• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:04 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 20th, 2025

DPWH employees mauubos sa sibakan- SEC DIZON

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang mawawalan ng trabaho sa patuloy na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Ito ang tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na mangyayari sa ginagawang paglilinis at reporma sa ahensiya.
“Unang-una, ­hindi baka…maraming mawawala — marami talaga ang mawawala rito,” ani Dizon sa idinaos na pulong-balitaan sa isang hotel, sa Clark, Pampanga nitong Biyernes.
Aniya, tatanggalin na walang sisinuhin at walang sasantuhin, “from top to bottom” at gagawa ng ­paraan upang mapalitan ang mga nasibak.
Naniniwala siya na ang pagbabago ay dapat na magsimula sa loob ng ahensiya, na batay na rin sa nakuhang payo mula kina dating DPWH secretary Rogelio “Babes” Singson at Ping de Jesus.
“[P]ero we also need to seek external help. Like getting external advisers sa mga engineering companies na respetado sa buong bansa. Importante rin yun,” wika niya.
Matatandaang nitong huling bahagi ng Setyembre, naglabas si Dizon ng show-cause order laban sa ilang regional directors at district engineers na pinaniniwalaang sangkot sa mga substandard na proyektong pang-imprastraktura, pakikialam sa mga ebidensya, gayundin sa mga nabunyag na pagkakaroon ng marangyang pamumuhay na higit sa kanilang makakaya.
Nagsagawa rin ng personal na pag-inspeksyon si Dizon at Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa mga sinasabing substandard na proyekto, bukod pa sa mga iniulat sa kanila ng iba’t ibang sources.

Nasampahan na rin ng reklamong graft and corruption, at malversation sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at 18 iba pang opisyal at empleyado ng Bulacan 1st District Engineering Office kaugnay sa anomalya.
Nasampahan na rin sila ng paglabag sa Government Procurement Act.

Mall hours sa Metro Manila mula 11am-11pm – MMDA

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGKASUNDO ang mall operators at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baguhin ang mall hours ngayong papalapit na ang Kapaskuhan bilang hakbang na maibsan ang inaasahang lalo pang pagbigat ng trapiko sa Metro Manila.

Itinakda ang pagsisimula ng malls operating hours sa Nobyembre 17, alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi, na epektibo lamang ng weekdays, maliban sa holidays, na tatagal hanggang Disyembre 25.

“The Christmas season brings with it a 10 to 25 percent increase in vehicular volume in Metro Manila roads. By implementing these effective measures, we aim to provide a more manageable traffic flow for the holidays,” ani Artes.

Napagkasunduan na dapat magsumite ang mall operators ng kani-kanilang traffic management plan sa MMDA para sa kani-kanilang mga mall sales at promotional event dalawang linggo bago ang mga nakatakdang petsa ng naturang mga kaganapan. Ang mall-wide sale ay dapat lang isagawa kapag weekends at ang delive­ries ng mnga goods ay dapat sa gabi lamang isagawa simula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Sususpendihin naman ang lahat ng road right-of-way excavation activities sa Metro Manila, na kinabibilangan ng road reblocking works, pipe-laying, road upgrading at iba pang excavation works, at exempted sa moratorium ang flagship projects ng gobyerno, DPWH bridge repair and construction, flood interceptor catchment projects, emergency leak repair, at iba pa.

Paiigtingin din ng MMDA ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) at clearing operations para mapabuti ang disiplina sa trapiko. (Gene Adsuara)

Public safety ay dapat tutukan lagi para panatag ang loob ng mamamayan

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AYON kay Honorable Councilor Alelee Aguilar Andanar ng Las Pinas, ang public safety ay dapat tutukan lagi para panatag ang loob ng mamamayan. Kaya’t labis ang kanyang pasasalamat sa Philippine National Police Las Piñas for staying on the top of the situation always sa kanilang lugar na kinasasakupan. Makikita sa mga larawan dito ang inyong Konseho at PNP sa loob ng session hall na binabalangkas kung ano ang dapat pang gawin para mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan at komunidad sa Las Piñas.
( Boy Morales Sr.)

CITY of Sto. Tomas Batangas Mayor Arth Jhun Aguilar Marasigan

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

shares light moments with more than 300 job seekers looking for employment during the local recruitment program held at the city hall compound. The city Public Employment Services Office (PESO) said that at least 30% of job hunters were hired during the event. Aside from local recruitment as requested by partner entities, the city’s recruitment arm conducts a quarterly mega job fair that hires job seekers on the spot. ( Franz Angeles)

15 NAVOTEÑO YOUTH, HINIRANG NA BAGONG ART SCHOLARS

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGALANAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang labinlimang mahuhusay na Navoteño na hinirang bilang pinakabagong benepisyaryo ng NavotaAs Art Scholarship Program para sa school year 2025-2026.
Pinili ang mga student artist pagkatapos ng mahigpit na proseso ng pagpili na isinagawa ng mga screening committee sa limang disiplina—biswal na sining, musika, sayaw, sining ng teatro, at malikhaing pagsulat.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang programa ay muling pinagtibay ang pangako ng lungsod sa pag-aalaga ng magagaling na mga Navoteño na mahusay hindi lamang sa akademya kundi maging sa sining.
“We continue to see the incredible creativity and determination of Navoteño youth. Each scholar represents the boundless potential of our city’s young generation,” aniya.
“Through the NavotaAs Scholarship Program, we aim to nurture that potential, giving our youth the opportunity to sharpen their craft, share their stories, and inspire others through their art. We are committed to empower dreams and build a community that thrives on talent, passion, and purpose,” dagdag niya.
Ang bawat art scholar ay tatanggap ng ₱16,500 kada academic year para sa transportasyon at allowance sa pagkain, at karagdagang ₱20,000 para sa mga workshop at pagsasanay upang higit na mahasa ang kanilang craft.
Bukod sa art scholarship, nagbibigay din ang lungsod ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral na mahusay sa akademya at palakasan, gayundin sa mga gurong nagtapos ng pag-aaral at mga anak o kamag-anak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk.
Mula nang itatag ito noong 2011, ang NavotaAs Scholarship Program ay sumuporta din sa edukasyon ng higit sa 1,000 mag-aaral at guro, na tumutulong sa pag-angat ng buhay at pagtataguyod ng kahusayan sa iba’t ibang larangan.
“Patuloy nating palalawakin ang mga programa para sa edukasyon at kabataan,” sabi ni Mayor Tiangco. “Dahil ang tunay na layunin ng Navotas ay bigyan ng oportunidad ang bawat Navoteño na maabot ang kanilang pangarap.”
Patuloy na hinihikayat ni Mayor Tiangco ang mga kabataang Navoteño na ituloy ang kanilang hilig at mag-aplay para sa future scholarship opportunities na sumusuporta sa pag-aaral, pagkamalikhain, at personal na paglago. (Richard Mesa)

Higit P.1M droga, nasabat sa bebot na tulak sa Valenzuela

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang bebot na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Jeng-jeng”, 30, residente ng Arkong Bato, na naaresto ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa F. Valenzuela St., Brgy. Arkong Bato.
Ayon kay SDEU OIC chief P/LT Sherwin Dascil, bago ang pagkakaaresto nila sa suspek, unang nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni “Jeng-jeng”.
Nang magawa ng isa sa kanyang mga tauhan na makipagtransaksyon ng droga sa suspek, agad bumuo ng team si Lt. Dascil bago ikinasa ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.
Nang matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na positibo na ang transaksyon, agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang suspek dakong alas-8:30 ng umaga.
Nakumpiska kay ‘Jeng-jeng’ ang humigi’t kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P136,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at walong P1,000 boodle money, at P200 recovered money.
Ayon kay P/MSgt. Ana Liza Antonio, nasampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

P222.2 million settlement sa mga residente ng Corinthian Gardens ibinayad ng pamahalaan para sa MMSP

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang matagal na negosasyon sa mga residente ng Corinthian Gardens, pumayag na rin sila na bayaran ng P222.2 million para sa easement na gagamitin ng Metro Manila Subject Project (MMSP). Pumayag na rin ang mahigit na 300 residente ng ekslusibong subdivision sa panguguna ng kanilang Corinthian Gardens Association, Inc.(CGAI) na tanggapin ang offer ng pamahalaan upang hindi na humantong sa matagal na court battle at naisip rin nila na baka hindi pa sila mabayaran kung hindi sasangayon sa pamahalaan Isang “deed of easement” sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ng CGAI ang nilagdaan sa panguguna ng DOTr noong September 28 ang ginawa. Ang nasabing kasunduan ay nagbibigay ng karapatan sa pamahalaan na magtayo ng ika-17 istasyon para sa $9 billion na MMSP na ilalagay sa nasabing gated na kumunidad. Kasama sa kasunduan ay ang limang (5) road lots at isang (1) open area na nasa loob ng nasabing subdivision. Nilagdaan ang kasunduan matapos pirmahan ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang batas tungkol sa Accelerated and Reformed Right-of-Way (ARROW) Act o ang tinatawag na RA 12289. Ang batas ay isang bago at importanteng amended na batas ng 2016 Right-of-Way Act upang maging mabilis ang pagbili ng mga lupa na kailangan para sa mga kritikal na proyektong pang inprastruktura.“As the ARROW Act kicks in, the government will no longer provide cash compensation for easements, prompting Corinthian residents to act before the cutoff date,” wika ng DOTr. Ang ARROW Act ay isang bagong batas na ginawa ng 20th Congress at nilagdaan ni President Marcos noong nakaraang September 12 na pinadadali ang proseso sa pagkuha ng mga lupa na dadaanan ng mga infrastructure. Nagbabawal din sa ilalim ng batas ang maghain ang complainant ng temporary restraining orders (TROs) na siyang magiging sanhi ng pagkabalam ng mga proyekto ng pamahalaan.
Kasama rin sa nasabing batas ang proyekto tungkol sa public-private partnerships (PPPs), foreign-assisted initiatives, at utilities relocation. Kadalasan ay ang mga TROs ang siyang nagiging sanhi upang ang isang proyekto ng pamahalaan ay mabalam. Ang 33-km MMSP ay isang game-changing na proyekto na siyang magdudugtong sa parte ng northern Metro Manila patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Tinatayang magkakaroon ng partial na operasyon sa 2028 hakbang ang full na opesyon ay magaganap sa taong 2030. LASACMAR

MGA GRUPO NG TRANSPORTASYON, NANAWAGAN SA LTFRB NA APRUBAHAN ANG KARAGDAGANG ₱1 PROVISIONAL NA DAGDAG SA PASAHE

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MARIING nanawagan ang mga pangunahing grupo ng transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubahan ang karagdagang ₱1 provisional na dagdag sa pamasahe para sa unang apat na kilometro ng biyahe sa jeep. Layunin ng panawagang ito na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, piyesa, at gastusin sa pagpapanatili ng mga pampasaherong jeep.

Ayon kay Ramon Guevarra, Pangulo ng Jaen Nueva Ecija Transport Corporation, kinakailangan na ang dagdag-pamasahe bunsod ng tuloy-tuloy na pagtaas ng gastusin sa maintenance upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga jeep sa kalsada.

Kabilang sa mga gastusing ito ang mga piyesa, baterya, at maging ang mga gulong.

Sinang-ayunan ni Melencio “Boy” Vargas, Pangulo ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), ang panawagan at binigyang-diin ang parehong dahilan. Ang ALTODAP ay isa sa mga grupong naghain ng petisyon para sa dagdag-pamasahe noong Agosto ng kasalukuyang taon.

Sa kanilang petisyon, hiniling ng ALTODAP sa LTFRB na gawing permanente ang ₱1 provisional na dagdag na inaprubahan noong Oktubre 2023, at aprubahan ang isa pang provisional na dagdag upang maibsan ang pagkalugi ng mga operator at tsuper dulot ng pagtaas ng presyo ng krudo at maintenance.

Sa kasalukuyan, ang minimum na pamasahe sa tradisyunal na jeep ay ₱13 para sa unang apat na kilometro, habang ₱15 naman sa modernong jeep.

Kapag inaprubahan ng LTFRB ang karagdagang provisional na dagdag, magiging ₱14 ang pamasahe sa tradisyunal na jeep at ₱16 sa modernong jeep.

Binigyang-diin nina Guevarra at Vargas na kinakailangan na ang dagdag-pamasahe sa panahong ito, lalo’t ang huling pag-apruba ng LTFRB ay noong Oktubre 2023 pa.

Dahil sa implasyon at iba pang salik na nagpapataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, iginiit ng dalawang lider ng transportasyon na mahalaga ang tulong ng pamahalaan sa anyo ng dagdag-pamasahe para sa mga tsuper at operator. (PAUL JOHN REYES)

DOH: Walang lockdown sa influenza-like virus

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi sila magpapatupad ng lockdown nang dahil lamang sa mga naitatalang kaso ng influenza-like illnesses (ILIs) sa bansa.
Kumalat ang ilang social media posts na ilang lugar sa Luzon ang isasailalim sa lockdown dahil sa umano’y outbreak ng ILIs.
Tinawag naman ito ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ‘fake news’ at sinabing, “Let me explain, the lockdown was done during Covid. There is no planned lockdown, that is fake news.”
Muli ring tiniyak ni Herbosa na walang nagaganap na flu outbreak sa bansa at ang mga sakit na kumakalat sa bansa ngayon ay seasonal respiratory illnesses lamang.
“What we have is the seasonal respiratory illnesses. It’s not a flu outbreak. We do not have a flu outbreak. It is our ILI season, marami siyang sakit like ubo, sipon, trangkaso and all other similar illnesses that spreads very fast during the rainy season,” paliwanag pa ng health chief.
Paniniguro pa ni Herbosa, inaasahan na nila ang pagdami ng maitatalang ILIs na nauuso aniya kapag Ber months.
Gayunman, mas mababa pa rin naman ang mga naitatalang kaso ngayong taon, na nasa 133,000 lamang hanggang Setyembre, kum­para sa 155,000 kaso na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2024.
“We know many people are getting sick. Magkaibang virus ‘yun. Wala tayong outbreak from a single virus, there is no need to declare a lockdown but there is a recommendation to start wearing your mask or staying at home when you are sick. That is our public health recommendation,” dagdag pa ng kalihim.

Ads October 20, 2025

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments