police Sub-Station 9 Commander P/Capt. Joan De Leon ang dalawang kelot na nagsusugal rin umano ng cara y cruz sa Area 1, Family Compound, Brgy., Karuhatan.

Nilapitan nina PSSg Raheb Usman at Pat Dan Aldrin Baladad ang dalawa sabay nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto at nasamsam sa kanila ang bet money at pangara habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas “Jerico”, 24, helper.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o ang Anti-illegal Gambling Law habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakarapin pa nina ‘Jay’ at ‘Jerico’. (Richard Mesa)

Kelot, isinelda sa frustrated homicide sa Valenzuela

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang 20-anyos kelot na wanted sa kaso ng frustrated homicide matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

SA ulat, ikinasa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang pagtugis sa 20-anyos na kelot na kabilang sa mga Most Wanted Person ng Valenzuela Police.

Dakong alas-5:10 ng hapon nang tuluyang masukol ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Felix Viernes ang akusado sa Brgy., Gen T De Leon.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng pulisya ang warrant of arrest para sa kasong Frustrated Homicide.

Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 171, Valenzuela City, noong November 17, 2025 na may inirekomendang piyansa na P72,000.00 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment mula sa korte. (Richard Mesa)

Erice nanawagan kay PBBM ng pagpapaliwanag ukol sa P100B insertions; DBM, Finance, NEDA , dapat ipatawag

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Caloocan 2nd District Rep. Edgar R. Erice na ang Pilipinas ay nasa gitna ng isang malalim na krisis politikal, ekonomiko, at moral, na higit pang pinapatindi ng lumalalang korapsyon at hidwaang pampulitika.

“Ang landas tungo sa solusyon ay hindi kaguluhan, hindi kudeta, at hindi “BBM Resign. Hindi po solusyon ang pagpapatalsik sa Pangulo. Mas lalo itong magdudulot ng pagkakawatak-watak sa bayan, ” pahayag ni Erice.

Aniya, kung mapalitan ang Pangulo sa paraang hindi naaayon sa Saligang Batas, mas lalo lamang lalalim ang awayang pampulitika at magpapatuloy ang cycle ng paghihigantihan at palitan ng kapangyarihan.

“Kapag nag-resign si Pangulong Bongbong Marcos, papalit si VP Sara, at lalo tayong magkakawatak-watak. Wala ring tunay na pagbabago kung ang sistema ay bulok pa rin,” dagdag niya.

Nananawagan si Erice na kinakailangan dumaan sa Konstitusyonal na Proseso at ang nagkasala sa gitna ng mga akusasyon ng korapsyon laban sa Pangulo, mga mataas na opisyal, at iba pang sangay ng gobyerno.

Aniya, kung may ebidensyang lumabag ang Pangulo o sinumang opisyal sa Konstitusyon, naroon ang impeachment, ang Independent Commission on Infrastructure (ICI), at iba pang legal na mekanismong dapat galangin.

Iginiit din ni Erice sa Makabuluhang Kontitusyonal na Reporma na hindi sapat ang pagpapalit ng mga tao, ang dapat palitan ay ang sistemang nagpapalago ng katiwalian.

Kaya nanawagan siya ng agarang pagpasa ng mga sumusunod: 1. Anti-Political Dynasty Law na layong wakasan ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa iilang pamilya at itama ang deka-dekadang pag-abuso; Anti-Turncoatism Law , na tutuldok sa balimbingan at gawing makabuluhan ang political parties; Campaign Finance Reform na layong gawing patas ang laban sa halalan at mabawasan ang impluwensiya ng yaman sa politik at ang Pagpapalakas ICI nang sa gayon ay magkaroon ng tunay na kakayahang imbestigahan, kasuhan, at supilin ang korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno, maging sino man ang mabulgar.

Panawagan niya kina Pangulong Bongbong Marcos, Pangalawang Pangulong Sara Duterte, mga Senador, at mga kasamahan sa Kamara na unahin ang bayan bago ang sarili.

Hinimok din niya si Pangulong Marcos na isama sa legislative agenda ang mga repormang nabanggit at i-certify as urgent.

Hinikayat din ni Erice ang Pangulo na ipaliwanag nang malinaw sa publiko ang mga alegasyon ni dating Congressman Zaldy Co tungkol sa ₱100 bilyong insertions sa 2025 General Appropriations Act at iba pang nakaraang taon.

“Ito ay isyu ng kakayahan at pananagutan. Hindi maaaring balewalain. Kaya nananawagan ako na imbitahan at tanungin agad ang mga opisyal ng Department of Budget and Management, Department of Finance, at NEDA Secretary upang lumabas ang katotohanan.” giit ni Erice.

Sa pamamagitan ng Konstitusyon, maaari pa nating iligtas ang bayan at bigyan ang mamamayan ng tunay na pagbabago,” pagtatapos niya.
(Richard Mesa)

SHOW CAUSE ORDER KONTRA MARCOLETA, ILALABAS

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGLALABAS ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) si Senator Rodante Marcoleta dahil sa umano’y maling pagdeklara ng donasyon sa kampanya.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na layunin ng show cause order na pagpaliwanagin si Marcoleta kung saan naggaling o sino ang nagbigay ng donasyon sa anyang kampanya.

Ayon kay Garcia, ang Political and Finance Department ng komisyon ang mag-iisyu ng show cause order laban sa senador dahil sa ulat na umano’y hindi pagtutugma ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Marcoleta sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Ayon kay Garcia, lumalabas base sa SOCE ni Marcoleta na P112 milyon ang nagastos sa kampanya, mas mataas kumpara sa higit P52 milyon na idineklara sa kanyang SALN.

Paliwanag ng Comelec, dapat malinaw na nakalista sa SOCE ang lahat ng donor at pinagmulan ng kontribusyon, at walang exemption kahit anonymous a kong donor.

Possible namang maharap sa kasong perjury o paglabag sa election law si Marcoleta kung mapatunayang pineke ang kanyang SOCE, sabi pa ng Comelec.( Gene Adsuara)

PBBM, gustong makita ng mga investors ang Pinas bilang ‘nation of promise’

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GUSTO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makita ng mga investors at mga Filipino ang Pilipinas bilang “nation of promise”.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa 150th anniversary gala ng Hongkong and Shanghai Banking Corporation (HSBC) sa Taguig City, isinulong ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagtutulungan sa pagitan ng public at private sectors para ipuwesto ang Pilipinas bilang ‘nation of promise.’
“Together, let’s build a more progressive Philippine economy where people can access reliable financial services, obtain meaningful opportunities, and live more dignified, comfortable lives,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Let us continue creating an environment where investors, stakeholders, and most importantly, our citizens see the Philippines as a nation of promise,” aniya pa rin.
Pinuri rin ng Punong Ehekutibo ang financial firm para sa naging kontribusyon nito sa ekonomiya.
“And today, as HSBC adapts to a rapidly changing economy, we are confident that the bank will remain true to its commitment to making its services more inclusive, more secure, and accessible to all Filipinos,” ani Pangulong Marcos.
Ang kahalintulad na prinsipyo ang gumabay sa kolaborasyon sa pagitan ng gobyerno at HSBC sa kamakailan lamang na financial initiatives.
“Your participation in recent bond issuances, including the SEC-registered 3.3 billion US dollars equivalent dual-currency global bond offering, has ensured that vital government programs can proceed amidst challenging times,” anito.
“These programs—whether on infrastructure, education, or social protection—directly benefit our people, especially those who rely on stable public services,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Binigyang diin pa rin ng Pangulo ang pagsisikap ng HSBC na “to benchmark borrowing costs” at ang suporta nito sa Philippine Economic Briefings.
Pinuri rin ng Pangulo ang pakikipagtulungan ng kumpanya sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na tumulong sa Pilipinas na maging ‘viable’ sa mga investors.
“Through your collaboration with agencies like the Board of Investments and the Philippine Economic Zone Authority, more global investors are introduced to the potential [and] capabilities of the Filipino workforce—bringing in more employment opportunities, better training programs, and greater possibilities for their families,” ayon kay Pangulong Marcos.
Winika pa ng Pangulo na ang kanyang administrasyon ay “continues to fortify the financial system that supports (HSBC’s) aspirations.” ( Daris Jose)

LeBron James wala ng interest na maglaro pa sa Olympics

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Wala ng interest pa si NBA superstar LeBron James na makapaglaro sa Olympics.

Sinabi pa nito na sapat na ang apat na Olympic gold medals.

Dagdag pa ng 40-anyos na Los Angeles Lakers star na papanoorin na lamang niya USA basketball team sa Los Angeles 2028 Olympics.

Magugunitang kabilang si James ng makakuha ng bronze medals sa 2004 Olympics ang USA basketball at gold medals naman ang 2008, 2012 at 2024 Olympics.

PBBM, nais na isama ang sports sa ‘daily schedule’ ng mga estudyante

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisama sa pang-araw na ‘school activities’ ng mga estudyante ang sports, binigyang diin ang leksyon o aral na makukuha sa pamamagitan ng sport na maaaring i-apply sa ibang aspeto ng buhay.
Sa pagsasalita sa reopening ceremony ng PhilSports Complex sa Pasig City, araw ng Miyerkules, inalala ni Pangulong Marcos ang kanyang ‘personal memories’ nang isali siya ng kanyang ama na si dati at namayapang Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa lahat ng uri ng isport o palakasan.
“There is no other activity that builds character better than sports. There is no other activity, especially for young people. Because whether you win or lose, it helps you become a better person,” ayon sa Pangulo.
“All of the things you learn when you compete in sports, even at a low level, even if you are still very young, those intramurals, so long as you join in sports, all of these will teach you how to be a better person,” ang sinabi ng Pangulo sa audience.
“And that’s why, just for me, it has become so, so important. And that’s why I think that it’s important to bring it back to schools,” aniya pa rin.
Muli namang nangako ang Pangulo na susuportahan ng gobyerno ang mga atleta sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng lahat ng tulong na kailangan nila.
“We will continue to inspire young people and we will continue to support that inspiration by saying, ‘We are here. The government is here,’ ang sinabi ng Pangulo sa mga atleta.
“We are working to make sure that you have all that you need so that things become wonderful, so that you will be triumphant in your competitions wherever you go,” aniya pa rin.
Samantala, tampok sa newly reopened PhilSports Complex ang ‘reconstructed at refurbished facilities’ gaya ng dormitoryo ng mga atleta, sports museum, at dining hall at sports offices ng mga atleta.
Tutuluyan ito ng mayorya ng national training pool ng bansa at mananatiling ‘a sought-after venue’ para sa national sports events at cultural engagements para sa iba’t ibang organisasyon.

Mamoru Hosoda’s epic time-traveling tale “Scarlet,” arrives exclusively at SM Cinemas

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

A sword-wielding princess. A medic with a heart. Academy Award®-nominated filmmaker Mamoru Hosoda tells a story across time and space with Scarlet, which finds a home exclusively in SM Cinemas.

Watch the trailer: https://youtu.be/8D4-ZihpaC4

In Scarlet, a battle-trained princess from the medieval era fails to avenge her father’s death, and awakens in a mysterious afterlife. She meets a young man who lived hundreds of years from her future, and his compassion challenges her desire for vengeance. Scarlet and her new companion are faced with a journey that makes her discover a life beyond violence.

Hosoda started his career in animation in legendary studio, Toei Animation, formerly known as Toei Doga in 1991. He had his directorial debut in 1999 with the first film in the beloved Digimon franchise, Digimon Adventure. From then his focus is set on freelance work, directing box-office hits such as The Girl Who Leapt Through Time (2006) and Summer Wars (2009). He gained worldwide recognition with his 2018 film Mirai, which was nominated for Best Animated Feature Film at the 91st Academy Awards.

Scarlet takes audiences on an adventure exclusively at SM Cinemas on December 10.

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)

Pinaghandaan talaga ang role sa musical play: JEFFREY, magre-represent ng OFWs kaya marami ang makaka-relate

Posted on: November 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHANDAAN ni Jeffrey Hidalgo ang papel niya bilang si Willie sa “Jeproks, The Musical”.
“Ako, after reading the material, I’m excited to create a new character for this production.
“Yung character ko kasi, kumbaga representative siya of OFWs all around the world. So, doon sa story ko, doon sila makaka-relate.
“I guess, hindi lang OFWs, mga Pinoy, yung toxic… ano bang tawag dun? Toxic family culture, doon ita-tackle sa thread ng character.
“Yun nga, sinabi na din yun ni direk [Frannie Zamora] na para bang iba yung kilos ng mga tao noong 70s. Medyo mas mabagal, but at the same time, mas may care.
“Ngayon kasi medyo wapakels yung generation ngayon. Ha! Ha! Ha! So iyon. Iyon yung paghahanda na pinag-uusapan namin ni direk, kung anong klaseng character yung gagawin ko for my character, which is Willie.
“Nakakatawa kung mapapansin ninyo yung names namin. Siya si Mico, ako si Willie, si Nino si Paolo, so parang loosely based kay Mike, Wally, and Pepe.”
Pioneer ng rock music sa Pilipinas noong 70s sina Mike Hanopol, Wally Gonzales at Pepe Smith.
Pagpapatuloy pa ni Jeffrey, “Pero loosely based talaga, walang connection, letter lang. But yun nga, ang maganda dun sa mga characters namin, parang ano siya, representative siya of us, as Filipinos.
“So, I’m sure may at least one character na makaka-relate.”
Ang “Jeproks, The Musical” ay kuwento ng magkakaibigang Mico (David Ezra), Willie (Jeffrey) at Paulo (Nino Alejandro).
Inspired ito ng mga awitin ng Pinoy rock icon na si Hanopol at mapapanood sa GSIS Theater sa Roxas Boulevard mula November 20 to 30, 2025.
Ilan sa hits ni Hanopol kasama ang The Juan dela Cruz Band ay ang Laki Sa Layaw, Himig Natin, Titser’s Enemi # 1, Balong Malalim, Buhay Amerika, Beep Beep at marami pang iba.
Produced ng Tanghalang Una Obra (ni Frannie Zamora na siyang direktor ng musical play) at ng The Hammock Productions, Inc., available ang tickets para sa Jeproks, The Musical sa Ticketworld at sa www.ticket2me.net.
***
GUMAGANAP naman bilang aktibistang si Paz ang theater actress na si Sheila Ferrer sa “Jeproks, The Musical”.
Dahil dito, minsan ba ay sumagi sa isip ni Sheila na parang umuulit lamang ang kasaysayan?
“Yes,” bulalas ni Sheila.
“Kaya nga ano eh, ang gandang i-present niya ngayon, dahil ano e, ganun pa rin yung nangyayari, e.”
Sa panahon ngayon na maraming magagandang palabas sa sinehan, maraming pagkakalibangan online, paano niya kukumbinsihin ang mga kabataan, ang mga Gen Z at millennials, na manood ng isang musical play na tulad ng “Jeproks, The Musical”
“Tingin ko itong musical na ‘to, it’s also educational, in a way, sa mga youth ngayon.
“Kasi makikita nila kung paano yung mga Filipinos during the 70’s.
“Makikita nila kung paano ginamit yung music as a tool to express, as a tool para express na kailangan natin ng freedom, ipakita yung identity natin.”
Mainit rin ang usapin tungkol sa pulitika; sa tingin ba ni Sheila ay dapat ihalo politics at art?
“Ako kasi naniniwala ako na art is political, kasi… well, even before naman talaga, art is used as a tool din po. “Yun nga, kung meron tayong pinaglalaban, marami ngang mga protest songs, ganyan. Pero ang importante lang naman at the end of the day, kung ano talaga yung tool and yung makakabuti sa lahat.”

(ROMMEL GONZALES)