• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:04 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 9th, 2025

Nasa Cebu nang tumama ang malakas na lindol: KIM, ‘di nag-aksaya ng panahon na makatulong sa mga nasalanta

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GRABE ang naging pinsala at casualties din sa naging 6.9 magnitude earthquake sa Cebu, partikular na sa Bogo, Cebu.
At si Kim Chiu na isang kilalang Cebuana celebrity, nasa Cebu rin ito nang mangyari ang lindol.
Nagti-taping sila ng boyfriend na si Paulo Avelino ng kanilang bagong series, ang “The Alibi.” Hindi naman sila nasaktan o naapektuhan. Pero ang maganda kay Kim, dahil nando’n na ito sa Cebu, hindi ito nag-aksaya ng panahon.
Personal na namili si Kim ng sa tingin niya ay magiging pangangailan. Sey niya siguro, marami na rin naman ang nagbibigay.
Nakita namin sa mga social media na dalawang truck ng mga construction materials ang personal na binili ni Kim at inihatid sa mga napinsala.
In fairness, saludo kami kay Kim sa initiative niya na ito lalo na para sa mga kababayan niya.

***
BEA, hindi nakaramdam ng pagka-inip sa tandem nila WILBERT

GOOD thing na hindi nakaramdam ng pagka-inip si Bea Binene.
Parang mas kami pa ang nainip simula nang i-launch ang loveteams ng VIVA One’s University series ng writer na si Gway Saludes.
Positibong pagka-inip naman dahil nga curious kami kung anong kuwento naman ni Bea at ng loveteam niya na si Wilbert Ross.
Na sa totoo lang din, parang sa mga loveteams na ipinakilala ng University series, silang dalawa ang kilala na talaga bilang mga artista. Lalo na si Bea since child star sa Kapuso network.
Naging bahagi na rin si Bea ng mga loveteams since ‘Tween Hearts’ niya sa GMA-7, pero ang galing din ng VIVA na mula nang lumipat siya rito, naihanay pa rin siya sa mga loveteams o mga tipong romcom series gaya ng “Golden Scenery of Tomorrow” na magsisimula ng mapanood sa October 18 sa VIVA One at sa direksyon ni Victor Villanueva.
When asked kung ano ang kaibahan ng loveteam niya noon sa loveteam ngayon, sey ni Bea, “Ngayon ang dami—may Tiktok na, basta ang dami na. Ang dami ng ways para makita ka ng fans. Dati nga, wala namang Facebook Live. Siguro yung platform talaga.”
Thankful din daw siya sa mga fan dahil hindi raw demanding ang mga fan nila at naka-support lang. Importante lang daw sa mga ito na happy sila.
At dahil second to the last na nga ang tandem nila na magbibida sa series, hindi raw siya nainip dahil sa mga individual projects na ibinibigay sa kanila.
“Hindi naman nainip, siguro I’m more of excited kasi nga, marami ang naghihintay.”

(ROSE GARCIA)

Loveteam nila, posible na mauwi sa relasyon: BEA, puring-puri si WILBERT dahil masyadong maalaga

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA grand media conference ng newest series ng Viva One na Gwy Saludes’ ‘Golden Scenery of Tomorrow’ ipinasilip na ang official poster nito.
Ang 5th book-to-series adaptation ng University Series ay pagbibidahan ng tambalan nina Bea Binene at Wilbert Ross, na pawang papuri ang nasabi nila sa isa’t-isa, na kinakiligan naman ng fans na present sa media con.
Say nga ng aktres, “dati sinabi ko na, I feel like that Wilbert is such a realiable loveteam at napatunayan ko naman yun.
“I think, masuwerte ka kapag nakahanap ka ng ka-partner dito sa industriya that really takes care of you. At hindi lang yun mema, and I think I am really blessed to this project with.”
Inamin naman ni Wilbert, na girlfriend material si Bea, dahil caring daw ito at masarap magluto. Say naman ni Bea, sobra raw maalaga ang ka-partner at handa siyang protektahan.
Kasama nilang bibida sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Jerome Ponce, Krissha Viaje, Aubrey Caraan, Lance Carr, Gab Lagman, Hyacinth Callado, Nicole Omillo, at Jairus Aquino.
Nasa cast din ng serye sina Meryll Soriano, Eric Fructuoso, Cara Guevara-Laforteza, Guji Lorenzana, Janine Teñoso, Benj Manalo, PJ Rosario, CJ Vilanueva, Andre Yllana, Frost Sandoval, Keann Johnson, Dani Zee, Julia Klarisse, Annika Co, Love Yauco, Arabella Del Rosario, Crismar Menchavez, Naz San Juan, Lawrence Dela Cruz, Kent Domingo, Hannah Ortega, Zoe Viterbo, Priscilla Villar, Anna Dimaano, Abel Manalansan, Dona Soriano, at Suzanne Grijalvo.
Ang Viva One Original Series na ito ay mula sa direksyon ni Victor Villanueva, magpi-premiere ito sa October 18 sa Viva One.

(ROHN ROMULO)

Kahit late na, puwede pang humirit ng lima: JASON, inamin na walang kapantay ang pagiging ama

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATSIKAHAN namin si Jason Abalos sa birthday celebration ng owner ng Artista Salon na si Gio Anthony Medina kasama ang partners na sina Margaret Gaw at Lotis Reyes na matatagpuan sa Panay Avenue, Quezon City.
Kasamang dumating ni Jason ang asawa na si Vickie Rushton at anak na si Knoa Alexander na 2 years and 1 month old.
Sobrang happy raw siya sa pagiging ama, “Napakasarap po, walang kapantay ang pagiging magulang.
“Sabi ko nga, medyo late na ako, pero kaya pa naman, kahit lima pang anak.
Masarap maging mabuting tao, kasi gusto ko ‘pag lumaki s’ya, sasabihin ko sa kanya, ‘Ang tatay mo, mabuting tao.’”
Anyway, muli ngang nahalal si Jason bilang provincial board member sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Kaya natanong siya tungkol sa flood control projects, wala raw siyang kinalaman tungkol dito dahil hindi dumadaan sa kanya.
“Wala kayong makukuhang sagot sa akin. Nakakainggit nga, eh. Hahaha!” pahayag pa ni Jason.
Weekends lang pala siya umuuwi sa Quezon City dahil dito nakatira ang kanyang mag-ina. Limang araw siyang nagtatrabaho sa Nueva Ecija para tuparin ang kanyang tungkulin.
Isinisingit din niya ang pag-aartista, na ngayon ay naghihintay pa siya ng projects mula sa GMA-7.
“Time management lang,” sagot ni Jason sa kanyang ginagawa.
“Mahirap ngayon kasi may anak na rin ako, so kailangan ko talagang bantayan kasi importante ang pamilya ko.
“So siyempre ‘yung tiwala ng tao, mahirap na hindi pagbigyan ang nararapat na para sa kanila.”
Dagdag pa niya, “Sa mga may inquiries, kay Nanay (Gio) lahat.”
Ayon naman sa kanyang manager, may paparating daw na movies na gagawin si Jason this year, na dapat abangan.

***
MTRCB, opisyal na inilunsad ang Mobile App

ILANG araw bago ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag nito, opisyal na inilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala Sotto, ang “MTRCB Mobile Application”–isang makabagong inisyatiba na layong ilapit pang lalo ang mga serbisyo ng Ahensya sa sambayanang Pilipino.
Ang MTRCB Mobile App ay nagsisilbing one-stop platform at napakadali lang gamitin. Nagbibigay ito ng eksaktong impormasyon ukol sa mga pelikula at programang pantelebisyon na nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB, pati na rin ng iba pang kaugnay na materyales.
Maaari ring makita ang listahan ng mga sinehang nakarehistro sa MTRCB, TV network, at gabay sa mga programa sa telebisyon.
Bukod dito, tampok din sa app ang mga napapanahong update tungkol sa mga gawain ng MTRCB gaya ng balita, anunsyo, mga kaganapan at mga lathalain. Nagsisilbi rin itong portal para sa pagsusumite ng mga komento, puna at ulat na may kinalaman sa mga pelikula at programang pantelebisyon.
“Sa modernong panahon, patuloy ang ginagawang hakbang ng MTRCB para mapalapit sa publiko ang mga serbisyo ng ating Ahensya,” sabi ni Sotto. “Ang inisyatiba ay sumasalamin sa ating layunin na gawing mas mabilis, mas maayos at mas user-friendly ang reporting ng publiko sa kanilang napapanood sa telebisyon at sinehan.”
Ipinapakita ng inisyatibong ito ang patuloy na pagsusumikap ng MTRCB na makasabay sa takbo ng modernong panahon sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kampanya para sa responsableng panonood at ng mas epektibong pagbibigay ng serbisyo publiko gamit ang teknolohiya.
Makikita rin sa naturang aplikasyon ang mahahalagang impormasyon hinggil sa Ahensya—kabilang ang mga opisyal nito, bisyon at misyon, quality policy, social media accounts, inilathalang infomercials, mga patnubay sa klasipikasyon at iba pang impormasyon.
Ang MTRCB Mobile App ay maaari nang i-download nang libre sa Google Play Store at App Store. I-type lang ang salitang “MTRCB.” Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa MTRCB Mobile App, panoorin ang walkthrough nito sa YouTube channel ng MTRCB, @MTRCBGov.

(ROHN ROMULO)

Dapat maging concerned at magkaroon ng stand: RICKY, naghayag ng saloobin tungkol sa korapsyon sa bansa

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAYAG ng kanyang saloobin ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee tungkol sa usapin ng korapsyon at katiwalian sa gobyerno dito sa Pilipinas.
“I think bilang Pilipino… bilang kapwa Pilipino, I think lahat tayo dapat maging concerned at dapat lahat tayo magkaroon ng stand, paninindigan, sa kanya-kanyang paraan kasi kanya-kanyang kakayahan.
“Pero I think hindi ka pupuwedeng wala akong nakikita, wala akong naririnig, ‘Ayokong makisali’, parang hindi ka puwedeng maging masaya kung sa palibot mo ang dami mong kababayan ang naghihirap at hindi masaya at binabaha.
“So parang kakabit ka na ng kapalaran nila e. So I think natutuwa ako na finally maybe sumulak na yung galit at hopefully, eventually it will go to a point where may mangyayari.
“Kung ano yung mangyayari hindi ko siyempre mahuhulaan sa ngayon, but I think may mangyayari. Although ang dami-daming negative news and everything, I’m very hopeful, I’m very hopeful.
“Nakita ko yung mga tao sa martsa, mga kabataan, mga Gen Z na ang dami-dami, mga kasamahan ko sa industriya, gives you hope na huwag tayong magsabi na wala ng mangyayari, wala ng pag-asa, ang hirap namang mahalin ng Pilipinas, ang hirap naman ng mga kababayan ko, bakit naman sila ganito?
“Kesa magsisihan ng ganun na parang nagda-down tayo, hayaan nating magningas pa lalo yung spark na nasimulan na, yung spark ng hope.”
Ayon rin sa kanya, may mga inspirasyon na makukuha sa mga nagaganap sa bansa upang sumulat o gumawa ng isang pelikula tungkol sa mga nangyayari ngayon.
“I think eventually yes, pero in the meantime, magmasid, makisangkot, makinig muna, ipunin lahat ng kuwento. “Parang ang dami-daming mga kuwento, ang dami-dami kong nakikita. Yung kuwento na lang nung mga hinuli, bawat isa dun may kuwento, sino sila, saan nanggaling, bakit sumulak ang kanilang galit to that point.
“Yung mga kuwento ng… siguro may mga pulis din na naiipit sa gitna, kuwento rin naman yun e, kanino ako kakampi, sino nga ba ako, Pilipino pa ba ako, etc.
“Parang ang dami-daming kuwento. So para sa isang manunulat, napakasarap na kasangkot ka bilang ikaw but at the same time kasangkot ka bilang manunulat na nag-o-obserba at magsusulat eventually about you.”
Dumalo si Sir Ricky sa opening ceremonies ng 7th Sinag Maynila 2025 kung saan ang opening film ay ang classic 1997 film na “Jaguar” na si Sir Ricky at Jose Lacaba ang sumulat ng screenplay at ang direktor naman ay ang isa pang National Artist at icon na si Lino Brocka.

(ROMMEL L. GONZALES)

Seda Vertis North Hotel Midwives Summit 2025: Empowering Midwives, Expanding Access to Reproductive Health in the UHC Era

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Integrated Midwives Association of the Phillippines (IMAP), with the support of Organon (Philippines) Incorporated, is convening the Midwives Summit 2025, a landmark gathering that underscores the indispensable role of midwives in driving universal health coverage (UHC) and sustaining women’s health in communities nationwide.

“This Summit is for every midwife who continues to serve women, familles, and communities with compassion, competence, and dedication. it is a platform to gain new knowledge, strengthen practical skills, and renew our shared passion for advancing women’s health. Together, let us continue to uplift the lives of women and communities across the country,” says Patricia Gomez, Executive Director of IMAP

With the theme “Empowering Midwives, Expanding Access: Advancing Reproductive Health in the UHC Era,” the Summit brings together midwives, government leaders, non-government organizations, and development partners to explore how midwifery mare effectively contributes to the goals of UHC.

A central focus of the discussions is the importance of family planning as a foundation of reproductive health and community well-being. Experts emphasize how midwives, often the most accessible healthcare providers in rural and underserved areas, expand choices for women and families, ensuring they receive timely and appropriate care.

The Summit also highlights the evolving role of midwives in contraceptive counseling and provision, with emphasis on long-acting reversible contraceptives (LARCs). These methods are vital in addressing gaps in family planning access, and midwives are uniquely positioned to guide women in making informed reproductive health decisions.

Another key theme is the role of midwives in advancing universal access to reproductive health (RH) services, aligned with national priorities and the global commitment to UHC. By expanding service delivery points and strengthening their integration into the health system, midwives help bridge the divide in reproductive healthcare, particularly in geographically. isolated and disadvantaged areas.

Organon Philippines, a strong advocate of women’s health, emphasizes its commitment to complementing public efforts through meaningful partnerships. “At Organon, we recognize that meaningful impact is only possible when government, healthcare professionals, and the private sector work together. Midwives are often the first and most trusted point of contact for women in their communities, and we are committed to ensuring they have the right tools, training, and innovations to continue providing quality reproductive and maternal healthcare.” says Carole Lopez, External Affairs and Communications Lead for Organon in Singapore, Hong Kong, Indonesia, and the Philippines.

As we look to the future, our commitment is clear: to stand side by side with government and with healthcare workers- doctors, nurses, and midwives, complementing public efforts and strengthening collaborative care.”

The program also includes updates to national family planning policies and insights from development partners on sustaining midwifery programs. By fostering collaboration among stakeholders, the Summit creates an enabling environment where midwives maximize their role in expanding access to reproductive health services and sustaining women’s well-being.

Ultimately, the Midwives Summit 2025 shines a spotlight on midwives as indispensable drivers of reproductive health: advocates, service providers, and partners in improving health outcomes for every Filipino community.

#PeoplesBalita📰🗞️📰

BUCKLE UP. GLEN POWELL SAYS THE ACTION IS NON-STOP IN “THE RUNNING MAN,” ONLY IN CINEMAS NOVEMBER 12

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

“We’re really breaking out the heavy artillery, the big explosions,” Glen Powell says in the new “Behind the Action” featurette for his upcoming movie, The Running Man, opening only in cinemas November 12. “Hopefully I’ll make the stunts look cool. This is going to be fun.”

Watch the “Behind the Action” featurette: https://youtu.be/kOh-xg7RBNI

Find out how Powell trained to be an action hero. Watch the “Behind the Training” featurette: https://youtu.be/1vE7Hlc3288

Directed by Edgar Wright (Baby Driver, Scott Pilgrim vs. the World, Shaun of the Dead) and starring Powell (Top Gun: Maverick, Twisters), The Running Man tells of a near-future society where the top-rated show on television is one called The Running Man – a deadly competition where contestants, known as Runners, must survive 30 days while being hunted by professional assassins, with every move broadcast to a bloodthirsty public and each day bringing a greater cash reward. Desperate to save his sick daughter, working-class Ben Richards (Powell) is convinced by the show’s charming but ruthless producer, Dan Killian (Josh Brolin), to enter the game as a last resort. But Ben’s defiance, instincts, and grit turn him into an unexpected fan favorite – and a threat to the entire system. As ratings skyrocket, so does the danger, and Ben must outwit not just the Hunters, but a nation addicted to watching him fall. Also starring Colman Domingo, William H. Macy, Lee Pace and Michael Cera.

(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

(ROHN ROMULO)

Ads October 9, 2025

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, nagkaloob ng cash incentives sa WorldSkills ASEAN medalists

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAGKALOOBAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng cash incentives ang mga Filipino medalists na nagpakita ng galing sa 14th WorldSkills ASEAN Manila 2025, bilang pagkilala sa kanilang ‘outstanding performance’ sa iba’t ibang technical at vocational skills.

Inanunsyo ni Pangulong Marcos ang pagkakaloob ng cash rewards mula sa Office of the President (OP) sa isinagawang pagpupulong kasama ang WorldSkills ASEAN medalists sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa naging talumpati ng Pangulo, inanunsyo nito ang cash incentives na P100,000 para sa gold (ginto), P80,000 para sa silver (pilak), P60,000 para sa bronze (tanso) at P50,000 para sa medallion recipients.

“Now, we did very well and I’m very, we’re all very proud of you because there’s more than just a contest or just a competition between different countries in ASEAN. It also shows the quality of the training that we have given our workers,” ayon kay Pangulong Marcos.

“You have once again proved to the world the value of the Filipino worker. And to encourage you and so to encourage others to follow in your footsteps, meron tayong ibinibigay na mula sa tanggapan ko,” aniya pa rin.

Pinuri naman ng Pangulo ang mga competitors o kalahok sa paligsahan sa pagdadala ng karangalan sa bansa at patunayan ang world-class talent ng mga manggagawang pinoy.

Sinabi nito na ang tagumpay ng mga nagpartisipa ay patunay lamang ng kagalingan ng ‘skilled labor at craftsmanship.’

“Sa inyong ginawa at sa naging successful na resulta, pinakita lang natin na hindi ito haka-haka na sinasabing magaling ang Pilipinong manggagawa. Basta sabi natin, ito may pruweba na tayo, kung titignan mo, kung ikukumpara mo,” anito.

Binigyang diin din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagkilala sa pagsisikap ng mga katunggali hindi lamang sa uri ng pasasalamat o pagtanaw ng utang na loob kundi paghikayat sa ‘future international competitions.’

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Chief Executive na ipagpapatuloy ng ‘technical at vocational sector’ ng bansa ang pagpo-produce ng globally competitive workers, dapat lamang ay mabigyan ang mga kabataang filipino ng tamang pagsasanay, suporta at oportunidad.

“‘Yung aming nararamdaman, basta ipinagmamalaki namin ang lahat ng mga Pilipino. Totoo naman may pinagbabasehan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Ang Pilipinas ay sumulpot bilang isa sa top-performing nations sa WorldSkills ASEAN Manila 2025, nakakuha ng 10 gold medals sa panahon ng kompetisyon na idinaos mula Aug. 25 hanggang 30 sa Pasay City.

Nasungkit ang gintong medalya sa 10 skill areas, kabilang na rito ang tatlong demonstration events: Industrial Control, Carpentry, at Plumbing and Heating.

Maliban sa gold medals, nakapag-uwi rin ang Pilipinas ng pitong silver at walong bronze medals, kasama ang limang Medallions for Excellence, na ipagkakaloob sa mga competitors kung saan ang performance ay na-meet ang napakahigpit na international standards na itinakda ng WorldSkills International.
( Daris Jose)

‘Resignation’, hindi dahilan para maabsuwelto ang opisyal na isinasangkot sa flood works mess

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magiging dahilan ang pagbibitiw sa puwesto para hindi mapanagot ang mga opisyal na isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.

“That’s not enough,” ang sinabi ni Pangulong Marcos nang tanungin kung matatakasan ng mga opisyal na isinasangkot sa flood works irregularities ang pananagot kapag nagbitiw sa puwesto.

“There is a great deal of damage that has been caused — not only financial damage or economic damage, but actual damage to people’s lives,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang pinakabgong episode na “BBM Podcast”, kasama si Philip Cu-Unjieng ng Manila Bulletin bilang kanyang interviewer.

Ayon sa Chief Executive, hindi maatim ng kanyang konsensiya na maraming pamilya ang nasawi dahil sa “lousy” na flood control projects na gumuho nang ang mga ito ay lubhang kailangan.

“How can you live with that? I can’t live with it. So, I won’t live with it. So, we’ll keep pushing,” aniya pa rin.

Matatandaang nagbitiw ang kanyang pinsan na si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker of the House of Representatives matapos na madawit ang Kongreso sa corruption scandal. Bukod kay Romualdez, nagbitiw din si Elizaldy “Zaldy” Co, bilang kinatawan ng party list Ako Bicol at kasalukuyan ngayong nasa ibang bansa.

Sinabi ni Pangulong MArcos na palagi na siyang may “a sniff and suspicion of corruption in government,” subalit labis na ikinagulat ang extent ng scandal.

“And I said this cannot persist. Nothing will happen to the Philippines if we carry on this way … And we will just be this little nation that’s feeding upon itself,” anito.

Binigyang diin pa ng Pangulo na ayaw niyang magkaroon ng ‘resigned attitude’ ang kanyang administrasyon na wala man lamang nagawa para tugunan ang ‘systemic corruption.’

“And this is what we’ve seen over so many past decades. I didn’t want to be another one. I didn’t want to be a part of that kind of attitude, especially in terms of public service,” ang tinuran ng Pangulo. ( Daris Jose)

Hazard mapping bilang suporta sa bagong Declaration of Imminent Disaster law

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panukalang pagkakaroon ng multi-hazard maps sa bawat siyudad at munisipalidad sa bansa at gawing bahagi ng kasangkapan sa disaster risk reduction efforts at local development planning.

Sinabi ni Yamsuan na ang kanyang panukala ay nakapaloob sa House Bill (HB) 4035 na magpapalakas sa implementation ng bagong batas para makapagdeklara ang gobyerno ng “State of Imminent Disaster,” na siyang magpapasimula sa pagpapatupad ng preemptive actions bago dumating ang kalamidad.

Nilagdaan kamakailan lamang ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) 12287 o Declaration of State of Imminent Disaster Act para sa agarang implementasyon ng anticipatory measures o paghahanda ang National, Regional and Local Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) councils sa pagdating ng kalamidad.

Sa kabila na hindi mapipigilan ang pagtama ng sakuna ay posible naman itong paghandaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng science-based at data-driven strategies.

At isa na aniya rito ang hazard mapping.

“Multi-hazard maps would provide our DRRM councils with effective tools in implementing the Declaration of Imminent Disaster Law. On top of being helpful for land use planning, these maps would aid the DRRM councils in pinpointing the most vulnerable areas where preemptive action should be urgently carried out to help save lives and reduce losses before a calamity strikes,” dagdag nito.

Ang “multi-hazard map” sa ilalim ng HB 4035 o panukalang National Multi-Hazard Mapping Act, ay tumutukoy sa mapa na nagsasaad sa pagiging bulnerable ng bawat LGU sa panganib tulad ng landslides, pagbaha, sea level rise, storm surges, volcanic eruptions, at lindol.

Inaatasan ng HB 4035 ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pamamagitan ng attached agency, National Mapping and Resources Information Authority (NAMRIA), na magbuo ng multi-hazard maps para sa bawat siyudad at munisipalidad sa bansa.

Ang DENR, NAMRIA, Department of Science and Technology (DOST), Philippine Space Agency (PhilSA), Climate Change Commission, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kaukulang local government units (LGUs) at iba pang government agencies na mayroong hazard mapping projects at satellite imaging capabilities ay makikipagtulungan para sa pagbuo at pagpapatupad ng komprehensibong plano upang masiguro ang accessibility at tamang paggamit ng mapa.

Dapat isama sa plano ang nationwide information campaign; training programs para sa local officials, disaster response teams at community leaders.
(Vina de Guzman)