• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 24th, 2025

‘Black Phone 2’, ‘Regretting You’,  opening in cinemas in October 2025

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

image.png

#BlackPhone2PH

Photo credit: Universal Pictures

October 15 – Black Phone 2 (Universal Pictures)

Cast: Ethan Hawke, Mason Thames, Madeleine McGraw, Jeremy Davies, Miguel Mora

Directed by: Scott Derrickson

Official synopsis:

The phone is ringing again. Following the blockbuster success of Blumhouse’s 2022 horror phenomenon, which earned more than $160 million worldwide and global critical acclaim, Universal Pictures announces the launch of a sinister new franchise with the release of Black Phone 2.

Four years ago, 13-year-old Finn killed his abductor and escaped, becoming the sole survivor of The Grabber. But true evil transcends death … and the phone is ringing again.

image.png

#RegrettingYouMovie

Photo credit: Paramount Pictures

October 22 – Regretting You (Paramount Pictures)

Cast: Allison Williams, Mckenna Grace, Dave Franco, Mason Thames

Directed by: Josh Boone

Official synopsis:

Based on the bestselling book, REGRETTING YOU introduces audiences to Morgan Grant (Allison Williams) and her daughter Clara (Mckenna Grace) as they explore what’s left behind after a devastating accident reveals a shocking betrayal and forces them to confront family secrets, redefine love, and rediscover each other. REGRETTING YOU is a story of growth, resilience, and self-discovery in the aftermath of tragedy, also starring Dave Franco and Mason Thames with Scott Eastwood and Willa Fitzgerald, in cinemas October 22.

*Schedules are subject to change without prior notice.*


(ROHN ROMULO)

MGA KABATAAN NA INARESTO SA RALLY, ISASALANG SA INQUEST PROCEEDING 

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISINALANG ngayon sa inquest proceeding ang may 60 mga menor de edad na binitbit ng mga awtoridad sa marahas na anti- corruption rally noong Linggo.
Ayon kay MPD-PIO Chief Philipp Ines, ang mga binitbit ang nasa edad 15 hanggang 17.
Ayon pa kay Major Ines, base ito sa rekomendasyon ng mga social workers na batid na ng mga bata ang kanilang ginawang aksyon
May 25 naman na edad 14 pababa sa mga kasama sa mga hinuli ang ililipat sa Reception and Action Center ng Manila Social Welfare
Kabilang sa mga reklamong kakaharapin ng nasa 60 CICL o children in conflict with the law ang Article 146 o illegal assembly, Art 151 o resistance and disobedience to a person of authority, Art 148 o direct assault to a person of authority, Art 327 o malicious mischief, Art 263 o serious physical injuries, at PD 1613 o arson
Sa usapin naman ng pandurukot at pagnanakaw sa pribadong establisyimento na pinasok at sinira sa gitna ng riot , sinabi ni Major Ines na hiwalay ang paghahain ng reklamo laban sa mga kabataang naaresto.
Kapag nasampahan ng reklamo, sinabi ni Major Ines na posibleng mailipat ang 60 CICL o menor de edad sa Boys town sa Marikina. (Gene Adsuara)

1 PATAY SA TUMAOB NA BANGKA DAHIL SA BAGYONG NANDO 

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISA ang kumpirmadong nasawi habang pinaghahanap ang anim na iba pa matapos tumaob ang sinasakyang barko sa karagatang sakop ng Barangay San Vicente, Sta. Ana, Cagayan.
Sa ulat, kinumpirma ng  Coast Guard District North Eastern Luzon, 13 ang sakay ng bangka na pansamantalang naghanap ng mas ligtas na lugar dahil sa hagupit ng Super Bagyong Nando.
Hinampas umano ng sunid-sunod na alon at malakas na hangin ang bangkang JOBHENZ na noo’y nakadaong dahilan para tumagilid at tumaob.
Anim na mangingisda ang nasagip at agad na dinala sa ospital.
Nagpadala na ng search and rescue teams ang Coast Guard, kabilang ang PCG Special Operations Group (SOG) Divers at Coast Guard Medical Team (CGMED), para hanapin ang mga nawawalang mangingisda.
(Gene Adsuara)

Terorista nasa likod ng Mendiola riot – DILG, PNP

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ITINUTURO ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang local terrorist group na nasa likod ng paglusob sa Mendiola at tangkang pagsunog sa Malakanyang.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ang pinakamalaking pangamba ng security forces noong araw ng Linggo ay kung sa EDSA People Power Monument ginawa ang panggugulo dahil tiyak na mas maraming masasaktan.
Base sa nakalap nilang intelligence report, target ng mga terorista na magpasabog ng bomba sa Edsa People Power Monument o sa Luneta.
Dahil dito kaya nagtalaga sila ng may 400 mga pulis sa ground na pawang mga naka-civilian ang damit para makita at ma-assess ang sitwasyon.
Ayon pa kay Remulla, mabuti na lamang at sa Mendiola nangyari ang kaguluhan at mas na-contain ang sitwasyon.
“May narinig kaming rally na sinabi nung may hawak ng mic na, ‘O sandali na lang, pupunta na tayo sa Mendiola, dalhin niyo na ang mga lighter ninyo. That is one confirmation that they intend to burn the Palace… The capacity to burn the Pa­lace is very difficult but the intent is there,” ayon kay Remulla.
Sinabi naman ni PNP Chief General Melencio Nartatez Jr. na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa anggulong terorista at kung anong grupo ang nasa likod ng marahas na rally sa Mendiola nitong Linggo.
Matatandaang sinunog ng mga rallyista ang container van na nakaharang sa Ayala Bridge na ilang metro na lamang ang layo sa Malakanyang at pinagbabato pa ang mga nakabantay na mga pulis.
(Daris Jose)

Ads September 24, 2025

Posted on: September 24th, 2025 by Francis Paolo Torres No Comments

24 – page 4-merged

P255-B reallocation mula sa DPWH budget, tinalakay

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINALAKAY ng House Committee on Appropriations, sa pamamagitan ng Budget Amendment and Review Subcommittee (BARSc), ang panukalang P255.53-billion reallocation mula sa original budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Committee chair at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing, ang naturang pondo ay ililipat sa education, health, agriculture, labor at iba pang human capital programs kasunod na rin sa direktiba ni Pangulong Marcos na gawing zero ang alokasyon sa bagong flood control projects.
Sinabi ng mambabatas na nais nilang masiguro na ang gagawing paglilipat ng badyet ay tutugon sa pangangailangan ng publiko.
Ito aniya ang unang pagkakataon sa proseso ng budget na i-realign ng komite at at i-reallocate ang P255 bilyong pondo bago simulan ang debate sa plenaryo.
Nilinaw naman ni Suansing na ang aaksyunan lamang ng BARSc ay ang institutional amendments na may formal written requests mula sa ahensiya at tanging mga proposals mula sa BARSc members ang ikukunsidera.
“We do not accept verbal requests, we do not accept even if it was manifested during committee deliberations,” pahayag nito.
(Vina de Guzman)

Maximum tolerance ng mga pulis sa September 21protest, pinuri ng Napolcom

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINURI ni National Police Commission (Napolcom) ang ipinakitang maximum tolerance ng Philippine National Police (PNP) sa ikinasang rally sa Trillion Peso March.
Ayon kay Napolcom chief Commissioner Rafael Calinisan, nagpapasalamat ang kanilang hanay sa hindi matatawarang serbisyo ng mga pulis para mapanatili na maayos ang rally.
Nakalulungkot ayon kay Calinisan na may ­ilang grupo ang nanggulo at gumamit ng Molotov cocktails at binato ang mga pulis sa bahagi ng Ayala Bridge sa Maynila.
Nakatanggap pa ng mensahe si Cali­nisan mula sa officer sa ground.
Sinaluduhan ni Calinisan ang mga pulis sa pagpapatupad ng maximum tolerance sa kabila ng extreme provocation ng mga rallyista. Bilib si Calinisan sa katapa­ngan, propesyunalismo at resilience ng mga pulis.
“Let us give tribute to the men and women in uniform who, despite danger and injury, fulfilled their sworn duty to safeguard lives and maintain order. Their sacrifice reflects the PNP’s unwavering commitment to peace, discipline and service to the community. Kasama ako sa napakaraming Pilipino na nagpapasalamat sa inyong serbisyo. They are truly the protectors of the people.Thankless job ang pagiging pulis. They are always put in harm’s way and their efforts often go unnoticed. But with what happened with the rallies, their sacrifices are brought to the people’s attention. And the people are appreciative of their selfless service,” pahayag ni Calinisan.
Tiniyak pa ni Calinisan ang publiko na mananatiling nakaalerto ang law enforcement agencies sa anumang tawag ng emergencies.

Sa 60th founding anniversary nito… CCMC, NAMAHAGI NG LIBRENG GAMOT, LABORATORY SERVICES

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-60th Founding Anniversary nito, mamamahagi ang Caloocan City Medical Center (CCMC) ng libreng gamot at laboratory services na simulan nitong September 22 hanggang September 26.
Ang isang linggong selebrasyon na Anibersaryo ng CCMC ay magbibigay ng libreng pediatric at dental services, pap smear at libreng early breast cancer detection procedure para sa mga kababaihan, at maging minor surgical process at pamamahagi ng libreng eyeglasses at vitamins para sa mga benepisyaryo.
Hinikayat naman ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang mga nasasakupan na gamitin ang mga libreng serbisyong iniaalok ng CCMC at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa lokal health workers ng lungsod para sa kanilang dedikasyon na magbigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
“Sa mga Batang Kankaloo, isang linggo pong magbibigay ng libreng mga serbisyong pangkalusugan ang CCMC, kaya sana po ay huwag nating sayangin ang pagkakataon na ito na makilahok sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo,” ani Mayor Along.
“Mula pa noong nagsimula tayong pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng ating mga kababayan, mga local health worker po ang ating naging katuwang sa pagbababa ng serbisyo sa ating mga komunidad. Asahan po ninyong hindi lang mga health services ang ating paiigtingin kung hindi pati na rin ang proteksyon ng ating health workers,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Navotas, nakiisa sa International Coastal Cleanup Day

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa International Coastal Cleanup Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa buong Navotas.
Mahigit 700 volunteers mula sa iba’t ibang ahensya at organisasyon, at mga kawani ng barangay ang nagtulong-tulong sa paglilinis kung saan umabot sa 200 sako o 1.5 tonelada ng basura ang nakolekta, karamihan sa mga ito ay plastic bags, straw, at food wrappers.
Nagpaalala naman si Mayor John Rey Tiangco sa lahat itapom nang tama ang mga basura at iwasan ang single-use plastics para mapangalagaan ang karagatan.
Aniya, ang ICC ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program, na nagtataguyod ng malinis na kapaligiran at nagpapanatili ng pamumuhay para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon. (Richard Mesa)

Riding-in-tandem, nasabat sa patalim, droga sa Oplan Sita sa Valenzuela 

Posted on: September 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki nang mabisto ang dalang shabu at patalim makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento ang naarestong mga suspek na sina alyas “John”, 23, at alyas “Rey”, 23, kapwa residente ng Brgy., Muzon, SJDM, Bulacan.
Batay sa ulat, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Gen T De Leon Police Sub-Station 2 sa Monvi Avenue, Brgy. Gen T De Leon nang parahin nila ang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo para sa verification dakong ala-1 ng hapon.
Sa halip na huminto, pinaharurot umano ng nagmamaneho ang motorsiklo para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa magawang mapigilan at maaresto dahil sa paglabag sa Art 151.
Nang kapkapan, nakuha kay alyas John ang isang patalim at dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,488 habang wala namang naipakita ang nagmamaneho na driver’s license at expired na rin umano ang rehistro ng motorsiklo.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC (Resistance and Disobedience to a person in Authority) habang karagdagan pa na kasong BP 6 (Illegal Possession of Bladed Weapon) at paglabag RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin pa ni alyas John. (Richard Mesa)