• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:14 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 18th, 2025

Sa gitna ng pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI) LOCKDOWN, FAKE NEWS AYON SA DOH

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ng Department of Health nitong Biyernes ang ulat na mayroong lockdown sa ilang lugar sa bansa sa gitna ng pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI).Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, walang planong lockdown –ang ulat ay isang fake news.Ginawa ni Herbosa ang pahayag dahil sa mga social media post na ilang lugar sa Luzon ang isinailalim sa lockdown dahil na rin sa umano’y ILI outbreak.Muling inulit ni Herbosa na walang ILI outbreak o epidemic sa National Capital Region (NCR) at ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ay inaasahan na bunsod ng flu season.Umabot sa 133,000 ang bilang ng kaso ng ILI noogn Setyembre na mas mababa sa 155,000 kaso na iniulat sa kaparehong panahon noong 2024, ayon kay Herbosa. (Gene Adsuara)

Bago tuluyang malugmok ang ating bansa: Mayor VICO, huling baraha na ng Pilipinas ayon kay GARDO

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA social media post ng veteran actor na si Gardo Versoza ay ibinahagi niya ang labis na paghanga sa galing at husay sa pagbibigay ng serbisyo ni Mayor Vico Sotto ng Pasig City.
Pahayag ng aktor, “Si Mayor VICO SOTTO, kapakanan ng tao talaga ang inuuna, hindi puro porma.”
Kasunod nito ang tila pagpuna sa national leaders na kahit pasok sa age requirement ay hindi naman natutugunan ng tama ang kanyang trabaho.
“Wala sa edad ang pagiging presidente, nasa hustong edad nga, wala namang pinagkatandaan.
“Siya na talaga ang huling baraha ng Pinas, kundi pa ASAP, tuluyan ng malulugmok ang ating bansa,” matapang pang sabi ni Gardo.
May mga netizens naman ang sumang-ayon sa aktor at meron ding sumalungat.
Say pa nila, sana raw ay tumakbong presidente si Mayor Vico sa susunod na eleksyon pero mukhang Malabo yung mangyari.
Nauna na kasing nagpahayag ang butihing Mayor ng Lungsod ng Pasig na magpapahinga na muna siya sa susunod na eleksyon at nasa plano niyang mag-focus na lang sa pagtuturo.

***

Hinihintay na ‘Pambansang Muziklaban’, nagbabalik na

NAGBABALIK na ang pinakahihintay na kompetisyon ng mga banda sa bansa.
Muling nagbibigay ang Red Horse Beer Pambansang Muziklaban 2025 ng pagkakataon para sa mga lokal na musikero upang ipakita ang kanilang talento, patunayan ang kanilang husay, at sungkitin ang pagkilala bilang susunod na mahusay na bandang Filipino.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, naging lunsaran ang Pambansang Muziklaban para sa mga nag-aambisyong sumikat, nagbigay ng plataporma para sa Original Pilipino Music, at tumulong na hubugin ang ilan sa mga pinakakilalang pangalan sa industriya—kasama na ang Mayonnaise, na itinanghal na Pambansang Muziklaban Grand Champion noong 2004.
Sa taon na ito, tuloy-tuloy ang paghahanap habang nagdadala ng kanilang natatanging tunog at enerhiya ang mga bagong grupo sa liwanag ng spotlight.
Opisyal nang nagbukas ang online registration para sa mga gustong sumali. Bisitahin lamang ang https://tinyurl.com/PML2025BandRegistration. Inaanyayahan ang mga banda mula sa iba’t ibang sulok ng bansa na sumali, ibahagi ang kanilang musika, at makipag-kompetensya para sa pagkakataong makilala sa pambansang entablado.
Hindi lang exposure at karanasan ang makukuha ng mga kalahok, kundi pati na rin ang pagkakataong tumugtog sa harap ng mga manonood at kasama ng mga sikat OPM artists na minsang tumayo kung nasaan sila ngayon.
Ang Red Horse Beer, ang No.1 Extra Strong Beer sa buong mundo, sa pamamagitan ng Pambansang Muziklaban, ay nagdiriwang ng diwa ng mga nagwagi: matapang at walang makapipigil. Ang bawat pagtatanghal ay isang pagsubok ng tapang at talento, at tanging ang pinaka-masigasig ang makararating sa tuktok.
Magkakaroon ng iba’t-ibang lebel ng kompetisyon mula sa online screening hanggang sa live eliminations, at semi-finals, na magtatapos sa Grand Finals, kung saan ang pinakamahuhusay sa lahat ay maghaharap para sa titulo ng Pambansang Muziklaban 2025 Champion.
Uuwi ang mga nanalo na may mga papremyo, pagkakataong magtanghal at maging bahagi ng maalamat na listahan ng mga kampeon ng Pambansang Muziklaban.
Para sa karagdagang detalye, updates, at mga anunsyo, bisitahin ang opisyal na Red Horse Beer Muziklaban Facebook page sa www.facebook.com/redhorsebeermuziklaban (ROHN ROMULO)

.
(ROHN ROMULO)

Paulit-ulit nang nabibiktima ng death hoax: KRIS, pinatulan ang ’sick post’ at tinawag na sinungaling

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong health update si Kris Aquino sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, Oktubre 17.
Kalakip ang isang larawan na nakahiga at may binabasa sa kanyang iPad at may background song na ‘Leaves’ ng Ben&Ben.
Hindi na nga pinalampas ng Queen of All Media ang isang fake news tungkol sa kanyang kalusugan na gumamit pa ng AI photo.
Sinimulan niya ang IG post ng, “Friends have been sharing with me probably the 80th bad taste “wishing KRIS dead post” BUT FROM THE PERSON in that sick post YOU ARE A LIAR! “supposedly i was laughing at a family gathering then i collapsed” plus an AI photo of me looking like i was fighting for my life was included.”
Pagpapatuloy niya, “This IS a photo of me taken Wednesday night while i was enjoying a James Patterson book on my iPad.
“I’ve questioned what it would be like IF my situation got worse after an infusion and my doctors came to my hospital room after an infusion that just like during another test dose that my body reacted so safely to, this was now proving to be so wrong for my body and proving to help the harmful and deadly autoimmune disease cells near my lungs and heart at a very alarming rate and within 3 days I could have a stroke, a heart attack, an aneurysm or cardiac arrest.”
Dagdag tsika pa ni Kris na naka-isolate, “But to the a**hole playing with my LIFE, I’ve seen my Cojuangco cousins individually but because my immunity is now very low, I AM IN ISOLATION, with kuya and bimb’s company only after they haven’t gone out, or have showered and have taken the 5 in 1 test: COVID, RSV, ADENO, MP, and the FLU.
“Am I complaining about the ISOLATION? NO, Because the time has given me the chance to keep reading works of authors i love. And to the one with the idiotic post, the risks of RITUXAN can be very great to those who have a history of other medical conditions including: Heart problems and Irregular heartbeat; Chest pain; Lung or kidney problems; Other possible severe allergic reactions.
“My doctors (a team of 7 for this infusion) kept asking me if i was sure because while doing my test dose, my body reacted weird to the steroid I needed to take with RITUXAN; 4 of my autoimmune problems affect my lungs and about 6 affect my heart yet my pulmonologist and cardiologist gave her and his go signal. Thank God they did.
“I’m not yet in full remission but the red flares that felt like my face was BURNING and my all night dry cough have lessened. Let’s keep praying. God is listening.”
Kapansin-pansin naman sa latest post na parang nagkakaroon na ng laman si Kris at nagiging maayos na ang kanyang hitsura.
Comment nga ni Carmina Villarroel, “Looking good Ninang.”
Nag-agree naman ang netizens at dalangin nila na tuloy-tuloy na ang paggaling ni Kris. Hoping din ang iba na pag gumaling na siya at makabalik na rin sa pagho-host.

(ROHN ROMULO)

“PRIMATE” excites horror fans at Fantastic Fest with gnarly kills and practical effects, official trailer, out now!

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THEY thought he was family. Primate, directed by Johannes Roberts and starring Johnny Sequoyah, Jessica Alexander, and Troy Kotsur, Victoria Wyant, Gia Hunter, Benjamin Cheng, Charlie Mann and Tienne Simon, had its world premiere to enthusiastic applause from horror and genre fans at Fantastic Fest in September, and will open in Philippine cinemas in January 2026.

Watch the trailer: https://youtu.be/Toiqr_T1y3w

Check out the poster!

Photo credit: Paramount Pictures

Primate had early screenings at popular genre festivals Fantastic Fest and Beyond Fest in the US, where horror, sci-fi and fantasy fans gather annually to celebrate their favorite genres. Fans enjoyed the gnarly kills and praised the film for its use of practical effects.

“Primate does for monkeys what Jaws did for sharks, only with more fur, sharper teeth, and a far greater sense of blood and guts. It’s punk rock horror at its snarling, cymbal-crashing best,” posted Bryan Kluger of Boomstick.

“PRIMATE is Cujo for chimpanzees, old school nature-gone-rogue creature feature at its most entertaining and morbidly hilarious. The film makes the most of its creative premise of a bunch of young adults trapped in a house with rabies-infected pet chimp. Gnarly kills balanced with some hilarious moments of Ben the chimp, who is actualized with some incredible practical effects. Great start to #FantasticFest,” posted The Holo Files.

Anthony of No Assembly Required posted about the film: “An ode to Stephen King & bloody practical effects. A rambunctious audience horror that is as brutal as it is outrageous. Johannes Roberts loves his intense pool scenes. Outstanding puppetry giving every fright emotional weight. Had the whole crowd hollering.”

“#PRIMATE at #FantasticFest is a blast of a killer monkey horror flick and reminder that practical FX will always reign supreme. Many shocking kills and crowd inciting moments backed by a fun score. Even when it’s silly, it works bc the movie is smart enough to be in on the joke,” posted JoBlo.

“Primate is the creature feature you’ve been waiting for—intense, bloody, and brutal as hell. If you ever needed a reason not to have a pet monkey, this is it. The practical effects are jaw-dropping, leaving me wincing and squirming in my seat from start to finish. Holy sh*t, this was epic. Bodies fly, limbs tear, and there’s absolutely no monkey business here. Johannes Roberts returns with a bloody vengeance, delivering pure carnage,” posted According to Seth.

“#Primate is the most fun I’ve had with an animal attack movie since Lake Placid. Intense, creepy, and find plenty of moments for laughs. The score was like a greatest hits love letter to John Carpenter. Oh…and PRACTICAL FUCKIN CARNAGE CANDY!!! Total blast!” posted YouTuber Cody Leach.

Get ready to go bananas for Primate when it opens in Philippine cinemas January 2026. #PrimateMovie

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

(ROHN ROMULO)

Dahil wala pang result ang annulment nila ni KYLIE: ALJUR, tikom pa rin ang bibig tungkol sa dalawang anak nila ni AJ

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa amin, bagay na bagay na sa milestone ng MTRCB (Movie Television Review & Classification Board), si Chairperson Diorella “Lala” Sotto ang kasalukuyang Chairperson.
Iba yung elegance at charisma niya, not to mention ang consistent na nagagawa ng MTRCB under her administration.

At siguro nga, it takes a Chairperson Lala para mapapunta ang kumpletong Tito, Vic & Joey with their spouses. Gayundin ang mga bigwigs ng iba’t-ibang networks and film industry.

Ang light lang ng ambience sa naging 40th celebration ng MTRCB’s anniversary. Ito ay sa kabila ng presensiya ng mga past Chairpersons ng agency.

Nang makausap namin saglit si Chair Lala, masyang-masaya ito sa pagbibigay ng time ng mga stakeholders ng MTRCB– the producers, directors, stars at iba pa.

Kung meron daw siyang moment na pinaka-na-touch during the event, ito yung moment sa pagitan ni past Chairwoman Consoliza Laguardia at ni Joey. Kung matatandaan, during her term sa MTRCB ay madalas na may “isyu” sa pagitan nila. Pinalakpakan ng mga bisita nang “hiritan ni Laguardia si Joey na natatawa na lang.

Kitang-kita namin nang palakpakan ni Coco Martin at buong table nila ang dati rin Chairperson ng MTRCB na si Armida Siguion-Reyna na kilala sa pinaka-liberal among the past chairpersons.

Kung meron man isang pinakamagandang nangyari sa event, ito ay ang pagsi-share ni Chair Lala ng moment sa mga dating Chairpersons at isa-isang ni-recognize ang mga ito at binigyan ng plaque at coffee table book ng MTRCB.

***

ANG hindi pa rin pagkaka-approve ng annulment ng kasal sa pagitan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang posibleng dahilan kung bakit tikom pa rin ang bibig ng aktor sa tuwing matatanong sa diumano’y dalawa ng anak nila ni AJ Raval.

Ito ay sa kabila na kinukumpirma na ng actor at ama ni AJ na si Jeric Raval.

“Well, si Father Jeric, tatay ‘yan, e. Parang he always see what’s good for every one. Tama lang naman ‘yon.

“Para sa akin, for now, pasensiya na,” nakangiting hingi niya ng paumanhin.

Sey pa niya, “I don’t want to talk about it because I’m not comfortable. Bilang isang indibidwal, I’ve prayed for it at nakikita kong hindi muna.

“Every thing will be unveiled naman, sa mga susunod,” tila pahiwatig naman niya na sasagutin din niya ang tanong na ito.

Tinanong namin si Aljur na ngayon ay kauna-unahang ambassador ng Luxus Estetica Furniture kung hindi ba siya nao-offend na tila napapangunahan sila ni Jeric sa pagsasalita?

“Malaki ang respeto ko kay Tatay Jeric,” sey niya.

“Alam n’yo ‘yung relasyon sa mag-ama minsan? Kasi, hindi n’yo nakikita… sometimes kasi, itong mga tatay na ‘to, matanda sa atin ‘yan.

“They see things that we don’t see. And eventually you’ll see, ah, that’s why…”

(ROSE GARCIA)

Carlos Yulo nalimitahan ang kategoryang lalahukan sa SEA Games

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON ng mga pagbabagong ipinatupad ang organizers ng 33rd Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin sa Thailand.

Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion na maapektuhan dito si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Isinaad ng organizers ang panuntunan na ang mga atleta gaya ni Yulo na lumalaban sa iba’t-ibang apparatus ay maari lamang pumili ng isa na kaniyang sasalihan.

Dagdag pa ni Carrion na sigurista ang organizers dahil sa tiyak na makukuha ni Yulo ang lahat ng mga categories at apparatus na sasalihan nito.

Maaaring pipiliin na lamang ni Yulo ang parallel bars dahil dito siya nakakuha ng gintong medalya.

Ipapaubaya na rin nila kay Ivan Cruz ang floor exercise at vault kay Miguel Besana na nagkampeon ang mga ito sa huling SEA Games.

Nakatuon pa rin ngayon si Yulo sa Artistic Gymnastics World Championships na gaganpin sa Jakarta, Indonesia mula Oktubre 19 hanggang 25.

Magugunitang noong 2023 SEA Games ay nakakuha ang Pilipinas ng apat na ginto, dalawan silver at isang bronze medal.

Djokovic, wala pang balak magretiro; inspirasyon sina Ronaldo, LeBron, at Brady HINDI pa umano planong magretiro ni tennis superstar Novak Djokovic sa kabila ng kanyang edad na 36.

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ibinahagi ng Serbian champion na patuloy siyang humuhugot ng inspirasyon mula sa mga sports icons tulad nina Cristiano Ronaldo, LeBron James, at Tom Brady… mga atleta na matagumpay pa rin sa kabila ng kanilang edad.

Ayon kay Djokovic, ang dedikasyon at disiplina ng mga nabanggit na atleta ang nagtutulak sa kanya upang manatiling aktibo sa professional tennis.

Bagama’t batid niyang hindi siya makakapaglaro habang-buhay, nananatili pa rin ang kanyang motibasyon at pagmamahal sa laro.

Dagdag pa niya, mahalaga ang tamang pag-aalaga sa katawan at isipan upang tumagal sa larangan ng sports.

Sa kasalukuyan, patuloy siyang naghahanda para sa mga susunod na torneo at determinado pa ring makamit ang mas maraming tagumpay.

MANILA NORTH CEMETERY, NAGPAALALA PARA SA UNDAS 2025

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAALALA ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga bibisita sa Manila North Cemetery ngayong Undas 2025 upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.
Mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo ang pagdadala ng baril, matatalim na bagay gaya ng kutsilyo at cutter, mga nakalalasing na inumin, alagang hayop, gitara, malalakas na sound system, at anumang bagay na madaling magliyab tulad ng alkohol at thinner.
Ayon sa anunsyo, bukas ang sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.
Ang huling araw ng libing ay itinakda sa Oktubre 28, habang ang paglilinis, pagkukumpuni, at pagpipintura ay pinapayagan lamang hanggang Oktubre 27.
Hindi rin papayagang makapasok ang anumang uri ng sasakyan sa naturang araw, at ang regular na operasyon ng Manila North Cemetery ay babalik sa Nobyembre 3. (Gene Adsuara)

143 senior citizens, nabigyan ng libreng pneumococcal vaccine

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 143 Navoteño senior citizens ang nabigyan ng libreng pneumococcal vaccine ng Office of Senior Citizens’ Affairs katuwang ang City Health Office bilang bahagi ng pagdiriwang sa Elderly Filipino week. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, mahalaga ang pagpapabakuna upang matulungan ang mga nakatatanda na manatiling malusog at ligtas laban sa sakit. (Richard Mesa)

PANAWAGAN NA ITAGUYOD ANG TOBACCO HARM REDUCTION

Posted on: October 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang mga health experts at consumer advocates sa pamahalaan na itaguyod ang tobacco harm reduction (THR) bilang pangunahing prinsipyo sa pampublikong kalusugan.
Sa Harm Reduction and Nicotine Summit, binigyang-diin nila na ang pagbalewala sa makabagong agham ay naglilimita sa mga naninigarilyo na makagamit ng mga mas ligtas na alternatibo tulad ng e-cigarettes, nicotine pouches, at heated tobacco products.
Ayon sa mga pag-aaral sa Public Health England: e-cigarettes ay 95% na mas ligtas kaysa sigarilyo habang sa Japan ay mas mababa ang exposure sa mapanganib na kemikal sa mga lumipat sa heated tobacco at sa Pilipinas, kung kalahati ng mga naninigarilyo ay lilipat sa mga produktong hindi sinusunog, maaaring makatipid ng USD 3.4 bilyon kada taon sa gastusin sa kalusugan.
Bagaman may Vape Law na itinuturing na progresibo, sinabi ng mga eksperto na kailangan pang palawakin ang access at edukasyon tungkol sa mga alternatibong produkto.
Ipinunto rin nila na ang demonisasyon ng nikotina ay mapanganib at di naaayon sa agham.
Itinampok din ang modelo ng Sweden, na naging “smoke-free” sa pamamagitan ng paggamit ng mga alternatibong produkto.
Gayunpaman, binanggit ang mga hamon na tumaas ang adult smoking rate sa 23.2% (2023) mula 18.5% (2021) nalugi ang gobyerno ng ₱40 bilyon dahil sa ilegal na bentahan ng sigarilyo at vape at komplikadong buwis ay nagtutulak sa smuggling at paggamit ng unregulated products.
Sa huli, nanawagan ang mga grupo sa gobyerno na magpatupad ng mga polisiya batay sa agham, repormahin ang pagbubuwis, labanan ang ilegal na kalakalan, at tulungan ang mga naninigarilyo na lumipat sa mas ligtas na alternatibo.
Ang summit ay inorganisa ng Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP) at mga katuwang na organisasyon upang talakayin kung paano maisasama ang harm reduction strategies sa national tobacco control efforts. (Gene Adsuara)