AYON kay DILG Secretary Jonvic Remulla, karamihan sa mga mamamatay kung tatama ang “The Big One” earthquake ay mula sa mga pamilyang informal settlers.Paliwanag niya, hindi maayos ang pagkakagawa ng kanilang mga bahay at kadalasang gumagamit ng kerosene o iba pang delikadong gamit sa pagluluto. Dagdag ni Remulla, kailangang i-update ang mga building code sa mga munisipalidad.Maglulunsad din ang DILG ng infrastructure audit sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon kasama ang mga grupo ng engineers at mga paaralan.***News 1 with photo attachedHakbang ng DEPED na pagtuturo ng kaalaman ng ating karagatan, pinuri ni GoitiaPINURI ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng ilang makabayang organisasyon, ang plano ng Department of Education (DepEd) na isama sa kurikulum ang aralin tungkol sa West Philippine Sea (WPS).Ayon kay Chairman Goitia, ito ay isang matalino at makabayang hakbang upang palakasin ang kamalayang pambansa at ituro sa kabataan ang pagmamahal sa bayan.Hindi mo maipagtatanggol ang isang bagay na hindi mo alam,” ani Goitia. “Kapag itinuro natin sa mga bata ang tungkol sa West Philippine Sea (WPS), hindi lang heograpiya ang itinuturo natin kundi maging ang pagtuturo ng pagmamahal sa bayan.”Binanggit din ni Goitia na ang edukasyon ay mahalagang sandata ng bansa laban sa maling impormasyon at propaganda ng China tungkol sa WPS. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng 2016 Arbitral Ruling at Exclusive Economic Zone (EEZ), magkakaroon ang mga mag-aaral ng tamang kaalaman at malasakit sa soberanya ng Pilipinas.Binigyang-diin din ni Goitia ang papel ng mga guro bilang “tagapagtanggol ng katotohanan,” kaya dapat silang suportahan sa pamamagitan ng mga kagamitan at pagsasanay.Naniniwala rin si Goitia na ang edukasyon ay daan sa pagkakaisa at pambansang identidad, at ang laban para sa WPS ay nagsisimula sa silid-aralan.Sa huli sinabi ni Goitia na sinabi niya na dapat maramdaman ng kabataan na ang WPS ay hindi lang bahagi ng mapa, kundi bahagi ng pagkakakilanlan ng bawat Pilipino. ( Gene Adsuara)