• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 15th, 2025

MAGIGING STATE WITNESS SI ROMUALDEZ, FAKE NEWS

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG katotohanan ang kumakalat sa social media na sinabi ni Ombudsman Crispin Remulla na isang mataas na opisyal mula sa Leyte ang magiging state witness kasabay din ng mga naglabasang larawan nito kasama si Rep. Martin Romualdez na may caption na “state witness”.

Tinawag ito ni Remulla na propaganda para galitin ang taumbayan.

Sinabi ni Atty. Mico Clavano IV, na niloloko at pinaglalaruan ng mga nasa likod ng mga pekeng post na ito ang damdamin ng mga Pilipino ang pagpapakalat ng fake news.

Kasabay niyan ay nagpaalala sa publiko na mag-ingat sa mga pekeng balita sa social media.

Nauna nang sinabi ni Remulla na mayroon na silang kinokonsidera na isang state witness sa isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects. (Gene Adsuara)

Mister na wanted sa rape, sexual assault sa Valenzuela, laglag sa selda

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng isang mister na wanted sa kaso ng rape at sexual assault matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

Lumabas sa ulat ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, ang 45-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person ng Valenzuela CPS ay may nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ng Family Trial Court, Branch 16, Valenzuela City.

Nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa tinutuluyan bahay ng akusado, kaagad bumuo ng team ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) Valenzuela CPS bago ikinasa ang manhunt operation.

Dakong alas-4:40 ng hapon nang makorner ng mga tauhan ni Col. Talento ang akusado sa Bitik Medina Street, Community Steelwood, Barangay Gen. T. De Leon.

Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang warrant of arrest para sa dalawang bilang ng Rape at dalawang bilang din ng Sexual Assault in relation to Section 5 ng R.A 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na walang inirekomendang piyansa.

Dinala ang akusado sa Valenzuela City Health Department para sa medical examination bago tinurnover sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS kung saan siya pansamantalang nakapiit habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
(Richard Mesa)

Navotas, magho-host ng unang business conference

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na inilunsad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas Chapter ang kauna-unahang Navotas Business Conference 2025, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Ang dalawang araw na kaganapan ay gaganapin sa Oktubre 28–29 sa Navotas Convention Center.

Magsasama-sama sa naturang conference ang mga lider ng negosyo, mga innovator, at mga stakeholder mula sa buong Metro Manila upang tuklasin ang mga pagkakataon para sa paglago, pagpapanatili, at pakikipagtulungan.

Itatampok nito ang mga talakayan at eksibit na nagha-highlight ng mga pagkakataon sa pagbabago at paglago sa mga sektor ng pangisdaan, manufacturing, logistics, at turismo.

Nagpahayag naman ng optimismo si Mayor John Rey Tiangco tungkol sa direksyon ng ekonomiya ng lungsod at ang kahalagahan ng kaganapan sa pagbibigay kapangyarihan sa mga lokal na negosyante.

“Habang tuloy-tuloy ang development at pagdating ng bagong investments, gusto nating tiyakin na kasama at handa ang mga local businesses sa pag-angat ng lungsod,” aniya.

“This conference is a platform for Navoteño entrepreneurs to connect, learn, and grow,” dagdag niya.

Aniya, naka-angkla sa temang, “Navotas Rising: Empowering Industries from Sea to City,” na binibigyang-diin ang pagbabagong-anyo ng Navotas mula sa isang tradisyonal na komunidad ng pangingisda tungo sa isang moderno, sustainable, at sentro ng teknolohiya.

“The ‘Sea’ represents our roots as a fishing community, while the ‘City’ represents our future — modern industry, digitalization, and a sustainable business environment,” paliwanag ni Tiangco.

Samantala, inilarawan ni PCCI–Navotas President Paul Santos ang kumperensya bilang salamin ng pag-unlad ng lungsod at binigyang-diin niya ang halaga ng partnership sa lokal na pamahalaan.

Pangungunahan ni Agriculture Secretary Francisco “Tiu” Laurel Jr. at inspirational speaker Bo Sanchez ang kaganapan kasama ng iba pang mga kilalang panauhin mula sa gobyerno at industriya.

Maaari ding asahan ng mga kalahok ang mga pag-uusap sa plenaryo, mga eksibit, at mga sesyon ng networking tungkol sa pagbabago, pamamahala, at pagnenegosyo.

Inaanyayahan din ang mga MSME na sumali sa afternoon sessions at bumisita sa mga business booth sa halagang ₱1,000 lamang kada araw. (Richard Mesa)

REP. ERICE, BUMOTO NG “NO” SA P6.3-TRILYONG 2026 NATIONAL BUDGET

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KABILANG si Caloocan 2nd District Representative Edgar “Egay” Erice sa labindalawang kongresistang bumoto ng “NO” sa ₱6.3-trilyong 2026 General Appropriations Bill (GAB) na inaprubahan ng Mababang Kapulungan sa botong 287–12–2.

Mariing tinutulan ni Erice ang pagkakasama ng ₱250 bilyong unprogrammed funds, na aniya ay walang malinaw na pinagmumulan ng pondo at labag sa diwa ng Konstitusyon.

Ayon kay Erice, malinaw sa Article VII, Section 22 ng 1987 Constitution na dapat may tiyak na sources of financing ang lahat ng pondo sa General Appropriations Act.

Aniya, ang mga unprogrammed funds, na walang malinaw na revenue basis, ay hindi dapat pinahihintulutan ng Kongreso.

Ipinaliwanag ng kongresista na ang ganitong pondo ay nagbibigay ng labis na kapangyarihan sa ehekutibo at nagiging instrumento ng maling paggamit ng pondo, tulad ng paglipat ng mga lehitimong proyekto patungo sa mga pet projects na nauuwi sa ghost projects, substandard infrastructure, at mga gastusing walang saysay.

“Ang mga unprogrammed funds ay isang ilusyon, isang political mirage, na nagpapakita ng mga proyektong tila may pondo ngunit kadalasang hindi natutuloy. Ito ay ginamit hindi upang paglingkuran ang mamamayan, kundi upang manipulahin ang pondo ng gobyerno,” ani kongresista.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na kung may bagong kita o bagong utang, maaari namang maghain ng supplemental budget sa halip na umasa sa mga pondong walang katiyakan.

“Kung talagang para sa bayan ang budget, alisin na ang unprogrammed funds. Ang Kongreso ang may kapangyarihan sa paggastos – huwag nating ipasa sa ehekutibo ang tungkuling iyon. Panahon nang wakasan ang ganitong panlilinlang,” pagtatapos ni Erice.

Sa kanyang “No” vote, ipinakita ni Rep. Erice ang matatag na paninindigan para sa katapatan, transparency, at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan. (Richard Mesa)

ROAD RE-BLOCKING SINUSPINDE NG DPWH

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE ni DPWH Secretary Vince Dizon ang lahat ng ginagawa o gagawin para sa road reblocking.

Sinabi ni Dizon na ito ay para malaman kung ano ang batayan ng reblocking sa gitna na rin ng matinding galit ng publiko sa ganitong aktibidad.

Ayon sa kalihim, kanila na ring iimbestigahan ang road reblocking at kakasuhan din nila ang mga sangkot sakaling may lalabas na anomalya.

Aniya, maglalabas sila ng bagong Department Order na sasaklaw sa pagpapatupad ng reblocking upang mas maipaliwanag ito ng maayos sa publiko.

Hinikayat pa ni Dizon ang publiko na magsumbong sa social media account ng DPWH para agad nilang matugunan.

Kasama sa dalawang ipinatigil na agad ng kalihim ang reblocking sa Bocaue Bulacan na kita umano na hindi naman sira ang kalsada gayundin sa Tuguegarao City sa Cagayan. ( Gene Adsuara)

Gobyerno, nananatiling ‘financially capable’ sa kabila ng sunud-sunod na kalamidad- Malakanyang

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING ‘financially capable’ ang gobyerno para mapanatili ang disaster response efforts sa kabila ng sunod-sunod na kalamidad.

Sa katunayan, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na kahit pa kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na ‘fully exhausted’ o ganap na naubos ang alokasyon sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) at Quick Response Fund (QRF), maaaring gamitin ng gobyerno ang P12.005 billion mula sa Contingent Fund.

“Kung mauubos man po ang contingent fund dahil sunud-sunod po ang nangyayaring calamity sa ating bansa, maaasahan po natin kung may excess revenue, makakakuha po tayo sa unprogrammed appropriations mula sa SAGIP,” ayon kay Castro.

At nang tanungin kung pormal na hihiling si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso para sa karagdagang emergency funds, winika ni Castro na ‘no official communication yet.’

“Sa ngayon po ay wala pa po kaming natatanggap na update na nakipag-usap ang Pangulo sa Kongreso,” aniya pa rin.

Nauna rito, personal na binisita ni Pangulong Marcos ang quake-hit communities sa Davao Oriental, bitbit ng Pangulo ang mahigit na P298-million aid.

Sinabi naman ng Department of Budget and Management (DBM) na minamadali na nito ang pagpapalabas ng P145 million na emergency funds para tulungan ang mga pamilyang apektado sa Mindanao.

Gobyerno, nananatiling ‘financially capable’ sa kabila ng sunud-sunod na kalamidad- Malakanyang

NANANATILING ‘financially capable’ ang gobyerno para mapanatili ang disaster response efforts sa kabila ng sunod-sunod na kalamidad.

Sa katunayan, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, na kahit pa kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na ‘fully exhausted’ o ganap na naubos ang alokasyon sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) at Quick Response Fund (QRF), maaaring gamitin ng gobyerno ang P12.005 billion mula sa Contingent Fund.

“Kung mauubos man po ang contingent fund dahil sunud-sunod po ang nangyayaring calamity sa ating bansa, maaasahan po natin kung may excess revenue, makakakuha po tayo sa unprogrammed appropriations mula sa SAGIP,” ayon kay Castro.

At nang tanungin kung pormal na hihiling si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso para sa karagdagang emergency funds, winika ni Castro na ‘no official communication yet.’

“Sa ngayon po ay wala pa po kaming natatanggap na update na nakipag-usap ang Pangulo sa Kongreso,” aniya pa rin.

Nauna rito, personal na binisita ni Pangulong Marcos ang quake-hit communities sa Davao Oriental, bitbit ng Pangulo ang mahigit na P298-million aid.

Sinabi naman ng Department of Budget and Management (DBM) na minamadali na nito ang pagpapalabas ng P145 million na emergency funds para tulungan ang mga pamilyang apektado sa Mindanao.

Nakapagtala ng iba’t-ibang records ang newest album: TAYLOR SWIFT, kinuwento ang naging proposal ni TRAVIS KELCE

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGING very productive ang 2025 para sa Kapuso actor na si Benjamin Alves.
Bukod daw sa paggawa niya ng historical film na ‘Quezon’, kasama rin siya sa top-rating afternoon serye ng GMA na ‘Akusada.’
Kapag natapos na raw ang teleserye, hindi raw muna tatanggap ng bagong project si Benjamin para makapagbakasyon sila ng kanyang misis na si Chelsea Robato and God-willing, makabuo na raw sila ng baby.
“Nagpaalam ako sa asawa ko na this year was gonna be super-busy. I’ve been waiting for this moment for such a long time. I was shooting the historical film, Quezon and sumabay din ‘yung ‘Akusada.
“It’s really a testament to how supportive my wife is. It’s really her allowing me to have that adventure and kasi it would take so much time away from us trying to build a family and having our second year togetherI think I owe her a vacation,” ngiti pa niya.
Sa ‘Quezon’, gaganap bilang young Manuel L. Quezon si Benjamin na dalawang na niyang ginampanan sa mga pelikulang Heneral Luna (2015) at Goyo: Batang Heneral (2018).
Si Jericho Rosales ang gaganap na adult Quezon sa ikatlong film ng Bayaniverse Trilogy ni Direk Jerrold Tarog at TBA Studio.
Kasama rin sa Quezon sina Mon Confiado, Romnick Sarmenta, Karylle, JC Santos, Cris Villanueva and Game of Thrones actor, Iain Glen as Leonard Wood.
***
MUNTIK na pala tayo nagkaroon ng ika-anim na Miss Asia Pacific International crown last Oct. 8. Pero naging 1st runner-up si Miss Philippines Anita Gomez at nagwagi ay si Miss Brazil Isabela Fernandes.
Nagpasalamat si Anita sa lahat ng Pinoy pageant fans na sumuporta sa kanya sa gitna ng pagkaroon ng lindol sa Cebu kunsaan ginanap ang pageant.
Post ni Anita sa Facebook: “Thank you to everyone who believed in me. I’m sorry if I fell short in any way — I truly gave it my alI. hope I made you all proud.”
Nagwagi naman ng special awards ang beauty queen from Zambales, kabilang rito ang Best in Swimsuit.
May lima ng Miss Asia Pacific winners ang Pilipinas: Maria del Carmen Ines Zaragoza (1982), Gloria “Bong” Dimayacyac (1983), Lorna Legaspi (1989), Michelle Aldana (1993) and Sharifa Akeel (2018).
***
EXCLUSIVE na kinuwento ni Taylor Swift ang naging proposal ni Travis Kelce last August sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon.
Kuwento ni Taylor: “He’s like, ‘Do you want to go and just walk around the backyard and have a glass of wine?’ I’m like, ‘I’m always going to want to do that.’ Then I realized exactly why all of the windows were curtained and why he was nervous.”
Kelce proposed with an old mine cut diamond ring designed by Kindred Lubeck.
“I had shown him a video like a year and a half ago, and he was just paying attention to everything it turns out because when I saw the ring, I was like, ‘I know who made this, I know who made this,’ and also, you listen to me!’ It was like, you really know me. I didn’t know what I would want, but he did somehow, and that’s kind of a flex,” sey pa ni Taylor.
Ang first music video from The Life of a Showgirl album na Fate of Ophelia has 49 million views on YouTube and broke records as “most streams in a single week on Spotify.
The album is now “the most-streamed album in a single day in 2025 less than 12 hours “ after its release. Nakuha rin nito ang record for “most pre-saves for an album” with over five million advance sales.
The album has sold more than 3.5 million copies, beating Adele’s hit record “21.”
(RUEL J. MENDOZA)

Parang nag-OJT sa first two films ng ‘bayaniserye’: BENJAMIN, tatlong ulit nang gumanap bilang Manuel Quezon

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT kapwa sila gumanap bilang Manuel Luis Quezon sa TBA Studios film na ‘Quezon’ ay nagkaroon ng pagkakataon sina Benjamin Alves at Jericho Rosales na mag-bonding.
“Yeah, late 2024. We sat down with Jerrold [Tarog, direktor ng Quezon], iyon yung first initial meeting namin na binigay sa amin yung libro ni Manuel Quezon, yung autobiography niya, then the script, so sabay namin siyang nakuha.
“And then, I think a few weeks later, we had… after doing our separate studies, a few weeks later, nag-workshop kami, just to make sure na our energies match.
“Ayun naman yung importante kay Jerrold, na mag-match yung energy namin, na meron kaming common denominator kumbaga.
“It was important for him na when I’m on screen and when Echo’s on screen, pareho yung… isang Quezon lang yung nakikita ninyo. Even if my younger one has characteristics na iba sa older Quezon, obviously, kasi matanda na siya nun. So how did we do that?
“We went through yung mga… I think four speeches ni Quezon na nasa pelikula, yung…famous naman sa kanya yun e, ‘by the Filipinos, for the Filipinos’, all of the speeches.
“So we… para bang yung presentation sa school, si Jerrold yung teacher namin. Nasa labas si Echo, ako yung unang sasabak dun sa speech, one speech. Pagkatapos lalabas ako, si Echo naman yung isa, tapos…yun. After four speeches, nag-adjust din kami.”
Pareho ang mannerisms nil ani Echo?
“I hope so. I haven’t seen the movie but I hope so. Jerrold… knowing how meticulous Jerrold is and how meticulous TBA is, feeling ko naman yun ang na-achieve namin.
“Without watching the movie myself yet, feeling ko naman kasi magsasabi naman si Jerrold kung hindi e, lalo na si Jerrold napaka-ano niya sa movement. So yeah, hopefully yeah.”
Last installment na ito ng bayaniserye ng buhay ni Manuel Quezon.
Gaano kaimportante kay Benjamin na naging bahagi siya ng trilogy na ito?
“Yeah, I think…I think playing the role of someone na kilalang-kilala like Manuel Quezon, I think it’s what made me really feel na, ‘Ah okay’, I’m stepping into… I feel like I have the right na to step into the role or the person or to personify him on film.
“The first two nangangapa pa ako kasi again, first year ko sa showbiz and I think we shot second year ko pa lang sa showbiz.
“So I’m really trusting the guidance of everybody on set, na natututo lang ako as I go, para akong nag-OJT. The second one was also the same, the third one I felt like okay, I’m actually ready.
“I’m, I guess considered seasoned na as an actor, I feel more equipped going into the role. It’s important for me because yun nga, like saying earlier it’s nice to be a part of something bigger than myself as an actor.
“I think it’s unprecedented that we have a trilogy, I think it’s so hard to have three solid movies, I think it’s hard to have one solid movie.
“So three solid movies na yung continuity na yun everyone is familiar with. Napakahirap gumawa ng pelikulang ganoon and all the artists in the movie, we all agree na when we see each other down the line 10 years, 20 years ago.
“You can always look back into this trilogy na nagawa namin and be proud that we’re a part of something na nangyari yun sa career namin, nakasama kami because I don’t know if it can be replicated later on.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Patuloy na lumalaban para sa dalawang anak: KRIS, ipinagmalaki at naka-support sa desisyon ni BIMBY na maging singer

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagparamdam si Kris Aquino sa social media, para mag-update sa kanyang kalusugan.
Nag-post nga si Kris ng series of photo na kuha sa ospital. Kasama ang attending physician, nurses at ang magkapatid na Bimby at Joshua.
Ibinahagi rin ni Kris ang magandang boses ng anak pagkatapos ng series of singing lessons mula kay Thor Dulay.
Panimula ni Kris, “It’s been a very tough 8 weeks but somehow I SURVIVED.”
Pagpapatuloy niya, “This video is about my 2 boys. And why I’m fighting for them. My 18 year old has for now decided to continue with his singing lessons with coach Thor (plus some super star ‘Titos’ who have volunteered to teach him about stage presence and how to make audience rapport fun for all.)
“From the time he was 11 he’s been my companion every time I’ve had to been put to sleep for the numerous procedures I have undergone.”
Dagdag pa niya, “A singing doctor- thank you hunny for being the embodiment of what mama had wished for. (There’s a surprise in one of the pics that’s a VIDEO).”
Sa naturang video kinakanta ni Bimby ang “Ikaw Na Nga” ni Willie Revillame at pasado nga ang kanyang singing voice. Kaya naman ilang ulit na nabanggit ni coach Thor na ’nice’ at ‘great’
***
Globe Champions Care for Pets kasama, ang PAWS at Pettr
ANG mga alagang hayop ay bahagi ng maraming tahanan ng mga Pilipino at natagpuang mga pamilya ngayon, at ang kanilang kagalingan ay naging kasinghalaga.
Nais ng Globe na gawing accessible ang mga mahahalagang pangangalaga sa alagang hayop sa bawat magulang ng alagang hayop na Pilipino, na pinalakas ng pakikipagtulungan nito sa Pettr, ang unang all-in-one digital pet care platform ng bansa. Isinasama ng Globe ang kalusugan ng alagang hayop sa pang-araw-araw na koneksyon. Sa pamamagitan ng Go+99 na mga alok nito, ang mga subscriber ay makakatanggap ng ₱100 na discount voucher para sa mga teleconsultation sa mga lisensyadong beterinaryo at iba pang mahahalagang serbisyo, na tumutulong sa mga alagang hayop na magulang na ma-access ang mga serbisyong kailangan nila.
Sa pagkilala sa pagkakataong tunay na ipakita ang pangako nito sa pangangalaga at kapakanan ng hayop, ang Globe, sa pakikipagtulungan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), isang non-profit, volunteer-based na organisasyon na nakatuon sa pagkanlong sa mga nasagip na hayop, pag-iwas sa kalupitan sa hayop, at pagtataguyod ng makataong pagtrato sa mga hayop, ay naglulunsad din ng isang serye ng mga pagkukusa sa pangangalaga sa alagang hayop, tulad ng mga aktibidad sa pag-aalaga ng alagang hayop, at mga kampanya sa pagbibigay ng kamalayan sa mga empleyado, mga aktibidad sa pagbibigay ng donasyon, at mga programa sa pagbibigay ng kamalayan sa mga empleyado. Mga adbokasiya ng PAWS.
Nagsimula ang inisyatiba sa Volunteer Day noong Setyembre 25, 2025, sa PAWS Shelter sa Katipunan, Quezon City, kung saan umabot sa 50 empleyado ng Globe ang nag-donate ng mga pet-care amenities at ginugol ang araw sa pagpapakain, paglilinis, at pagbabasa sa mga pusa at aso ng shelter.
Ang hands-on na karanasang ito ay sumasalamin sa paniniwala ng Globe na ang pangangalaga ay nagsisimula sa loob, na isinasabuhay ang parehong mga halaga ng pakikiramay at komunidad na itinataguyod ng kumpanya sa labas.
“Ang inisyatiba na ito ay tungkol sa pagpapakita sa aming mga tao at aming mga kasosyo na ang pangangalaga ay hindi lamang isang kampanya – ito ay isang kultura,” sabi ni Roche Vandenberghe, Chief Marketing Officer sa Globe.
“Sinusubukan naming pasiglahin ang buhay ng mga Pilipino araw-araw sa Globe at kasama ang mga alagang hayop bilang bahagi ng mga pamilyang natagpuan ng mga tao, pinapalawak namin ang kulturang iyon ng pangangalaga sa pang-araw-araw na buhay, tinitiyak na maging ang mga kasamahan ng aming mga customer ay natatanggap ang atensyon at suporta na nararapat sa kanila.”
Sa mga pagsisikap na ito, patuloy na umuunlad ang Globe bilang higit pa sa isang connectivity provider, na nagpapaunlad ng kultura ng pangangalaga sa loob ng sarili nitong komunidad.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga alagang hayop bilang bahagi ng mga tahanan ng mga Pilipino, pinagtitibay ng Globe na ang pakikiramay ay nabubuhay sa pang-araw-araw na ugnayan na tunay na mahalaga.
Para matuto pa, pakibisita ang https://www.globe.com.ph/.
(ROHN ROMULO)