• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 9:07 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 11th, 2025

15-ANYOS NA BINATILYO, SINAKSAK NG KAAWAY SA GANG, PATAY

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 15-anyos na binatilyo nang pagsasaksakin ng kasing edad nito at miyembro ng gang nang magpang-abot sa kalye sa Silang, Cavite kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa University Medical Center, Dasmarinas City ang biktima na si Ushaine, ng Brgy Ipil 1, Silang Cavite subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng saksak sa dibdib.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si alyas Mark, 15, ng Brgy Ipil 1, Silang, Cavite na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat, naglalakad ang biktima at mga barkada nito bandang alas-9:30 kamakalawa ng gabi malapit sa Bulihan Slight Services Project Elementary School, Brgy Ipil 1, Silang Cavite nang bulyawan siya ng suspek na humantong sa mainitang pagtatalo.

Naglabas ng patalim ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak sa dibdib ang biktima hanggang sa tumumba ito.

Tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Nabatid na ang biktima at suspek ay may kanya-kanyang grupo (gang) na umano’y magkaaway . (Gene Adsuara)

LUGAR SA MINDANAO, INALERTO SA TSUNAMI

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKAALERTO na ang ilang distrito sa Southeastern Mindanao, Northeastern Mindanao at Eastern Visayas kasunod ng inilabas na tsunami warning.

Kasunod ito nang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental.

Puspusan na ngayon ang isinasagawang coastal at sea monitoring ang mga tauhan ng PCG at nagbigay ng mga paalala sa publiko.

Isinaaktibo na rin ang lahat ng Deployable Response Groups.

Itinigil na rin pansamantala ang ahat ng water activities sa Siargao bialng bahagi ng mga precautionary measures.
(Gene Adsuara)

ICI, hiniling sa DPWH na bawasan ang kontrol ng gov’t engineers’ sa biddings

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magtakda ng limitasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kontrol ng mga district at regional engineers sa bidding para sa public infrastructure projects para mapigilan ang korapsyon sa pamamagitan ng pababain ang ceiling ng halaga ng kontrata na maaari nilang aprubahan.

Sa isang liham kay Public Works Secretary Vince Dizon, hiniling ni ICI Chair Andres Reyes sa DPWH na agad na bawasan ang threshold ng mga halaga ng kontrata para sa pagkuha ng civil works ng regional engineering offices na maaaring aprubahan sa P200 milyon mula sa P400 milyon.

Para sa mga district engineering offices, ipinanukala ng ICI na papayagan sila na ‘mag-green-light’ lamang ng hanggang P75 milyon mula P150 milyon sa kanilang bidding plans.

“We urge that this recommendation of this commission be immediately implemented,” ang sinabi ng ICI kay Dizon.

Ayon kay ICI Executive Director Brian Hosaka, ang rekomendasyon ay naglalayon na pigilan ang systemic corruption sa bidding processes sa DPWH.

“The suggestion of the ICI is to halve (the LOAs) so that the procurement for civil works will be controlled,” ang sinabi ni Hosaka.

Dahil sa flood control scandal, sumingaw na idinedeklara ng mga DPWH engineers ang mga proyekto na kumpleto na o tapos na subalit ang mga ito ay nonexistent o substandard.

Ang kasalukuyang threshold para sa LOAs ay ipinatupad sa panahon ng dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, sa pamamagitan ng DPWH Department Order No. 195 nong 2022. ang kautusan ay pinagtibay sa nagtatagumpay na DOs noong 2022 at 2023.

Sinabi ni Bonoan na ang antas ng autoridad na kanyang itinakda ay “ensure the highest efficiency in the implementation of infrastructure projects.”

Pinayagan ng kautusan si Bonoan na i- overrule ang kapangyarihan na kanyang itinalaga sa kanyang mga subordinates, gaya ng district at regional engineer.

“Such authorities may be modified, expanded, or withdrawn by the public works secretary at any time “as public interest so demands,” ayon sa DO No. 195.

Sa kabilang dako, kabilang sa “civil works” items na maaaring pahintulutan ng district at regional engineers ay ang pagkuha ng project management plan, pag-apruba ng budget contract at notice of award.

Sinabi naman ni special adviser to the ICI, Rodolfo Azurin, Jr., na ang site inspections ng mga napunang infrastructure projects ay maaring magpatuloy sa lalong madaling panahon.

Gayunman, sinabi naman ni Azurin, na hanggang sa ngayon ay hindi pa niya matukoy ang partikular na mga proyekto na nais niyang iprayoridad at naghihintay ng rekumendasyon mula kay Dizon.

“We will definitely investigate each and every one [alleged to be involved in anomaly],” ani Azurin nang tanungin kung mayroong “sacred areas” na kanyang poprotekatan mula sa imbestigasyon.

Samantala, maliban kay Azurin, nakipagpulong din si Philippine Competition Commission (PCC) Chair Michael Aguinaldo sa mga opisyal ng ICI para pag-usapan ang mandato ng antitrust body ng gobyerno, na nagsimula ng sarili nitong imbestigasyon sa di umano’y ‘bid rigging’ at manipulasyon ng public works projects. ( Daris Jose)

Kelot na nagpanggap na pulis, bistado sa shabu

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang 34-anyos na tambay na nagpanggap na pulis nang mabisto ang dalang shabu makaraang masita ng totoong mga pulis sa maling pagsusuot ng uniporme sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa nakarating na report sa opisina ni Caloocan Police Acting P/Col. Joey Goforth, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Roge”, residente ng Jordan Valley St. Brgy. Baesa.

Batay sa ulat, habang nagpapatrulya sa Tullahan Road, Brgy. 162 ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station-6 dakong ala-1:15 ng madaling araw nang mapansin nila ang suspek, na nakasuot ng pang-itaas na uniporme ng pulis.

Dahil sa hindi maayos na pagsusuot ng uniporme ng suspek at mahaba ang buhok nito, nagduda sina P/Cpl. Andy Mejal at Pat. Mark Angelo Araneta kaya nilapitan at sinita nila ang suspek saka hinanapan ng PNP-ID.

Nang ilabas ng suspek ang kanyang wallet na kinalalagyan ng ID, nalaglag ang isang plastic sachet na naglalaman ng tatlong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400 na naging dahilan upang arestuhin siya ng mga pulis.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 179 of RPC (Illegal Use of Uniform or Insignia) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Mayor Jeannie, pinagtibay ang pangako sa paglago ng negosyo at trabaho sa Malabon

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING pinagtibay ni Mayor Jeannie Sandoval ang pangako ng kanyang administrasyon na palakasin ang paglago ng negosyo at trabaho sa Lungsod ng Malabon, kasunod ng ulat kamakailan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na pinangalanan ang Malabon sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na may pinakamabilis na Gross Domestic Product (GDP) na paglago noong 2024.

Ayon sa PSA, nag-post ang Malabon ng kahanga-hangang 7.27% GDP growth rate noong 2024, na inilagay ito sa mga top-performing local economies sa Metro Manila.

“Ito po ay patunay na patuloy na lumalago ang ekonomiya ng Malabon. Mas palalakasin pa po natin ito ngayong taon at sa mga susunod pang mga taon sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga negosyong maliliit at malalaki, sa mga manggagawa, at sa mga negosyante. Alam naman po natin na kung mas malakas ang ekonomiya sa lungsod, mas marami ang mamumuhunan at mas maraming oportunidad ang bubukas para sa ating mga Malabueno,” ani Mayor Jeannie.

“Sa tulong ng mga programa para sa MSMEs, digital transformation, at pagpapaunlad ng kabuhayan, titiyakin nating tuluy-tuloy ang pag-ahon ng ating lungsod,” dagdag niya.

Ang GDP ay sumusukat sa kabuuang halaga sa market value ng lahat ng mga produkto at serbisyo. Para sa 2024, ang GDP ng Malabon ay tinatayang nasa ₱72.34 bilyon, na may Per Capita GDP na ₱185,524 (kabuuang GDP na hinati sa kabuuang populasyon sa kalagitnaan ng taon), ayon sa data ng PSA.

Ang 7.27% na paglago ng lungsod ay nagmamarka ng isang makabuluhang pagbilis mula sa 3.2% rate ng paglago nito noong 2023, nang umabot ang GDP sa ₱67.44 bilyon mula sa ₱65.37 bilyon noong 2022. Nalampasan din ng Malabon ang average na paglago ng NCR na 5.6%, na binibigyang-diin ang malakas at matatag na economic momentum.

Sa datos ng PSA, kabilang sa mga industriyang may pinakamalaking kontribusyon sa paglago ng GDP sa Malabon ay ang Manufacturing, Wholesale and Retail Trade; repair of motor vehicles and motorcycles, at Construction habang ang nangungunang industriya na may pinakamabilis na paglago sa Malabon ay ang sektor ng “Other Services”.

Kinilala rin ni Mayor Sandoval ang matatag na pag-unlad ng lungsod sa negosyo at mga programa nito tulad ng streamlining at digitalization ng business permit process sa pamamagitan ng E-BOSS sa ilalim ng Ease of Doing Business program, pagpapatupad ng Malabon Ahon Blue Card na nagbigay ng tulong pinansyal sa mahigit 90,000 residente, at pagpapalakas ng livelihood at entrepreneurship programs para sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Samantala, binigyang-diin ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na ang pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod ay direktang nagsasalin sa mas magandang kalidad ng buhay para sa mga residente nito.

“Ang ating pangunahing layunin ay mapabuti ang kalidad ng pamumuhay sa lungsod. Isa sa mga paraan para makamit ito ay ang pagpapalago ng ekonomiya na nakakatulong sa mga naghahanap ng trabaho at mga negosyante. Ang mabilis na GDP growth rate ay patunay ng matatag na ekonomiya at ng mahalagang kontribusyon ng bawat mamamayan. Sa liderato ni Mayor Jeannie Sandoval, patuloy tayong tututok sa maayos na pamumuno, proseso, at serbisyo para sa lahat,” aniya. (Richard Mesa)

Navotas LGU, magbibigay ng P1M cash aid sa Cebu

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGBIBIGAY ng cash aid ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa lalawigan ng Cebu kasunod ng 6.9 magnitude na lindol na tumama at sumira sa ilang bayan nito noong Setyembre 30.

Sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, naglaan ang Navotas ng ₱1 milyon mula sa 2025 Quick Response Fund nito upang makatulong na mapabilis ang mga operasyon sa pagtugon sa emerhensiya sa lalawigan, partikular sa mga lugar na lubhang apektado.

“Our city’s budget and resources may not be that much; however, we are still fortunate that we have the capacity to help our fellow Filipinos in dire need of support and assistance,” sabi ni Mayor John Rey Tiangco.

“Pinagdaanan na rin natin ito. Noong nakaraang Hulyo, itinaas din ang state of calamity sa ating lungsod at alam natin kung gaano kahirap ang ganitong sitwasyon. Kaya hanggang may maitutulong tayo sa mga kababayan nating nangangailangan, gagawin natin,” dagdag niya.

Noong Nobyembre 2019, nag-donate din ang lungsod ng ₱500,000 sa Tulunan, Cotabato nang tamaan ito ng magnitude 6.6 at 6.5 na lindol.

Nagpadala rin ang lungsod ng ₱2 milyon na tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyo sa munisipalidad ng Lawaan at Giporlos, Eastern Samar noong 2014, at ₱1.5 milyon sa Dapa, Surigao del Norte; Ilog, Negros Occidental; Gingoog, Misamis Oriental; at sa mga lalawigan ng Dinagat Islands at Bohol noong 2022.

Ang mga in-kind na donasyon tulad ng 1,600 hygiene kits, ₱300,000 halaga ng mga gamot, at 300 sako ng bigas ay ibinigay din sa mga evacuees sa Batangas City at Trece Martires, Cavite noong pagsabog ng Taal noong 2020. (Richard Mesa)

ROAD RE-BLOCKING, SINUSPINDE NG DPWH

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE ni DPWH secretary Vince Dizon ang lahat ng ginagawa o gagawin para sa road reblocking.

Sinabi ni Dizon na ito ay para malaman kung ano ang batayan ng reblocking sa gitna na rin ng matinding galit ng publiko sa ganitong aktibidad.

Ayon sa kalihim, kanila na ring iimbestigahan ang road reblocking at kakasuhan din nila ang mga sangkot sakaling may lalabas na anomalya.

Aniya, maglalabas sila ng bagong Department Order na sasaklaw sa pagpapatupad ng reblocking upang mas maipaliwanag ito ng maayos sa publiko

Hinikayat pa ni Dizon ang publiko na magsumbong sa social media account ng DPWH para agad nilang matugunan.

Kasama sa dalawang ipinatigil na agad ng kalihim ang reblocking sa Bocaue Bulacan na kita umano na hindi naman sira ang kalsada gayundin sa Tuguegarao City sa Cagayan. ( Gene Adsuara)

Midwives Summit Champions Collaboration for Women’s Health and Universal Care

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LEADERS from the public and private sectors join midwives in reaffirming their shared commitment to advancing women’s health and well-being during the Midwives Summit 2025,
held last Oct 7, at Seda Vertis North Hotel.

The Integrated Midwives Association of the Philippines (IMAP), in partnership with Organon Philippines, brought together midwives, government agencies, and development partners for the Midwives Summit 2025, themed “Sustaining Women’s Health – Well-being in Every Community.”

The forum underscored the essential role of midwives in advancing Universal Health Care (UHC) and highlighted the power of collaboration between public and private sectors to expand reproductive health access in underserved communities. Representatives from the Department of Health (DOH), PhilHealth, the Commission on Population and Development (PopCom), the academe, and civil society shared updates and insights.

“Behind every safe birth and every healthy mother is a competent, compassionate, and courageous midwife,” said Health Secretary Dr. Teodoro Herbosa, affirming midwives’ central role in community care.

“When we take care of women, they take care of everyone else, their children, their families, and the next generation of Filipinos.”

DOH shared measures aimed at lowering maternal mortality and preventing adolescent pregnancies, including adolescent-friendly health services and the HPV vaccination program for Grade 4 girls, both crucial to protecting women across the life course.

The summit also addressed the evolving training and advocacy roles of midwives. Dr. Bernabe Marinduque, Past President of the Philippine Society for Responsible Parenthood, urged midwives to champion women’s rights and strengthen their competencies. “Midwives must evolve into strong advocates for women’s rights—the right to decide when to get pregnant and how many children to have,” he said, adding that education and supportive supervision can help save more mothers and newborns.

Midwives from across the country echoed these calls for empowerment. Sandra Rivera of IMAP Region III highlighted curriculum updates and the inclusion of long-acting reversible contraceptives (LARCs) in practice. “These methods offer reliable, reversible protection and empower women with more choices that fit their needs and life plans,” she shared. Mona Lisa Diones of FPOP Iloilo summed it up: “Midwives are the backbone of reproductive health care in the Philippines.”

Representing the private sector, Organon Philippines reaffirmed its support for midwifery development. “Meaningful impact is only possible when government, healthcare professionals, and the private sector work together,” said Carole Lopez, External Affairs and Communications Lead for Organon in Singapore, Hong Kong, Indonesia, and the Philippines. “Midwives are often the first and most trusted point of contact for women, and we’re committed to ensuring they have the right tools, training, and innovations to deliver quality care.”

The summit concluded with a renewed commitment to strengthen midwifery education, supply chains, and community outreach—critical steps to reduce maternal and neonatal deaths and bring the promise of Universal Health Care closer to every Filipino woman.

LTO nakapagtala ng ₱25.4-B kita, patungo na sa pinakamataas na koleksyon sa kasaysayan

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA muli ng panibagong tagumpay ang Land Transportation Office (LTO) sa pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II matapos makalikom ng kabuuang ₱25.4 bilyon mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Ayon kay Asec Mendoza, ang positibong takbo ng kita ng ahensya ay patunay na kayang makamit ang itinakdang ₱34 bilyong target sa 2025, isang layuning itinakda niya kasabay ng pagpapatupad ng mga reporma sa mga patakaran ng LTO.

“Sa ganitong bilis ng koleksyon, malinaw na nasa tamang direksyon tayo upang maabot ang target para sa 2025 na siyang magiging pinakamataas sa kasaysayan ng LTO,” dagdag pa niya.

Batay sa datos ng LTO hanggang Setyembre 30, umabot sa ₱25,469,343,321.16 ang nakolekta, o katumbas ng halos 75% ng target na koleksyon para sa taon.

Sa LTO Central Office, nalampasan na rin ang target na ₱906 milyon para sa 2025 dahil umabot na sa ₱1.4 bilyon ang koleksyon hanggang Setyembre 30.

Tatlong rehiyon na lamang ang may kulang na mas mababa sa 20% ng kani-kanilang target, habang halos lahat ay mas mababa sa 30%. Gayunman, nananatiling kumpiyansa si Asec Mendoza na makakamit ng lahat ng Regional Office ang kani-kanilang mga target sa nalalabing tatlong buwan ng taon.

Kasabay nito, tiniyak ng LTO Chief na patuloy ang maayos na financial management ng ahensya at kumpiyansa siyang maaabot nila ang ₱34 bilyong target na itinakda ng kanyang tanggapan noong nakaraang taon.

Binigyang-diin din ni Asec Mendoza ang kahalagahan ng mga nakokolektang pondo dahil ito ay ginagamit upang pondohan ang iba’t ibang programa at serbisyong pampubliko sa ilalim ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

“Hindi pa tapos ang ating laban, mayroon pa tayong ₱8 bilyon na kailangang kolektahin, at sa inyong dedikasyon at pagtutulungan, tiyak na maaabot natin ito. Maraming salamat sa inyo!” pagtatapos ni Asec Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Jobless Pinoy, bumaba sa 2.03 milyong noong Agosto – PSA

Posted on: October 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON ng pagbaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 2.03 milyon na lamang ang jobless na Pinoy noong Agosto, mas mababa ng 3.9 percent kumpara sa 2.59 milyon noong Hulyo.

Mas mababa rin ito kumpara sa 2.07 milyon na walang trabaho noong Agosto 2024.

Ayon sa PSA, ang sektor ng agrikultura, forestry, wholesale, retail trade at construction ang nakapagtala ng mataas na bilang ng trabaho.

Agriculture and forestry – 1.35 milyon, wholesale and retail trade – 1.30 milyon, construction – 672,000, other service activities – 399,000, fishing and aquaculture – 346,000.

“May big adjustment din kasi tayo nung month of July. Ang pinakarason dito, as we mentioned, yung series of typhoons, talagang malaki yung epekto nung mga bagyo doon sa ating industries, particularly agriculture,” pahayag ni National Statistician Claire Dennis Mapa.

“So ang nakita namin na yung bawas doon sa July, which is ang pinakamalaki agriculture, retail trade, and construction, bumalik sila ngayon…in a way, parang naging temporary yung naging pagkawala ng trabaho,” dagdag ni Mapa.

Ayon kay Mapa, ang pagbubukas ng job opportunities sa ibat ibang sektor na naapektuhan ng mga kalamidad ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga Filipino na may trabaho.