SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinisiguro ng pamahalaan na ligtas ang lahat kasunod ng magnitude 7.5 earthquake sa baybayin ng Manay, Davao Oriental, Oct. 10, Biyernes ng umaga.“We are now assessing the situation on the ground and ensuring that everyone is safe,” ayon kay Pangulong Marcos.“We are working round the clock to ensure that help reaches everyone who needs it. Let us continue to look out for one another and pray for the safety of all our countrymen,” aniya pa rin.Sinabi ng Pangulo na inatasan na niya ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of Civil Defense (OCD), Armed Forces Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (CPG), at lahat ng kinauukulang ahensiya na kaagad na magsagawa ng mga paglikas sa coastal areas.Inatasan din ang mga ahensiya na ito na paganahin ang emergency communication lines at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.“Search, rescue, and relief operations are already being prepared and will be deployed as soon as it is safe to do so,” ang winika ni Pangulong Marcos.“The Department of Social Welfare and Development (DSWD) is pre-positioning food and non-food items, while the Department of Health is ready to provide emergency medical assistance,” aniya pa rin.Sa kabilang dako, pinayuhan ni Pangulong Marcos ang mga kinauukulang residente na pumunta sa mas mataas na lugar at lumayo mula sa dalampasigan hangga’t maideklara ng mga awtoridad na ligtas na ito.“Follow all instructions from your local disaster councils and barangay officials. Your safety is our top priority,” ang sinabi ng Pangulo.“To our kababayans in the affected regions, please stay alert and calm,” aniya pa rin.Sa ulat, nauna nang naglabas ng tsunami warning ang PHIVOLCS kasunod ng magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Manay, Davao Oriental ngayong umaga ng Biyernes, Oct. 10. Posible raw ang malalakas na alon mula 9:43 a.m. hanggang 11:43 a.m. na inaasahang magtagal ng ilang oras.Naramdaman ang Intensity V sa Davao City habang Intensity IV naman ang naramdaman sa Bislig City sa Surigao del Sur.Isang tsunami warning ang itinaas sa 7 lugar.Ayon sa PHIVOLCS, ang mga tao sa coastal areas sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Davao Oriental, Southern Leyte, Surigao Del Norte, Leyte, Surigao Del Suray “strongly advised to immediately evacuate” sa mas mataas na lugar o lumipat ng mas malayo sa loob ng bansa.Sinabi ng PHIVOLCS na “destructive tsunami is expected with life threatening wave heights.” ( Daris Jose)