• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 15th, 2025

Congratulations! The winners of “Awiting Wicked: For Good” have been chosen by Jon M. Chu, Ariana Grande, and Cynthia Erivo

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

FILIPINO talent shines as Jon M. Chu, Ariana Grande, and Cynthia Erivo personally chose the three winning best friend duos in the “Awiting Wicked: For Good” competition.Watch the announcement [Tiktok]: https://tinyurl.com/ysbm2965The chosen duos, along with their TiktTok accounts, are:Fatima Soria (@only_ftma) and Pia Casing (@piazzicato)Jezza Quiogue (@jezzaquiogue_) and Nowi Alpuerto (@nowialps)Kyle Quinco (kwisssy6) and Tiffany Vistal (@tiffanyshanevistal)The six winners will get a chance to record their own rendition of the song “For Good,” and star in a music video. They will also get to meet director Jon M. Chu, Cynthia Erivo, and Ariana Grande in the Singapore premiere of “Wicked: For Good.”See the magic come alive as “Wicked: For Good” arrives in Philippine theaters on November 19. Tickets on sale now! Check out Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest news and updates.About Wicked: For Good:And now whatever way our stories end, I know you have rewritten mine by being my friendLast year’s global cinematic cultural sensation, which became the most successful Broadway film adaptation of all time, now reaches its epic, electrifying, emotional conclusion in Wicked: For Good.Directed once again by award-winning director Jon M. Chu and starring the spectacular returning cast, led by Academy Award® nominated superstars Cynthia Erivo and Ariana Grande, the final chapter of the untold story of the witches of Oz begins with Elphaba and Glinda estranged and living with the consequences of their choices.The film is produced by returning Tony and Emmy winning powerhouse Marc Platt p.g.a. and by multiple Tony winner David Stone. The executive producers are Stephen Schwartz, David Nicksay, Jared LeBoff, Winnie Holzman and Dana Fox. The first film, Wicked, released in November 2024, earned 10 Academy Award® nominations, including Best Picture, and won the Oscars® for Costume Design and Production Design. To date, the film has grossed $750 million worldwide.Wicked: For Good is based on the generation-defining musical stage play with music and lyrics by legendary Grammy and Oscar® winning composer and lyricist Stephen Schwartz and book by Winnie Holzman, from the bestselling novel by Gregory Maguire. The screenplay is by Winnie Holzman and Winnie Holzman & Dana Fox. The film score is by John Powell & Stephen Schwartz, with music and lyrics by Stephen Schwartz.(ROHN ROMULO)

Ads October 15, 2025

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Keep running, Watch the new trailer for “The Running Man,” directed by Edgar Wright and starring Glen Powell

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PLAY the game or the game plays you. Watch the new trailer for The Running Man, directed by Edgar Wright (Baby Driver, Scott Pilgrim vs. the World, Shaun of the Dead) and starring Glen Powell (Top Gun: Maverick, Twisters) – in Philippine cinemas November 12.

Watch the trailer: https://youtu.be/85sWo8ppvHM

Check out the new posters!

Official synopsis:

In a near-future society, The Running Man is the top-rated show on television – a deadly competition where contestants, known as Runners, must survive 30 days while being hunted by professional assassins, with every move broadcast to a bloodthirsty public and each day bringing a greater cash reward.

Desperate to save his sick daughter, working-class Ben Richards (Glen Powell) is convinced by the show’s charming but ruthless producer, Dan Killian (Josh Brolin), to enter the game as a last resort. But Ben’s defiance, instincts, and grit turn him into an unexpected fan favorite – and a threat to the entire system. As ratings skyrocket, so does the danger, and Ben must outwit not just the Hunters, but a nation addicted to watching him fall.

About The Running Man:

Paramount Pictures Presents In Association with Domain Entertainment, A Kinberg Genre / Complete Fiction Production, An Edgar Wright Film“ THE RUNNING MAN”

Starring Glen Powell, William H. Macy, Lee Pace, Michael Cera, Emilia Jones, Daniel Ezra, Jayme Lawson, Sean Hayes, Katy O’Brian with Colman Domingo and Josh Brolin

(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

(ROHN ROMULO)

Sa Bagong Pilipinas, dapat maramdaman ng bawat Pilipino, lalo na ng ating mga magsasaka ang suporta ng gobyerno

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AYON kay Secretary Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform, sa ilalim ng malinaw na direksyon ni President Bongbong Marcos, patuloy silang kikilos para gawing patas, produktibo, at marangal ang agrikultura sa bansa.
Sa isang pagpupulong katuwang ang mga senador, kongresista, gobernador, at mga kalihim ng gabinete ang lahat ay nagkakaisa sa iisang layunin: 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮.

Habang pinag-uusapan namin ang nakakaalarmang presyo ng palay, naalala ko ang sinabi ng Pangulo: ang Bagong Pilipinas ay dapat maramdaman ng bawat Pilipino, lalo na ng ating mga magsasaka.

Dahil bawat butil ng palay ay pawis ng isang pamilyang Pilipino, at tungkulin nating tiyakin na sulit ang kanilang sakripisyo.
Kasama sa pagpupulong na ito sina Senator Kiko Pangilinan, Sec of Agriculture, Tiu Laurel at ang Speaker of the House na si Faustino ‘ Bojie’ Dy.
( Boy Morales Sr.)

2025 Navotas Business Conference 2025

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas Chapter, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang kauna-unahang Navotas Business Conference 2025 sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at PCCI–Navotas President Paul Santos na ginanap sa Navotas Convention Center. (Richard Mesa)

Dating DOTr exec Mon Ilagan, bagong PCO Undersecretary

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez na kasama na sa pamilya ng PCO ang dating broadcast journalist na si Mon Ilagan.

Si Ilagan ay itinalaga bilang Undersecretary for Operations ng Presidential Communications Office (PCO).

Nilinaw ni Gomez na hindi papalitan ni Ilagan si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Nauna rito, si Ilagan ay nagsilbi bilang assistant secretary at spokesperson ng Department of Transportation.

Bago pa pumasok sa gobyerno, siya ay veteran reporter para sa ABS-CBN.

Nagsilbi rin siya bilang Alkalde ng Cainta, Rizal mula 2004 hanggang 2013 at sa kalaunan ay naging tagapagsalita ni dating vice president Jejomar Binay sa panahon ng 2016 presidential race. (Daris Jose)

Wala nang ‘palakasan’ system sa farm-to-market road projects- PBBM

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang “palakasan” system na mangyayari sa farm-to-market road projects sa ilang bahagi ng bansa upang maiwasan ang ghost projects.

Sinabi ito ni Pangulong Marcos matapos pangunahan ang inagurasyon ng Union Water Impounding Dam sa Barangays Union at Cadcadir sa Claveria, Cagayan.

Ang proyekto ay alinsunod sa layunin ng administrasyon na paghusayin ang ‘resilience at sustainability’ ng irrigation system sa bansa.

Sa naging mensahe ng Pangulo sa harap ng mga magsasaka, sinabi nito na gumawa na ang administrasyon ng farm-to-market road plan, na may layuning tiyakin ang food security sa bansa.

”Pupuntahan din natin ang mga mayor natin, ang mga governor para itanong kung ‘yung plano namin ay maganda, kung tama ang dinadaanan nung farm-to-market roads, kung ano ‘yung suggestion nila,” ani Pangulong Marcos.

”At ‘yun ang sinusunod natin na plano eh, hindi lang ‘yung kagaya dati na palakasan lang, ‘yung nakikiusap lang, oh lagyan ko farm-to-market ito… Pag medyo kaibigan, pag medyo kapartido, oh sige approved. Walang plano. Kung minsan kung saan-saan napupunta ang farm-to-market roads eh. Hindi naman ito nakakatulong sa ating mga magsasaka,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang P105 milyong halaga ng ghost farm-to-market road projects sa Mindanao ay iimbestigahan ng Department of Agriculture at Department of Public Works and Highways.

Ayon sa DA, may pitong “ghost” farm-to-road projects ang nagkakahalaga ng P105 million, na dapat ay ginawa mula 2021 hanggang 2023. Nakatuon ang audit ng ahensiya sa FMR projects na napaulat na kompleto na o tapos na subalit walang makita o mahanap.

Samantala, nakipagtulungan na ang National Irrigation Administration (NIA) sa DPWH sa ilalim ng convergence program na tinawag na ‘Katubigan’ o Kalsada Tungo sa Patubigan Program, naglalayong paghusayin ang irrigation service roads at magbigay ng karagdagang suporta sa local agriculture.

Kabilang sa mga pangunahing mga proyekto ng programa ay Construction of Small Reservoir Impounding Project’ (SRIP) sa Claveria, Cagayan, tinutugunan ang mahalagang pangangailangan sa imprastraktura at environmental challenges. ( Daris Jose)

Sa gitna ng ulat na tumataas ang kaso ng influenza-like illnesses… WALANG BAGONG VIRUS SA BANSA – DOH

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG bagong virus na kumakalat sa bansa sa gitna ng ulat na tumataas ang kaso ng influenza at influenza-like illnesses (ILIs) bunsod ito sa kamakailang class suspension ng Department of Education (DepEd) bilang pag-iingat at bahagi ng paghahanda sa lindol, ayon sa Department of Health (DOH).

Binigyang-diin ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na ang dalawang araw hanggang apat na araw na pagsususpinde ng DepEd sa face-to-face classes sa Metro Manila ay ‘normal precaution’ at kasabay din ng paghahanda para sa tinatawag na “Big One” isang napakalaking senaryo ng lindol na sinasanay ng mga ahensya.

Sinabi ni Herbosa na ang ILIs ay nananatiling kabilang sa pinaka-karaniwang seasonal ailments ngunit sa kasalukuyang datos , nagpapakita na 8 percent ang pagbaba kumpara noong nakaraang taon.

Paliwanag pa ng DOH official na ang pagtaas ng mild flu cases ay inaasahan sa panahon ng tag-ulan sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre na nagmamarka sa taunang flu season sa bansa.(Gene Adsuara)

Unprogrammed appropriations, kailangan para palakasin ang calamity funds- Malakanyang

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG diin ng Malakanyang ang kahalagahan ng unprogrammed appropriations (UAs), sa pagkakataon na paubos na ang calamity funds.

Pinawi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang alalahanin ng ilang mambabatas ukol sa posibilidad na ang UAs ay maaaring gamiting “pork barrel” o “magic fund.”

“Sa palagay po at sa tingin ng pamahalaan, lalong lalo na po ng DBM [Department of Budget and Management], sinasabi po natin, ang budget lalung-lalo na sa unprogrammed appropriations ay kinakailangan po ito,” ayon kay Castro.

“Hindi po ba nagkakaroon tayo ng sinasabi nating magkakaroon ng pag-deplete ng funds sa NDRRM [National Disaster Risk Reduction and Management] dahil sa maraming nangyayaring kalamidad sa ngayon,” aniya pa rin.

Ani Castro, ang UAs ay gagamitin sa oras na ang funding sources, gaya ng Contingent Fund ay naubos na.

Tiniyak naman ni Castro ang maingat na paggamit ng unprogrammed appropriations, binigyang diin na ang pagresolba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihin ang P6.793-trillion national budget para sa 2026 ay ‘malinis at malaya sa iregularidad.”

“Kaya po tandaan po natin, kahit po ito ay nasa unprogrammed, iingatan po ang budget na ito at hindi naman po agad ito mailalabas para katakutan nila at sasabihing magiging pork barrel lamang,” ani Castro.

“Ngayon po sabi nga natin, ang Pangulo mismo ang nagpapaimbestiga patungkol dito sa maanomalyang paggamit ng pondo para sa flood control projects. Mas lalo pong pag-iingatan ng Pangulo ang budget na ito para mas maging maganda at hindi malustay ang pera kung saan-saan,” aniya pa rin.

Tinuran pa ni Castro na rerebisahin ng DBM ang 2026 General Appropriations Bill (GAB), sa oras na aprubahan ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Muling inulit nito na ibe-veto ni Pangulong Marcos ang lahat ng may depektong mga probisyon sa 2026 budget plan.

“Nakausap po natin mismo ang mga taga-DBM. Hihintayin po muna nilang matapos at isang reviewhan na lang. At kung meron talagang hindi tutugma, malamang po mavi-veto kung anong dapat ma-veto,” ang winika ni Castro.

Ang GAB ay nagiging General Appropriations Act kapag nilagdaan na ng Pangulo ang batas. ( Daris Jose)

Biggest joke of the century ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte ang posibilidad na maging ‘State Witness’ si Leyte Rep. Martin Romualdez

Posted on: October 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

REAKSYON ito ni Davao City Rep. Paolo Duterte sa posibilidad na “state witness” status ni Leyte Rep. Martin Romualdez sa imbestigasyon sa flood control projects.

Ayon sa mambabatas, para umanong isang buwaya na tetestigo sa kapwa buwaya matapos lamunin ang ilog.

“Ang magnanakaw, gusto pang maging testigo sa sarili niyang nakawan,” ani Duterte.

Sinabi pa nito na naging katawa+ tawa ang Pilipinas sa ibang bansa, hindi lamang sa sistematiko at malawak umanong korupsyon kundi kung papaano pinagtatakpan ang isyu.

Dagdag pa aniya ang kawalang hakbang para kanselahin ang pasaporte ng dating mambabatas na si Zaldy Co na nais pasagutin sa mga kontrobersiya.

“Is this how stupid this administration look at the Filipino people? Are they not ashamed with our neighbors abroad? The ship is sinking, and it is sinking fast… but the culprits cannot be made to answer because they are in power… something must be done and done fast or else there would be nothing left for the generations to come….”pagtatapos ni Duterte.
(Vina de Guzman)