• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:10 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 13th, 2025

BARKO NG BFAR, BINOMBA NG TUBIG NG CHINA COAST GUARD

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINOMBA ng water cannon ng China Coast Gurad (CCG) ang dalawang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa Pag-asa island noong Linggo, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commododre Jay Tarriela, na unang iniulat na ang BRP Datu Pagbuaya lamang ang direktang tinaman ng CCG21559.

Ngunit maging ang BRP Datu Bankaw ay binomba rin ng tubig ng CCG habang nagsagawa rin ng mapanganib na maniobra laban sa BRP Datu Sanday.

Ayon kay Tarriela, katatanggap lang nila ang report mula sa BFAR.

Binanggit din niya na ang BRP Datu Pagbuaya lamang ang direktang tinaman at nagkaroon ng makabuluhang epekto mula sa barko ng China sa kanilang pangha-harass.

Sinabi ni Tarriela na ang tatlong barko ng BFAR ay ipinadala sa Pag-asa Island para sa “Kadiwa ng Bagong bayaning mangingisda (KBBM) program upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisdang Pinoy doon.

Limang CCG vessels ang pumasok sa katubigang sakop ng Pag-asa Island –ang CCG vessel 5102, 21559, 5009, 3305, at 23519.

Namataan din ang nasa higit 15 Chinese maritime militia vessels sa baybayin. (Gene Adsuara)

Ads October 13, 2025

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, nagtalaga ng 2 bagong miyembro ng MTRCB

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng dalawang bagong miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kapalit ng dalawang outgoing officials bago pa ang susunod na term cycle ng board.

Sa isang liham kay MTRCB Chairperson Diorella “Lala” Sotto-Antonio, pinangalanan ni Pangulong Marcos sina Pedro Cesar Gabriel Atienza Solidum bilang miyembro, papalitan ni Solidum si Zeny A. Mancilla, at Mynoa Refazo Sto. Domingo, papalitan naman si Maria Marta Ines A. Dayrit.

Sina Solidum at Sto. Domingo ay kapwa magsisilbi hanggang Sept. 30, 2026.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang mga appointees na kaagad na magsimula sa kanilang posisyon at magbigay ng kopya ng kanilang oaths o panunumpa sa Office of the President (OP) at sa Civil Service Commission (CSC).

Wala namang karagdagang detaltye hinggil sa backgrounds at appointment ng mga bagong miyembro ng MTRCB.

Samantala, itinatag ang MTRCB sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1986 , nilagdaan noong Oct. 5, 1985, ng namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

May mandato itong i-regulate at uriin ang motion pictures, television programs, at publicity materials, bukod sa iba pa.
(Daris Jose)

DSWD namahagi ng P615K tulong sa mga biktima ng lindol

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang naganap na malakas na pagyanig na may 7.4 magnitude, namahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na P615,000 relief support sa lokal na pamahalaan ng Manay, Davao Oriental.

Sa utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, agad rumesponde ang Davao Region Field Office (FO) at inatasan ang Quick Response Team (QRT) na ihanda ang mga tauhan at logistic support para sa deployment sa mga apektadong lugar .

Sinabi ni DSWD Asst. Secretary Juan Carlo Marquez na Davao Region Field Office, ang inisyal na tulong ay kapapalooban ng 50 family food packs (FFPs) na lulutuin bilang hot meals ng mga biktima sa FO-11’s mobile kitchen at 606 boxes ng Ready-to-Eat Food (RTEF) na ipinamahagi sa mga internally displaced persons (IDPs).

Sa report ng DSWD’s Disaster Response Operations Management, Information and Communication (DROMIC), mayroong 15,868 pamilya o 78,430 indibidwal ang apektado ng lindol sa Davao Oriental. Nasa 1,583 pamilya o 7,915 indibidwal ang nasa limang evacuation centers na naitayo ng LGU.

Ang DSWD Field Office 11 ay mayroong stockpile na 103,614 family food packs (FFPs), 5,000 ready-to-eat food (RTEF) boxes, at 30,019 non-food items (NFIs) tulad ng family kits, hygiene kits, sleeping kits, family tents, modular tents, laminated sacks at tarpuli rolls na naka prepositioned sa rehiyon

Magsusuportahan na lang pag pinaghiwalay: ANGELA, aminadong gutom na gutom pa sila ni RABIN sa projects

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG big hit ang ‘Seducing Drake Palma’ series ng Viva One, kaya tinanong namin sina Angela Muji at Rabin Angeles, what if, pero huwag naman sana for the sake of their fans, kung sa susunod nilang proyekto ay hindi na sila ang magkaparehaPapayag ba sila kung sa ibang artista naman sila itatambal sa susunod?“Medyo mahirap po iyang sagutin sa totoo lang,” panimulang reaksyon ni Angela sa tanong namin.“Pero kung bibigyan man po kami ng projects na hindi kami ang magka-partner, I think nasa stage po kami ng career namin wherein gutom na gutom po kami for projects and we would not decline it because a blessing is a blessing.“And kung saan man po kami dalhin ng karera namin, alam na naman po namin sa isa’t-isa na nandiyan kami para sa isat’ isa.”Sinang-ayunan ni Rabin ang sinabi ni Angela.“Ang ganda naman ng sinabi mo,” saad ni Rabin bilang reaksyon sa mga binitiwang salita ni Angela.“Iyon din po yung sasabihin ko. Di ba? Totoo, totoo. “Di ba? ‘Kung may ibibigay man po sila na project sa amin wala naman po kaming tatanggihan.“Talagang tatanggapin po namin iyon palagi kasi sobrang pasasalamat po namin, project na po iyan, e.“Pero kung hindi man po kami magka-loveteam, sa mga susunod po puwede naman po kaming magka-loveteam ulit, di ba?“Ayun, suporta lang po kami sa isa’t-isa palagi,” ang nakangiting wika pa ni Rabin.Wala namang dahilan para malungkot ang mga supporters ng RabGel tandem dahil tulad na nga ng naianunsiyo na, silang dalawa ang bibida sa Philippine adaptation ng 2012 Korean film na ‘A Werewolf Boy’ na kasalukuyang sinu-shoot na ngayon ni direk Crisanto Aquino, sa ilalim ng Viva Films.(ROMMEL L. GONZALES)

Nanawagan na tangkilikin ang sariling atin: SHARON, todo ang suporta sa mga local vloggers

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISA si Megastar Sharon Cuneta sa followers ng travel and food vloggers sa bansa.
Kaya panawagan ngayon ng singer actress sa kanyang social media accounts ay sana tangkilikin ang sariling atin.
“Maliit na bagay lang for us to follow them & give our support, but for honest, hardworking people (lalo na sa nangyayari sa bansa ngayon) who also give us relaxing & fun vlogs, malaking push na for them.
“Please support them too. And enjoy their channels on Youtube (with heart, star, and prayer emojis). Thank you so much! ”
Panawagan pa ni Shawie, na merong 2.6 million followers sa kanyang Facebook Page, IG-1.6 million and 481K in her Sharon Cuneta Network on Youtube.
Madalas pa lang maimbitahan ngayon si Sharon, sa mga corporate events tulad ng birthday and anniversary ng company na recently lang ay siya ang guest sa anibersaryo ng Ultra Mega.

***

Rozz Daniels, nag-alay ng kanta sa namayapang manager at kaibigan

MATINDING lungkot at pighati talaga ang nadarama ng kilalang “Soft Rock Diva” na si Rozz Daniels.
Dahil ito sa biglaang pagpanaw ng entertainment editor na si Ms. Blessie Cirera na hindi lang niya managee kundi itinuring pa niyang kapatid.
“Honestly, It feels like an angel that was missing a feather,” unang bahagi pa ng Facebook post ni Rozz.
At patuloy pa nito, “Blessie and I are not just friends but we are sisters, every day she called me morning and night time. During morning around 9:00 am she always us asked (daily activities of Rozz).”
Ganyan magmahalan ang mag-bestfriend na nagkakilala noong panahon ng pandemic.
At hanggang sa huli ay ipinadama ni Rozz Daniels, ang kanyang eternal love, para kay Blessie nang isugod sa Navotas Hospital noong Oct. 7, na agaw buhay dahil sa matinding aksidente.
Agad na pinuntahan ni Rozz sa nasabing ospital ang besfriend at dinamayan nito ang pamilya ni Blessie. At hindi man siya nagkuwento o nag-ingay sa social media sa ginawang tulong, mula sa burol hanggang sa paghahatid sa huling hantungan.
Para wala ng iintindihin pa ang pamilya ng namayapang editor.
By the way, inihahandog pala ni Ms. Rozz ang kanyang first Christmas single na, “My One Love On Christmas Day” kay Ms. Blessie na composed ni Doc Mon del Rosario.
Available na ito at pwede nang ma- Stream sa SPOTIFY, APPLE MUSIC, at mapapanood rin sa YOUTUBE.
May pa-tribute rin siya kay Blessie, sa kanyang first Solo Concert titled “A Night with ROZZ DANIELS” sa VIVA CAFE sa Nov. 25, 2025.
Special guest rito si Mon Del Rosario and other surprise guests.
My condolences to Rozz and husband Sir David at sa mga naulilang Pamilya ni Ms. Blessie.
RIP to you mahal kong kaibigan at maligayang paglalakbay!

(PETER S. LEDESMA)

Marathon para sa West Philippine Sea isasagawa na

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang ginagawang imbitasyon ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa mamamayan na lumahok sa “Takbo Para sa WPS 2025”.

Gaganapin ang fun run sa Bridgetowne Central Park, Pasig City ngayong Sabado, Oktubre 11.

Sinabi ni Tarriela na hindi lamang ito pagtakbo at sa halip ay pagpapakita ng pagkakaisa para maprotektahan ang West Philippine Sea.

Mayroong 3 kilometers, 5-km at 10-Km. kung saan ang kita dito ay mapupunta sa pag-imprinta ng mga comic books na “Ang mga Kuwento ni Teacher Jun” na tumatalakay sa kuwento ng WPS.

Chot Reyes nasungkit ang PBA Coach of the Year sa ika pitong pagkakataon

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING paparangalan sa ika pitong pagkakaton bilang PBA Coach of the Year si TNT Coach Chot Reyes sa darating na 31st edition PBA Press Corps (PBAPC) awards night sa Lunes, October 13.

Matapos dalhin ang TNT sa tatlong makakasunod na finals appearance, masungkit ang dalawang championship at mahabang 75 na laro boung season nakuha ni Chot ang Virgilio “Baby” Dalupan Trophy laban kay Leo Austira ng San Miguel Beeraman na kanyang katungali sa nasabing award.
Sa kasalukuyan, si Chot ang may hawak ng pinakamaraming Coach of the Year Award sa PBA.

Samantala, kasama naman sa paparangalan si TNT owner Manny V. Pangilinan bilang Danny Floro Executive of the Year award.

Political na palabas, hindi batas

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang tinuring ni Davao City Rep. Paolo Z. Duterte sa naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) na huwag pagbigyan ang kahilingang interim release ng kanyang amang si dating Rodrigo Duterte.

“This decision is a gross and disgraceful miscarriage of justice. It is not law — it is a political theater. My father, an 80 year old man, who is no longer in power has been in fact a subject of political persecution in his own country since he stepped down… he is definitely not a flight risk, he does not need it, he is much loved in his own country that he would have wanted nothing more but to stay there for as long as his creator permit him,” anang mambabatas.

Pahayag naman nito sa lahat ng kidnappers ng kanyang ama na sisiguruhin niyang pagbabayaran umano ng mga ito ang kanilaang krimen na ginawa .

“To the CIA who connived in this criminal act, my father’s kidnapping will not silence him. As a matter of fact, you might just have helped in making him a martyr. The anger of his people on his baseless imprisonment might just worsen just as their love for him will grow bigger ,” dagdag nito.

Sinabi pa nito na iaapela nila ang desisyon ng ICC at lalaban sila sa ilalim ng batas.

And by the grace of the almighty, my father will go home to his beloved Philippines. To the Filipino people, maraming Salamat sa suportang walang sawang dumating,” pagtatapos ni Duterte.
(Vina de Guzman)

Hindi na sorpresa ang mabilis na desisyon ng ICC na tanggihan ang hiling na interim release ng kampo ni Duterte ayon kay Rep. De Lima

Posted on: October 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WELCOME kay House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang ginawang pagbasura ng International Criminal Court’s (ICC) Pre-Trial Chamber sa kahilingan ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte na interim release.

Ayon sa mambabatas, hindi na sorpresa ang mabilis na desisyon ng ICC na tanggihan ang hiling na interim release ng kampo ni Duterte.

“The plea lacks support both in fact and in the Rome Statute. The ICC does not easily issue warrants of arrest without any inkling of the weight of the evidence. In the case of Duterte, the evidence is strong enough for the ICC to require his detention during trial. This denial is an indication of the strength of the evidence against Duterte,” ani de Lima.

Sinabi nito na inaasahan mula sa ICC ang hindi pagpabor sa sinuman, nakikinig sa rason, at kakampi ng katotohanan at sa tama.

“We also saw how influential Duterte still is in the country. That’s why as we continue to call for justice and accountability, we should also protect the witnesses and encourage other victims of the murderous “War on Drugs” to speak out and join our fight. Patuloy nating palakasin ang ating laban para mapanagot ang pasimuno at ang lahat ng kasabwat sa krimen laban sa sangkatauhan—ang walang habas na pagpatay sa libo-libong Pilipino, kasama na ang mga inosenteng bata,” pagtatapos ni de Lima.
(Vina de Guzman)