• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 22nd, 2025

Valenzuela, kinilala bilang Top 5 Most Business-Friendly LGU

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang Valenzuela City ng Special Citation para sa Most Business-Friendly Local Government Units (LGUs) sa City Level 1A Category (Highly Urbanized Cities in NCR) sa 51st Philippine Business Conference & Export na ginanap sa SMX Convention Center, nitong October 20, 2025.
Personal na tinanggap ni Mayor WES Gatchalian ang pagkilala, kasama si Local Economic Development and Investment Promotions Office Head Ms. Janina Bautista, Coun. Chiqui Carreon, Coun. Louie Nolasco, at PCCI Valenzuela Ms. Helen Lising.
Sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), kinikilala ng parangal ang mga LGU na lumikha ng kapaligirang sumusuporta sa paglago ng negosyo, pagbabago, at napapanatiling pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
Ayon kay Mayor Wes, binibigyang-diin ng pagkilalang ito bilang isa sa Top 5 Most Business-Friendly LGUs sa Pilipinas ang kanlilang pangako na tulungan ang mga negosyo sa Lungsod ng Valenzuela na umunlad, bumuo ng mga koneksyon sa mga komunidad, at mag-ambag sa paglago ng ekonomiya. (Richard Mesa)

Malakanyang , dumistansiya sa panawagan sa Ombudsman na imbestigahan ang confidential funds ni VP Sara at ng kanyang opisina

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DUMISTANSIYA ang Malakanyang mula sa panawagan para sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang confidential funds ni Vice President Sara Duterte at ng kaniyang opisina.
Bahala na ayon sa Malakanyang ang independent anti-graft body sa bagay na ito.
Nauna rito, nanawagan ang isang grupo kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na usisain ang nasabing pondo ng Bise Presidente mula noong 2022 hanggang 2023.
“It’s in the hands of the Office of the Ombudsman,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Mababasa naman sa Facebook post ng Tindig Pilipinas noong Lunes, Oktubre 20, ang panawagan nilang imbestigahan ni Remulla ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ni VP Sara.
“Today we, along with different citizen impeachment complainants against the Vice President, submitted a letter to Ombudsman Jesus Crispin Remulla, urging him to conduct a thorough investigation into the grave allegations that are the basis of the impeachment complaints filed against the Vice President,” anang Tindig Pilipinas.
“The Vice President must also fully explain how the confidential funds under the Office of the Vice President and the Department of Education were used, just as we demand accountability from those involved in the ghost flood control projects that plundered the nation’s coffers,” dagdag pa nila.
Saad pa ng grupo, “We call for a comprehensive and impartial investigation – not only to uphold the rule of law, but to restore integrity and public trust in our institutions.”
Matatandaang kamakailan lamang, nagbigay din ng paglilinaw ang Ombudsman sa naisin nitong isapubliko naman ng mga politiko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN), kaugnay sa kumakalat na usaping una umano niyang iimbestigahan ang SALN ni VP Sara.
“Ang gagawin natin d’yan sa SALN issue, hindi lang isa ‘yan, lahat ‘yan. Ire-reduct lang natin ‘yong dapat i-reduct, that’s a data privacy. Siyempre hihingi tayo sa lahat ng requesting parties undertaking na hindi gagamitin ito sa paraan na hindi makakabuti sa bayan. Kasi baka mamaya, maging political noise lang ‘yan at maging poison lang. Baka naman pag-isipan natin ulit ‘yan,” ani Remulla.
(Daris Jose)

Factory worker na wanted sa statutory rape sa Valenzuela, isinelda

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang factory worker na akusado sa kasong panghahalay at pangmomolestiya sa isang menor-de-edad na biktima matapos matiklo ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa ulat, ipinag-utos ni Valenzuela Police Acting P/Col. Joseph Talento sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa 39-anyos na factory worker na kabilang sa talaan ng most wanted person ng Valenzuela CPS.
Kaagad namang isinagawa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoen Section ang pagtugis sa akusado makaraan ang natanggap na impormasyon hinggil sa kinarooonan ng akusado.
Hindi na nakapalag ang akusado nang damputin ng mga tauhan ni Col. Talento sa kanilang lugar sa Brgy. Marulas sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 as amended by RA 11648 – The Anti-Rape Law of 1997 (4 counts).
Ang arrest warrant ay inilabas ng Family Court, Branch 16, ng Valenzuela City nito lamang October 20, 2025 na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Ayon kay Col. Talento, pansamantalang nakakulong ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
(Richard Mesa)

2 babaeng pekeng faith healer, kulong sa pambubudol sa mag-asawa sa Valenzuela

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang dalawang babaing pekeng faith healer nang mabisto ang ginawang pambubudol sa mag-asawa na tinangka nilang matangayan ng malaking halaga ng cash at alahas sa Valenzuela City, Linggo ng gabi.
Hindi na nakapalag ang mga suspek na sina alyas “ Charie”, 34, at “Maria”, 50, kapwa ng Brgy., San Rafael, Montalban Rizal, nang damputin ng mga tauhan ni Valenzuela Police Acting P/Col. Joseph Talento na hiningan ng tulong ng mag-asawang sina alyas “Gilda”, 46, at alyas “Domingo”, 46, kapwa ng Brgy., Mapulang Lupa.
Sa pahayag ni ‘Domingo’ kay P/Capt. Robin Santos, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), nakilala niya ang mga suspek sa palengke ng Malinta na nagkunwaring mga faith healer at naisip niya na baka makatulong ang dalawa na mapagaling ang sakit na “sciatica” na matagal ng dinaranas ng kanyang asawa kaya’t kinuha niya ang serbisyo ng dalawa.
Pinaghanda umano ng mga suspek si ‘Domingo’ ng walong iba’t ibang uri ng prutas, walong bulaklak, walong itim na kandila, P198,100 cash, mga gintong alahas na nagkakahalaga ng P113,000, dalawang puting sobre na pang-alay umano sa puting duwende na si “Datu Kuru” na gagamitin sa rituwal sa bahay ng biktima.
Isinilid ni ‘Maria’ ang pera at mga alahas sa puting sobre at tinalian bago inutusan si ‘Domingo’ na dalhin ito sa loob ng kanilang banyo saka magdasal at makalipas ang ilang sandali ay sumunod si ‘Charie’ at pinalabas ang biktima bago sumunod na pumasok ang isa pang suspek.
Ibinalot kunwari ng mga suspek sa dilaw na tela ang alay na pera at alahas saka sinabihan ang mag-asawa na huwag bubuksan hanggang sila ay makaalis dahil mawawalan umano ng bisa ang panggagamot bago nagmadaling umalis ang mga ito.
Gayunman, nagduda si ‘Domingo’ at binuksan ang binalot na tela na naglalaman na ng mga budol na perang papel kaya kaagad niyang hinabol ang mga suspek hanggang may nakapagturo na sumakay ang mga ito sa bus sa VGC.
Humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Police Sub-Station 8 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at nabawi sa kanila ang tinangay na pera at alahas sa mag-asawa. (Richard Mesa)

Hapones na pugante at Nigerianong kriminal, arestado ng BI

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang banyagang pugante na hinahanap ng kani-kanilang mga pamahalaan, sa magkahiwalay na operasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) sa Cagayan de Oro at Olongapo City.
Sa unang operasyon, nagsanib-puwersa ang mga ahente ng FSU, Philippine National Police, BI Regional Intelligence Unit 10, at mga awtoridad ng Japan upang arestuhin ang Japanese national na si Yoshihiko Kubura sa Barangay Patag, Cagayan de Oro City.
Si Kubura, na gumagamit din ng alyas na Yoshihiko Tashiro, 59, ay hinahanap ng Kyoto District Court dahil sa kasong pananakit sa ilalim ng Japanese Penal Code, matapos umanong bugbugin ang isang lalaki sa loob ng isang karaoke bar sa Kyoto City noong 2013, na nagresulta sa bali sa mukha ng biktima. Ang kanyang pagkakaaresto ay bunga ng pormal na kahilingan ng pamahalaang Hapones para sa kanyang deportasyon.
Batay sa beripikasyon sa database ng BI, huling dumating sa Pilipinas si Kubura noong Pebrero 2012 bilang pansamantalang bisita at overstaying na mula pa noong Abril 2014. Siya rin ay nakalista sa Watchlist at Blacklist Orders ng Bureau bilang isang pugante sa hustisya.
Makalipas ang ilang oras, nagsagawa muli ng operasyon ang mga ahente ng FSU sa isang resort sa Olongapo City, katuwang ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa NCR at Olongapo.
Naaresto nila si John Emmanuel Obasi, 33, isang Nigerian national na kalaunan ay kinumpirma ng kanyang embahada bilang kasapi ng isang sindikatong kriminal na nagpapatakbo sa loob ng bansa.
Ayon sa mga awtoridad ng Nigeria, sangkot umano si Obasi at ang kanyang grupo sa isang pamamaril sa publiko at hit-and-run incident na nagresulta sa pagkamatay at malubhang pagkasugat ng ilang tao. Nabigo rin siyang magpakita ng balidong pasaporte o mga dokumentong pang-imigrasyon nang tanungin ng mga awtoridad.
Pinuri ni Viado ang FSU sa kanilang mabilis at koordinadong aksyon, at sinabing nananatiling masigasig ang Bureau sa pagtugis at pagpapatalsik sa mga hindi kanais-nais na dayuhan sa bansa.
“Pinaigting pa natin ang ugnayan sa mga lokal at banyagang ahensiya ng pagpapatupad ng batas upang matiyak na ang mga umiiwas sa hustisya sa ibang bansa ay mahuhuli at mapapaalis sa ating teritoryo,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado. “Magpapatuloy ang aming mga operasyon nang walang tigil. Hindi magiging ligtas na kanlungan ang Pilipinas para sa mga pugante,” dagdag pa niya.
Ang dalawang pugante ay dinala sa detention facility ng BI sa Taguig City para sa booking at dokumentasyon, habang nakabinbin ang kanilang deportation proceedings. (Gene Adsuara)

Akusasyon kay Atong Ang, pinanindigan na walang basehan

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANINDIGAN ng kampo ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang na walang basehan ang mga akusasyon kaugnay sa mga nawawalang mga sabungeros.
Hindi rin umano tumutugma ang mga pahayag ng mga complainant sa mga tunay na pangyayari.
Ngayong araw, nagpapatuloy ang ika-tatlong preliminary investigation sa department of Justice (DOJ).
Dumating naman ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungeros habang kinumpirma ni Atty.Gabriel Villareal na hindi darating ang mga anak ni Atong Ang na sina Aileen Sheril Ann Galang, Richard Sulit Ang, Ellaine Ang Yu at mister niya na si Christopher Yu.
Ayon sa abogado, nagsumite na kasi kahapon ng kanilang counter affidavits ang tatlong anak at manugang ni Ang para sagutin ang mga reklamong isinampa ng PNP-CIDG .
Dumating din ang sinasabing whistleblower at dating tauhan ni Atong Ang na si Julie Patidongan at lahat sila ay nakasalang ngayon sa pagdinig na pinamumunuan ng DOJ panel of prosecutors.
Bukod sa preliminary investigation, magsasagawa rin ng clarificatory meeting ang piskalya para sa mga karagdagang katanungan sa mga complainant at respondent kaugnay ng mga ebidensiyang isinumite ng CIDG.
Inaasahang magsusumite ng kontra-salaysay ang mahigit 60 respondent sa reklamo at una nang sinabi ni Senior Assistant State Prosecutor Atty. Charlie Guhit na susuriin ito ng mga piskal kung iaakyat sa korte o ibabasura ang kaso. (Gene Adsuara)

16 kilos na marijuana kush na nabawi sa West Philippine Sea, naiturn-over na sa PDEA

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL na tinanggap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan Provincial Office ang 32 clear at black plastic bags na naglalaman ng tinatayang 16 kilo ng hinihinalang high-grade Marijuana Kush, na nagkakahalaga ng ₱19.2 milyon. Ang mga ito ay narekober ng Western Naval Command sa pamamagitan ng Naval Task Force 41, habang nagsasagawa ng operasyon sa West Philippine Sea.
Batay sa paunang ulat mula sa Maritime CAFGU Active Auxiliary Unit–West (MCAAU-West), natagpuan ang mga ilegal na droga na palutang-lutang malapit sa Sabina Shoal noong Oktubre 17. Agad na inatasan ng Naval Task Force 41 ang PG-902 upang magsagawa ng search and retrieval operation sa kahina-hinalang itim na bag na natagpuan sa nasabing lugar. Alinsunod sa itinatakdang mga proseso, pormal na isinagawa ang turn-over ng mga nakuhang item sa PDEA Palawan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) – Palawan Police Provincial Office (PPO) para sa wastong disposisyon.
Sinimulan na ng PDEA Palawan ang pagsusuri, field testing, at opisyal na imbentaryo ng mga nakumpiskang droga, habang isinasagawa na rin ang mga kaukulang hakbang para sa tamang disposisyon.
Muling pinagtitibay ng mga awtoridad ang kanilang paninindigan sa pagsugpo sa iligal na droga at pagpapatibay ng maritime interdiction operations, lalo na sa mga sensitibo at liblib na bahagi ng karagatang sakop ng bansa tulad ng West Philippine Sea. (PAUL JOHN REYES)

Korapsyon, 2nd top concern ng Pinoy ayon sa survey

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ANG korapsyon ang itinuturing ng mga Pinoy na pangalawa sa nangu­ngunang national concerns ng Pilipinas, batay sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na pumasok ang korapsyon sa top five national issues sa mga survey na isinasagawa ng OCTA.
Base sa naturang survey, ang concern ng mga Pinoy sa korapsyon ay tumaas ng 18 puntos o mula sa 13% noong Hulyo ay naging 31% noong Setyembre, na pinakamataas na level of concern na naitala rito.
“The sharp rise in corruption concerns indicates a growing public demand for integrity and accountabi­lity in government, as Filipinos increasingly turn their attention from just economic concerns to issues of governance,” ayon sa OCTA.
Ang panawagan upang labanan ang korapsyon ay pinakamalakas sa National Capital Region (NCR), 53% habang sa Mindanao ang pinakamababa, 18%.
Lumitaw din sa survey na ang nangungunang concern ng mga Pinoy ay ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain at serbisyo, 48% mula sa 50%.
Pumangatlo ang pagkakaroon ng access sa abot-kayang pagkain 31%, concern sa sahod 27%, at paglikha ng mas maraming trabaho 23%.
Ang naturang non-commissioned survey, ay isinagawa ng OCTA mula Setyembre 25-30, sa may 1,200 adult Pinoys sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

MTRCB, The Walt Disney Company Southeast Asia, explore collaboration to promote responsible viewing

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) and representatives from The Walt Disney Company, Southeast Asia met on Monday, October 13, to explore a potential collaboration to promote responsible viewing on streaming services among Filipino families.
Present during the meeting were MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto, Executive Director II Roberto Diciembre and Board Members Maria Carmen Musngi and Katrina Ebarle.
Representing The Walt Disney Company Southeast Asia were Vineet Puri, General Manager, Southeast Asia; Shruti Mehta, Assistant Chief Counsel, Head of DTC; and Karan Paul and Jennifer Arceo, Senior Managers, Integrated Marketing Philippines.
During the discussion, The Walt Disney Company presented the Disney+ content rating system and parental control features, including the Junior Mode, designed to help parents manage and guide the type of entertainment their children have access to.
Sotto welcomed The Walt Disney Company’s initiatives, noting that such features align with the Board’s campaign on “Responsableng Panonood” and the principles of PROTECT, a set of parental tips that guide parents and supervising adults in raising smart and responsible media consumers.
“We are happy to see streaming platforms like Disney+ taking an active role in protecting young audiences and promoting responsible viewing,” said Sotto.
The meeting also opened opportunities for co-developing initiatives that encourage values-driven and family-oriented entertainment, while strengthening the culture of digital safety and responsibility among Filipino households.
“Engaging in constructive meetings like this strengthen our shared goal of creating a safer and more values-driven media environment for Filipino families, especially for Filipino children,” Sotto added.
As MTRCB marks its 40th Founding Anniversary, the agency reaffirms its commitment to protecting viewers while promoting a vibrant, responsible and inclusive media and entertainment industry in the digital landscape.

(ROHN ROMULO)

Kailangang magpakatotoo sa Bahay ni Kuya: RALPH, nagbigay ng tips sa housemates ng PBB Celebrity Collab Season 2

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HININGAN namin si Ralph de Leon ng payo o tips para sa mga susunod na housemates sa nalalapit ba season 2 ng ‘Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.’
Ang payo ni Ralph, na former housemate sa unang edisyon, para sa mga susunod na housemates sa PBB ay, “Siguro yung pinaka-tip ko na lang po talaga, siyempre magpakatotoo.
“‘Yun naman talaga yung bilin sa amin ni Kuya, na lalabas at lalabas din yung personality mo and who you really are inside the house at hindi mo maitatago yun. So might as well just show who you really are.”
Phenomenal ang newfound fame ng mga housemates ng PBB Celeb Collab Edition; paano naha-handle ni Ralph ang kanyang kasikatan ngayon?
Lahad niya, “Well, ako talaga, it’s important for me to stay grounded.
“Alam namin na grabe talaga yung binibigay sa amin na blessings ngayon, sa buong batch namin. Mula sa first evictee hanggang sa big winner namin, lahat very, very blessed.
“So ngayon nandito na kami, na siguro you can call it fame, you can call it whatever, pero para sa amin, we’re really trying to cherish the moment, really make the most out of all the opportunities na binibigay sa amin.”
Dumalo si Ralph sa book launch ng life coach na si Pia Acevedo na pinamagatang “Here & Now: Moment to Moment”; kaibigan ni Ralph ang anak ni Pia kaya dumalo siya sa launch ng libro.
Mahalaga para kay Ralph ang magkaroon ng life coach…
“Okay. Yeah, like Coach Pia. Para sa akin, it’s hard to go through life alone without a lot of guidance. Especially for a lot of people na walang support system and walang matatakbuhan with regards to their problems, Coach Pia’s gonna be there really to guide you.
“Someone like Coach Pia can really give you advice not only about work, about life, about friends, about family, kung ano mang problema yan, siya bahala sa inyo, di ba?
“Kaya it’s good to have someone like that, na kaya talagang masabihan ng mga problema mo and to actually give you advice you can use and apply to it every day.
“Kasi yung iba, di ba, eme-eme lang minsan na, okay fine, you can say whatever you want pero alam mong lalabas sa kabilang tenga kasi wala namang sense.
“Pero as someone na aral, na sobrang…really, this has been her career for decades now. You know that there is something na alam mong mapagkakatiwalaan talaga siya,” pagbabahagi pa ni Ralph.

(ROMMEL L. GONZALES)