• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:54 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 16th, 2025

The Eddys ng SPEEd, nagpa-abot ng tulong sa mga batang maysakit

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA ika-8 edisyon ng The Eddys (The Entertainment Editors’ Choice), na ginanap noong Hulyo 20, nagkaroon ng mas malalim na kahulugan ngayong taon dahil ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), ang grupo sa likod ng taunang mga parangal sa pelikula, ay nag-abot ng tulong sa Little Ark Foundation bilang natatanging benepisyaryo.Ang layunin ng partnership ay upang sumuporta sa mga bata na nakikipaglaban sa mga kondisyong medikal na nagbabanta sa kanilang buhay.“We are deeply grateful to SPEED and The Eddys for choosing Little Ark Foundation as this year’s beneficiary. Little Ark may be new, but our dream has always been big: to stand with every child and family fighting life-threatening illness,” ayon sa founder ng Little Ark na si Butch Bustamante sa naganap na turnover ng tseke ng donasyon noong Setyembre 30 sa Quezon City.“They have not only provided financial help, but more importantly, they have given our patients and families a platform to share their struggles and stories with the world. For us, that recognition is hope itself,” dagdag ni Bustamante.Pinuri naman ng pangulo ng SPEED na si Salve Asis ang pagsisikap ng Little Ark na suportahan ang mga bata, “not only with the care they need but also by giving them a safe place to heal and dream.”“This year, The Eddys goes beyond recognizing cinematic excellence by standing with the children who bravely fight for their lives,” pahayag pa niya.Ang Little Ark Foundation ay nagbibigay ng holistic assistance sa pediatric na pasyente at kanilang mga pamilya, kabilang ang pabahay para sa mga sumasailalim sa paggamot, tulong sa transportasyon sa pamamagitan ng Hope in Transit program nito, at pang-araw-araw na suporta sa pagkain.Ang organisasyon ay nag-aayos din ng mga aktibidad sa paglalaro para sa mga batang pasyente at namamahala sa Care Cart at Care Baskets na mga inisyatiba, na nagbibigay ng kaginhawahan sa mga bata, tagapag-alaga, at kawani ng ospital.Para sa iba pang impormasyon available ito sa littlearkfoundation.org o sa butch.bustamante@littlearkfoundation.org at +63 906 403 9569. (ROHN ROMULO)

Meet Clara Grant: 12 Fun Facts You’ll Love

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GET to know 12 fun facts about Clara Grant, the fierce, wounded heroine played by Mckenna Grace in Regretting You — arriving in Philippine theaters October 22.
“Mckenna brings so much life to Clara,” says Allison Williams, who plays Morgan Grant, mom to Mckenna Grace’s Clara in the upcoming tragic romance Regretting You. “She’s an extraordinary actress.”

In Regretting You — adapted from Colleen Hoover’s hit novel — Allison Williams and Mckenna Graceportray Morgan and Clara Grant, mother and daughter pushed apart by tragedy. When a shocking betrayal emerges after a devastating accident, they must unearth buried secrets, redefine love, and stand by each other again. The luminous ensemble includes Dave Franco, Mason Thames, Sam Morelos, Scott Eastwood, Willa Fitzgerald, and Clancy Brown. Directed by Josh Boone (of The Fault in Our Stars fame).

Ready to fall deeper into Clara’s world? Here are 12 fun facts that make her—and the actress behind her—truly unforgettable.

1. Starting young, soaring high
At 19, Mckenna Grace began acting at age 5. Her credits span Captain Marvel to The Handmaid’s Tale, for which she earned an Emmy nomination for Outstanding Guest Actress in a Drama Series.

“Clara has been such a special role for me,” says Grace. “She’s so complicated, mature and immature all at once.”

2. On‑screen love, real‑life friendship
Clara’s boyfriend Miller is played by Mason Thames — who, in real life, is one of Grace’s best friends.

“We already knew each other so well because we’ve been goofing off for the past year, doing all these stupid things,” Grace says of Thames. “And then, all of a sudden, we were working together, running around, having a blast!”

3. The first week was wild
The earliest scenes took place in Miller’s home, where the set included goats, horses, and more. Grace recalls this first week as her favorite. And yes, she traveled with her beloved Yorkie, Gizmo.

4. Sometimes, Clara stirs the pot
In one climactic scene, Miller accuses Clara of using him just to “piss off” her mom. Grace admits:

“Clara does some things that she knows will piss off her mama,” Grace laughs. “The interesting thing is that sometimes I don’t think she knows there’s a part of her that’s doing it to piss her off. Sometimes she definitely does, though, and does it anyways!”

5. Their shared passion: films
Clara dreams of acting; Miller wants to direct. Movies are one of their deepest bonds.

“Miller is a filmmaker, so he’s very creative,” notes Thames.

6. Guilty‑pleasure romance flicks
Miller apparently loves Elizabethtown (a Cameron Crowe film), a nod to director Josh Boone’s own inspirations.

7. Sharp wit, hidden pain
Though grief weighs on her, Clara still brings humor and sarcasm. As Thames teases:

“Whoever his first kiss was with, I bet it was nothing like his first kiss with Clara,” says Thames of when Miller and Clara’s romance first blooms. “That is a moment that everybody is looking for. And once you find it, it’s pretty special.”

8. Top student turned rebel
Before the tragedy, Clara was a straight‑A pupil. Afterwards, she spirals, rebelling and pushing away her mother through bad choices. Grace notes:

“There are a lot of bad decisions that Clara makes within her grief, just trying to figure herself out. Which I think makes her very human,” says Grace. “This film is about her and her mom trying to find each other again.”

9. A director steeped in adaptation
Josh Boone, who previously brought The Fault in Our Stars to film, now brings Regretting You to life.

10. Music is Clara’s compass
Music drives the film’s tone (you’ll notice an R.E.M. logo on Boone’s hoodie in set pics). He says he builds a movie’s identity around its soundtrack:

“Music is almost the starting point for me to even know whether to make a movie or not,” Boone says. “I worked at a record store for many years before I made movies, so the first thing I do is build a soundtrack. Music is important to Clara, too.”

11. A confidante in real life
Grace says she doesn’t carry many secrets but becomes “a vault” for others.

“I don’t have a lot of secrets of my own, but I am a vault for other people’s,” says Grace. “I’m somebody people tell a lot of secrets to. I never tell. I am a really, really good secret-keeper.”

12. Grace’s own musical heart
Offscreen, she’s a musician, having released 30+ songs since debuting her single “Haunted House” in 2021. She calls songwriting “is my therapy.”

Regretting You, from Paramount Pictures, opens in Philippine cinemas October 22. #RegrettingYouMovie (Source: clickthecity.com)

(ROHN ROMULO)

42 days na ang lumipas sa pagdinig sa Senado: ANNE, mukhang inip na inip na dahil wala pang nananagot

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NI-REPOST ni Anne Curtis sa kanyang Instagram story ang isang art card mula sa “Follow The Trend Movement (FTTM) page kung saan nakasaad na 42 days na raw ang lumipas nang magsagawa ng pagdinig ang Senado pero parang wala pang maliwanag na resulta.
“42 days since hearings on flood control project started. Wala pa ring napapanagot,” ang mababasa sa caption ng naturang art card.
Komento pa ni Anne na parang inip na inip na, “ung Totoo? Ano naaa po?”
Marami naman ang sumang-ayon sa kanya dahil higit isang buwan na ang lumipas pero wala pang kaganapan tungkol sa sinusubaybayang isyu.
Isa nga si Anne sa matatapang na artista na naglalabas ng saloobin tungkol sa mga anomalya at korapsyon sa pamahalaan, lalo na sa isyu ng flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isa pang post ni Anne sa IG, binigyang-diin niya ang pagbabayad niya ng tamang buwis, “Bilang mga taxpayers it allow us to ask an important question: Saan ba talaga napupunta ung taxes natin lahat?
“We all work hard. Some spend late nights away from their families, endure long commutes, and sadly, many still suffer the consequences of flooding and other hardships.
“I DO BELIEVE in paying taxes—when they’re used for the growth of our nation, the betterment of our communities, and most importantly, in support of our fellow Filipinos who need the extra hand.
Sa isa pa niyang post sa IG, binigyang-diin ni Anne ang pagbabayad niya ng tamang buwis, “Bilang mga taxpayers it allow us to ask an important question: Saan ba talaga napupunta ung taxes natin lahat?
“We all work hard. Some spend late nights away from their families, endure long commutes, and sadly, many still suffer the consequences of flooding and other hardships.
“I DO BELIEVE in paying taxes—when they’re used for the growth of our nation, the betterment of our communities, and most importantly, in support of our fellow Filipinos who need the extra hand.”
Dagdag pa niya, “Specially, for the youth and children who don’t have access to proper nutrition and education.
“It’s time we use our voices to END CORRUPTION in our country para sa mga anak natin at para sa future generation of Filipinos.
“Para sayo, Mahal namin Pilipinas!”
***
Makasaysayang pelikula na “Quezon” binigyan ng rated

BINIGYAN ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang “Quezon” na pinagbibidahan ni Jericho Rosales bilang si Pangulong Manuel L. Quezon.
Sa PG, maaaring may mga tema o eksena na nangangailangan ng gabay ng magulang para sa mga manonood na may edad 13 at pababa.
Ang pelikula ay tungkol sa hangad ni Quezon ng kapangyarihan, habang ipinaglalaban ang kalayaan ng Pilipinas. Sa hangarin niyang bumuo ng isang bansang malaya, nag-iwan siya ng isang legasiya na nananatili hanggang sa kasalukuyan.
“Ang mga pelikulang tulad ng ‘Quezon’ ay sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng angkop na klasipikasyon, tinitiyak natin na ito ay ligtas na mapapanood ng mga manonood habang may paggabay ng mga magulang,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.
Samantala, apat pang pelikula ang inaprubahan ng MTRCB para sa pampublikong pagpapalabas.
Ang “Good Fortune” na pinagbibidahan ni Keanu Reeves at ang “Kiss of the Spider Woman,” tampok si Jennifer Lopez, ay kapwa rated R-13 (Restricted-13), angkop para sa edad 13 at pataas.
Ang ‘Good Fortune’ ay isang komedya tungkol sa isang anghel na si Gabriel na nabigong ipakita sa isang lalaking problemado na ang pera ay hindi solusyon sa lahat, habang ang “Kiss of the Spider Woman” ay isang musikal tungkol sa pag-ibig at kalayaan.
Para sa mahilig sa katatakutan, parehong R-16 ang mga horror-thriller na “Black Phone 2” at “The Mariana’s Web” angkop lamang sa mga edad 16 at pataas.
Hinikayat ni Sotto ang mga magulang at nakatatanda na gabayan ang mga bata habang nanonood.
“Sa wastong paggabay ng magulang, ang mga ganitong pelikula ay magsisilbing simula ng makahulugang pag-uusap at makatutulong sa paghubog ng responsableng panonood sa pamilya, lalo na sa mga batang Pilipino,” dagdag ni Sotto.
Sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng MTRCB, muling pinagtitibay ng Ahensiya ang pangako nitong protektahan ang mga manonood, suportahan ang industriya ng pelikula at telebisyon, at itaguyod ang Responsableng Panonood sa pamamagitan ng angkop na klasipikasyon.
(ROHN ROMULO)

Masuwerte ang mag-asawa sa kanilang kambal: CASSY at MAVY, sobrang maasikaso sa ama’t ina na sina ZOREN at CARMINA

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MASUWERTE nga raw sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel dahil sobrang maasikaso sa kanila, lalo na ‘pag dating sa kalusugan nila, ang kanilang kambal na sina Cassy at Mavy.
“‘Yun ‘yung fear ng mga magulang eh. Minsan, ‘pag tanda ‘di ba, sasabihin sino mag-aalaga sa akin? Ako I am at peace dahil alam ko alagaan kami nitong dalawa,” sey ni Zoren na noong ma-ospital ng isang buwan, si Cassy ang nagbayad ng hospital bills.
Si Carmina naman ay binalikan ang sinabi sa kanya noon ni Mavy noong 7-years old pa lang ito.
“Sabi niya, ‘You know what mom, when you grow older, I’m gonna carry you going up the stairs and going down.’ No’ng time na ‘yon, hindi naman ako nasugatan. So talagang alam ko din na kahit tumanda kami, magkaroon kami ng sakit, alam namin na aalagaan kami ng mga anak namin.”
Magkasama for the first time sa isang teleserye ang Legaspi Family sa GMA-7 na ‘Hating Kapatid’. Kasama rin sa cast sina Valerie Concepcion, Mel Kimura, Leandro Baldemor, Mercedes Cabral, Glenda Garcia, Haley Dizon and Vince Maristela.
***
MAGKAKASUNOD ang TV projects ng Sparkle hunk at PBB Collab housemate na si Vince Maristela.
After ng role niya sa ‘Sang’gre’, kasama siya sa ‘Hating Kapatid’ ng Legaspi Family.
Partner siya sa teleserye ni Cassy Legaspi at mabilis daw silang nagkasundo sa taping.
“Thankful ako kay Cassy dahil siya ‘yung makaka-partner ko rito at napakakomportable ako kasama siya, at nag-e-enjoy talaga ako kapag nasa taping ako,” sey niya.
Tinanong si Vince kung may nagseselos ba na partner niya si Cassy sa teleserye?
Ngumiti lang ito at sinabing, “trabaho lang po!”
Nabalita kasing dine-date diumano ni Cassy si Michael Sager na kasabayan ni Vince noong ni-launch sila ng Sparkle bilang Sparkada in 2022. Ka-batch din sila sa PBB Collab.
***
GINULAT ng American host and comedian, Conan O’Brien ang maraming Pinoy noong makita siyang gumagala sa Bonifacio Global City in Taguig.
Nasa Pilipinas si Conan para mag-shoot ng episode para sa travel show na ‘Conan O’Brien Must Go.’
“Mabuhay, Philippines! Just landed in Manila to shoot #ConanOBrienMustGo and I’ve already met so many amazing people,” post niya sa social media.
Marami na ang nag-post ng selfies nila with Conan habang nasa BGC ito. Natuwa ang comedian dahil marami raw nakakakilala sa kanya at very friendly daw ang mga Filipinos.
‘Conan O’Brien Must Go’ is a spin-off of his hit podcast, ‘Conan O’Brien Needs a Friend.’ Nasa second season na ito sa HBO Max.
Isa sa well-loved late-night hosts si Conan ng mga shows niya na Late Night with Conan O’Brien (1993-2009); The Tonight Show (2009-2010); at Conan (2010-2021). Naging host siya sa nakaraang Oscar Awards.
Bago siya naging TV host, naging writer si Conan ng Saturday Night Live at The Simpsons.

(RUEL J. MENDOZA)

Keep running, Watch the new trailer for “The Running Man,” directed by Edgar Wright and starring Glen Powell

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PLAY the game or the game plays you. Watch the new trailer for The Running Man, directed by Edgar Wright (Baby Driver, Scott Pilgrim vs. the World, Shaun of the Dead) and starring Glen Powell (Top Gun: Maverick, Twisters) – in Philippine cinemas November 12.

Watch the trailer: https://youtu.be/85sWo8ppvHM

Check out the new posters!

Official synopsis:

In a near-future society, The Running Man is the top-rated show on television – a deadly competition where contestants, known as Runners, must survive 30 days while being hunted by professional assassins, with every move broadcast to a bloodthirsty public and each day bringing a greater cash reward.

Desperate to save his sick daughter, working-class Ben Richards (Glen Powell) is convinced by the show’s charming but ruthless producer, Dan Killian (Josh Brolin), to enter the game as a last resort. But Ben’s defiance, instincts, and grit turn him into an unexpected fan favorite – and a threat to the entire system. As ratings skyrocket, so does the danger, and Ben must outwit not just the Hunters, but a nation addicted to watching him fall.

About The Running Man:

Paramount Pictures Presents In Association with Domain Entertainment, A Kinberg Genre / Complete Fiction Production, An Edgar Wright Film“ THE RUNNING MAN”

Starring Glen Powell, William H. Macy, Lee Pace, Michael Cera, Emilia Jones, Daniel Ezra, Jayme Lawson, Sean Hayes, Katy O’Brian with Colman Domingo and Josh Brolin

(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

(ROHN ROMULO)

Kumalat ang pagpanaw ng aktres dahil daw sa heart attack: CHANDA, nabiktima ng ‘death hoax’ pero buhay na buhay

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DALAWA sa Legaspi Family ang nakatrabaho na ni Glenda Garcia.
Si Zoren Legaspi ay nakasama niya sa 2017 teleserye ng GMA Public Affairs na ‘I Heart Davao’. Si Cassy Legaspi naman ay nakatrabaho niya sa ‘First Yaya’ (2021) at ‘First Lady’ (2022).

Si Carmina Villarroel ay hindi pa niya nakakasama sa anumang teleserye, pero matagal na raw silang magkakilala dahil madalas daw noon dumalaw sa set ng ‘Valiente’ (1992) ang aktres dahil sa boyfriend nito noon na si Rustom Padilla (BB Gandanghari na ngayon).

First time din niyang makatrabaho si Mavy Legaspi at paborito raw ni Glenda ang mga eksena nilang dalawa.

Balik-kontrabida si Glenda sa ‘Hating Kapatid’. Muli raw niya binuhay ang kontrabida character niya sa ‘Valiente’ na si Leona Braganza at hinalo sa character niya ngayon na si Jacinta.

“Masaya ako at si Direk Adolf ulit ang director ko kasi kilala na namin ang isa’t- isa. Alam niya ‘pag mabigat ang eksena, close up shot na muna kasi alam niya na ibibigay ko na lahat.

“Magagalit sa akin ang marami dahil sa umpisa pa lang, grabe ko apihin ang mga bata.

“May eksena rin kami ni Carmina na kinaladkad ko siya, tinulak at marami akong sinabing masasakit na salita. Kahit may nasaktan, it was choreographed very well.

“Masarap kaeksena si Mina kasi magaling, very sweet at napaka-humble na tao.”

***

LATEST victim ng “death hoax” sa showbiz ay ang veteran actress na si Ms. Chanda Romero.

Noong nakaraang Sabado, Oct. 11, kumalat sa social media ang pagpanaw daw ng aktres dahil sa heart attack.

Heto ang post sa Facebook page na Mang Kepweng:

“MALUNGKOT NA BALITA: Veteran Actress Na Si Chanda Romero, Pumanaw Na Sa Edad Na 71 Pasado 2:00 Ng Hapon Ngayong Araw (October 11, 2025) Dahil Sa Atake Sa Puso. Ang Aming Taos-pusong Pakikiramay. Rest In Peace, Chanda Romero. February 26, 1954-October 11, 2025.”

Agad-agad na pinabulaanan ng lawyer and film producer ng Quantum Films na si Josabeth ” Joji” Alonso ang fake news tungkol kay Chanda.

Sa kanyang Facebook account, sinabi nito na “very much alive” ang 71-year old award-winning veteran actress.

“The person who posted this is the same person who posted that Michael de Mesa passed, which we all know is NOT true.

“I don’t understand why people make up stories like these? Sana ipost nyo na lang na kayo ang namatay!!!

“Chanda is very much alive po, and happy and content,” caption ni Atty. Joji.

Kung matatandaan ay naging biktima ng death hoax ang veteran actor na si Michael de Mesa noong nakaraang Sept. 30. Ang 65-year old actor mismo ang nagsabing fake news ito sa kanyang social media accounts.

Si Chanda ay nananatiling aktibo sa paglabas sa TV at pelikula. Huling siyang napanood sa ‘Batang Quiapo’ ng Kapamilya Network at sa Forever Young ng GMA-7.

Noong Sept. 25, nanalo bilang best supporting actress si Chanda sa 3rd Gawad Dangal ng Filipino Awards para sa pelikulang ‘Espantaho.’

Mapapanood din si Chanda sa 2025 Metro Manila Film Festival official entry na ‘Call Me Mother’ na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre.

(RUEL J. MENDOZA)

Historical biopic, naka-set na ang worldwide release: JERICHO, proud na proud sa pagiging Pilipino dahil sa ‘Quezon’

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na inanunsyo ng TBA Studios ang global rollout ng “Quezon”, ang pinaka-aabangang Filipino historical biopic na pinagbibidahan ni Jericho Rosales at “Game of Thrones” star na si Iain Glen.
Ang pelikula ay magpe-premiere sa Pilipinas ngayong araw, Oktubre 15, na susundan ng international screening.
Mapapanood ito Australia at New Zealand sa Oktubre 30, sa North America at Canada naman sa Oktubre 31 at Middle East sa Nobyembre 20.
At mga karagdagang bansa at screening dates ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
Naka-set ang backdrop ng isang bansang nasa bingit ng kalayaan, ang “Quezon” ay kasunod ng estratehikong pag-angat ni Manuel L. Quezon (Rosales) sa kapangyarihan, na nag-navigate sa matinding tunggalian at mga alyansang pampulitika upang manalo sa 1935 presidential elections.
Isinasaliksik ng pelikula ang kanyang pakikipag-away sa mga tauhan tulad nina Leonard Wood (Glen), Sergio Osmeña, at Emilio Aguinaldo, na nagpinta ng isang nakakaakit na larawan ng isang pinuno na muling humubog sa kasaysayan ng Pilipinas.
Samantala, sa naganap na matagumpay na red carpet premiere noong Oktubre 12, sa SM The Block, madamdaming binanggit ni Jericho na, “Very proud (to be Filipino) right now. Regardless, despite, I am very proud. The creatives behind me, excellente! Magaganda, mapagmahal, mapagbigay, at mababait, mga taong nagtrabaho dito.
Dagdag pa ni Echo, “It is such an important film, especially right now, I believe this is one of the most important films now. Because of its meaning. Revisiting history—the purpose of the film is a call to action, a movement.”
Kasama sa star-studded cast sina Benjamin Alves bilang batang Quezon, Mon Confiado bilang Aguinaldo, Arron Villafior at Cris Villanueva bilang Joven Hernando, Romnick Sarmenta bilang Sergio Osmeña, Karylle bilang Aurora Quezon, JC Santos, Jake Macapagal, Bodjie Pascua, Angeli Bayani, Jojit Lorenzo, Joross Ketchoa, Therese Maluses, at Anase Nico Locco.
Ini-reveal ng TBA Studios na sila ay nilapitan ng ilang mga internasyonal na distributor, kasama ng ABS-CBN International na sinisiguro ang eksklusibong mga karapatan sa pamamahagi sa “Quezon” sa mga pangunahing teritoryo sa ibang bansa.
“We’re thrilled that ‘Quezon’ will finally be seen by Filipinos around the world-and not just by the Filipino community, but also by fans of historical and political cinema,” ayon sa producer na si Daphne Chiu-Soon.
“This is a world-class production made for the big screen, and we’re proud to share this important story with a global audience.”
Sa pangunguna ng premyadong direktor na si Jerrold Tarog, minarkahan ng “Quezon” ang pagtatapos ng cinematic “Bayaniverse trilogy” ng film studio, isang serye ng mga pelikulang hango sa kasaysayan ng Pilipinas na kinabibilangan ng “Heneral Luna” noong 2015, ang pinakamataas na kinita ng historical movie of all time sa Pilipinas; at ang critically acclaimed na 2018 movie na “Goyo: The Young General.”
Ang “Quezon” ay produced ng TBA Studios, na suportado ng Film Development Council of the Philippines at CreatePHFilms.
Para sa mga update at international screening details, I-follow ang TBA Studios sa social media o bisitahin ang kanilang opisyal na website https://www.tha.ph

(ROHN ROMULO)

Natuklasan daw na may bagong babae ang aktor: Totoong dahilan ng paghihiwalay nina DEREK at ELLEN, ‘di pa mapatunayan

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kabila ng parehong pagdi-deny nina Ellen Adarna at Derek Ramsay na hindi sila totoong hiwalay ay ayaw pa rin silang tantanan.
Patuloy pa ring ikinakalat ng netizens na hindi na sila nagsasama sa iisang bubong.
Sa katunayan ay nakikita nang lumalabas mag-isa si Ellen kasama ang ilang friends. Bumalik na raw sa dating gawi si Ellen na malakas lumaklak ng alak.
Kaya umano tinabangan itong si Ellen sa relasyon nila ni Derek ay maliban sa boring na kasama ay natuklasan raw nito na may bagong babae si Derek, na labis na ikinagalit ni Ellen.
Pero puro hearsay lang naman ang lahat ng ito at hindi naman napatutunayan kung totoo o fake news?
Ang latest, ay namataan kamakailan sa NAIA si Ellen, na bitbit ang isang maleta at bibiyaheng mag-isa going to her hometown in Cebu.
Baka naman magbabakasyon lang ito sa Cebu? Saka nasaan na ang mga anak na sina Elias at Baby Liana na daughter nila ni Derek. Baka naiwan muna kay Derek? Well, sana kung totoong may isyu sa dalawa at may kinahaharap silang problema sa kanilang relasyon ay magkaayos pa rin sila for the sake of their kids.
***
‘Spring in Prague’, entry ng Pilipinas sa Asian Film Festival Sa Prague

DAHIL na-inspire sa ganda ng Prague, Czech Republic ang dating Pangulo ng Pilipinas na ngayo’y kongresista na si Gloria Macapagal-Arroyo, nabuo ang iconic lawyer-producer na si Atty. Ferdinand Topacio under his Borracho Films.
Ang international movie na ‘Spring in Prague’ na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao at sikat na Czech actress na si Sara Sandeva.
Well, nagkasama kasi sa bakasyon nila sa Prague si Atty. Topacio at mag-asawa na sina Cong. Arroyo at former First Gentleman Mike Arroyo. Kaya na-inlove sila sa napuntahan nilang mga tourist spot sa Prague.
Samantala last September, ay dumalo sa Asian Film Festival ang female lead star ng movie. At dumalo rin sa naturang film festival si Philippine Ambassador to the Czech Republic Eduardo R. Meñez at Ging Omaga Diaz na Philippine Embassy Chargé d’Affaires.
Bukod kina Paolo at Sara kasama rin sa movie sina Ynah Zimmerman, Tori Topacio, veteran comedian Che Lejano at ilang magagaling na foreign actors.
Ang ‘Spring in Prague’ ay dinirek ni Lester Dimaranan. Samantalang si Jesy Vidal, na talent ng Borracho ang kumanta ng theme song ng movie.

(PETER S. LEDESMA)

Handang ipakita sa ICI at Ombudsman SALN ni PBBM, available sa publiko

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipakita at ibigay ang kanyang of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa kung sino ang hihingi nito.“My SALN is – I have – again, it’s – it will be available as available to whoever would like to – kung hingiin sa akin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), siyempre ibibigay ko. Kung hingiin sa akin ng Ombudsman, ibibigay ko,” ang pagtiyak ni Pangulong Marcos sa isang press conference.Handa rin si Pangulong Marcos na sundin ang lumang patakaran na muling buksan ng Office of the Ombudsman sa publiko ang pag-access sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno.“We will follow the old rules. These old rules were suspended in the last administration, where the SALN was – it was much easier to get a copy of the SALN and to examine it,” ayon kay Pangulong Marcos.Inamin ng Pangulo na nagulat siya na malaman niya sa kanyang pag-upo ay hindi na umiiral ang ‘old rules.’“That it was almost impossible, in fact, to get a copy of people’s SALN. And so we’re just going back to the old procedure, and we will follow that, whatever happens,” ani Pangulong Marcos.Samantala, handa rin niyang ipag-utos sa mga miyembro ng kanyang gabinete na buksan ang SALN sa publiko.“Yes, of course. Of course,” diing pahayag ng Pangulo. ( Daris Jose)

Centeno tinalo ang kapwa Pinay cue artist na si Amit para magkampeon sa WPA Women’s 10-Ball World Champ

Posted on: October 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA ni Pinay cue artist Chezka Centeno ang kampeonato ng 2025 WPA Women’s 10-Ball World Championship na ginanap sa Bali, Indonesia.

Tinalo nito ang kapwa Pinay cue artist na si Rubilen Amit sa score na 4-1, 2-4, 4-2, 3-4, 4-2.

Naging mahigpit ang laban ng dalawa subalit hindi nagpabaya sa mga depensa ang 26-anyos na native ng Zamboanga.

Pinasalamatan nama ni Centeno ang Maykapal dahil sa hindi siya pinabayaan para manalo.