• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:11 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 9th, 2025

Ilang mga proyektong pang- nasyonal gaya ng infrastructure projects, nais ilipat na sa local government ni PBBM

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISUSULONG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang aniyay sistema na nais niyang ibalik kung pag- uusapan ay pagsasagawa ng mga government projects.

Ayon kay Pangulong Marcos, nais niyang ibigay na lang sa mga local government mula sa national government ang ilang proyekto gaya ng mga proyektong may kinalaman sa imprastraktura.

Inihalimbawa dito ng Pangulo ang pamamahala na sa rehabilitation at repair ng mga school buildings.

Kaya ‘na din gawin ng mga nasa lokal na pamahalaan ang mga bypass road, farm-to-market roads at tourism roads.

Popondohan aniya ito ng national government at ang hakbang ay kanilang pinag- aralan na kung saan, inaasahan nilang mas mabilis at mas maganda ang kalalabasan ng mga proyekto habang mas madali silang punahin ng kanilang constituents kapag palpak ang isang proyekto. ( Daris Jose)

Malakanyang, nanindigang ipauubaya sa ICI ang pagpapasiya kung dapat bang isapubliko ang mga pagdinig sa Komisyon

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANINDIGAN ang Malakanyang na hindi nito panghihimasukan ang anumang polisiyang ipinatutupad at ipatutupad ng Independent Comnission for Infrastructure (ICI)

Ito’y sa gitna ng lumalakas na panawagan na buksan sa publiko ang mga gagawing pagdinig ng ICI sa harap ng isinasagawa nitong imbestigasyon.

Ayon kay ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na magiging transparent lalo na sa usapin ng pag- iimbestiga sa flood control subalit hindi aniya kailanman magdidikta ito sa ICI.

Kung may clamor na buksan sa publiko ang pagdinig ay iiwan nila ang desisyon sa Independent Comnission for Infrastructure.

“Kung naririnig po nila ang clamor ng tao na maging open to for public.. ang hearing nila? Sila po ang may karapatan na magdesisyon dyan,” ayon kay Castro. ( Daris Jose)

PBBM, pinangunahan ang presentasyon ng mga bagong Petroleum Service Contracts

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang presentasyon ng mga bagong Petroleum Service Contracts para sa petroleum at hydrogen explorations sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Sakop ng mga ikakasang gas exploration ang mga lugar ng Sulu Sea, Cagayan, Cebu, Northwest at East Palawan gayundin ang Central Luzon.

Tinatayang, aabot sa $ 207 milyong dolyar ang halaga ng puhunan para sa service contracts na tatagal ng pitong taon kung saan ay kabilang sa mga gagawin ang geological at geophysical surveys gaya ng seismic at aeromagnetic studies upang matukoy ang mga posibleng lugar na maaaring pagbabarena, na may potensyal ding matuklasan ang native hydrogen reservoirs at mga bagong petroleum fields.

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos Jr., sinabi nitong kinakatawan ng mga service contracts na ito ang marubdob na pagnanais ng pamahalaan na palakasin ang energy security sa bansa na magbibigay ng economic stability at self reliance.

Sinasabing, sa mga kontratang ito dagdag ng Pangulo ay magkakaruon ng katiyakan kung pag- uusapan ay sapat na suplay ng enerhiya sa bansa.
(Daris Jose)

Malakanyang, tinitingnan ang sedisyon, pagtataksil sa bansa, laban sa ilang indibidwal na nasa likod ng nabigong pagtatangkang kudeta

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA ang Malakanyang ng masusing pagrerebisa kung maaaring maghain ng kasong sedition o treason laban sa ilang indibiduwal, kabilang na ang ilang retiradong military na nagtangkang magsagawa ng kudeta para pabagsakin ang administrasyong Marcos noong Sept. 21 anti-corruption protests .

“We will study what exactly transpired in the event so that if there are people that need to be made accountable, then they should be charged,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro,.

Sinabi ni Castro na hindi naman lingid kaalaman ni Pangulong Ferdinand Marxos Jr., ang suhestiyon “by a small group of people” para sa military na bawiin ang suporta mula sa kanilang Commander in Chief bago pa ang Sept. 21 protests.

Kapwa naman nag-commit ng kanilang katapatan sina Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at Acting Philippine National Police chief General Jose Melencio Nartatez Jr. para sa Konstitusyon at chain of command.

“The public should not be worried about these destabilization attempts,” ang pahayag ni Castro said, sabay sabing hindi nababahala ang Pangulo o nag-aalala sa mga bagay na ito.

Sa ulat, inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na may ilang retiradong opisyal ng militar na nanawagan sa AFP na bawiin ang suporta kay Pangulong Marcos sa gitna ng mga protesta hinggil sa umano’y iregularidad sa mga flood control project.

Ayon kay Brawner, sinubukan ng ilang retiradong opisyal na hikayatin ang mga aktibong sundalo at opisyal ng AFP na kumilos laban sa administrasyon sa pamamagitan ng coup d’état, military junta, o pag-withdraw ng suporta.

Gayunman, wala umanong natupad na ganitong hakbang sa panahon ng mga kilos-protesta noong Setyembre 21.

Tiniyak ng AFP chief na nanatiling tapat at propesyonal ang mga tauhan ng Sandatahang Lakas at walang sumunod sa panawagan ng mga retiradong opisyal.

Sinabi rin ni Brawner na naiparating nila sa Pangulo ang impormasyon tungkol sa mga panawagang ito, ngunit nagpahayag umano ng tiwala si Marcos sa AFP at sa kanilang liderato.

Kaugnay nito, iginiit ng Department of National Defense (DND) na walang banta o aktuwal na plano ng kudeta laban sa administrasyon, taliwas sa mga kumalat na espekulasyon. (Daris Jose)

Pagkakaalis sa security chief ni VP Sara, walang mensahe, paliwanag-OVP

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Office of the Vice President (OVP) na hindi ipinaalam sa kanila ang dahilan ng pagkaka-alis kay Col. Raymund Dante Lachica bilang pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Security and Protection Group, ang unit na nakatalaga para magbigay seguridad para sa second-in-command.

“The Office of the Vice President was informed of the relief of Col. Raymund Dante Lachica upon his receipt of the order yesterday, October 6, 2025,” ang nakasaad sa kalatas ng OVP.

“No message or explanation was given to the OVP,” ang mababasa pa rin sa kalatas.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng OVP si Lachica para sa kanyang serbisyo at nagbigay-pugay sa opisyal para sa kanyang “resoluteness, professionalism, and integrity.”

“The OVP expresses its sincere gratitude for the outstanding contributions made by Col. Lachica to our institution,” ang mababasa sa kalatas ng OVP.

“We have accomplished more than our targets because of his support to the vision of a life of peace and comfort for all Filipinos,” ayon pa rin sa OVP.

Nauna rito, kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes, Oktubre 7, ang pagkakasibak ni Col. Lachica bilang commander ng AFP Security and Protection Group (ASPG), na dati ay Vice President Security and Protection Group (VPSPG), kaugnay sa kinalaman umano nito sa “alleged misuse” ng confidential funds ng OVP.

Epektibo mula noong Sabado, Oktubre 4, ang reassignment ni Col. Lachica bilang miyembro ng Philippine Army. ( Daris Jose)

Sa kabila ng ingay na dala ng usapin ng korapsyon: Pinas, nananatiling ‘strong investment destination’- Malakanyang

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang Malakanyang na mananatiling ‘strong investment destination’ ang Pilipinas dahil sa patuloy na pagtitiwala ng mga foreign investors sa pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang korapsyon at panindigan ang public interest.

Sa press briefing sa Malakanyang, tinukoy ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang nagpapatuloy na anti-corruption efforts ng administrasyon bilang pangunahing dahilan sa pagpapanatili ng tiwala mula sa international business community.

Tinanong kasi si Castro kung paano ang imahe ng Pilipinas ay naapektuhan ng usapin ng korapsyon sa bansa.

“Definitely po, kahit papano po ay magkakaroon ito ng epekto,” ang sinabi ni Castro.

“But marami po sa investors na mas gugustuhin po nila na ang gobyerno ay lumalaban sa korapsyon. Mas gugustuhin po nila na ipinaglalaban ng gobyerno ang karapatan ng taumbayan,” dagdag na wika nito.

Binigyang diin naman ni Castro na maraming foreign investors ang nananatling mas pinili na makatrabaho ang gobyernong committed sa good governance.

Tinuran pa ni Castro na ang posisyon ng gobyerno laban sa korapsyon ang nagbigay ng malakas na mensahe ng katatagan at pananagutan sa mga potensiyal na investors, pinatatag na long-term attractiveness ng bansa para sa foreign capital at partnerships.

So, with that, mas mananatili siguro ang tiwala nila sa Pilipinas para dito mag-invest,” ani Castro.
( Daris Jose)

Pagpapalit ng liderato ng Senado, hindi nakaaalarma, hindi makadidiskaril sa mga admin bills- Malakanyang

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MINALIIT ng Malakanyang ang napapabalitang may panibagong posibleng pagpapalit ng liderato sa Senado.

Ang katwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-alala at kumpiyansa na ang Senado ay mananatiling stable at nakatuon sa pagsisilbi sa publiko.

Sinabi ni Castro na ang napaulat na usap-usapan sa Senado ay bahagi ng democratic processes sa loob ng institusyon.

“According to Senate President Tito Sotto, stable naman po ang nangyayari sa Senado at nag-e-express lamang po sila ng kanilang mga damdamin at karapatan naman po nilang pumili kung sino iyong nararapat na maging leader or mamuno sa kanila,” ayon kay Castro.

“So, may freedom of expression sila, may democracy sila sa loob ng Senado – so, hindi naman po siya alarming,” aniya pa rin.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Castro na anuman ang mangyari sa pagbabago sa liderato, ipagpapatuloy ng mga senador na iprayoridad ang mga batas na kapaki-pakinabang sa mga mamamayang Filipino.

Sa ulat, may panibago na namang pagbabago sa liderato ng Senado na lumutang may ilang linggo matapos ang kamakailan na reorganization, dahilan para mapalitan ang mga bagong committee heads at realignment ng mga alyansa sa hanay ng mga senador.

Pinananatili naman ng Malakanyang ang paggalang sa independence ng legislative branch at tiwala sa mga mambabatas na ipagpapatuloy na makatrabaho ang ehekutibo para magpasa ng batas na magsusulong ng development agenda ng administrasyon.
(Daris Jose)

Usec. Castro, itinatwa ang kumalat na impormasyon sa online na siya ang susunod na Justice Secretary

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang mga naglabasang impormasyon sa mga online platforms na siya ang papalit kay Incoming Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa Department of Justice (DoJ).

Ani Castro, hindi niya alam kung saan nagsimula ang nasabing impormasyon na kumalat na nga sa mga netizen.

Binigyang diin ni Castro na wala aniyang katotohanan ang nabanggit na balita habang tumanggi ng sagutin nito ang tanong na kung sakaling ialok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iiwang posisyon ni Remulla ay tatanggapin niya ba ito.

“Unang -una po, hindi po natin alam kung saan nagsimula yan. So, wala pong katotohanan yan,” ang sinabi ni Castro.

Winika pa rin ni Castro, lalabas na magiging palagay lamang ang kanyang sagot kung tutugon siya sa nabanggit na katanungan.

Sa kasalukuyan, nagsisilbing Acting Secretary ng DOJ si Justice Undersecretary Frederick Vida.
( Daris Jose)

Tiangco, nakipagpulong sa DPWH at Japanese consultant

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGPULONG si Cong. Toby Tiangco sa DPWH at sa ang kanilang Japanese consultant para pag-usapan ang ukol sa pag-disenyo at construction ng pangalawang Navigational Gate, para may back-up na kung masira ang kasalukuyang NavGate. Aniya, ang DPWH UPMO ang magpopondo sa pagaaral ng 2nd NavGate na gagawin ng kanilang Japanse consultant at isusumite sa loob ng anim na buwan. (Richard Mesa)

PANININDIGAN NI PBBM LABAN SA KORAPSYON , PAG-ASA NG BAYAN

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang matatag na paninindigan laban sa korapsyon at kapabayaan sa pamahalaan.

Ayon kay Goitia, ang mga hakbang ng Pangulo ay hindi lamang pagpapatupad ng reporma kundi pagbabalik ng dangal at moralidad sa pamamahalan.

Paliwanag ni Goitia na para sa Pangulo, ang bawat piso sa pambansang badyet ay dapat maramdaman ng mga pamilyang Pilipino at hindi malustay sa red tape o maling paggamit kaya binuo niya ang Independent Commission for Infrastructure upang imbestigahan ang mga iregularidad sa mga proyekto ng flood control at iba pang imprastraktura.

Binigyang-diin pa ni Goitia na ang mga repormang gusto ng Pangulo ay hindi lamang mga pangako kundi mga konkretong hakbang tungo sa tunay na pagbabago.

Dagdag pa ni Goitia hinggil sa pahayag ng Pangulo na walang perang nasasayang ay hindi ito sa badyet kundi tungkol ito sa pagpapahalaga ng tama na ang bawat sentimo ay may halaga.

Ayon pa kay Goitia, ang tunay na labanan ay hindi sa pagitan ng mga pulitiko kundi laban mismo sa korapsyon, kawalang-kakayahan, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Binalewala rin ni Goitia ang mga ingay at intriga na ang layunin ay paghiwa-hiwalayin tayo, gayunpaman mulat na ang Pilipino at alam na nila ang tunay na nagtatrabaho.

Nanawagan si Goitia sa lahat ng Pilipino na magkaisa sa likod ng Pangulo at ng kanyang adbokasiya para sa tapat na pamamahala.

“Hindi lang numero ang inaayos ni Pangulong Marcos. Ibinabalik niya ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Ganito muling aangat ang bansa, hindi sa ingay at pagkakawatak-watak, kundi sa pagkakaisa, integridad, at malasakit. Mas matatag ang Republika ngayon dahil may lider tayong pinipili ang tama, kahit mahirap gawin,” ayon kay Goitia. (Gene Adsuara)