• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:54 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 20th, 2025

Mason Thames Warns: “Bring Plenty of Tissues” for the Emotional Ride of “Regretting You,”

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

COLLEEN Hoover’s bestselling novel Regretting You comes to life in a heartwarming film starring Allison Williams and Mckenna Grace.
“It’s an emotional roller coaster, so bring plenty of tissues,” teases Mason Thames about the much-anticipated adaptation of Regretting You, landing in Philippine cinemas on October 22.
Directed by Josh Boone (The Fault in Our Stars, Stuck in Love), this coming-of-age family drama explores the fragile threads that connect mothers and daughters, especially when those threads are tested by tragedy, secrets, and the complexities of growing up.

Based on the bestselling novel by Colleen Hoover, Regretting You follows Morgan (played by Allison Williams) and her teenage daughter Clara (Mckenna Grace) as their world is shattered by a life-altering accident. What follows is a gripping journey of rediscovery—of love, of family, and of self.

“I have always been and always will be attracted to movies about families, specifically kids who are finding out that their parents are fallible. That’s an important moment in anybody’s life.”

Allison Williams describes the story as one that speaks to audiences of all ages.

“There’s so much contained within this movie,” says Williams, who plays Morgan Grant. “When I’m talking to another mother, I say it’s about a mom who is watching her daughter go through a moment that completely changed her own life. She is hoping that her daughter won’t do the same thing, but at the same time she does not regret having her daughter. When I talk to younger people, it’s about a couple that’s clearly meant to be together. That could actually be referring to either of the romances in the movie. It is also about a relationship that begins at the moment when two kids are about to embark on a new adventure in the world. That’s part of what made it so meaty and such fun to work on.”

Playing Clara, Mckenna Grace was immediately drawn to the character’s emotional depth.

“It’s really sad, but still such fun. When I read the book, I really connected to Clara. The dialogue felt so natural that I sometimes threw in things from the book that weren’t in the script, but that were so right for Clara. Josh created such a fun and safe environment to create in that it was easy. He’s so much funnier himself than I ever expected.”

Enter Dave Franco as Jonah, Morgan’s unexpected love interest. Known for edgier roles, Franco embraced the opportunity to play “a genuinely nice guy.”

“I have played degenerates in recent films, so when he [Josh] called and asked if I was open to playing a nice guy, I was ready,” says Franco. “It is fun to play morally ambiguous characters, but it’s also nice to play someone that audiences can root for.

And yes, there’s more love in the air.

Mason Thames plays Miller, Clara’s romantic counterpart, and he isn’t shy about the film’s impact:

“This movie can be very sad, but it’s also very sweet, often funny and a bit of a journey. I hope the audience leaves crying. It’s an emotional roller coaster, so bring plenty of tissues.”

Colleen Hoover herself couldn’t be more thrilled.

“Audiences will have a fun and emotional experience. It is something you can watch with friends and family and feel good about, then go back and watch it a second time with a different group of friends. It’s just a real feel good movie.”

Regretting You isn’t just about heartbreak—it’s about how people move through it, survive it, and sometimes even grow stronger because of it.

“No matter what, life keeps going and things keep happening. says Boone. “You are going to laugh again. I say that from experience.”

With a star-studded cast that includes Sam Morelos, Scott Eastwood, Willa Fitzgerald, and Clancy Brown, and a story that tugs at the heart, Regretting You is poised to become the next fan-favorite film for lovers of emotional storytelling.

(ROHN ROMULO)

Inamin ni Carmina na hindi nila alam ni Zoren: MAVY, unti-unting bumukod at naki-share sa condo ng bestfriend

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGING bukas naman sina Cassy at Mavy Legaspi tungkol sa pagpapalaki sa kanila ng celebrity parents nilang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
“At a very young age, I believe I’ve always had a mature mindset. So I always ask ‘Why?’ I also want to understand. Para the next time, I’ll go home early because this. Pero I won’t accept, ‘Umuwi ka nang maaga kasi babae ka.’ Ah, tapos siya (Mavy), hindi. No way, doon tayo sa equality. Uwi tayo same time,” sabi ni Cassy.
Ngayong nasa edad na sina Mavi at Cassy, hinahayaan na sila nina Zoren at Carmina sa sarili nila. Pero tinitiyak pa rin nila na close pa rin ang bond nilang pamilya at open ang kanilang communication lines.
“Si Maverick ha? Para lang malaman natin na he’s out there. He’s on a journey. You know? Hanggang sa, ‘Hon ba’t ‘di pa umuwi ‘yan? Hanggang nalaman namin na merong ka-roommate pala ‘yan na bestfriend niya na naki-share sa condo unit ata.
“Na doon tumitira. Na hindi namin alam. Nandoon na pala namili ng mga furniture. Bumukod na hindi namin alam,” kuwento ni Zoren tungkol kay Mavy.
“Pero in fairness naman tatay, nagpaunti-unti naman siya. Hindi naman biglang ‘Uy nawala na ‘yung anak ko. Hindi naman gano’n. In-unti-unti naman,” singit ni Carmina.
Magkasama ang Legaspi Family sa GMA Afternoon Prime series na ‘Hating Kapatid.’
***
SUMIKAT sa kanilang YouTube videos ang promising singers na sina Aera at Jayheart.
Dahil sa tiyaga at pagmamahal sa musika, magkakaroon na sila ng 10-city US Tour.
Si Aera ay dating contestant sa season one ng ‘Tawag ng Tanghalan’ ng ‘It’s Showtime.’ Kahit hindi siya sinuwerte, tinuloy niya ang pagiging singer sa live streaming at pag-post ng videos sa social media.
Si Jayheart ay dating nagtatrabaho sa isang BPO company, pero binalikan niya ang hilig niya sa pag-awit at ginawa niya itong full-time career.
Nagkasama ang dalawa bilang mga performers sa The Maldives ng ilang taon at ngayon ay big break nila ang kanilang US tour para aliwin ang maraming kababayan natin with their music na mula sa ‘80s, ‘90s, ‘2000s at mga all-time OPM hits .
***
MARAMING naging pasabog si Kevin Federline sa book nito na ‘You Thought You Knew’ tungkol sa ex-wife niyang si Britney Spears.
Sangkot dito ang dating boyfriend ng singer na si Justin Timberlake.
Ayon kay Kevin, tinawagan daw ni Britney si Justin bago sila kinasal the next day.
“She was outside on the phone with Justin. I didn’t know that at the time. I didn’t know until she came into the room. I wasn’t out there, like, hovering over her while she was on the phone. I saw that she was upset.
“I thought that she maybe was talking to her mom or something. Pre-wedding jitters maybe… She just came out with it when I asked. She told me that she was speaking with Justin. She wanted to make sure that one chapter was closed before starting another one.”
Ramdam daw ni Kevin na hindi raw naka-get over si Britney kay Justin. Mahal pa rin daw niya ito kahit kasal na sila.
Tinawag ni Britney ang book na “gaslighting” at ginamit lang siya ni Kevin para pagkakitaan.
(RUEL J. MENDOZA)

Si Yassi raw ang tinutukoy na na-link sa aktor; JULIA, isiniwalat na may girl na nag-flirt noon kay COCO

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL na naming naririnig ang umano’y naging secret love affair nina Coco Martin at Yassi Pressman na isa sa naging leading ladies noon ng aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano.
May nakapag-kwento nga sa amin, na from her taping ay dumidiretso pa raw si Yassi sa mansion ni Coco sa may bandang Fairview at minsan ay natulog pa raw rito ang aktres.
Mas lalong naging intimate ang short lived relationship ng dalawa ng pumunta ng Germany si Julia Montes para magbakasyon sa tatay nilang si Mr. Martin Schnittka. Eh, matagal na namalagi sa Germany si Julia kaya feeling wifey raw si Yassi, kay Coco.
Actually nakalimutan na ang isyung ito. Kaso nang magpa-interview nga si Julia sa vlog ni DJ Chacha, may hirit na pasabog ang aktres na may babaeng nag-flirt daw noon. Na noong magkasalubong raw sila ng girl ay nag-hi ito sa kanya na may kasamang “opo!”
Nalokah raw siya e magka-batch lang raw sila nito dahil magka-edad lang ang dalawa.
At may isa pang nakaaaliw na chika, na nang minsang nag-buzzer si Yassi sa bahay ni Coco, para ibigay ang nilutong pagkain sa actor ay si Julia raw ang nagbukas ng pinto.
Ikinagulat raw talaga ni Yassi, na ‘di nakakibo sabay layas sa house ni Coco.
Well, parehong pinuputakti ng bashers sa social media si Yassi at sister na si Issa Pressman na pinararatangan ng JaDine fans na inahas nito si James Reid, sa idol nilang si Nadine Lustre.
Anyway, parehong deadma ang magkapatid na aktres, kahit bugbog sarado na sila sa bashing!
***
MAGSE-CELEBRATE ng kanyang kaarawan, ang talent manager at songwriter na si John Rey Malto, na maraming alaga like pretty and talented recording artist na si Joice Espinoza.
Nakabibilib ang lakas sa social media ni Joice, at madalas ay viral, ang mga TV guestings. Patuloy pa rin ang pagpo-promote ni Joice ng kanyang latest single na “Pangako Mo”. Nagwagi rin pala si Joice ng Silver Medal World Music last 2024 mula sa Global Music Awards para sa naturang single.
Tiyak na maliban kay Joice, ay darating din ang iba pang mga alaga ni John Rey, upang sorpresahin sa kanyang birthday, na gaganapin sa October 22 sa kilalang venue sa may Panay Avenue, Quezon City.
Siyempre dadalo rin ang mga kaibjgan nito at mga kasamahan sa trabaho.
Advance happy birthday John Rey Malto. God bless you more projects!

(PETER S. LEDESMA)

First back-to-back win para sa Pilipinas: EMMA TIGLAO, muling nakuha ang korona ng ‘Miss Grand International’

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagbunyi ang Pinoy pageant fans matapos na makuha ni Emma Tiglao ang korona bilang Miss Grand International 2025, sa grand finale na ginanap sa MGI Hall sa Bangkok nitong Oktubre 18.
First-ever back-to-back win ito para sa Pilipinas at naipasa nga ng reigning titleholder na si Christine Juliane “CJ” Opiaza, ang kanyang korona kay Emma na tinalo ang 76 na iba pang kandidata para sa “golden crown” ng Miss Grand International.
Agad ngang pumasok sa Top 22 ang pambato ng ‘Pinas matapos na manguna sa online poll para sa “Country’s Power of the Year”, first time ito na nakuha ng Pilipinas sa kasaysayan ng Miss Grand International.
Nagwagi naman bilang first runner-up si Sarunrat Puagpipat ng Thailand , sinundan ni Aitana Carolina Jimenez ng Spain bilang second runner-up, third runner-up naman si Faith Maria Porter ng Ghana, at fourth runner-up naman si Nariman Battikha ng Venezuela.
Ang Miss Grand International ay isang global pageant na nakabase sa Bangkok, Thailand, at kilala bilang isang beauty contest for entertainment, kung saan binibigyan ng kalayaan ang candidates na magpakita ng aliw at kakaibang pagganap.
Ayon pa kay Miss Grand International President Nawat Itsaragrisil, “if you want to see the entertainment pageant, come to Miss Grand International, really fun. But if you want to see the elegant, the more top-class pageant is Miss Universe.”
Si Nawat ay kasalukuyang Vice President for Asiana ng Miss Universe Organization, at siya rin ang nangangasiwa sa 74th Miss Universe pageant na gaganapin sa susunod na buwan.
Inanunsyo rin ang next Miss Grand International ay gaganapin sa India sa Oktubre 2026.
Samantala, ito ang first international title ni Emma Tiglao, una siyang lumaban sa Mutya ng Pilipinas 2012 at naging first runner up. 2014, sumabak naman siya sa Binibining Pilipinas, pumasok siya sa Top 15.
Sumunod na taon, naging fourth princess siya sa Miss World Philippines 2014. Taong 2019, nagwagi naman siya bilang Binibining Pilipinas 2019 Intercontinental, na kung saan pumasok siya sa Top 20.
Congrats Emma, mabuhay ka!

(ROHN ROMULO)

Fil-Canadian Leylah Fernandez, wagi sa Japan Open

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKAMIT ni Filipino-Canadian Leylah Fernandez ang kanyang ikalawang kampeonato ngayong taon matapos talunin ang Czech teenager na si Tereza Valentova sa iskor na 6-0, 5-7, 6-3 sa Japan Open final nitong linggo.

Ito na ang ikalimang titulo sa karera ng 23-anyos na si Fernandez at unang pagkapanalo sa dalawang torneo sa iisang taon.

Bagaman may support wrap sa kanyang kanang hita, madali niyang nakuha ang unang set laban sa 18-anyos na si Valentova, na ngayon pa lamang nakarating sa isang WTA final.

Matapos mabawi ni Valentova ang ikalawang set, muling umangat si Fernandez sa ikatlong set upang tuluyang masungkit ang panalo.

Sa kabilang banda hindi naman nakalaro ang top seed na si Naomi Osaka matapos umatras dahil sa injury sa binti.

Samantala nakatakdang lumaban si Fernandez sa Pan Pacific Open sa Tokyo, kung saan makakatapat niya ang kapwa Canadian na si Victoria Mboko sa unang round.

Carlos Yulo, hindi na lalahok sa 2025 SEA Games

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na makakasali si Olympic gymnastics champion Carlos Yulo sa 2025 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand dahil sa ipinatupad na limitasyon ng host country sa artistic gymnastics, kung saan pinapayagan lamang ang mga male gymnasts na lumaban sa isang apparatus sa individual events.
Suportado ni Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion ang desisyon ni Yulo na bigyang-daan ang kanyang mga kasamahan sa koponan na makakuha ng pansin at pagkakataon ngayong taon, sa kabila ng mga restrictions sa kompetisyon.
Ayon sa pamunuan, mas makabubuting pagtuunan ni Yulo ng pansin ang mga mas malalaking international meets kung saan mas malaya siyang makalaban sa lahat ng apparatus.

Sa panig naman ng fans ng Pinoy Golden Boy, pinalakas nila ang loob ng kababayan, dahil wala na raw itong kailangan pang patunayan sa larangan ng gymnastics.

DRUG DEN NABUWAG, 5 ARESTADO SA DRUG OPERATION NG PDEA SA JARO ILOILO CITY

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng operasyon ang mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Iloilo Provincial Office kasama ang PDEA Regional Special Enforcement Team (RSET), at ang Coast Guard Intelligence Unit–Iloilo na nagresulta sa pagkalansag sa isang hinihinalang drug den at pagkakaaresto sa limang indibidwal sa Barangay San Isidro, Jaro, Iloilo City, noong gabi ng Oktubre 16, 2025, 10:00 PM.

Arestado ang target ng operasyon na kinilalang si alyas ‘Leo,’ 29 anyos, dahil sa pagme-maintain ng drug den.

Nadakip din sina alyas ‘Neillio,’ 31; ‘Mark’, 33; ‘Daven’, 23; at ‘Edward,’ 49.

Narekober mula sa mga suspek ang kabuuang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard value na ₱340,000.00, at 2 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱400.00.

Kasama sa mga nakuhang ebidensiya ang ₱4,500.00 na buy-bust money, ilang disposable lighter, takip ng bote, tatlong aluminum foil strips, isang rolled aluminum foil, dalawang cellular phone, at wallet na may mga identification card.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs), 6 (Maintenance of a Drug Den), 7 (Employees and Visitors of a Drug Den), 11 (Possession of Dangerous Drugs), at 12 (Possession of Drug Paraphernalia) sa ilalim ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PAUL JOHN REYES)

MGA BENEPISYARYO NG NHA, MAAARI NANG MAGBAYAD NG AMORTISASYON GAMIT ANG GCASH AT ECPAY

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWAK ng National Housing Authority (NHA) ang listahan ng payment options nito matapos na makipag-partner sa GCash at ECPay, ang layuning ito ay para makapagbigay ng kaginhawahan at mas madaling paraan ng pagbabayad ng mga benepisyaryo sa kanilang buwanang amortisasyon.

Sa pamamagitan ni General Manager Joeben A. Tai, lumagda ang ahensya sa isang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang mga kumpanyang G-Xchange Inc. (GCash), na kinatawan ni Jamie Carmela Tiu; at ECPay, Inc., na kinatawan naman ni Ana M. Pulido. Ang seremonya ay sinaksihan ng ilang opisyal mula sa NHA at mga ahensyang nabanggit.

Ang inisyatiba na ito ay bahagi ng mas malaking Online Payment Gateways (OPG) system ng NHA, na ipinakilala sa panahon ni GM Tai na naglalayong palakasin ang payment network ng ahensya sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas popular na mga alternatibo, na nagbibigay ng mas madaling paraan para sa mga housing beneficiaries nito na tuparin ang kanilang mga pinansyal na obligasyon nang hindi na kailangang bumisita sa mga regional at district offices ng ahensya.

Sa pamamagitan ng kolaborasyon na ito, ang GCash ang gaganap bilang mobile wallet platform na titiyak sa real-time payment capabilities at transaction transparency, habang ang ECPay naman ang magsisilbing payment gateway integrator, na sisiguro sa maayos na daloy ng transaksyon sa pagitan ng GCash at Billing and Collection System ng NHA.

Habang isinusulong nito ang agaran at hassle-free na sistema ng pagbabayad, pinapahusay din nito ang collection efficiency ng NHA, dahil binabawasan nito ang payment delinquency at pinapabilis ang cash flow ng ahensya.

Ang kasunduang ito ay naaayon sa pagsuporta sa mga inisyatiba ng gobyerno sa mga layunin ng digitalization, gaya ng nakasaad sa Republic Act (RA) 8792 o ang Electronic Commerce Act of 2000 at ang RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Sa tagumpay ng iba’t ibang partnership ng NHA, kinukumpirma nito ang landas ng ahensya, sa ilalim ng pamumuno ni GM Tai, patungo sa pagiging isang mas Transparent, mas Accountable, at mas Innovative na ahensya ng gobyerno. (PAUL JOHN REYES)

Caloocan LGU, nagsagawa ng seminar tungkol sa bomb threat

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, katuwang ang Philippine National Police – Explosive Ordinance Disposal (EOD) Unit at Canine Group ng seminar tungkol sa bomb threat management, identification, detection, at first responder protocols.
Ayon kay Mayor Along Malapitan, inorganisa ang aktibidad kasunod ng mga ulat ng bomb threat na target ang Caloocan City Hall at ilang pampublikong paaralan sa lungsod noong Oktubre 15, 2025.
Kasama sa mga kalahok ang mga tauhan mula sa Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), gayundin ang mga security staff at DRRM marshals na nakatalaga sa City Hall.
Sinabi ni Malapitan na layon ng seminar na pahusayin ang kahandaan, palakasin ang koordinasyon, at tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado at publiko sa kaganapan ng mga katulad na banta. (Richard Mesa)

Mga apektadong pamilya sa magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, pumalo na sa 750-K —NDRRMC

Posted on: October 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa 748,379 katao o katumbas ng 217,012 pamilya ang apektado ng magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa tala ng NDRRMC, 1,324 na pamilya o 5,170 katao ang patuloy na nanatili sa 19 evacuation centers.
Naitala din ang 79 na mga nasawi at 559 sugatan, bagama’t kasalukuyan pang bineperipika ang mga tala ng ahensya.
Kaugnay nito mayroon nang 12,704 aftershocks mula nang tumama ang lindol. Nasa 134,224 na bahay din ang napinsala kung saan 126,928 ang bahagyang nasira at 7,296 ang tuluyang nawasak.
Tinataya namang aabot sa P6.76 million ang pinsala sa imprastraktura sa Region 7, kabilang ang 11 kalsada at 25 tulay na naapektuhan, kung saan apat na kalsada at 11 tulay ang nananatiling hindi pa madaanan.
Samantala umabot na sa P464.78 million ang naipamigay na tulong ng pamahalaan para sa mga apektadong pamilya, ayon sa NDRRMC. ( Daris Jose)