• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:13 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 14th, 2025

Pine-predict na ang kikita sa walong entries: WILL, pasok ang dalawang pelikula sa 2025 Metro Manila Film Festival

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KUMPLETO na ang walong official entries para sa 2025 Metro Manila Film Festival. Bukod sa apat na naunang apat na pelikula base sa script, nakapili na rin ng next four based on finished films.Narito ang walong official entries;“Call Me Mother” nina Nadine Lustre at Vice Ganda ng Idea First at ABS-CBN Films.“Manila Finest,” pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Rica Peralejo, Enrique Gil at Ashtine Olviga under Cignal TV, Inc.“Rekonek,” of Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, Gerald Anderson ng Reality MM Studios.“Shake, Rattle & Roll: Evil Origins,” ng Regal Films with Carla Abellana, Fyang Smith, Kaila Estrada, Dustin Yu, Seth Fedelin, Richard Gutierrez at iba pa. “Love You So Bad,” nina Will Ashley, Dustin Yu at Bianca de Vera of Star Cinema, Regal Films at GMA Pictures.“Bar Boys: After School,” nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Kean Cipriano at Will Ashley.“UnMarry,” nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo of Quantum Films and Cineko Productions.“I’mPerfect,” nina Krystel Go, Earl Amaba at Sylvia Sanchez ng Nathan Studios.Ngayon pa lang, may mga prediction na kung ano ang posibleng mag-top sa box-office.***MAY patama ang actor na si John Estrada sa controversial family na “Co.” Siyempre, given naman na si Zaldy Co ito.Sa mediacon ng sitcom na “Wais at EngEng,” na mapapanood sa Pure Gold Channel hinirit ni John. Sina John at Long Mejia ang mga bida ng sitcom na nagsisimula noong October 11 at sey niya talaga; “Actually, ayaw niyang tawaging boss. Pero tawag namin sa isa’t-isa, idol. Si Idol Vincent Co, ‘yan po ang mabait na Co! Just to put it out there.“Wala akong sinasabi na may bad na Co. Pero may isang Co na kailangang sumagot sa mga tanong ng taong bayan. Pero itong si Vincent Co, hindi niya kailangang sumagot dahil napakabait niyang Co.”In fairness, mukhang malapit na magkaibigan ang dyowa ni Bea at si John. Kuwento rin kasi ni John, kaya nabuo ang sitcom nila sa PG channel, siya rin ang nag-pitch ng konsepto at sinama nga niya ang para raw sa kanya, pinakamahusay na komedyante na si Long.(ROSE GARCIA)

Ads October 14, 2025

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Navotas DRRMO, nag-champion sa overall DRPSOARC

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

CHAMPION: Binati ni Mayor John Rey Tiangco ang Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection Navotas, at Holy Prince Fire and Rescue Volunteer, ang overall champion sa 10th Disaster Resilience and Preparedness Skills Olympics Amazing Risk Challenge.

Ani Tiangco, ang ipinakita nilang husay at dedikasyon sa pagpapanatiling ligtas at handa ang Lungsod ng Navotas sa harap ng anumang sakuna ay nagbibigay inspirasyon sa lahat upang maging mas matatag at handa sa anumang hamon. (Richard Mesa)

Indonesia, tinanggihan ang paglahok ng Israeli athletes sa World Gymnastics Championships

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Indonesian Gymnastics Federation na hindi papayagang makapasok sa bansa ang mga atleta mula sa Israel para sa World Artistic Gymnastics Championships na gaganapin sa Jakarta mula Oktubre 19–25.

Ayon sa federation chair Ita Yuliati, sinuportahan ng International Gymnastics Federation (FIG) ang desisyon ng gobyerno ng Indonesia na hindi bigyan ng visa ang Israeli athletes, bilang bahagi ng suporta ng bansa sa paglaya ng Palestine.

Tumanggi pang maglabas ng opisyal na pahayag ang FIG kaugnay ng isyu.

Sinabi naman ni Raja Sapta Oktohari, presidente ng National Olympic Committee ng Indonesia, na handa ang bansa sa anumang magiging epekto ng kanilang desisyon, kahit pa nakaplano silang mag-bid para sa 2036 Olympics.

Libu-libong fans, nagbigay papuri sa yumaong si Ricky Hatton sa Manchester

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LIBU-LIBONG tagahanga ang nagtipon sa Manchester nitong nakaraang Biyernes upang magbigay-galang kay Ricky Hatton, dating world welterweight boxing champion, na pumanaw noong Setyembre 14 sa edad na 46.

Kabilang sa mga dumalo sina dating heavyweight champion Tyson Fury at singer na si Liam Gallagher. Maraming tao din ang nagwagayway ng bandila ng Manchester City at sumigaw ng “There’s only one Ricky Hatton!” habang dinadala ang kabaong mula sa paboritong pub ni Hatton, patungong Manchester Cathedral.

Ang kabaong ay kulay sky blue at may nakaukit na “Blue Moon,” bilang parangal sa paborito niyang kanta at sa kanyang pagmamahal sa Manchester City, na siyang kulay ng kanyang boxing shorts.

Ayon kay Olympic silver medalist Amir Khan, na dumating mula Dubai para sa libing, isang iconic si Hatton sa boxing at may malaking naiwanang legacy.

Maaalalang napanalunan ni Hatton ang mga world titles sa light-welterweight at welterweight bago siya mag-retire noong 2012. Plano niya sanang mag-comeback sa isang event sa Dubai ngayong taon.

10 indibidwal, huli sa akto sa sugal, droga sa Valenzuela

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa sampung na indibidwal, kabilang ang apat hinihinalang drug personalities ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na anti-gambling operations sa Valenzuela City.

Sa ulat ni P/MSgt Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, alas-12:30 ng tanghali nang maaktuhan ng mga tauhan ng Gen T De Leon Police Sub-Station 2 ang dalawang lalaki na naglalaro ng ‘cara y cruz’ harap ng Serapio Elementary School, Brgy. Gen TY De Leon.

Nakumpiska sa kanila ang bet money at tatlong peson coins ‘pangara’ at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakumpiska kay alyas “Menar”, 35.

Alas-9:45 ng umaga nang madakip naman ng mga tauhan ng Malinta Police Sub-Station 4 ang tatlong indibidwal habang nagsusugal din ng ‘cara y cruz’ sa bakanteng lote sa Area 5, Pinalagad, Brgy., Malinta. Nakuha sa kanila ang bet money, tatlong peso-coins ‘pangara’ at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasamsam kay alyas “Pat”.

Hindi na rin nakapalag ang dalawang lalaki nang maaktuhan ng mga tauhan ni Police Sub-Station 1 Commander P/Capt. Michael Oxina na nagsusugal ng baraha sa Jasmin Street dakong alas-10:45 ng gabi. Nakumpiska sa kanila ang bet money, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakuha kay alyas “Ger”.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o ang Anti-Illegal Gambling Law habang karagdagan pa na kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ng apat sa kanila. (Richard Mesa)

Suspensyon ng F to F classes sa Metro Manila, preventive measure sa gitna ng pagtaas ng seasonal flu- Malakanyang

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na ang suspensyon ng face-to-face classes sa Metro Manila ay itinuturing na ‘precautionary move’ ng Department of Health (DOH) para mapigilan ang paglaganap ng influenza-like illnesses na pangkaraniwang nakikita at nararanasan sa panahon ng buwan ng tag-lamig.

Nilinaw naman ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang kasalukuyang flu cases ay nananatiling 8% na mas mababa kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, subalit mas pinili ng mga awtoridad ang “health break” para pigilin ang impeksyon na mas lalo pang kumalat sa mga eskuwelahan.

“Sa ganitong panahon talaga lumalabas ang influenza-like illnesses,” ang sinabi ni Castro.

“Mas mababa nga po ngayon ng eight percent pero aasahan pa rin po natin na dahil sa panahon na taglamig… minabuti po nila na huwag na po itong kumalat kaya nagkaroon ng health break,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na ang two-day suspension ng klase ay makapagbibigay sa mga eskuwelahan na i-disinfect ang mga pasilidad upang matiyak na ang mga silid-aralan ay ligtas at malinis sa oras na magbalik-eskuwelahan na ang mga estudyante. ( Daris Jose)

GOITIA, NILINAW ANG ISYUNG P1.7 TRILYONG “MARKET WIPEOUT”

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang kumalat na maling balita na umano’y ₱1.7 trilyon ang nawala sa Philippine Stock Market dahil sa isyu ng korapsyon.

Ayon kay Goitia, ito ay hindi inosenteng pagkakamali at sinadyang panlilinlang na sumisira sa tiwala ng mga mamumuhunan at nagpapahina sa moral ng sambayanang Pilipino.”

Pinuri ni Goitia si Special Assistant to the Presidente Frederick Go sa mabilis nitong tugon kung saan sinabing P185 bilyon lamang at hindi P1.7 trilyon ang pagbaba at tinawag itong fake news.

Humingi na rin ng paumanhin si SEC Chair Francis Lim matapos ulitin ang maling datos at inamin na ang pinagkunan niyang ulat ay peke.

“Ayon mismo sa Philippine Stock Exchange, ang totoong pagbaba ay nasa ₱185 bilyon lamang, hindi ₱1.7 trilyon,” ani Goitia. “Napakalaki ng diperensiya, at malinaw itong patunay na pangingilabot ang ipinalit sa tamang beripikasyon.”

Nagbabala si Goitia na ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa ekonomiya ay hindi lamang usaping pampulitika kundi isang panganib sa bansa.

Ayon kay Goitia, matagal nang pinagbubuti ng administrasyong Marcos ang pagpapanumbalik ng katatagan at ang pag-akit ng mga mamumuhunan dahil ang ganitong uri ng paninira ay nakaaantala sa progreso.

Binigyang halimbawa niya ang mga bilyong pisong pamumuhunan at mga proyektong isinusulong sa ilalim ng CREATE More Act bilang patunay na nananatiling matatag ang interes ng mga mamumuhunan.

Ayon kay Goitia, dapat maging paalala sa lahat ang pangyayaring ito, lalo na sa mga nasa posisyon ng kapangyarihan, na ang bawat salita ay may bigat at epekto sa mamamayan.

Hinikayat niya ang publiko na magtiwala lamang sa mga tamang pinagmumulan ng impormasyon tulad ng PSE, Department of Finance, at iba pang ahensyang may kredibilidad.

Nanawagan si Goitia para sa pagkakaisa at pagiging mapagbantay at hinimok din niya ang publiko na manindigan kasama ang pamahalaang kumikilos nang may katapatan, kapanatagan, at pananagutan. (Gene Adsuara)

Libreng serbisyo sa libing para sa mahirap… ‘Free Funeral Services Act’ ganap ng batas

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GANAP ng batas ang ‘Free Funeral Services Act’ para sa mga mahihirap na Filipino.

Ito’y matapos na ‘mag-lapse into law’ ang nasabing batas.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang text message na ang panukalang batas ay ganap ng isang batas kahit pa wala ang lagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa ulat, ang ‘Free Funeral Services Act’ ay isang panukalang batas na nag-aatas sa gobyerno na magbigay ng libreng serbisyong libing para sa mga mahihirap na Pilipino ay awtomatikong naging batas na kahit walang lagda ni Pangulong Marcos.

Ito ay para sa mga walang kakayahang tustusan ang disenteng libing para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ang naturang batas na tinaguriang Republic Act No. 12309 o ang “Free Funeral Services Act,” ay naging ganap na batas noong Setyembre 28, 2025.

Bagaman hindi pa ito nailalathala sa Official Gazette website makikita na ang kopya nito sa opisyal na website ng Senado.

Ayon sa RA 12309 itinatakda ng Estado ang polisiya na itaguyod ang makatarungan at dynamic social order na magtitiyak sa kasaganaan at kalayaan ng bansa at magpapalaya sa mga mamamayang Pilipino mula sa kahirapan.

Ito ay sa pamamagitan ng mga patakarang nagbibigay ng sapat na serbisyong panlipunan, nagsusulong ng ganap na trabaho, mas mataas na antas ng pamumuhay, at mas maayos na kalidad ng buhay para sa lahat.

Bukod sa pag-institutionalize ng funeral assistance na kasalukuyang ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang batas ay nagpapataw din ng oras ng pagkakulong at multa sa mga indibidwal na mapapatunayang nanloloko sa gobyerno upang mapakinabangan ang kanilang sarili sa libreng serbisyo ng libing.

Sa ilalim ng batas, ang gobyerno ay dapat magbigay ng libreng serbisyo sa libing sa mga pamilyang itinuturing na “in crisis situation,” kabilang ang mga mahihirap; ang mga apektado ng kalamidad o iba pang emerhensiya, ayon sa itinalaga ng DSWD.

Sakop ng package ng libing ang proseso mula sa paghahanda ng mga dokumento ng libing, pag-embalsamo, mga serbisyo sa paglilibing, transportasyon, cremation, inurnment, kasama ang pagbibigay ng kabaong o urn.

Bago maisabatas ang RA 12309, nagbigay ang DSWD ng funeral assistance mula P5,000 hanggang P50,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) nito. Kung ang hiniling na tulong ay lumampas sa P10,000, ito ay ibibigay sa pamamagitan ng isang warrant letter at isang case summary na ibinigay ng isang social worker.

Para makapag-avail ng libreng funeral package, kailangang magpakita ng valid ID ang naulilang pamilya; isang sertipiko ng kamatayan na inisyu ng ospital o lokal na opisina ng kalusugan; isang kontrata sa libing na nilagdaan ng isang kinatawan ng namatay na miyembro ng pamilya, ng funeral establishment, at mga awtorisadong tauhan ng DSWD; at isang social case study na inihanda ng isang social worker.

Ang mga funeral establishment na magbibigay ng mga serbisyong ito ay babayaran ng regional office ng DSWD, sa pag-apruba ng regional director, batay sa pinirmahang kontrata.

Ang paunang pagpopondo para sa RA 12309 ay sisingilin laban sa P44.75-bilyong badyet ng AICS.

Gayunpaman, walang pondo para sa Free Funeral Services Act ang kasama sa line item ng DSWD sa ilalim ng proposed budget nito sa susunod na taon.

Binago ng mga mambabatas ang panukala ng executive branch para sa AICS budget para sa 2026 mula P27 bilyon hanggang P60 bilyon.

Ang mga funeral establishment na nagbibigay ng mga libreng serbisyo sa mahihirap na benepisyaryo ay dapat bayaran ng halaga ng mga serbisyo ng alinmang rehiyonal na tanggapan ng DSWD sa pag-apruba ng Regional Director.

Ang pagbabayad ay ibabatay sa mga itinatakda ng pinirmahang kontrata sa pagitan ng kinatawan ng pamilya ng namatay, ng funeral establishment, at ng mga awtorisadong tauhan ng DSWD.
( Daris Jose)

Karamihan sa mga Pinoy, naniniwalang dapat na papanagutin si Digong Duterte sa war on drugs-SWS

Posted on: October 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KARAMIHAN sa mga Filipino ay naniniwalang dapat na papanagutin si dating Pangulong Rodrigo “Digong” R. Duterte sa pagkasawi ng mga taong isinangkot sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), isinagawa mula Sept. 24 hanggang 30, 2025, ang survey kinapanayam ang 1,500 adults sa buong bansa ay mayroong ±3 percent margin of error.

Makikita sa resulta na habang may 50% ng mga respondent ang sang-ayon na dapat na managot si Digong Duterte, may 32% naman ang kontra rito. Tinatayang 15% ang undecided, at 4% naman ang hindi nagbigay ng kanilang tugon.

Sa Visayas ang nakapagtala ng pinakamataas na ‘support for accountability’ na may 54%, sumunod ang Metro Manila (53%), Balance Luzon (52%), at Mindanao (39%).

Ipinalabas ang resulta ng survey kasunod ng kapasiyahan ng

International Criminal Court (ICC) na ibasura ang request ng kampo ni Digong Duterte na interim release.

Sa naging desisyon ng ICC, sinabi nito na kailangan na patuloy ang detensyon ng dating Pangulo upang “to ensure his appearance at trial, prevent him from obstructing the investigation or the proceedings; and to stop potential commission of further crimes.”