PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘hard work’ at dedikasyon ng maraming tapat at committed na public servants, habang tinuligsa ang mga opisyal at tauhan na isinasangkot sa di umano’y korapsyon sa infrastructure projects na iniimbestigahan ngayon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
“These corrupt people are not the face of government. All they are is the face of corruption. That’s all they are. They are not typical of government,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa pinakabagong BBM Podcast na in-ere, araw ng Martes.
“I have always said, there are so many people in government who are very good, who are dedicated, who make sacrifices, who give everything that they can to their service,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo.
Sinabi ng Pangulo na sinimulan niya ang pagbubunyag ng para sa kanya’y ‘deeply entrenched corruption’ sa flood control at infrastructure projects dahil na rin sa konsiderasyon para sa mga tapat na government workers.
“One of the reasons I really exposed all of this was because these people are trying so hard. They come in to work early in the morning. They leave late. They don’t take holidays. They come in on the weekends just so that they can do what they’re… even above and beyond their actual job description,” ayon kay Pangulong Marcos.
Winika pa ng Pangulo na karamihan sa mga government workers ay mas gugustuhin na gawin ang kanilang trabaho at talagang maglingkod, upang sa gayon ay hindi naman mabansagan ang iba sa gobyerno na kurakot, kasama ng mga nagbulsa ng public funds na nakalaan para sa mga mahahalagang proyekto at programa.
“We must respect that people are really working very hard and trying their best. You cannot paint everyone in government with the same brush as all of these corrupt operators that you see in government,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“And yes, there are many, many of them. But you will find…They do not filter down. These people are making serious sacrifices, time away from their family, money out of their own pocket. Things like that. And they do this constantly, every single day,” aniya pa rin.
Samantala, itinatag ni Pangulong Marcos noong September 11 ang ICI para imbestigahan ang di umano’y korapsyon, iregularidad at maling paggamit ng pondo sa government flood control at kaugnay na proyekto sa nakalipas na 10 taon.
Ang ICI ay inatasan din na magrekumenda ng paghahain ng naaangkop na mga pagsasakdal o kaso sa Ombudsman, Department of Justice (DOJ), Civil Service Commission (CSC), at iba pang competent bodies. (Daris Jose)