MULING nanawagan si Navotas Representative Toby Tiangco ang Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin na ang passport ni dating Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co na nadadawit sa umano’y maanomalyang flood control projects at kasalukuyang nasa ibang bansa.“Article III, Section 6 of the Constitution is clear: the right to travel is not absolute. It can be restricted in the interest of national security, public safety, or public health, without need of a court order. The Administrative Code empowers the DFA Secretary to cancel passports for these very reasons” ayon kay Tiangco.“Kaya malinaw: may batas, may kapangyarihan, at may paraan”, aniya. “Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan” diin niya.Sinabi pa ni Tiangco na kung talagang katuwang ang DFA sa hustisya, dapat kanselahin na ang passport ni Zaldy Co. Hindi aniya ito “whim” o kapritso. Pagkilos ito para sa pambansang seguridad.“Huwag nilang subukan ang galit ng taumbayan. Hindi tatanggapin ng publiko na DPWH at contractor lang ang makukulong, habang ligtas at nakakapag-happy happy sa ibang bansa ang mga mambabatas”, giit niya. (Richard Mesa)