• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 22nd, 2025

Para sa mas convenient na paggamit ng Luzon Expressways PBBM, inilunsad ang ONE RFID, ALL TOLLWAYS SYSTEM

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng One RFID, All Tollways system para sa lahat ng Luzon expressways para sa mas convenient na pagbabayad sa toll ng mga motorista.Sa nasabing paglulunsad na isinagawa sa South Luzon Expressway sa Calamba City, Laguna, sinabi ni Pangulong Marcos na ang RFID system ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na gawing modernisado ang toll collection para sa mas madaling pagdaan sa anumang toll road sa Luzon.Sinabi ng Pangulo na ang registration para sa One RFID, All Tollways ay libre at opsyonal, binibigyan ang mga tollway users ng choice kung ia- adopt ang baong sistema o mananatli sa kasalukuyang two-card system.“Hangad natin ang dire-diretsong biyahe mula hilaga hanggang timog dito sa Luzon. Reduce unnecessary stress. Reduce unnecessary delays,” ang sinabi ng Pangulo.“Ang repormang ito sa RFID system ay bahagi ng mas malawak nating layunin na gawing mas moderno, konektado, at nakatuon sa pangangailangan ng bawat Pilipino ang ating imprastraktura,” aniya pa rin.Sa usapin ng One RFID, ang All Tollways system, ang mga motorista ay maaaring gumamit ng single RFID sticker kapag gumamit ng Luzon toll expressways.Ito ay ang mga Skyway, South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX), Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx), Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), at C5 Southlink.Sa ilalim ng lumang RFID tollways system, ang mga motorista ay gumagamit ng Autosweep kapag dumadaan sila sa Skyway o TPLEX at nagsi- switch sa Easytrip kapag gumagamit naman sila ng NLEX o SCTEX, dahilan ng inconvenience sa mga byahero sa panahon ng ‘account loading at payment.“Nakikinig tayo sa hinaing ng ating mga kababayan. Kaya naman pinag-aralan natin ang problema, at nakahanap tayo ng magandang solusyon. Simula ngayon, iisang RFID sticker na lang ang kailangan para sa mga toll expressways natin sa buong Luzon,” ang winika ni Pangulong Marcos.Sinabi pa ng Pangulo na ng proseso para sa voluntary registration sa One RFID, All Tollways system ay ‘hassle-free.’“Kung ninanais ninyo nang mas simple (at) pinagsamang account, puwedeng-puwede na. Ginawa nating madali, abot-kamay, at hassle-free ang buong proseso. Pwede nang magparehistro online o walk-in,” anito.Ang group/fleet account para sa One RFID, All Tollways system ay ilulunsad naman sa susunod na taon.Sinabi ni Pangulong Marcos, ang interoperability ng Electronic Toll Collection (ETC) at cash payment systems para sa toll expressways ay ginawang posible dahil sa patuloy na tiwala. commitment, at flexibility ng government partner concessionaires, operators, at ETC/RFID providers.Samantala, nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kina Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation at Manuel V. Pangilinan ng Metro Pacific Investments Corporation “for being part of the solution.”

Nagpasalamat sa mga sumuporta lalo na kay Alden: WILL, certified concert star na dahil nag-sold out at nangakong mauulit pa

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NATUPAD na ng tinaguriang Nation’s Son na si Will Ashley ang pinapangarap niyang first solo concert na ginanap last Saturday, October 18, sa New Frontier Theater.Walang duda na isa ngang malaking tagumpay ang kanyang one night sold-out concert, na hindi naman niya binigo ang mga tagahanga sa kanyang performances, mula sa mahusay na pagkanta at pagsasayaw.Kaya sigurado kaming magkakaroon pa ng kasunod sa darating na panahon.Sa kanyang Instagram post sinulat niya na, “Making the impossible, possible.”Punum-puno ito ng pasasalamat para matupad ang kanyang dream solo concert, lalo na sa kanyang special guests.Isa nga sa naging highlights ng successful concert ang surprise guest appearance ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na kung saan nag-duet ang Kapuso actors.Pasasalamat ni Will, “Kuya @aldenrichards02, thank you for taking the time to join me on the stage I’ve always dreamed of performing on. Salamat sa mga payo at sa patuloy na suporta.”Pagpapatuloy ng kanyang IG post, “@elizamaturan and @jayjoseph.j2x, thank you for saying yes to share meaningful and inspiring performances with me. Truly, you guys are an inspiration.”Hindi rin nakalimutan ni Will na pasalamatan ang kanyang Mommy Mindy at inialay ang ’MAPA’ ng SB19, na hindi niya matapos kantahin dahil naiyak na siya. Sinundo niya ang kanyang ina mula sa audience, nasaksihan ang madamdaming tagpo ng mag-ina sa stage na nag-iiyakan. At nagpa-sample pa si Mommy Min ng kanta niyang ‘Close To You’.Labis-labis din niyang pinasalamatan ang PBB alum at ‘Unbreak My Heart’ co-star na si Bianca de Vera, huli niyang nakasama sa entablado para sa nakakikilig na interpretative dance. Nakabibingi ang hiyawan ng fans ng WillCa sa kanilang sweet moments.“To you, @biancadeveraa it was truly an honor to share the stage with you. Thank you for being a believer since day one. Just know that I’ll always be here to support and protect you, no matter what,” say ni Will. Nasa audience naman para sumuporta ang iba pang PBB ex-housemates na sina Shuvee Etrata, River Joseph, Vince Maristela, Mika Salamanca, AZ Martinez, Kira Balinger, at Josh Ford.Nanood din ng concert si Maki na pinagkaguluhan at pinanggigilan ang face ng mga fans na nasa platinum center. Niyaya rin ni Will ang kanyang kaibigang singer na umakyat ng stage para bumati.Sa pagtatapos ng kanyang post inaalay niya ito sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta, “I hope you guys enjoyed the concert! Hindi pa ito ang huli. Nag-uumpisa pa lang tayo. Maraming beses pa tayong magkikita sa big stage.” Pangako pa niya ni Will, “I promise to do better every day, and I promise to be an inspiration to everyone.“Kayo ang lakas ko. Maraming salamat po.”Sunud-sunod nga ang blessings na natatanggap ni Will dahil PBB. Marami na siyang ini-endorse ngayon at isa na rito ang Acer Philippines na talagang nagpakita ng suporta sa kanyang concert.Muli siyang mapapanood sa much-awaited series na ‘Secrets of Hotel 88’. At magiging abala siya sa darating na Pasko dahil ang dalawang pelikula niya na ‘Bar Boys: After School’ at ‘Love You So Bad’, ay parehong napili bilang official entries sa 51st Metro Manila Film Festival na magsisimulang mapanood sa December 25.Congrats Will, you are now certified concert star!(ROHN ROMULO)

May big screen debut sa MMFF entry na ‘I’mPerfect: MATTHEW, happy na sumunod sa yapak niya ang anak na si BEA

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MASAYA ang ‘90s hunk actor-turned-politician na si Matthew Mendoza sa kanyang anak na si Bea Angela Mendoza dahil sumunod ito sa yapak niya bilang artista.Big screen debut ni Bea ang pelikulang ‘I’mPerfect’ ng Nathan Studios, na isa sa official entry sa Metro Manila Film Festival 2025 ngayong Disyembre.“Happy kami kasi enjoy si Bea at hilig nya talaga yan lalo na kumanta at sayaw. Ako nag-PA sa kanya noong last shooting day niya. Excited na kami sa premiere night,” sey ni Matthew na konsehal ngayon ng Puerto Prinsesa, Palawan.Si Bea na Special Oympics Athlete, ay nagtuturo bilang Assistant Teacher sa Salve Regina School sa Puerto Princesa.‘I’mPerfect’ centers on two adults with Down Syndrome navigating the complexities of daily life and romantic love.Noong 2018 pa raw nabuo ang kuwento ng ‘I’mPerfect’, pero hindi ito nagawa dahil naabutan ng pandemic. Pero ngayon ay natuloy din ang project sa tulong ng Nathan Studios ni Sylvia Sanchez.Kasama rin sa cast sina Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Tonton Guiterez, Zaijan Jaranilla at iba ang dalawang aktor na may Down Syndrome na sina Krystel Go at Earl Amaba.Mula ito sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.***NAG-POST sa social media ng kanyang pasasalamat ang newly crowned Miss Grand International 2025 Emma Mary Tiglao.Para ito sa mga taong naniwala at hindi nagduda sa kanyang kakayahan bilang representative ng Pilipinas at sa mga fans na sumuporta sa kanya para matupad ang back-to-back win ng Pilipinas sa naturang pageant.“With a heart overflowing with gratitude, I am still in awe that this dream has become my reality. Thank you, Miss Grand International Organization @missgrandinternational, Papa @nawat.tv, Mama @teresa.mgi, for trusting me with this once-in-a-lifetime honor.“To my beloved fellow Filipinos — this journey became our story because of you. Philippines, your ‘1 million heart reacts’ were more than just likes; they were symbols of bayanihan, of unity, of love that echoed across the world. You showed everyone what it truly means to stand as one nation, one heart, and one voice.“From the very beginning until this moment, you held my hand through every step, every challenge, and every triumph. For that, my heart beats with gratitude,” caption niya.Tinalo nga ni Emma ang 76 contestants sa MGI Hall in Bangkok, Thailand noong Oct. 18.Bukod sa pagiging model and beauty queen, naging news anchor for Eagle Broadcasting Corporation’s primetime newscast ‘Mata ng Agila’ si Emma. Isa rin siya sa main hosts ng Net 25’s morning talk show ‘Kada Umaga’ since 2021.***NOTHING but praises sa mga Pinoy ang American TV host and comedian na si Conan O’Brien sa kanyang one-week na stay sa Pilipinas para mag-shoot ng kanyang travel show na ‘Conan O’brien Must Go.’“We’ve known for a while we have a fanbase in the Philippines and we see so much social activity here and response, and so we thought we need to go. We need to visit and we wanna do one of our shows here.“From the moment we landed, everybody has been so gracious, so polite. They’re funny and that doesn’t happen in every country. The people in the Philippines are very funny, warmhearted, and they have great ideas and they are quick,” papuri niya sa mga Pinoy.Nagawa pang mag-one day taping ni Conan para sa ‘Sanggang Dikit FR’ nila Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.“This was incredible. They sent us the script, very good writing, loved it. They seem to understand that I’m silly, fool. They made me a mad man. They beat me up.“Trust me, a lot of people in Hollywood wanna beat me up so it’s the same as true in the Philippines. The actors are so good and they made me very welcome here,” sey ni Conan na binati pa si Michael V. para sa 30th anniversary ng ‘Bubble Gang.’(RUEL J. MENDOZA)

PBBM, determinado na linisin ang hanay ng pamahalaan

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang commitment na linisin ang burukrasya at tiyakin na ang bawat public official at public servant ay karapat-dapat sa tiwala ng mga mamamayang Filipino.“Patuloy tayo sa paglilinis ng hanay ng pamahalaan upang matiyak na ang bawat opisyal, bawat lingkod-bayan ay karapat-dapat sa tiwalang ibinibigay sa kanila ng taumbayan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang awarding ng 2025 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos sa Palasyo ng Malakanyang.Sa gitna ng imbestigasyon ng flood control corruption na kanyang sinimulan, kinilala ni Pangulong Marcos na ang kasalukuyang hamon na kinahaharap ng bansa ang yumanig sa tiwala ng publiko sa mga government institutions.“Hindi madali ang laban na ito. Marami pa tayong haharapin, marami tayong pagdadaanan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.“It will be hard and sometimes it will be painful, but it will be worth it because what we are fighting for is a country that our children will inherit and a nation that they can be proud of, that they can be proud to say I am Filipino.” aniya pa rin.Tinugunan ang tanong kung maaari pang pagkatiwalaan ang gobyerno, sinabi ng Pangulo na ang 10 honorees ang siyang buhay na patunay ng pag-asa at integridad sa public service.“In their service, you will find your answer. Because of them, we are reminded that hope is never lost, that integrity still lives in our institutions, and that honor still defines what it means to be Filipino,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.Samantala, kabilang sa Metrobank Foundation Outstanding Filipinos awardees ay ang apat na guro, tatlong sundalo at tatlong police officers na nagbigay ng kanilang mahalagang kontribusyon sa buhay ng nakararami.Hinggil sa Metrobank Foundation Outstanding Filipinos program na nagtanda ng 40th year, sinabi ni Pangulong Marcos na ang award ang naging “beacon of integrity and inspiration, proving that even at the most difficult times, there will always be Filipinos who remain committed to serving and leading with honor.”Nagpaabot naman ang Pangulo ng kanyang pasasalamat sa Metrobank Foundation at partners nito sa pribadong sektor gaya ng PSBank, Rotary Club of New Manila East, at Rotary Club of Makati Metro para sa pagdakila sa mga nagtataglay ng ‘best ideals’ ng public service. ( DARIS JOSE)

Panukalang Abogado Para Sa Bayan’ Act, ipasa para punan ang kakulangan ng public attorneys na nagsisilbi sa mahihirap

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AYON kay Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan, dapat gawin ng Kamara ang parte nito na tulungan na maresolbahan ang acute shortage ng public attorneys na nagsisilbi sa marginalized sectors sa pamamagitan ng pagpasa sa panukalang magbibigay ng scholarship program sa mga gustong mag abogado na handang magbigay ng mandatory service sa government institutions.Layon aniya ng inihain nitong House Bill (HB) 5242 o “Abogado Para Sa Bayan Act” na maabot ang ito sa pamamagitan ng paglalaan sa kuwalipikadong law students ng full scholarship benefits kapalit ng pagbibigay ng mandatory return service ng dalawang taon sa Public Attorney’s Office (PAO) at ina pang government agencies.“Pursuing a legal education is not easy nor is it cheap. There are many deserving students who want to become lawyers but are hindered by financial constraints. Layunin ng ating Abogado Para Sa Bayan Act na tulungan silang matupad ang kanilang mga pangarap while also helping ensure that the government would have a steady pool of competent and committed lawyers at the Public Attorney’s Office (PAO) and other government institutions providing legal services to indigent clients and other underserved sectors,” ani Yamsuan.Base sa pinahuling datos, noong 2024, ay nagawang mabigyan ng serbisyo ng PAO ang 15,069,235 clients at naghawak ng 847,317 kaso, kung saan 92,052 na kinabinilangan ng persons deprived of liberty (PDLs).Ngunit, mayroon lamang tanging 2,676 public attorneys ang humahawak ng kaso o katumbas sa ratio na 5,631 clients at 317 cases per lawyer, ayon sa PAO’s 2024 Accomplishment Report.Upang matugunan ang kakulangan, inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbuo ng 178 bagong Public Attorney positions nong 2024 habang naglabas naman ang Supreme Court ng rules sa Unified Legal Aid Service (ULAS), na siyang nagmamandato sa abogado na magbibigay ng 60 oras na pro bono legal aid kada tatlong taon sa indigent clients.“These efforts, while commendable, are still not enough. Justice is a right, not a privilege. Our measure will future-proof our legal sector and make sure that all Filipinos have access to legal aid regardless of his or her social and economic status in life,” pahayag ng mambabatas.Sa ilalim ng HB 5242’s Legal Scholarship and Return Service (LSRS) Program, magbibigay ng full scholarship benefits sa deserving students tulad ng tuition at iba pang school fees, at allowances para sa prescribed books, supplies, bar review fees at licensure fees.Para makakuha ng scholarship, ang prospective law student ay dapat isang Filipino citizen na naninirahan sa Pilipinas; graduating student o graduate ng undergraduate degree program; nakapasa sa entrance examinations at nakasunod sa iba pang requirements for admission ng iskul kung saan plano nitong mag-aral.Dapat mag-aral ang prospective scholar sa State Universities and Colleges (SUC) o kapartner na private educational institutions sa rehiyon na walang SUCs na nag-aalok ng Juris Doctor o Bachelor of Laws degrees.Lalagdaan din sila sa kasunduan at tatapusin ang pag aaral sa takdang panahon ng educational institution, at kumuha ng bar exams sa loob ng isang taon pagkatapos ng graduation mula sa law school. (Vina de Guzman)

Tagumpay ang 2nd 𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭 – 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫𝐟𝐞𝐬𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟓 ng 𝐏𝐫𝐞𝐦𝐢𝐞𝐫 𝐋𝐢𝐟𝐞𝐬𝐭𝐲𝐥𝐞 𝐂𝐥𝐮𝐛!

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG tunay na kahanga-hanga at nakaaantig na sandali — ang ika-2 𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭 – 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫𝐟𝐞𝐬𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟓 na ginanap noong Sabado, Oktubre 18 sa Le Pavillion, Metropolitan Park, Pasay City.

Isa ang People’s Balita na pag- aari ng mag-asawang Teddy Boy Torres at Alma Torres sa naging kabahagi ng successful event na ito bilang Media Partner ng 𝐏𝐫𝐞𝐦𝐢𝐞𝐫 𝐋𝐢𝐟𝐞𝐬𝐭𝐲𝐥𝐞 𝐂𝐥𝐮𝐛 (PLC).

Ang pagtitipon na naganap ay isa na namang mahalagang kabanata sa kasaysayan ng 𝐏𝐫𝐞𝐦𝐢𝐞𝐫 𝐋𝐢𝐟𝐞𝐬𝐭𝐲𝐥𝐞 𝐂𝐥𝐮𝐛 na pinamumunuan ni Mr. Warren Trinidad bilang President at Executive Senior Partner .

Hindi lang ito basta isang event — 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐭𝐢𝐲𝐚𝐠a, 𝐚𝐭 𝐛𝐢𝐲𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬. Mula sa maliliit na negosyo hanggang sa malalaking kumpanya, 𝐭𝐚𝐲𝐨’𝐲 𝐧ags𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐢i𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐲𝐮𝐧𝐢𝐧: 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠𝐭𝐮𝐥𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐞-𝐩𝐚𝐫𝐞𝐡𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐲𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚.

Bawat ngiti, bawat pakikipag-partner, at bawat kwento ay sumasalamin sa kagandahan ng pagkakaisa — isang paalala na kapag ang mga puso ay nagkakaisa, ang mga himala ay nangyayari.

Nakita natin kung paano kayang gawing realidad ang malalaking pangarap sa pamamagitan ng pagtutulungan, pananampalataya, at dedikasyon.
Higit na naging makinang ang event dahil na rin sa inspiring and power-packed
renowned speakers ba sina — Mr. Chinkee Tan, Ms. Dianne Medina , and Mr. Frank Gaw.

Ang PLC ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naging panauhin, mga katuwang, sponsors, at exhibitors — at higit sa lahat, sa lahat ng masisipag at tapat na Executive Senior Partners (ESPs) na nagbigay ng kanilang oras, talento, at pagmamahal upang maging matagumpay ang event na ito.

Sa bawat hamon at bawat hakbang ng aming paglalakbay, ang biyaya ng Diyos ang naging gabay namin at siyang nagpatibay sa lahat ng bagay.

Ito ay hindi katapusan — ito ang simula ng mas malalaking bagay na darating!
Patuloy tayong magbigay-inspirasyon, magpalakas, at magbago ng buhay nang magkakasama bilang isang pamilyang may layunin at pananampalataya.

𝐊𝐢𝐭𝐚-𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝟑𝐫𝐝 𝐏𝐋𝐂 𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟓!
𝐓𝐨 𝐆𝐨𝐝 𝐛𝐞 𝐚𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐞 𝐆𝐥𝐨𝐫𝐲 — 𝐟𝐨𝐫𝐞𝐯𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐚𝐥𝐰𝐚𝐲𝐬!

📸Boy Morales Sr.

NBA 2025-2026 season, magsisimula na

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISIMULA na ang inaabangang 2025-2026 season ng NBA bukas, Oct. 22.

Sa unang araw, nakatakdang magharap ang apat na bigating team na pawang mula sa western conference.

Unang maglalaban ang 2025 NBA champion na Oklahoma City Thunder at ang No. 2 sa West na Houston Rockets.

Susundan ito ng dalawang heavy favorites na Los Angeles Lakers at Golden State Warriors.

Batay sa schedule na inilabas ng liga, magtatagal hanggang April 12 ang regular season. Sa naturang araw, lahat ng 30 NBA team ay nakatakdang maglaro.

Batay pa rin sa NBA schedule, magsisimula sa Aril 14 hanggang 17 ang NBA Play-In Tournament habang Sa Abril 18 ay magsisimula na rin ang NBA Playoffs.

Nakatakda naman ang 2026 NBA All-Star break sa Feb. 13 hanggang 15 sa Los Angeles California.

Bilang bahagi ng regular games ngayong taon, nakatakdang maglaro sa ibang bansa ang iba’t-ibang team.

Kinabibilangan ito ng Germany, UK, at Mexico.
Sa nakalipas na season, ginawarang champion ang Oklahoma City Thunder matapos nitong pataubin ang Indiana Pacers sa pitong games.

Carlos Yulo pasok na sa finals ng vault at floor exercise ng 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa finals ng men’s vault at floor exercise sa 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships si Carlos Yulo na ginanap sa Jakarkta, Indonesia.

Mayroong average score ito sa 14.750 points si Yulo sa Subdivision 7 ng vault event.

Aabot sa 476 na atleta ang sumali mula sa 76 na bansa.

Sa unang vault niya ay nagtala siy ang 14.90 points at sa pangalawang attempt ay mayroong 14.600 points na hinangaan ng mga manonood.

Pumangalawa sa puwesto si Arthur Davtyan ng Armenia na mayroong 14.566 habang nasa pangatlong puwesto si Nathan Chepurnyi ng Ukraine na mayroong 14.316.

Sa ibang event na floor exercise ay pumangalawa ito na mayroong 14.560 points kung saan nakuha ni Jake Jarman ang Filipino-British gymnast habang nasa pangatlong puwesto si Kameron Nelson.

Mayroong sapat na paghinga ngayon si Yulo bago ang pagsabak niya sa finals ng floor sa Biyernes habang sa araw ng Sabado naman ang finals ng vault event.

Malakanyang, itinanggi ang tsismis na nagbitiw na si Recto bilang Kalihim ng DoF

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ng Malakanyang ang tsismis na di umano’y nagbitiw na sa puwesto bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF) si Ralph Recto.
“Not true,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang text message sa Malacanang Press Corps (MPC) nang hingan ng kumpirmasyon ukol sa di umano’y pagbibitiw sa puwesto ni Recto.
Sa ulat, may X post na nakapangalan sa aktor na si Edu Manzano, kung saan inaabangan umano ang anunsiyo ng Malacañang para sa susunod na Finance secretary.
Batay sa X post, dalawang batikan umano sa larangan ng pinansiyal ang pinagpipilian kabilang na dito sina Monetary Board member Walter Wassmer at Government Service Insurance System (GSIS) director Emmanuel Samson.
Magugunitang, isa si Recto sa mga nagsumite ng kanyang courtesy resignation noong buwan ng Mayo matapos hilingin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ng lahat ng kanyang gabinete, subalit hindi tinanggap ng Pangulo. ( Daris Jose)

Goitia: Ang pagprotekta sa Pangulo ay pagprotekta sa republika

Posted on: October 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MARIING tinuligsa ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang umano’y planong saktan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang pamilya, na aniya ay “isang duwag na gawain na laban sa diwa ng ating Republika at sa dangal ng sambayanang Pilipino.”
Lumabas ang impormasyon mula kay Pebbles Cunanan, isang blogger na nagsabing may mga grupo umanong konektado sa ilang tagasuporta ng nakaraang administrasyon na nag-uusap tungkol sa planong ito.
“Ang anumang banta laban sa Pangulo ay banta rin laban sa Republika,” pahayag ni Goitia. “Isa itong pag-atake sa ating demokrasya, sa ating kapayapaan, at sa katatagang pinanghahawakan ng bawat pamilyang Pilipino.”
Nanawagan si Goitia sa taumbayan na magkaisa sa pagtutol sa anumang hakbang na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan o saktan ang Pangulo.
“Maaaring hindi ka sang-ayon sa lahat ng kanyang desisyon. Maaaring tutol ka sa ilan niyang polisiya. Ngunit kailanman, hindi magiging tama ang paggamit ng karahasan,” aniya.
“Sa isang demokrasya, nakikipagtalo tayo gamit ang salita, hindi gamit ang armas.”
“Malinaw ang batas. Ang sabwatan o pagtatangka laban sa buhay ng Pangulo o ng kanyang pamilya ay hindi lamang mabigat na krimen, kundi isang paglapastangan sa mismong pundasyon ng ating Republika,” dagdag ni Goitia.
Ayon kay Goitia, ang pagprotekta sa Pangulo ay hindi lang tungkol sa isang tao, kundi tungkol sa pagpapanatili ng katatagan ng bansa.
“Ang Pangulo ang sagisag ng pamahalaan at pagkakaisa ng Estado,” paliwanag niya. “Kapag inatake ang institusyon ng pagkapangulo, humihina ang bansa. Kaya ang pagprotekta sa Pangulo ay pagprotekta sa Republika.”
Ipinaalala rin niya na sa likod ng bawat pinuno ay may pamilyang dapat bigyan ng seguridad at dignidad.
“Hindi lang ang Pangulo ang pinagbabantaan sa ganitong mga usapin, kundi pati ang kanyang pamilya,” sabi niya. “Ito ay lumalampas sa hangganan ng moralidad at pagkatao.”
Hinimok din ni Goitia ang mga awtoridad na magsagawa ng masusing imbestigasyon at igalang ang due process.
“Ang katotohanan ay dapat lumabas sa tamang proseso ng batas, hindi sa mga haka-haka o ingay sa social media,” aniya. “Ang hustisya ay dapat maging matatag at makatarungan. Sa ganitong paraan lamang natin mapangangalagaan ang tiwala ng mamamayan sa mga institusyon.”
Nagpaalala rin siya sa publiko na umiwas sa pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon.
“Ang pagprotekta sa Pangulo ay hindi bulag na katapatan,” sabi niya. “Ito ay tanda ng pagmamahal sa bayan. Dahil kapag pinoprotektahan natin ang katatagan ng pamahalaan, pinoprotektahan din natin ang kabuhayan, seguridad, at dangal ng bawat Pilipino.”
Sa pagtatapos, nagbigay si Goitia ng mensaheng may paninindigan at pag-asa.
“Hindi natin kalaban ang isa’t isa, kundi ang pagkakawatak-watak at poot,” aniya. “Magsama-sama tayo sa ilalim ng iisang watawat, gabayan ng batas, at ng malasakit sa bayan upang manatiling matatag ang ating Republika.”
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayang at sibikong organisasyon: Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.
(Richard Mesa)