• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:20 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 24th, 2025

Libu-libong housing units, ilalabas sa publiko National Housing Expo, pinangunahan ni PBBM

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DUMALO araw ng Huwebes si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa National Housing Expo na ginanap sa World Trade Center.Ang housing expo ay bahagi ng programa ng Department of Human Settlements and Urban Development sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH.Kabilang sa ginawang aktibidad ay ang pagbibigay ng on-site housing loan assistance at financing support at tulong mula sa Pag‑IBIG Fund.Sinasabing, dito ay malalaman ng mga nais magkaroon ng sariling tahanan kung magkano ang kayang hiramin at alin sa mga available units ang swak sa budget ng isang interesadong potential house buyer.Nakasama ng Pangulo sina Secretary Jose Ramon Aliling ng DHSUD, Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez, NHA General Manager Joeben Tai at Marilene Acosta – Chief Executive Officer ng Pag-IBIG. ( Daris Jose)

Warriors, tinalo ang Lakers sa ‘opening night’ ng NBA regular season NAGWAGI ang Golden State Warriors laban sa Los Angeles Lakers sa pagbubukas ng NBA regular season, sa iskor na 119-109.

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Pinangunahan ni Jimmy Butler ang kanyang koponan matapos makapagtala ng 31 puntos, habang nag-ambag si Stephen Curry ng 23 puntos at si Jonathan Kuminga naman ay may 17 puntos.

Samantala, nasayang ang 43 puntos ni Luka Dončić, na siyang bumuhat sa Lakers sa kabila ng pagkawala ni LeBron James na hindi nakalaro dahil sa patuloy na paggaling mula sa kanyang injury.

Sinubukan pang humabol ng Lakers sa huling yugto ng laro, kung saan bahagyang lumapit ang iskor.

Gayunman, sinelyuhan ni Stephen Curry ang panalo ng Warriors matapos maipasok ang isang crucial three-point shot sa mga huling segundo ng laban.

Pilipinas planong mag-host ng Asian Youth Games

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AYON kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, naiparating na nito sa Malakanyang ang impormasyon sa balakin na maging host ng 2031 Asian Youth Games.

Dagdag pa nito na bukod sa Asian Youth Games ay ikinokonsidera din nila ang hosting ng Asian Beach Games.

Umaasa ito na tutulungan siya ng gobyerno para maisakatuparan ang balakin na hosting ng ito.

Layon nito ay para mapalakas ang tsansa ng mga batang atleta ng bansa na makalahok sa mga international competitions.

Sa nagaganap kasi na Asian Youth Games sa Bahrain ay nagpadala ang Pilipinas ng 141 na atleta sa lalahok sa volleyball, golf, triathlon, boxing, teqball, athletics, weightlifting, jiujitsu at Kurash.

Presensya ng pulisya sa mataong lugar sa panahon ng Pasko

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang Manila Police District (MPD) na tiyakin ang presensiya ng pulisya sa mga komersyal at pampublikong lugar ng lungsod bilang paghahanda sa nalalapit na panahon ng Kapaskuhan, dahil inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga insidente ng krimen sa huling bahagi ng taon.

Sa kanyang talumpati sa Manila Peace and Order Council 4th Quarter Meeting noong Huwebes, Oktubre 23, iniutos ni Domagoso sa MPD na mahigpit na sundin ang direktiba ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nag-aatas ng mas pinaigting na presensiya ng pulisya sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa Alkalde, pinaiigting ng pamahalaang lungsod ang kampanya para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa pakikipagtulungan ng MPD, mga barangay, at iba pang ahensiya ng pagpapatupad ng batas.

Ayon kay Domagoso, Domagoso, ang pulis ay dapat nasa kalsada, nakikita, at nararamdaman ng tao, base sa kautusan ni Gen Nartatez.

Inatasan ni Domagoso ang MPD na magtalaga ng karagdagang mga tauhan at magsagawa ng 24-oras na pagpapatrolya sa mga mataong lugar tulad ng Binondo, Recto, Quiapo, Ermita, Malate, at University Belt.

Ang direktiba ng Alkalde ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng kanyang administrasyon na palakasin ang kaligtasan ng publiko, na una niyang binigyang-diin bilang isa sa mga pangunahing haligi ng kanyang “street-smart government” approach sa ilalim ng Make Manila Great Again na programa sa pagpapaunlad.

Sa loob ng unang 100 araw ng kanyang panunungkulan, naitala ng lungsod ang 9.2% pagtaas sa crime solution efficiency rate ng MPD, na iniuugnay ng Alkalde sa pinaigting na kampanya para sa kapayapaan at kaayusan.

“Ang gusto natin ay ligtas, mapayapa, at maayos ang Pasko sa Maynila. Titiyakin natin ’yan para sa mga Batang Maynila at sa mga bumibisita sa ating lungsod,” ani Domagoso. (Gene Adsuara)

Dinepensahan ni Goitia ang Unang Ginang na si Liza Araneta Marcos

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ng patas at mahinahong pagtingin sa mga isyung ibinabato laban kay Unang Ginang Liza Araneta Marcos kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga proyekto ng flood control.
“Ang integridad ay hindi dapat husgahan sa pamamagitan ng tsismis o haka-haka, aniya.”
“Nakakalungkot na sa panahon ngayon, mas mabilis ang mga tao maghusga kaysa magsuri. Hindi naman opisyal ng gobyerno ang Unang Ginang at hindi rin siya kontratista ng pamahalaan. Gayunman, isinasangkot siya sa mga isyung walang malinaw na patunay, ” ani Goitia.
Ayon pa rito, ang panawagang imbestigahan ang Unang Ginang na umano’y isinulong ng isang advocacy group ay tila “panghuhuli ng isda sa gitna ng politika,” at hindi makatotohanang pagsisiyasat.
“Mahalaga ang pananagutan sa mabuting pamamahala, ngunit kasinghalaga rin nito ang katarungan,” pahayag niya.
“Kapag ang paratang ay walang basehan, hindi na ito isang gawaing makabayan kundi paninira sa pangalan ng iba.”
Ipinunto rin niya na ang Unang Ginang, bilang abogado at propesor ay kilala sa kanyang propesyonalismo at pagiging tahimik sa gitna ng politika.
“Ang kanyang pagkatao ay ginagabayan ng dignidad at respeto sa batas .Hindi siya nakikialam sa mga bagay na labas sa kanyang tungkulin.”
Naglabas din ng pahayag ang Malacañang na nagsabing ang kahilingan para sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay isang “fishing expedition” na layuning magpasiklab ng kontrobersiya imbes na maghanap ng katotohanan. Binigyang-diin ng Palasyo na dapat ang anumang imbestigasyon ay nakabatay sa matibay at mapapatunayang ebidensya, at hindi sa mga sabi-sabi.
“Hindi dapat ginagawang batayan ng balita ang mga paratang na walang patunay,” ayon sa Palasyo.
“Ang imbestigasyon ay dapat isinasagawa lamang kung may malinaw na dahilan at sapat na ebidensya.”
Binalaan ni Goitia ang publiko laban sa “trial by speculation” o paghuhusga batay sa tsismis, lalo na sa panahon ng social media.
“Kapag pinalitan ng social media ang ebidensya, ang unang biktima ay ang katotohanan,” sabi niya.
Binanggit din ni Goitia na ang pag-atake sa Unang Ginang ay hindi dahil sa ebidensya, kundi dahil sa pagiging malapit niya sa Pangulo, isang taktika na nagpapahina sa tiwala ng mamamayan sa mga institusyon.
“Ang pagdadawit kay First Lady sa bawat isyu ay hindi pagkilos para sa transparency kundi pang-aabuso,” ani Goitia.
Ipinaalala rin niya na ang mga proyekto sa flood control ay hawak ng mga ahensya ng gobyerno na may sariling auditing process, kaya hindi ito maaaring iparatang sa mga pribadong indibidwal.
“May mga umiiral nang sistema ang gobyerno. Ang dapat gawin ay palakasin ito, hindi siraan ang mga taong walang direktang kinalaman,” paliwanag pa nito.
Nanawagan si Goitia sa publiko na maging mahinahon, mapanuri at itaguyod ang dangal ng mga taong naglilingkod sa bayan.
“Hindi natin maaaring sabihing mahal natin ang bansa kung pinapayagan nating sirain ang mga institusyon nito sa pamamagitan ng paninira,” aniya. “Maging matalino tayo. Maging makatarungan. Mahalaga ang patas na pamamahayag at responsableng pagtatanong.
“Bahagi ng demokrasya ang magtanong at magsiyasat, ngunit bahagi rin nito ang paggalang,” wika niya. (Richard Mesa)

Higit 600 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Malabon

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit 600 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang halos 1,000 kabahayan sa naganap sunog sa Malabon City, Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ng Malabon Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-4:49 ng hapon sa Banal na Krus St. Gov. Pascual Avenue, Sitio 6, Brgy. Catmon na kaagad kumalat ang apoy sa magkakadikit na mga kabahayan.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, kaagad itinaas sa Task Force Alpha ang sunog bandang alas-5:45 ng hapon na ibig sabihin ay kinakailangan na ang tulong ng mga bumbero mula sa mga kalapit na lungsod.

Mahigit 40 trak ng bumbero mula sa karatig na mga lungsod sa Kamaynilaan ang nagresponde at nagtulong-tulong bago tuluyang makontrol ang apoy dakong alas-9:47 ng gabi at tuluyang idineklarang fire out alas-12:00 na ng hating gabi.

Umabot naman sa 607 pamilya ang nawalan ng tirahan, 283 sa kanila ang nasa Catmon evacuation center, 159 ang nasa Acacia Elementary School, 50 sa Catmon Integrated School, at 15 sa Tonsuya Covered Court.

Tatlo naman ang kinailangang dalhin sa Tonsuya Super Health Center, kabilang ang isang rumespondeng bumbero na nakagat ng aso, ang isa na nagtamo ng malalim na sugat sa braso, habang nahirapan namang huminga ang isa pa.

Kaagad naman nagtalaga ng team ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) si Mayor Jeannie Sandoval sa mga evacuation center upang mabigyan ng pagkain at pangunahing pangangailangan ang mga nasunugan, pati ng Mobile Laundry Unit na nakalaan sa mga biktima ng sakuna.

Wala namang nasawi sa insidente habang inaalam pa ng BFP arson investigators ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy lalu’t karamihan sa mga nasunugan ay walang naisalbang mga gamit. (Richard Mesa)

Medical allowance ng BuCor hirit na doblehin

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINIRIT ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2026 budget ng Department of Justice na madagdagan ang medial allowance ng mga persons deprived of liberty (PDL) .
Hiling ni BuCor Director General Gregorio Pio catapang Jr., kay Senator Sherwin Gatchalian sa naturang pagdinig na madoble ang medical allowance ng mga PDL mula P15 hangang P30 kada araw.
Aniya, ito ay para mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa mga kulungan.
Giit ni Catapang, isinusulong nila ang “medical parole bill” para sa mga PDL na may edad 70 pataas at mga may malubhang karamdaman.
Ayon pa sa opisyal, makataong hakbang ito na tutulong sa decongestion ng mga kulungan at magbibigay-ginhawa sa mga matatanda at maysakit na bilanggo.
(Gene Adsuara)

Driver sa Quezon lusot sa paihi pero kulong sa baril

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUSOT sa “paihi” pero kulong sa pagdadala ng baril ang driver ng isang oil tanker makaraang masita ng pulisya Huwebes ng madaling araw sa Sariaya, lalawigan ng Quezon.
Sa ulat, nagpapatrolya ang Sariaya Municipal Police Station nang matiyempuhan nila ang pagbabawas ng kargang produktong petrolyo sa oil tanker na may plakang AUA 6371 ng suspek na si alyas “Manuel” dakong alas-2 ng madaling araw sa gilid ng lansangan sa Brgy. Castañas, Sariaya. Quezon.

Nang sitahin, ikinatuwiran ng suspek na inutusan lamang sila ng may-ari ng tanker na karaniwan ng ginagawa ng iba pang mga oil tanker bago pumasok sa Azora Terminal.

Kaagad na ipinatawag ng pulisya ang may-ari ng tanker na nagpatotoo naman sa sinabi ng suspek.

Gayunman, habang ini-imbestigahan, kusang isinuko ng suspek ang dalang kalibre .45 pistola na kargado ng limang bala ang magazine na natuklasang hindi lisensiyado kundi mission order lamang mula sa 59th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa Rosario, Batangas na inilabas noong Hulyo 18, 2025.

Dahil dito, inaresto ng mga pulis si alyas Manuel na sasampahan ng kasong paglabag R.A 10592 o ang Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act sa Municipal Prosecutor’s Office ng Sariaya, Quezon.
(Gene Adsuara)

Speaker Faustino “Bojie” Dy III has vowed to fight for the passage of a long-overdue Magna Carta for Barangays

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SPEAKER Faustino “Bojie” Dy III has vowed to fight for the passage of a long-overdue Magna Carta for Barangays that will finally give barangay officials the recognition, dignity, and compensation they rightfully deserve as full-fledged government employees, not volunteers.
Speaking before over two thousand local leaders during the recent Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National Congress, Dy said the measure is one of the eight legislative priorities of the House of Representatives and a key part of his commitment to strengthen the foundations of grassroots governance.
“Muli ko pong gustong sabihin sa inyo at iparating sa bawat isa sa inyo na amin pong ipaglalaban ang Magna Carta para po sa ating mga barangay,” Dy declared, drawing applause from barangay officials.

A former barangay executive himself, Dy is the author of House Bill No. 3533, which seeks to establish the Magna Carta for Barangays and formally recognize barangay officials as regular government employees entitled to fixed salaries, full benefits, and retirement security.

The bill, along with several similar proposals, is now pending before the House Committee on Local Government.

In his speech, Dy said barangay officials bear the heaviest burdens of public service, often responding to emergencies 24/7, mediating disputes, and comforting grieving families while implementing national and local programs with limited resources and modest pay.

He noted that barangay leaders perform executive, legislative and judicial functions at once—as implementers of projects, lawmakers in their respective councils, and peacekeepers through the Lupong Tagapamayapa.

Yet despite these roles, Dy said barangay officials continue to receive token allowances instead of regular salaries.

“Hanggang ngayon, hindi po natin matawag ang ating mga sarili o ating mga barangay kung ano ba talaga ang kalagayan at katayuan ninyo sa ating gobyerno,” Dy lamented.

“Kayo ba ay talagang totohanang nagtatrabaho sa ating gobyerno o voluntary pa rin ang inyo pong mga gawain?” he asked.

Dy said the Magna Carta for Barangays is a long-overdue recognition of the sacrifices and vital contributions of barangay leaders. (Vina de Guzman)

Alahera, hinoldap, tinangay ang cash at alahas ng ka- meet up sa Cavite

Posted on: October 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINUTUGIS ng pulisya ang isang motorcycle rider na nangholdap at tumangay ng cash at alahas sa isang babaeng alahera na kanyang ka- meet up sa Maragondon, Cavite Miyerkules ng umaga.
Kinilaka ang suspek na si alyas Kent, 28 ng Brgy Bucal 1, Maragondon, Cavite at sakay ng isang kulay puti na Yamaha NMAX Version 2.
Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas Precious,19, nagkasundo sila ng suspek sa pamagitan ng social media na magkikita sa Brgy Pantihan 1, Maragondon, Cavite bandang alas-8:20 ng umaga hinggil sa ibinebenta nitong alahas sa huli.
Pero pagdating sa lugar, tinutukan ng suspek ang biktima ng di nabatid na kalibre ng baril, nagdeklara ng holdap at tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng humigit kumulang sa P40,000.00 cash at iba’t ibang klase ng mga pilak na alahas saka tumakas sakay ng isang kulay puti na Yamaha NMAX Version 2 sa di nabatid na direksyon.
Nagsasagawa ng backtracking ang pulidya sz CCTV sa mga dinaanan ng suspek at posibleng pag-aresto sa kanya. (Gene Adsuara)