• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:32 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 9th, 2025

May pagkakatulad ang nangyari sa kanila: CHERRY PIE, na-amaze sa pagpapatawad ng biyuda ni CHARLIE KIRK na si ERIKA

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAY pagkakatulad sina Cherry Pie Picache at Erika Kirk, ang biyuda ni Charlie Kirk, ang American political activist na binaril sa Utah Valley University sa Amerika nitong September 10 this year.
September 2014 naman ay brutal na pinatay ang ina ni Cherry Pie na si Zenaida Sison ng dati nilang kasambahay, si Michael Flores.
After 5 years, year 2019, pinuntahan ni Cherry Pie sa kulungan ang killer ng kanyang ina at pinatawad.
Nito namang September 21 of this year, pinatawad ni Erika ang pumaslang kay Charlie, si Tyler Robinson, sa kanyang speech sa isang memorial service para kay Charlie sa State Farm Stadium sa Glendale, Arizona.
Kaya hiningan namin ng reaksyon si Cherry Pie sa ginawa ni Erika dahil halos pareho ang kanilang pinagdaanan.
“It’s ano, that’s only by God’s grace, that’s God’s blessings, di ba?
“For her to be able to forgive the killer?
“It’s not easy, di ba, nung sinabi niya naman, ‘It’s not easy, it’s a process’.
“Pero that’s God’s grace, yung ganun. And I think it will both heal the victim and the assailant. Di ba?
“So walang talo dun.”
May mga nagpadala kay Cherry Pie ng video kung saan pinatawad nga ni Erika ang pumatay kay Charlie.
“Kasi nga, iyon nga, they remind… you know, parang they remembered me, parang ganyan. So ano, ang galing, ang galing!”
Ano ang naramdaman niya sa ginawa ni Erika?
“Na-amaze! Na-amaze ako. Na di ba, yung parang sa akin, yes, that’s possible by God’s grace.”
Pinatunayan nila ni Erika na posible palang mapatawad ng isang tao ang pumatay sa kanyang mahal sa buhay.
“Yes.”
Kung mabibigyan si Cherry Pie ng chance makilala at makausap si Erika, ano ang sasabihin niya sa biyuda ni Charlie?
“Ano, sasabihin ko sa kanya, ‘Congratulations!’
“And ah, I mean, ‘Congratulations, that’s very healing, what you did.’
“And di ba, ‘It will bring you so much healing. I know it’s not easy, I know it’s difficult’, pero tama yung ginawa mo. ‘What you did is right!’”
Samantala, bida si Cherry Pie sa pelikulang “The Last Beergin” na palabas ngayon sa mga sinehan.
Kasama ni Cherry Pie sa pelikula sina Pepe Herrera, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Minnie Aguilar at JC Santos, sa direksyon ni Nuel Naval.
Ang “The Last Beergin” ay mula sa Cineko productions at Obra Cinema.

(ROMMEL GONZALES)

Colleen Hoover’s “Regretting You” Wows Fans, A Powerful Film for Women, Mothers, Daughters and Friends

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Fans call Regretting You the perfect film for women, daughters, mothers and friends after a glowing early screening hosted by Colleen Hoover.
“So much fun!” – That’s how author Colleen Hoover described the atmosphere at the first public screening of Regretting You— the latest film adaptation based on one of her best-selling novels.

Hosted by Hoover herself, alongside fellow author and film producer Anna Todd (After series), the intimate event gathered passionate fans for a special evening of film, fun, and feels. And judging by the reactions, this one’s going to be a tearjerker — in the best way possible.

Before the lights dimmed, guests were treated to a warm and candid Q&A session with Hoover and Todd, offering behind-the-scenes insights and heartfelt anecdotes from their journey bringing the novel to the big screen.

Then came the movie — a heartfelt, emotional rollercoaster that had fans laughing, crying, and applauding with joy.

Social media was instantly flooded with glowing reactions:

“I love when a movie is sad and cute and wholesome and funny all in one”. “Colleen Hoover, you did it again. Congratulations on another incredible movie!!! And big thank you to @paramountco for having us” content creator @mollykatecline posted.

@sammietrinidadcreates shared how the movie took her on a feel-good emotional journey: “If you like to cry, this movie is for you. If you like to laugh, this movie is for you. It tickled my bookish heart. What an unforgettable experience. Thank you @regrettingyoumovie & @colleenhoover”

Nikki Snook, a producer for “Entertainment Tonight” enjoyed the film and invited everyone to see it too:

“I loved the film, I cried, laughed and it’s a perfect film to see with girlfriends. I hadn’t read the book but now that you gave it to me, I want to read it. This is the perfect movie for women, daughters, mothers and friends. I’m telling everyone to see it.”

From the author of It Ends with Us and the director of The Fault in Our Stars, Regretting You explores the delicate dynamics of a mother-daughter relationship tested by tragedy, betrayal, and buried family secrets.

Allison Williams stars as Morgan Grant, a woman trying to keep her daughter’s life on track — even as her own is unraveling. Mckenna Grace plays Clara, her spirited teenage daughter, who begins to question everything she thought she knew about love and family.

When a shocking accident reveals truths that neither is ready to face, the two must learn how to trust — and love — each other again.

The star-studded cast also includes Dave Franco, Mason Thames, Sam Morelos, Scott Eastwood, Willa Fitzgerald, and Clancy Brown, with direction by Josh Boone and a screenplay by Susan McMartin.

Regretting You is a joint production between Paramount Pictures, Constantin Film, Harbinger Pictures, and Frayed Pages. With themes of growth, resilience, and rediscovery, this is more than a book-to-screen adaptation — it’s a film that speaks to anyone who’s ever lost, loved, or longed to heal.

Catch Regretting You in Philippine cinemas starting October 22.

(ROHN ROMULO)

Nais tumulong sa taga-Cebu sa kanya gustong padain: VICE GANDA, sinabing mababa ang sweldo ng mga guro dahil ninakawan din

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAY panawagan na naman si Phenomenal Box-office Star Vice Ganda sa gobyerno. na sana’y dagdagan pa ang sweldo ng mga guro sa Pilipinas.
Naniniwala kasi ang TV host-comedian na panahon na para pakinggan ang mga hinaing ng mga teacher na dagdagan sa kanilang suweldo.
Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day last Sunday, October 5, mga guro ang naglaro sa “Laro Laro Pick” segment ng “It’s Showtime” noong Sabado, October 4.
Ayon sa isang kindergarten teacher, napakasarap daw sa pakiramdam na maging ikalawang magulang ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang paaralan.
Iba raw ang feeling kapag nirerespeto, iginagalang at pinasasalamatan na sila.
Pero ayon kay Vice Ganda, hindi naman talaga nakukuha sa mga guro ang sweldong karapat-dapat sa kanila.
“Pero, kailangan kayong ituring nang mas disente, bigyan ng mas disenteng kompensasyon o sahod, kasi baka kung lagi nating sinasabi… ‘yan ‘yung sinasabi natin na ‘Puwede na ‘to kasi… hindi nabibigyang importansya or inaabuso. Naaabuso ang resilience ng mga Pilipino,” paliwanag pa ni Vice na gustong maging boses ng mga guro.
Dagdag pa ng TV host, “Kailangang swelduhan ng mataas ang mga guro. At nasuwelduhan sana kayo ng tama, kung hindi kayo ninakawan. Kaya po mababa ang suweldo n’yo kasi ninakawan kayo.”
Naibahagi rin ni Vice na may isang interview isa sa official sa Vietnam, dahil ang ganda ganda na quality of education sa bansa nila. At ang sikreto daw doon at dahil sa Filipino teachers, na ang sarap din ng buhay nila doon dahil well compensated sila at may nakukuhang seguridad sa gobyerno.
Na malayong-malayo sa natatanggap ng mga guro dito sa Pilipinas.
Samantala, marami talaga ang gustong magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng 6.9 magnitude na liddol sa Cebu
Pero marami rin sa gustong mag-donate ay nagdadalawang-isip na maghatid sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno maging sa mga pribadong sektor.
Baka raw nakawin lang ng mga taong namamahala sa donation drive at relief operations at hindi na makarating sa mga kababayan sa Cebu na nangangailangan ng tulong.
Kaya naman post ng X user na si SZ Yummy, “Hi, Vice! Getting old in the Philippines is full of uncertainties. Tama ang sabi mo, tayo tayo na lang ang matutulungan. I am personally willing to help.
“But I wanted to give it through you. Ikaw lang at ang @angatbuhay_ph ang pinagkakatiwalaan ko sa bansang ito,” pahayag pa niya at sinang-ayunan naman ng netizens.
Ni-repost naman ito ni Vice sa kanyang X account at may caption na, “Nakakaiyak. I will humbly accept your help for the Madlang People. Malaking bagay yan.
“Di po namin tatanggihan. I will DM you for details. Makakaasa kang mapupunta sa malinis na kamay ang tulong mo. Maraming salamat!”
Bukod kay Vice, marami pang celebrities ang nagpaabot ng kabilang tulong tulad nina Vina Morales, Kim Chiu at Paulo Avelino, Zsa Zsa Padilla, Shaina Magdayao, Barbie Forteza, Slater Young, BINI’s Aiah Arceta, Janine Berdin, Manilyn Reynes, Melai Cantiveros at marami pang iba. (ROHN ROMULO)

Kasama ang ‘Save the Children Philippines’ sa panawagan: BARBIE, nag-donate ng P100K para sa bata sa Northern Cebu

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAAGAP din nagpadala tulong ang Kapuso actress na si Barbie Forteza para sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Cebu.
Nag-donate siya ng P100,000 para sa mga batang naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.
Gagamitin ang donasyon para sa relief operations, ayon sa Save the Children Philippines…
“Children in Cebu are still reeling from the earthquake and aftershocks, with some forced to sleep outside in the rain.
“To support urgent relief and children’s education, Sparkle GMA actress and Save the Children Philippines Ambassador Barbie Forteza donated P100,000 for our response and called on the public to help children in need.
“Thank you, Barbie, for standing #ForAndWithChildren in this difficult time.”
Dagdag pa nila, “If you want to know how you can extend help, please email us at @supportercare.ph @savethechildren.org #CebuEarthquake.”
Ibinahagi rin ng Save the Children, ang panawagan ni Barbie para sa mga bata sa Northern Cebu.
“Children have the right to protection and education, even in the most difficult circumstances. I hope more people will come together to support the children of Northern Cebu, because they deserve to feel safe, cared for, and hopeful again,” pahayag ng aktres.
Ikinatuwa naman ito ng netizens at dalangin nila na lalo pang siyang i-bless ng Panginoon.
Mabuhay ka Barbie!

***
MTRCB nag-ulat ng ₱633 million ipon dahil sa maingat na pamamahala ng pondo

INIREPORT ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Senado na may mahigit ₱633 milyon na ipon ang Ahensya na nakalagak sa Kawanihan ng Ingatáng-yaman o Bureau of Treasury ng bansa.

Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto, ito’y pruweba ng matatag na kalagayang pinansyal ng Ahensya sa mahusay nitong pangangasiwa sa pondo ng bayan.

“Ikinagagalak ko pong ibahagi sa inyo na mula Hulyo 2025, mayroon tayong ₱633,813,462.64 sa ating sinking fund. Ang ipon na ito ay patunay ng ating transparency at kahusayan sa pamamahala ng pampublikong pondo,” sabi ni Sotto sa Senado.

Nalampasan din ng Ahensya ang itinakdang revenue targets. Noong 2024, nakalikom ito nghalos 129 porsiyento higit sa inaasahan, at mula Enero hanggang Hunyo 2025, naabot na nitoang higit 70 porsiyento ng taunang prodyeksiyon.

Ayon kay Sotto, patunay ito na kayang panatilihin ng MTRCB ang operasyon nito habang pinangangalagaan ang pondo ng bayan.

“Ang pondong ito ay patunay na kayang gampanan ng MTRCB ang mandato nito habang iniingatan ang pera na ipinagkatiwala sa amin,” sabi ni Sotto. “Ang aming pananagutan sa sambayanang Pilipino ay hindi lamang nakasentro sa mandato kundi kasama rin dito ang katiyakang ang bawat pisong ipinagkatiwala ay pinangangasiwaan nang may integridad.”

Dagdag pa ni Sotto, para sa 2026 budget, ₱55 milyon lamang ang kabuuang hiling ng Ahensya na magmumula sa pambansang pamahalaan para sa sahod ng mga kawani. Ang natitirang bahagi ay sasagutin mula sa sariling kita ng MTRCB.

Noong Agosto, naghain ng resolusyon si Sen. Jinggoy Estrada na pahintulutan ang Ahensya na mapanatili ang bahagi ng kinikita nito para direktang magamit sa mga programa.

Layunin ng panukala na palakasin ang kakayahan ng MTRCB kabilang ang mga inisyatibo sa digitalisasyon upang isulong ang responsableng paggamit ng media.

Noong 2024, nakaribyu ang Board ng 267,080 na materyal, habang mula Enero hanggang Hunyo 2025 pa lamang, 103,390 na ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon. Para naman sa pelikula, nalampasan ng MTRCB ang pre-pandemic peak nito noong 2019, mula 550 naging 582 na pelikula ang naribyu noong 2024.

Iniulat din ni Sotto na tumanggap ang MTRCB ng iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa mga institusyon at ahensya.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, napabilang ang Ahensiya sa Hall of Fame bilang Outstanding eNGAS User at kinilala rin bilang Outstanding Accounting Office, na nagpapatunay ng kahusayan at mabuting pamamahala ng MTRCB. (ROHN ROMULO)

Para makatulong sa mga Pinoy: Success Coach na si John Calub, itinatag ang biohacking center at frequency healing

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULA sa matinding kahirapan, umangat si John Calub upang maging isa sa pinaka-matagumpay na negosyante sa Pilipinas.
Sa kanyang pagnanais na makatulong sa kapwa, pumasok siya sa larangan ng life coaching at motivational speaking at ngayon ay kinikilala bilang isang alamat sa industriya ng self-improvement sa Asya, na may titulong Philippines’ Number One Success Coach.
Siya rin ay awtor ng dalawang international best-selling books na Pillars of Success at The Abundance Factor. Nakukuha ni John ang kanyang inspirasyon mula sa mga tanyag na business mentors tulad nina Jack Canfield, Tony Robbins, Robert Kiyosaki, T. Harv Eker, Donald Trump, Richard Branson, John Maxwell, Brian Tracy, Sadhguru, at Vishen Lakhiani.
Sa personal na buhay, ang kanyang inspirasyon ay ang kanyang asawa na si Janine at ang kanilang mga anak na sina Addie at John Stevie.
Noong 2020, dumaan si John sa mabigat na pagsubok nang siya ay dalhin sa ospital at ma-diagnose na may matinding gut health issues at isang bihirang kondisyon na tinatawag na non-bacterial chronic pelvic pain syndrome (CPPS). Ayon sa mga doktor, ito ay isang incurable condition, kaya araw-araw siyang nakararanas ng matinding sakit.
Ngunit bilang isang never-give-up success coach, nagsaliksik si John ng iba’t ibang solusyon at natuklasan ang larangan ng biohacking – ang sining at agham ng pagbabago ng kapaligiran sa loob at labas ng katawan upang magkaroon ng ganap na kontrol sa sariling biyolohiya.
Ang biohacking ay gumagamit ng kumbinasyon ng sinaunang karunungan at makabagong teknolohiya upang muling paganahin ang likas na kakayahan ng katawan na mabilis na magpagaling.Kasama sa mga pinag-aralan ni John ang breathwork, ayurvedic herbs, biotechnology, ice bathing, red light therapy, grounding o earthing, frequency healing, genetic testing, at detoxing. Sa loob lamang ng 30 araw ng paggamit ng mga biohacking protocol na ito, naranasan niya ang ganap at mabilis na paggaling-nang hindi na kailangan ng mahal na operasyon, gamot, o matagal na pagkaka-ospital.
Mula rito, ipinanganak ang kanyang sariling sistema na tinawag niyang MIRACLES PROTOCOL, isang kombinasyon ng agham at espirituwalidad para sa mabilis na paggaling.
Itinatag ni John ang kanyang Biohacking Center sa Quezon City, kung saan maaaring matuto ang mga Pilipino at personal na maranasan ang kapangyarihan ng MIRACLES PROTOCOL.
Ipinakilala rin niya sa Pilipinas ang paggamit ng Rife Frequency Generator, isang teknolohiya mula pa noong 1930s na dinisenyo ni Dr. Royal Rife. Ang makinang ito ay gumagamit ng partikular na electromagnetic frequencies na tumatarget sa mga mikrobyo, virus, bakterya, at maging cancer cells nang hindi sinasaktan ang malulusog na cells.
Ngayon, kilala na ito bilang Pulsed Electro Magnetic Frequency (PEMF) at ginagamit na rin sa ibang bansa bilang ligtas at abot-kayang alternatibong paraan ng pangangalaga sa kalusugan.
Bumuo rin si John ng mga biohacking supplements. Ang pangunahing produkto ng kanyang kumpanya ay ang Optimmune isang advanced immune system support supplement na may kakayahang magbigay ng proteksyon laban sa iba’t ibang sakit at mabilis na recovery
Ang “superhero ingredient” ng Optimmune ay ang Pycnogenol, isang makapangyarihang antioxidant na nagmumula sa French Maritime Pine Bark Tree. Ito ay suportado ng mahigit 160 clinical trials.
Pinagsama pa ito ni John sa Wellmune Beta-Glucan at Rosehips, na pawang kilala bilang top immune boosters sa buong mundo. Ang Optimmune ay FDA-approved at ginagawa sa isang Halal Certified at ISO Certified facility.
Inaanyayahan ni John Calub ang lahat ng Pinoy na personal na maranasan ang Miracles Protocol sa pamamagitan ng libreng frequency healing session tuwing Lunes at Biyemes mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM sa Success Mall office, Ground Floor, Broadway Centrum, Aurora Boulevard, Quezon City.
Para magpareserba ng slot, maaaring tumawag sa 0287111259 0 +639394226050, ο mag-email sa sccustomerservice3333@gmail.com.
Para naman sa mga nais bumili ng Optimmune, ito ay mabibili sa www.successmall.shopping, TikTok Success Mall shop, at Lazada Success Mall shop. (ROHN ROMULO)

Dahil sa directorial debut na ‘Out of Order’: ALDEN, mas naging interesado sa paggawa ng mga socially-relevant film

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAPAPANAHON ang pagpapalabas ng directorial debut film ni Alden Richards na ‘Out of Order.’
Produced ito ng Myriad Entertainment, Viva Film at Studio Viva. Napapanood na ito sa Netflix.
Sa pamamagitan ng ‘Out of Order’, na may tema ng corruption at social injustices, nais ipaalala ni Alden n hindi dapat huminto sa pakikipaglaban sa katarungan.
“The battle for justice is every day. Injustice is very dominant in our society, hindi lang sa Pilipinas. Unfair treatments, people in power are abusing their position.
“I’m just so frustrated with what’s happening. Niloloko tayo. Niloloko tayo ng mga people in power.
“I’m brave enough to say that because it’s very evident. Hindi ako magtatanga-tangahan sa nakikita ko.
“That’s my favorite quote lately for this movie: justice is not blind it’s being blinded. Binubulag ang hustisya para sa mga tao.
“With this film, I hope that it would be a reminder that with courage and as long as we’re fighting for the good of all our fellowmen, we can never go wrong when we fight for justice and the truth.
“I hope this film will deliver that message and the reminder to keep on fighting for the truth is everyday of our lives. Ipaglaban natin yung dapat para sa atin all the time.”
Dahil din daw sa paggawa ng ‘Out of Order’, mas naging interesado si Alden sa paggawa ng mga socially-relevant na pelikula.
“Right now, especially right now, with what’s happening, I think, films has to be socially-relevant. Of course, that’s one.
“Moreover that, I wanted to create films that will be appreciated by people who watched it, like across all markets and across all ages. Hindi lang tayo laging nako-confine sa rom-com, sa horror, sa drama.
“I mean, the production world is like a vast land of concepts and opportunities. Ang saya lang na ngayon, kahit papaano, open-minded na rin ang mga Filipino. They are very much willing to consume contents na hindi na doon sa stereotype.”
***
MAGANDANG balita para sa Pinoy pageant fans dahil pasok agad sa Top 10 Pre-Arrival Queens si Miss Grand Philippines Emma Tiglao.
Sa official Instagram account, na-announce ang pagkakasali ni Emma sa Top 10 Pre-Arrival. Kasama si Emma sa top 10 contestants sa exclusive dinner with Miss Grand International president Nawat Itsaragrisil and current reigning Miss Grand International CJ Opiaza.
Thankful si Emma sa maraming Pinoy fans dahil sa kanilang “unwavering love and support.”Hindi na baguhan si Emma sa pagsali sa pageant dahil lumaban na siya noon sa Miss Intercontinental 2019 kunsaan pumasok siya sa Top 20.
“I’ve evolved into a much better person. This time, I feel more prepared to work with the Miss Grand International organization should I bring home the golden crown.
“I think it’s the personality of a Kapampangan — being proud. Others may see it as ‘kayabangan, but it’s really about taking pride in who we are and what we can offer to the rest of the world,” sey niya.
The Miss Grand International coronation is set to happen in Bangkok, Thailand on October 19.
***
NAGHAHANDA na ang Queen of Halloween na si Heidi Klum ng kanyang pasabog na costume sa nalalapit na Halloween Night.
Sa kanyang Instagram last Oct. 1, pinost ng Project Runway host ang three photos ng 3D model para sa kanyang costume.
“It would be very, very, ugly,” simpleng sagot niya.
Laging inaabangan ang fabulous costumes ni Heidi tuwing Halloween na sinimulan niya noong 2000.
Last year, E.T.: The Extra Terrestrial ang costume niya. Sa past Halloweens, naging worm, alien, Princess Fiona of Shrek, werewolf, old woman, butterfly, zombie doll, cadaver, apple, peacock at multiple Heidis ang 52-year old former supermodel.
“I have a lot of creative people around the world that are fans, that are artists — makeup artists, hairdressers, designers or people who maybe are not even in the field — and they love the creativity of Hallowen. “So I don’t want to ever let any of my Halloween fans down. I always really try to come up with something that is unique and different and either surprises people or shocks people.”

(RUEL J. MENDOZA)

Parehong desisyon at walang third party: AIKO, kinumpirma ang paghihiwalay nila ni Congressman JAY

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST na ng official statement ang Quezon City Councilor ng 5th District na si Aiko Melendez sa paghihiwalay nila ng 1st District Representative ng Zambales na si Jay Khonghun.
Magwawalong taon na sana ang relasyon sa Nobyembre.
Panimula ni Konsi Aiko sa kanyang Facebook nitong Biyernes, Oktubre 3, “After four months of reflection and careful consideration, Congressman Jay Khonghun and I, Councilor Aiko Melendez have mutually decided to part ways and go our separate directions. This decision was not made lightly but comes from a place of respect and understanding of what is best for both of us at this time.”
Paglilinaw pa ng aktres/pulitiko, “We want to make it clear that no third party was involved in this decision.
“We remain grateful for the memories we shared and for the support many of you have shown throughout our journey together. Our focus now is to move forward with grace. “He in his continued public service, and I in mine, always guided by the values of respect, kindness and dedication to the people we serve.”
Pagtatapos pa niya, “We ask for your understanding and privacy as we go through this transition.
“Thank you for your support and prayers.”
Samantala, nakiisa rin si Konsi Aiko sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu.
Post niya, “Nakikiisa po tayo sa ating mga kababayan sa Cebu na naapektuhan ng lindol. Sa mga nawalan ng tahanan at nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay, ipinapaabot ko po ang aking taos pusong pakikiramay at panalangin.
“Sa ganitong panahon, higit nating kailangang magtulungan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang bayanihan at malasakit para maibsan ang hirap na pinagdaraanan ng ating mga kapatid sa Cebu. #PrayForCebu”

***

Success Coach John Calub, itinatag ang biohacking center at frequency healing

MULA sa matinding kahirapan, umangat si John Calub upang maging isa sa pinaka-matagumpay na negosyante sa Pilipinas.
Sa kanyang pagnanais na makatulong sa kapwa, pumasok siya sa larangan ng life coaching at motivational speaking at ngayon ay kinikilala bilang isang alamat sa industriya ng self-improvement sa Asya, na may titulong Philippines’ Number One Success Coach.
Siya rin ay awtor ng dalawang international best-selling books na Pillars of Success at The Abundance Factor. Nakukuha ni John ang kanyang inspirasyon mula sa mga tanyag na business mentors tulad nina Jack Canfield, Tony Robbins, Robert Kiyosaki, T. Harv Eker, Donald Trump, Richard Branson, John Maxwell, Brian Tracy, Sadhguru, at Vishen Lakhiani.
Sa personal na buhay, ang kanyang inspirasyon ay ang kanyang asawa na si Janine at ang kanilang mga anak na sina Addie at John Stevie.
Noong 2020, dumaan si John sa mabigat na pagsubok nang siya ay dalhin sa ospital at ma-diagnose na may matinding gut health issues at isang bihirang kondisyon na tinatawag na non-bacterial chronic pelvic pain syndrome (CPPS). Ayon sa mga doktor, ito ay isang incurable condition, kaya araw-araw siyang nakararanas ng matinding sakit.
Ngunit bilang isang never-give-up success coach, nagsaliksik si John ng iba’t ibang solusyon at natuklasan ang larangan ng biohacking – ang sining at agham ng pagbabago ng kapaligiran sa loob at labas ng katawan upang magkaroon ng ganap na kontrol sa sariling biyolohiya.
Ang biohacking ay gumagamit ng kumbinasyon ng sinaunang karunungan at makabagong teknolohiya upang muling paganahin ang likas na kakayahan ng katawan na mabilis na magpagaling.Kasama sa mga pinag-aralan ni John ang breathwork, ayurvedic herbs, biotechnology, ice bathing, red light therapy, grounding o earthing, frequency healing, genetic testing, at detoxing. Sa loob lamang ng 30 araw ng paggamit ng mga biohacking protocol na ito, naranasan niya ang ganap at mabilis na paggaling-nang hindi na kailangan ng mahal na operasyon, gamot, o matagal na pagkaka-ospital.
Mula rito, ipinanganak ang kanyang sariling sistema na tinawag niyang MIRACLES PROTOCOL, isang kombinasyon ng agham at espirituwalidad para sa mabilis na paggaling.
Itinatag ni John ang kanyang Biohacking Center sa Quezon City, kung saan maaaring matuto ang mga Pilipino at personal na maranasan ang kapangyarihan ng MIRACLES PROTOCOL.
Ipinakilala rin niya sa Pilipinas ang paggamit ng Rife Frequency Generator, isang teknolohiya mula pa noong 1930s na dinisenyo ni Dr. Royal Rife. Ang makinang ito ay gumagamit ng partikular na electromagnetic frequencies na tumatarget sa mga mikrobyo, virus, bakterya, at maging cancer cells nang hindi sinasaktan ang malulusog na cells.
Ngayon, kilala na ito bilang Pulsed Electro Magnetic Frequency (PEMF) at ginagamit na rin sa ibang bansa bilang ligtas at abot-kayang alternatibong paraan ng pangangalaga sa kalusugan.
Bumuo rin si John ng mga biohacking supplements. Ang pangunahing produkto ng kanyang kumpanya ay ang Optimmune isang advanced immune system support supplement na may kakayahang magbigay ng proteksyon laban sa iba’t ibang sakit at mabilis na recovery
Ang “superhero ingredient” ng Optimmune ay ang Pycnogenol, isang makapangyarihang antioxidant na nagmumula sa French Maritime Pine Bark Tree. Ito ay suportado ng mahigit 160 clinical trials.
Pinagsama pa ito ni John sa Wellmune Beta-Glucan at Rosehips, na pawang kilala bilang top immune boosters sa buong mundo. Ang Optimmune ay FDA-approved at ginagawa sa isang Halal Certified at ISO Certified facility.
Inaanyayahan ni John Calub ang lahat ng Pinoy na personal na maranasan ang Miracles Protocol sa pamamagitan ng libreng frequency healing session tuwing Lunes at Biyemes mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM sa Success Mall office, Ground Floor, Broadway Centrum, Aurora Boulevard, Quezon City.
Para magpareserba ng slot, maaaring tumawag sa 0287111259 0 +639394226050, ο mag-email sa sccustomerservice3333@gmail.com.
Para naman sa mga nais bumili ng Optimmune, ito ay mabibili sa www.successmall.shopping, TikTok Success Mall shop, at Lazada Success Mall shop.

MTRCB, Netflix Promote Responsible Viewing and Parenting in the Digital Age

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), under the leadership of Chairperson and CEO Lala Sotto, collaborated with Netflix to host “Stream Smarter: Responsible Parenting in the Age of Digital Media” on October 2, 2025 held at the Luxent Hotel in Quezon City.

Attended by more than 100 parents, advocates, educators and industry stakeholders, the event aims to empower parents and guardians in guiding children to become responsible consumers of digital content and to ensure a safe and enriching streaming experience for Filipino families.

In her remarks, Sotto reaffirmed MTRCB’s long-standing mandate to protect children, empower parents and promote responsible viewing, while adapting to new challenges brought by digital media.

“We remain committed to promoting and strengthening media literacy, digital responsibility, and parental empowerment, helping families make informed choices in the digital age,” said Sotto.

She also introduced PROTECT, part of the Board’s Responsableng Panonood flagship campaign, which provides parents with a simple framework to guide their children’s media use; from setting screen time limits and co-viewing, to teaching media literacy and modeling responsible consumption.

Netflix Global Affairs Southeast Asia Director Ruben Hattari emphasized their commitment to this advocacy.

“In support of MTRCB’s Responsableng Panonood (Responsible Viewing) campaign, our Stream Smarter initiative serves as a timely reminder that parents, educators, industry leaders, online safety advocates and government partners each have a role to help ensure families are equipped to make informed and responsible choices in today’s digital age,” said Hattari.

The event included a panel discussion titled “From Screen Time to Smart Time,” featuring representatives from the MTRCB, Netflix, Stairway Foundation, Safe Schools Philippines and the National Council for Children’s Television.

The discussion addressed topics such as parental controls, content classification and collaborative approaches to making digital media a safe and enriching space for Filipino families.

“Parenting in the digital era presents both opportunities and challenges, but through collective effort, we can turn screen time into smart time for our Filipino children,” said Sotto.

“We are deeply grateful to the MTRCB for being a trusted partner in this journey. It reflects what can be achieved when government and industry share the same vision, and work hand in hand to empower parents and protect children in the digital space,” added Hattari.

(ROHN ROMULO)

True evil transcends death. The Grabber seeks vengeance in “Black Phone 2,” starring Ethan Hawke and Mason Thames

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

2022 saw the release of The Black Phone to a successfully terrified audience, introducing the Grabber (Ethan Hawke) as a sinister new horror figure in moviegoers’ future nightmares. For writer-producer-director Scott Derrickson, the success of his film was personally gratifying. “It was extremely rewarding to see audiences embrace the film the way they did, specifically because so much of it came directly from my own childhood,” Derrickson says. “As an artist, seeing those personal feelings and memories connect with so many people—especially young people—added a sense of purpose to the darker memories of my childhood. It made me feel like it was all somehow meant to be.”

Watch the trailer: https://youtu.be/Z6lUhk0ewr0

The film’s success also meant another opportunity for creativity, stemming from personal experiences, as Derrickson partners with longtime collaborator, writer-producer C. Robert Cargill. “With Black Phone 2, we were able to keep building on characters rooted in our own childhoods and what it was like growing up in the ’70s and ‘80s,” Cargill says. “A lot of our real experiences are buried in these stories. That emotional grounding lets us balance the horror with heart. And it is part of why the first film kept growing after its release. When The Black Phone hit Peacock, it took off even more. Teenagers were watching it, making memes and TikToks, remixing scenes. For a lot of them, it was their first horror movie, and they fell in love with the genre. That is when Scott and I started getting messages every day from people asking, ‘When is the sequel? Is there a prequel? Are you making Black Phone 2?’”

Black Phone 2 has survivors from the previous film, siblings Finn (Mason Thame) and Gwen (Madeleine McGraw) reliving past horrors as visions of their sinister stalker haunt them. Four years after escaping from the Grabber’s clutches, Gwen starts receiving calls from a black phone in her dreams, and seeing chilling visions of three boys being stalked in a winter camp. Determined to end the nightmare once and for all, they go to the camp and confront a killer who has grown more powerful in death.

One of the core themes of the original film carries on in Black Phone 2, with Derrickson and Cargill exploring trauma and recuperation. “One of the core themes of The Black Phone was the idea of children carrying the sins of their father, and that continues here,” Cargill says. “In this film, Finn is coping in the same ways his father once did. When we meet him again, he’s numbing himself from the past, falling into the same patterns. We wanted to explore how trauma echoes through families and whether that cycle can be broken.”

For producer Jason Blum, Black Phone 2 is an affirmation that the project continues to be as compelling as when he was first drawn to it. “The script for Black Phone 2 reminded me what an incredible foundation Joe Hill’s story gave us, and how brilliantly Scott and Cargill have built on it,” Blum says. “They’ve deepened the mythology while keeping the intimacy of the first film, balancing horror, emotion and character in a way that feels real. That’s what makes great horror—it has to matter, it has to connect—and they’ve delivered that again here.”

Evil returns as Black Phone 2 arrives in Philippine cinemas on October 15. Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.

(ROHN ROMULO)

COCO, nanguna sa Grand San Miguel Oktoberfest Kick-off sa Okada Manila

Posted on: October 9th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA pagsisimula ng San Miguel Oktoberfest 2025 personal na makisaya ang San Miguel Pale Pilsen Brand Ambassador na si Coco Martin sa Okada Manila.
Sa harap ng mahigit 8,000 tao, sinamahan niya sina SMB President Carlos M. Berba at Okada Manila Vice Chairperson Takako Okada sa opisyal na toast na nagbukas ng pinakamasayang beer festival sa bansa.
Ginawang malaking selebrasyon ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) ang kanilang ika-135 anibersaryo sa pamamagitan ng isang dalawang gabing kasiyahan noong Setyembre 20–21, 2025 sa Crystal Pavilion.
Mula sa masasarap na pagkain, espesyal na beer creations, hanggang sa solid na lineup ng mga banda, muling pinatunayan ng Oktoberfest kung bakit ito ang paboritong fiesta ng mga Pilipino.
Hindi nga lang klasikong San Miguel Pale Pilsen at iba pang all-time favorites ang umikot sa mga mesa ng party-goers. Tampok din ang mga bagong flavors gaya ng India Pale Ale, Fruity Wheat Ale, Summer Ale, at Specialty Lager, pati na rin ang libreng beer samplers mula sa global portfolio ng SMB.
Nakipag-partner din ang SMB sa Las Flores, Café Fleur ni Chef Sau, Flipside Burgers, at Purefoods Deli, habang dinagdagan ng Draft Beer Mobile Bar Truck ang masiglang inuman.
Syempre, maraming bisita ang umuwi ng limited-edition San Miguel Beer merchandise bilang alaala ng gabing puno ng saya.
Sunod-sunod namang nagpasabog ng energy ang mga bigating performers kabilang sina Rico Blanco, Lola Amour, December Avenue, Arthur Nery, Brownman Revival, The Dawn, Autotelic, The Juans, at marami pang iba.
Hindi rin nagpahuli ang mga DJs at indie acts na nagbigay ng mas modernong kulay sa tradisyunal na Oktoberfest vibe.
Para sa dagdag na saya, dumalo rin ang San Miguel Beermen, kampeon ng PBA All-Filipino Cup, na nakipag-shootout sa fans.
Nagpakitang-gilas din sa billiards table ang mga alamat na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante, na sumubok sa husay ng ilang party-goers.
Mula sa Okada Manila, susunod namang magdadala ng Oktoberfest fever ang San Miguel Beer sa Paseo de Santa Rosa sa Laguna sa Oktubre 18, 2025 at sa Queensland Manor sa Cebu City sa Oktubre 31, 2025, kung saan makakasama ang Rocksteddy, Sunkissed Lola, Urbandub, at iba pang kilalang banda.
Mula pa noong 2005, kinikilala ng Department of Tourism ang San Miguel Oktoberfest bilang pinakamalaking fiesta sa bansa.
Sa bawat lagok, tugtugan, at kwento ng barkadahan, muling pinapaalala ng San Miguel Beer na ang tunay na diwa ng Oktoberfest ay hindi lang pag-inom kundi pagbuo ng mga alaala.
Para sa kompletong schedule, promos, at updates, i-follow ang San Miguel Oktoberfest sa Facebook (www.facebook.com/SanMiguelOktoberfest).

(ROHN ROMULO)