
NAGPAKITA rin ng suporta si Nadine Lustre sa naganap na kilos-protesta noong Linggo, September 21, laban sa malawakang korapsyon sa gobyerno.
Nakiisa ang award-winning actress sa mga nagmartsa sa EDSA People’s Power Monument para kalampagin ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa kanyang Instagram post, binalandra ni Nadine ang kanyang black t-shirt na may nakasulat na, “Stop flooding us with corruption.”
Sa naging panayam, sinabi niya na nakikiisa siya sa galit ng taumbayan dahil sa isyu ng pagnanakaw sa kaban ng bansa, at sa panawagan na manindigan sa laban kontra korapsyon.
“Nakakagalit, nakakalungkot na ‘yung binibigay natin na buwis sa ganon napupunta.
“Nakakainis talaga. It is sad funds are being used for something else. It is good people are speaking up. It is important we are heard by the people,” matapang na pahayag ni Nadine.
Pinuri rin niya si Vice Ganda na matapang ding nakikipaglaban para panagutin ang mga nasa gobyerno na walang ginawa kundi ang magnakaw sa kaban ng bayan.
“We all have to be outspoken. Si Meme, I have always admired Meme. Hindi siya natatakot sabihin nasa utak niya.
“At this day and age, we have to say what we want to say. Kung hindi, walang mangyayari sa atin,” sey ni Nadine.
Samantala, busy ngayon sina Nadine at Vice sa shooting ng movie na ‘Call Me Mother’ na isa sa walong entries sa 51st MMFF.
***
HULING linggo na ng pagtatanghal (Setyembre 21–28, 2025) ng ‘Para Kay B’ sa Doreen Black Box Theater.
Co-produced ng LA ProdHouse at Fire and Ice Live, ang mapangahas na stage adaptation na ito ng groundbreaking novel ni Ricky Lee ay naging isa sa most defining events sa teatro sa Pilipinas.
In-adopt para sa entablado ng award-winning na playwright na si Eljay Deldoc, ang ‘Para Kay B’ ay magdadala sa mga manonood ng malalim sa pinagsama-samang buhay ng limang babae na sina Bessie, Ester, Sandra, Irene, at Erica—na ang mga paglalakbay sa pag-ibig ay naglalantad ng mga brutal na katotohanan, nakakasakit na katatawanan, at ang hina ng sarili nating mga ilusyon.
Ikinuwento sa pamamagitan ni Lucas, isang struggling writer na nakikipagbuno sa kapangyarihan ng pagkukuwento.
Nagbubunyag ng hindi natin dapat aminin: “Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.”
Mula sa pagbubukas ng unang gabi, ang produksyon ay umani ng standing ovation at masigasig na word-of-mouth.
Sa natitirang mga pagtatanghal, ito na ang huling pagkakataong masaksihan ang ‘Para Kay B’. Para sa mga tagahanga ni Ricky Lee, mga mahilig sa teatro sa Pilipinas, at sinumang nangahas na magmahal laban sa mga pagsubok, ang pagkawala ay nangangahulugan ng nawawalang kasaysayan.
Ang “Para Kay B: A Stage Adaptation” ay mapapanood hanggang Setyembre 28, 2025 sa Doreen Black Box Theater, Ateneo de Manila University. Handog ito ng L.A. ProdHouse at Fire and Ice LIVE!, sa pakikipagtulungan sa Tunog at Liwanag sa Teatro, Inc.
(ROHN ROMULO)