MAAARING mabawi ng pamahalaan at ng mga taxpayer ang paunang P26 bilyon mula sa flood control ghost projects sa pagitan ng 2023 at 2025 na may halagang P629 bilyon, kung isasauli ng mga sangkot ang 80% ng nakulimbat kapalit ng pinaikling sentensya sa kulungan, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson nitong Sabado.
Sinabi ni Lacson na ‘retribution plus restitution” ang dapat na maging formula ng pamahalaan sa paghabol sa mga opisyal at kontraktor na sangkot sa mga maanomalyang flood control at iba pang infrastructure projects.
A simple extrapolation using the initial finding of 421 contracted ghost flood control projects out of the 8,000 (5.26%) so far inspected by the AFP/PNP/DepDev composite team as standard, with an aggregate total amount of at least P629-B worth of flood control CONTRACTED projects in 2023-2025, if all those responsible – contractors, politicians and Department of Public Works and Highways officials – will return just 80% of their loot, after a plea bargaining agreement in exchange for shortened jail terms, easily the Filipino people can recover at least P26 billion,” ani Lacson.
Nguni’t iginiit ni Lacson na nakadepende pa rin ito sa political will ng mga nagsasagawa ng imbestigasyon – kabilang ang Independent Commission for Infrastructure, Ombudsman, Department of Justice at hudikatura.
Sa panayam sa DZMM, ipinunto ni Lacson na bagama’t maaaring gawin ang plea bargaining, hindi ito maituturing na kompromiso.
“Pero wala pang compromise kasi pinag-uusapan dito restitution plus retribution. Di naman puwedeng restitution lang libre na sila, napaka-unfair naman noon,” dagdag niya.
Aniya, maaari ring gamitin ng mga kaukulang ahensiya ang parehong formula sa paghawak ng iba pang anomalya sa mga proyekto tulad ng farm-to-market roads, school buildings, at multi-purpose buildings.
Diin din ni Lacson, dapat gawing inspirasyon ng gobyerno sa laban nito kontra korapsyon ang patuloy na galit ng publiko sa mga anomalya. ( Daris Jose)