• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:37 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 26th, 2025

8 pang dayuhan dinakip sa isang minahan sa Isabela

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PITONG Chinese at isang Taiwanese national ang inaresto sa isang mining site sa Sitio Dimakawal, Barangay Bukal Norte, Dinapigue, Isabela ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado.

Isinagawa ang operasyon ng BI Intelligence Division (ID) Regional Intelligence Operations Units (RIOU sa Cordillera Administrative Region, Regions 2 and 3, BI-ID Main Office, katuwang ang Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation–Isabela District Office, Philippine Navy, Philippine Army, Dinapigue Isabela Police Station, at iba’t ibang government intelligence forces.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. na nag -ugat ang operasyon dahil sa sumbong na may mga dayuhan ang nagtatrabaho sa nasabing minahan.

Ang nasabing mga dayuhan ay inaresto dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 dahil sa pagtatrabaho na walang kaululang working permit at pagtatrabaho sa labas ng kanilang kumpanya.

“Illegal mining not only destroys our environment but also deprives our country of valuable natural resources,” ayon kay Viado . “Foreign nationals who come here to exploit our land without respect for our laws will face arrest, detention, and deportation. This is a clear message that the Philippines will not tolerate such activities,” dagdag pa niya.

Ang kanilang pagkakaaresto ay kasunod ng naunang pagsalakay sa isa pang minahan sa Masbate kung saan 9 na Chinese national ang inaresto.

Ang walong inaresto ay inilipat sa Maynila para sa booking at saka dadalhin sa BI detention facility sa Taguig. (Gene Adsuara)

Nasawi sa pagsabog sa Valenzuela, umabot na sa apat

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMAKYAT na sa apat ang nasawi sa naganap na sunog dulot ng malakas na pagsabog ng mga naka-imbak na kuwitis at pulbura sa isang bahay sa Valenzuela City, nitong Miyerkules ng tanghali.

Sa ulat ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, unang nasawi ang kambal na batang babae na 7-taong gulang nang maganap ang pagsabog habang alas-4:52 naman ng hapon nang idineklarang patay ang 2-taong gulang na batang lalaki habang nakaratay sa Valenzuela Medical Center.

Dakong alas-9:00 naman ng gabi nang bawian din ng buhay ang 13-taong gulang na batang babae habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center.

Nananatili namang nasa Valenzuela Medical Center ang mga sugatang babae na may mga alyases na sina Lita, 52, Rosita, 63, Evelyn, 31, Michaela 24, ang dalawang batang may mga edad na 9 at 7, at dalawang lalaking sina Roujay, 24, ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng pagsabog, at 5-taong gulang na batang lalaki

Magugunitang naganap ang pagsabog dakong alas-11:33 ng bago magtanghaling tapat sa 173 Pieces st. Batimana Compound, Brgy. Marulas na lumikha ng sunog na tumupok at nagwasak sa 11-bahay na nagresulta sa pagkawala ng tirahan ng may 10-pamilya.

Nangako naman si Mayor Wes Gatchalian na makakatanggap ng tulong mula sa Pamahalaang Lungsod ang mga biktima at tiniyak rin niya papanagutin nila ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng pagsabog lalu’t may ordinansa sila na bawal ang pag-manufacture at pagbebenta ng paputok sa lungsod at hindi sila nagbibigay ng permiso sa ganitong uri ng hanapbuhay. (Richard Mesa)

PDEA-BARMM/PNP PROBAR WINASAK ANG ₱88-M HALAGA NG ILIGAL NA DROGA

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ng Philippine Drug Enforcement Agency – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) Regional Director Gil Cesario P Castro ang pagwasak sa ₱88,130,900.04 halaga ng mga iligal na droga noong Setyembre 22, 2025, sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, gamit ang 5.5 M na thermal decomposition na planta nito.

Ang mga nawasak na iligal na droga ay:

-12,874.7878 gramo ng methamphetamine hydrochloride (shabu)

-4,399.4 gramo ng marijuana

Iba’t ibang mapanganib na gamot (mga expired na gamot) ang isinuko ng mga botika at ospital sa BARMM. Ito ang makasaysayan at pinakamalaking dami ng ilegal na droga na nawasak sa rehiyon ng BARMM.

Bago ang pagsunog, isinagawa ang screening test sa mga nasamsam na ebidensya at post-burning ashes upang matiyak ang pagiging tunay at kumpirmahin ang kabuuang pagkasira. Pinangasiwaan ng mga tauhan ng laboratoryo ng PDEA-BARMM ang pamamaraan, kasama ang partisipasyon ng PNP Forensic BAR.

Ang aktibidad ay nasaksihan bilang pagsunod sa Republic Act No. 9165, na sinususugan ng RA 10640, Section 21, ng mga kinatawan mula sa Judiciary, Department of Justice, Public Attorney’s Office, Media, Civil Society Organization, at Local Government Officials.

Ang makabuluhang kaganapan ay sinamahan nila Hon. Abdulraof Macacua, Pansamantalang Punong Ministro ng Gobyernong Bangsamoro; Hon. Ysnaira Ibrahim, Presiding Judge ng RTC Branch 13; Atty. Mariam April V. Mastura, Vice Governor Marshall Sinsuat ng Maguindanao del Norte; PBGen Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office–BAR; at Col. (Ret.) Noel Plaza, Regional Director ng NICA-BARMM, at Hon. Mayor Datu Shameem B. Mastura ng Sultan Kudarat.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PDEA-BARMM Regional Director Castro ang hindi natitinag na paninindigan ng gobyerno laban sa iligal na droga:

“Ang pagkasira ngayon ng mahigit ₱88 milyong halaga ng iligal na droga ay nagpapadala ng malakas na mensahe sa lahat ng sindikato ng iligal na droga na hindi natin hahayaan ang mga ito na sirain ang kinabukasan ng ating mga kabataan at komunidad sa BARMM. Ang PDEA-BARMM, kasama ang ating gobyerno at mga civil society partners, ay nananatiling ganap na nakatuon sa isang Bangsamoro na walang iligal na droga.” (PAUL JOHN REYES)

PNP handa sa disaster response sa bagyong Opong – Nartatez

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na nakahanda na ang kapulisan para tumulong sa disaster response measures kasunod ng pananalanta ng super typhoon “Nando” at sa kasalukuyang pananalasa ng bagyong “Opong”.

Sinabi ni Nartatez na inalerto na niya ang lahat ng police units sa mga lugar na posibleng maapektuhan ni “Opong” kabilang ang Bicol Region, Southern Luzon at ­ilang bahagi ng Visayas, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

“I have already directed the RDs (regional directors) in areas affected by super typhoon “Nando” to assist in the post-disaster assessment and response in order and make all resources available to assist the communities severely affected,” ani Nartatez.

“I also instructed all our commanders in the southern part of Luzon and the Visayas to prepare for “Opong” in coordination with the local government units (LGUs) and other local authorities,” dagdag niya.

Step into a world of music, memories, and magic with “CHA EUN-WOO: MEMORIES IN CINEMAS,” with limited screenings exclusively in Ayala Malls Cinemas, including 4DX

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AYALA Malls Cinemas is once again bringing K-Pop to the big screen with “Cha Eun-Woo: Memories in Cinemas” now showing exclusively in select Ayala Malls Cinemas – Glorietta, Bonifacio High Street, Circuit, U.P. Town Center, Abreeza, Vermosa, Solenad, Marquee Mall, Harbor Point, Central Bloc, Capitol Central, Feliz, Ayala Malls Manila Bay.

Fans of music, especially the popular Hallyu star’s fandom – Aroha – get to experience electrifying performances and heartfelt moments, as Eun-Woo, who is celebrating his 9th anniversary in the entertainment industry this year, gives an immersive peek into his life as a performer in this highly anticipated concert movie – best seen on the big screen, including on 4DX!

And what’s a K-Pop event without a photocard? For each purchase of a “Memories in Cinemas” movie ticket, cinema patrons get a Cha Eun-Woo photocard. Watch the movie twice to collect both cards!

To bring enhanced comfort to their patrons, Ayala Malls continues to reimagine its cinemas, ensuring the ultimate viewing experience with their signature plush seats with generous legroom and upgraded facilities, cutting-edge laser projections that deliver sharper images, and top-notch Dolby Sound and Dolby Atmos technologies that enhance audio depth.

With their premium video and audio technologies, including 4DX, watching “Cha Eun-Woo: Memories in Cinemas” in Ayala Malls Cinemas is like having front row seats to the beloved Idol’s concert. And as with any concert experience, it’s best enjoyed with a group of friends and fellow fans.

Don’t miss the cinematic event that is “Cha Eun-Woo: Memories in Cinemas,” now showing exclusively in the following Ayala Malls Cinemas – Glorietta, Bonifacio High Street, Circuit, U.P. Town Center, Abreeza, Vermosa, Solenad, Marquee Mall, Harbor Point, Central Bloc, Capitol Central, Feliz, Ayala Malls Manila Bay.

Book your tickets now and get a free Cha Eun-Woo photocard! Visit www.sureseats.com to secure tickets. For other updates, visit Ayala Malls Cinemas’ Facebook and Instagram pages.

(ROHN ROMULO)

Binalikan ang simula ng love story nila: ALFRED, crush na crush pa rin si YASMINE after 17 years bilang mag-asawa

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINALIKAN ng actor-public servant na si Councilor Alfred Vargas ang simula ng love story nila ng kanyang asawa na si Yasmine Espiritu, na nagpakasal noong 2010 (civil wedding) at 2017 (church wedding) at ngayon ay may na apat na anak na sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, Cristiano, at Aurora Sofia.

Kuwento ni Alfred, noong 2008 nang una silang nagkita ni Yasmine sa isang event sa Sta. Cruz, Laguna.

“Rewind muna tayo sa backstage. Artista ako nun, mayroon ding ibang artista na nandoon tapos napansin ko parang mas maraming nagpapa-picture sa isang tao roon at siya (Yasmine) ‘yon,” pahayag ng aktor.

Inamin ni Alfred na labis siyang nagandagan kay Yasmine, nang una pa lang niya itong nasilayan, “Sabi ko, grabe ang ganda niya. So, love at first sight talaga.”

Samantala, hindi naman ipinagkaila ni Yasmine na crush na niya noon pa si Alfred.

Pagbabahagi ni Yasmine, “Naalala ko pa noon nasa sala kami kasi ‘di ba noon kapag nanonood ng afternoon drama, nakita ko siya (Alfred). Sabi ko kay Lola, ‘Sino ‘yan?’ Sabi niya, ‘si Alfred Vargas.’”

Natatandaan pa raw ni Yasmine ang sinabi niya sa kanyang lola na balang araw ay makikilala at mapapangasawa niya si Alfred. Na makalipas ang ilang taon ay nagkatotoo naman.

Katulad nga nakararami, hindi rin perfect ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. May mga pagkakataon din na sinubok sila ng mga challenges pero palagi naman nila itong nalalagpasan.

Post pa ni Alfred sa kanyang social media accounts, “17 years na tayong magkasama. Amore ko, pero hanggang ngayon crush na crush pa rin kita. #VargasNaPagibig.”

***

MTRCB, aprub ang walong pelikula para sa pampublikong pagpapalabas

DALAWANG pelikulang lokal, “Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna,” at “The Ride,” ang tampok ngayong linggo matapos kapwa makakuha ng angkop na klasipikasyon mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang “Minamahal:100 Bulaklak Para Kay Luna,” na pinagbibidahan nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga, at mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, ay rated PG. Ito’y tungkol sa mga kabataan at pamilya na nangangailangan ng gabay ng magulang para sa mga batang manonood.

Ang “The Ride,” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Kyle Echarri, ay rated R-13, para sa mga edad 13 at pataas. Tungkol ito sa mag-amang biglang nanganib ang buhay dahil sa pagkakasangkot sa iligal na gawain.

Anim pang banyagang pelikula ang inaprubahan ng MTRCB, kabilang ang musikal na “Gabby’s Dollhouse The Movie,” na rated PG (pwede sa lahat ng manonood).

Ang mga South Korean concert film na “Cha Eun-Woo: Memories In Cinemas,” na pinagbibidahan ng Korean actor at singer na si Cha Eun-Woo at “BTS Week,” tampok ang koleksyon ng mga pagtatanghal ng Korean boy band na BTS, ay parehong rated PG.

Ang American post-apocalyptic action na “Afterburn,” na nangyari isang dekada matapos mawasak ng isang solar flare ang teknolohiya ng buong mundo, ay rated R-13.

Parehong rated R-16 ang Japanese animation na “Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc” at ang American epic action-thriller na “One Battle After Another,” para sa mga edad 16 at pataas dahil sa maselang tema at eksena.

Nagpaalala si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto sa mga magulang na maging maingat sa pagpili ng angkop na palabas para sa mga batang manonood.

“Panawagan ko sa ating mga magulang at nakatatanda na gabayan ang mga batang manonood at ipaliwanag na ang mga eksena at asal na nakikita nila sa pelikula ay bahagi lang ng kwento at hindi parte ng realidad,” sabi ni Sotto.

(ROHN ROMULO)

Kahit may tsikang may bago na silang karelasyon: GERALD, apektado pa rin hanggang ngayon sa paghihiwalay nila ni JULIA

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kabila ng tsikang may bagong girl na si Gerald Anderson, ang volleyball player na si Vanie Gandler, apektado pa rin daw siya hanggang ngayon sa hiwalayan nila ni Julia Barretto.
Sa katunayan, nakikitang matamlay raw ang aktor sa taping ng pinagbibidahang teleserye sa ABS-CBN na “Sins of the Father” at stress raw ito dahil sa pagbaba ng rating ng kanilang serye.
Grabe kasi ang bashing na natatanggap ni Gerald, na galit sa ginawang pagtataksil o cheating raw nito kay Julia.
Siyempre, maraming fans si Julia na protective at concern sa idol nilang actress at ayaw nilang may umaapi rito. Nagagalit sila dahil niloko raw ni Gerald si Julia.
Well, naglabas kamakailan ng statement ang Star Magic na mutual ang desisyon nina Julia at Gerald na tapusin na ang kanilang ilang taon relasyon.
Sabi, tulad ni Gerald ay may bago na rin daw boyriend si Julia at ito ay si Lucas Lorenzo, na brother naman ng husband ni Claudia Barretto, na sister ng aktres.
***
Atty. Topacio, isa sa nakikipaglaban sa talamak na korapsyon sa bansa

NAMATAAN nitong September 21 na nakilahok sa rally ang Lawyer for All Seasons, movie producer at radio anchor na si Atty. Ferdinand Topacio, na abogado ng ilang celebrity, politicians at mga businessman.
Yes, pinoprotektahan ni Atty. Topacio hindi lang ang sarili kundi ang taong bayan na ninanakawan ng kinabukasan ng mga sakim sa pera na mga government officials kasama ang kakutsabang mga corrupt ding contractors.
Againts si Atty. Ferdie sa pamamalakad ng gobyerno ni PBBM. Sa katunayan kasama ng kanyang mga kapwa abogado ay kinasuhan nila ang kare-resign pa lang na House Speaker na si Martin Romualdez.
Sa kanya namang pagiging isang movie producer ay tuloy-tuloy ang pagpo-produce ng movies ng kanilang Borracho Productions. Nakatakdang ipalabas sa iba’t-ibang bansa ang “Spring In Prague” na pinagbibidahan nina Paolo Gumabao at Czech actress Sara Sandeva. Nagkaroon ito ng Special Screening sa Uptown Mall sa BGC.
At may hawak ding talent na mga promising singers ang artist ang Borracho like Jessy Vidal at Shierrah.
Ang daily radio program naman ni Atty. Topacio na “YES YES YO TOPACIO” with Juvy De Guzman na mag-iisang dekada na ay number one show ngayon sa DWIZ Aliw Broadcasting.
Mapapakinggan ang nasabing programa Lunes hanggang Biyernes from 11:00 AM to 12:00 noon. Ito ang show na walang harang, walang kinikilingan at walang kinatatakutan sa pagbibigay ng kanyang matatapang na opinyon.
Mapapanood rin ito sa Aliw Channel 23, Youtube at Facebook.

(PETER S. LEDESMA)

Ipinaalam na ‘di makakapunta ng Fashion Week sa Paris: HEART, posibleng mag-file ng legal actions para malinis ang pangalan

Posted on: September 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAPANOOD namin ang mismong Instagram Live ni Heart Evangelista kunsaan, sinabi niya na hindi siya makaka-join ng Fashion Week sa Paris.

Of course, ang current issue sa bansa ang isa sa aminadong dahilan ni Heart. Ayon dito, “I’m sorry for my fans that I’m not going to Fashion Week.

“I know that you guys say ‘laban, laban,’ ganyan-ganyan. I really appreciate you. But honestly, I don’t think it’s the right time for anyone to, especially from our country, to be going to Fashion Week because I think we need to be here.

“Not necessarily to be in the rally… but it’s important that we open our eyes, and we truly become one and empathize and really see what’s going on, and see what we can do.”

Sa mahabang IG Live ni Heart, isa rin sa na-discuss niya ay ang mga natatanggap na pamba-bash, galit, kritisismo mula sa mga netizens. At malinaw na naiparating ni Heart na posible siyang mag-file ng legal actions.

Aniya, “Do not come for my integrity when it comes to my work because goddamn it, I worked so hard. I am proud of what I have. I will not take it sitting down, what some people have been saying about me, not even allegedly.

“Everything I do is proper. Everything is well-documented. That’s not my problem actually. It’s the least of my problems.

“I just wanted to come here to air out and tell you how upsetting it is, at ako pa yung naging casualty. Ako pa yung naging political tool of entertainment. I will not take that sitting down.”

Sa isang banda, dahil nakapanood nga kami ng live. Naging kapansin-pansin din sa amin na nang magsalita na si Heart tungkol sa legal action, biglang yung mga namba-bash sa kanya habang nagla-live siya ay tumigil, huh!

***

IKA-SIYAM na taon na ngayon ng World Travel Expo at nagbabalik ito sa Makati to Paranaque.

Ayon sa mga organizers, tatakbo ang WTE simula sa October 17–19 at SPACE, One Ayala, Makati City, at sa November 14–16 sa Ayala Malls Manila Bay.

Ang WTE ay magpi-feature ng mga local at international exhibitors, exclusive airfare at hotel packages, raffles, cultural showcases at lifestyle booths.

Siyempre, hindi mawawala ang mga leading airlines, resorts, cruise lines. Hinihikayat din nga nila na tangkilikin, ikutin lalo na ng mga Pinoy ang sariling bansa. For one, ang Bataan ang isa sa pinu-push nila dahil technically, very accesible ito with only 2-3 hours land trip. Isa sa maaaring pasyalan ay ang La Jolla Resorts sa Bagac, Bataan.

Pansin namin, wala silang mga artista na kinukuhang endorser sa World Travel Expo, pero kailangan pa nga ba nila? Ang mga promo, discounts din talaga ang isa sa inaabangan palagi.

(ROSE GARCIA)

Ads September 26, 2025

Posted on: September 26th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

26 – 4-merged