• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 23rd, 2025

Mister, kalaboso sa panggugulpi, pangmomolestiya sa dalaga sa Valenzuela

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang 40-anyos na mister matapos pagsasapakin at molestiyahin ang 20-anyos na babaeng estudyante sa isang footbridge sa Valenzuela City.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Ian”, ng Brgy. Gen. T De Leon na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness at Physical Injuries.

 

Ayon kay Col. Talento, dakong alas-9 ng gabi, naglalakad ang biktima sa ibabaw ng M. Delos Reyes Footbridge sa Brgy. Gen. T. De Leon nang salubungin ng suspek at bigla na lamang sinuntok sa tiyan ng walang dahilan na dahilan para bumagsak ang dalaga.

 

Nang tangkain niyang tumayo para ipagpatuloy ang paglalakakad ay muli siyang binalikan ng lalaki saka itinulak na dahilan para mahandusay ang biktima.

 

Agad siyang kinubabawan at ginawan ng kahalayan ng lalaki subalit, nanlaban ang biktima kaya muli siyang pinagsasapak ng suspek sa ulo bago mabilis na tumakas.

 

Nang makarating naman sa kaalaman ni Mayor Wes Gatchalian ang nag-viral na video ng biktima kung saan nakita ang pananapak, panggugulpi at panghihipo ng suspek sa maselang parte ng katawan ng dalaga na noon ay nakahandusay sa footbridge, agad niyang iniutos kay Col. Talento ang pagtugis sa suspek.

 

Sa tulong ng mga kuha ng CCTV, nasundan ng mga tauhan ni Col. Talento ang suspek na nagresulta sa kanyang pakakadakip kung saan positibo siyang kinilala ng biktima nang iharap ng mga pulis kay Mayor Gatchalian.

 

Sinabi naman ni Mayor Wes na hindi niya palalampasin ang ganitong klase ng kawalangyaan sa lungsod at sisiguruhin niyang makukulong ang sino mang bumababoy sa batas.

 

“Seryoso po ang Pamahalaang Lungsod at ang ating kapulisan sa pagpapanatili ng kaligtasan at dangal ng bawat bata. Walang lugar sa ating lungsod para sa ganitong klaseng karahasan,” ani alkalde.

 

Ayon sa pulisya, dati ng nakulong angs suspek sa kaso ng illegal na droga at illegal gambling. (Richard Mesa)

Pagkakaisa ng Transport Sector laban sa korapsyon

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ANG Transport Sector ay bihirang buo pagdating sa mga issues.

 

May kani-kanilang paninindigan ang mga lider ng iba’t ibang grupo. Pero kapag nagkaisa naman laban sa isang isyu ay malakas na pwersa sila na hindi dapat binabalewala.

 

Sa usapin ng korapsyon, nagkakaisa ang Transport Sector na humihingi ng katarungan at sumisigaw na dapat panagutin sa batas ang mga mandarambong ng kaban ng bayan.

 

Direktang apektado ng korapsyon ang mga taga Transport Sector.

 

Kapag baha, apektado ang hanapbuhay nila at perwisyo sa kanilang mga pasahero.

 

Ang tigil pasada at protesta na ginawa nila ng ilang transport group ay hindi dapat maliitin at di dapat sabihing walang epekto sa lansangan.  Makitid na pananaw yun ng ilan.

 

Dapat tingnan ang mensaheng ipinarating ng mga taga Transport sa kanilang tigil pasada at kilos protesta — na labanan ang korapsyon at ipakulong ang mga sangkot dito.

 

 

Atty. Ariel Inton

Founder

Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)

09178174748

September Twenty-One People’s Movement Againts Corruption at Iba’t Ibang Pro-BBM Groups Nagsagawa Ng Anti-Corruption Peace Rally

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng Anti-Corruption Peace Rally ang SEPTEMBER TWENTY-ONE PEOPLE’S MOVEMENT AGAINTS CORRUPTION o STOP Corruption mula sa iba’t ibang mga makabayang samahan at ng Pro-BBM groups tulad ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY Movement), Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia (LIPI), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADERngDemokrasya), Kabataang Manunulat at Artista para sa Sining at Kultura (KaMaSKaRa), Alyansa ng Kabataan sa Komunidad (AKK), Cavite Runners for West PH Sea, Samahan ng Maralita sa Parola Binondo, Parola Youth, KARAMAY, BBM Calamba Warriors, at PBBM Inc. sa kahabaan ng Nicanor Reyes Street., Sampaloc, Lungsod ng Maynila at nagmartsa patungong Mendiola, upang ipakita ang suporta sa sambayanang Pilipino at kay Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. laban sa katiwalian sa mga palpak at “Ghost” Flood Control Projects.

 

Ayon sa pahayag ng grupo, nagbibigay pugay sila kay Pangulong Marcos Jr. sa kanyang matapang na hakbang sa pagsisiwalat ng mga palpak at “Ghost” Flood Control Projects at lubos ang tiwala nila sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para mag-imbestiga at magpanagot sa lahat ng sangkot sa katiwalian sa Flood Control Projects at iba pang imprastraktura ng pamahalaan.

 

“Kinikilala namin at nagbibigaypugay sa naging matapang na hakbang ni PBBM sa pagsisiwalat ng malalang korapsyon ng mga Flood Control Projects sa iba’t ibang lugar ng bansa at nasangkot ang mga opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH), private contractors, at ilang mga mambabatas sa kongreso,” Pahayag ni Giselle Albano, tagapagsalita ng grupo.

 

“Kami, ay buong-buo ang suporta at tiwala kay PBBM sa pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang malalim na mag-imbestiga at magpanagot sa lahat ng sangkot sa palpak at “Ghost” Flood Control Projects at imprastraktura ng pamahalaan na dapat sana ay nagliligtas ng mga buhay at ari-arian ng mamamayang Pilipino. Tulong-tulong tayo, labanan at tapusin ang katiwalian. Panagutin, ikulong at pagbayarin ang lahat ng mapapatunayang sangkot sa pagnanakaw ng pera ng bayan,” dagdag niya.

 

Sama-samang pinagpapalo at winasak ng grupo ang effigy, paldong kurakot na sumasagisag ng pagpapanagot sa mga kurakot na politiko, opisyales ng gobyerno at mga kasabwat na kontratista. At sa pagtatapos ng programa, nag-alay ng dasal ang grupo para sa kapayapaan ng sambayanang Pilipino. (PAUL JOHN REYES)

 

PNP todo alerto sa ‘Trillion Peso March’; 50,000 pulis ikinalat

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TODO bantay ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) na nagpakalat ng 50,000 kapulisan kaugnay ng ‘Trillion Peso March ‘ o malawakang kilos protesta ng iba’t ibang grupo upang kondenahin ang maanomalyang korapsyon sa substandard at ghost infrastructure projects na inilunsad sa buong bansa (Setyembre 21).

Ang PNP ay nasa full alert status na nagsimula dakong alas-5 ng hapon nitong Biyernes alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na tiyakin ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko sa nasabing rally. Ang rally ay kasabay ng ika-53 taong anibersaryo ng Batas Militar.

Ayon kay Nartatez, minobilisa na ang nasa mahigit 50,000 pulis sa buong bansa kung saan nakipag-koordinasyon rin ang PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang mga pangunahing ahensiya upang tiyakin ang seguridad.

“This is a proactive measure to safeguard the right to peaceful assembly while preventing any attempt to disrupt public order. Our priority is the safety of everyone — protesters, bystanders, and the community at large,” pahayag ni Nartatez nitong Sabado.

Samantalang maging ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay nakahanda na rin lalo na ang main event ng naturang malawakang kilos protesta laban sa korapsyon ay sa Metro Manila na kinabibila­ngan ng Luneta Park sa lungsod ng Maynila at Edsa Shrine sa Quezon City.

Nabatid na ang iba pang mga Regional Police Offices at Reactionary Standby Support Force ay inilagay na rin sa mataas na alerto at handa sa reinforcement sakaling hilingin ng pagkakataon.

Kaugnay nito nanawagan naman si PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Randulf Tuaño ng kooperasyon sa mga organizers at magpapartisipa sa idaraos na malawakang anti-corruption rally.

 

After mag-comment sa pagbaril kay Charlie Kirk: Late night talk show ni JIMMY KIMMEL, na-suspend  indefinitely 

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
GRATEFUL sina Zephanie at Shan Vesagas na maka-love team ang isa’t isa sa hit youth-oriented show na MAKA, at sa spinoff nito na MAKA LOVESTREAM.
Sinabi nina Zephanie at Shan kung bakit sila grateful sa isa’t isa.
“I’m really grateful na ikaw ‘yung partner ko. Honestly, God knows, na I want it to be you. Ikaw na talaga. Promise. From the very start kasi you were patient kahit alam mo na newbie lang ako, saktuhan lang ako, patient ka.
“So, that made me settle as an artist. ‘Yung guidance mo… kasi tayo naman lagi magkaeksena nu’n kahit one liner lang ako nu’ng second season natin,” sey ni Shan.
Hindi naman napigilan ni Zephanie na mapangiti sa mga sinabing ito sa kanya ni Shan. Nagpasalamat din ang aktres kay Shan.
“Thank you for saying that. I mean, ako rin naa-appreciate ko na you are honest about that. Syempre, it inspires me to be better, too, kasi I work with someone na who’s willing to learn from other people knowing na it’s your first show,” sabi ni Zephanie.
***
NA-SUSPEND indefinitely ang late night talk show ni Jimmy Kimmel after comments he made about the shooting of Charlie Kirk, isang high-profile conservative activist, na binaril while speaking at Utah Valley University in Orem last Sept. 10.
In his monologue on Monday (Sept. 15), Kimmel said the “Maga gang” was “desperately trying to characterise this kid who murdered Charlie Kirk as anything other than one of them” and of trying to “score political points from it”. 
Ayon kay Brendan Carr, chair of broadcast regulator, the Federal Communications Commission (FCC): “Kimmel was appearing to directly mislead the American public”.
Kimmel is among the top chat show personalities in the US, has fronted his show Jimmy Kimmel Live! since 2003 and hosted the Oscars four times.
Nagpahayag ng kanilang dismaya ang ilang Hollywood figures sa pinataw na suspension sa show ni Kimmel. Masyado na raw nakikialam ang Trump administration sa kanilang freedom of speech at unwarranted censorship.
The Writers Guild of America (WGA), Hollywood’s labour union, said the decision was “a violation of constitutional free speech rights.”
Wala pang comment si Kimmel since umalis siya sa studio, pero nagpapasalamat ito sa suportang natanggap niya.
(RUEL J. MENDOZA)

Paul Rudd and Jack Black are hilarious in the official trailer of “Anaconda”

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BIG stakes. Bigger snakes. 
Chaos is imminent as Paul Rudd and Jack Black star in the comedy film, “Anaconda.” In the film, the duo are childhood best friends who set out to fulfill their dream: doing a remake of the classic “Anaconda” film. A trip to the Amazon, midlife crises, and an actual giant anaconda make for a comical, yet deadly situation.
Watch the trailer: https://youtu.be/SvfxOesLpf4 
Check out the poster.

“Anaconda” slithers into Philippine theaters in January 2026. “Anaconda” is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #AnacondaMovie @columbiapicph

About Anaconda:
Doug (Jack Black) and Griff (Paul Rudd) have been best friends since they were kids, and have always dreamed of remaking their all-time favorite movie: the cinematic “classic” Anaconda. When a midlife crisis pushes them to finally go for it, they head deep into the Amazon to start filming. But things get real when an actual giant anaconda appears, turning their comically chaotic movie set into a deadly situation. The movie they’re dying to make? It might just get them killed
Directed by Tom Gormican and written by Tom Gormican & Kevin Etten.
Produced by Brad Fuller, Andrew Form, Kevin Etten Tom Gormican, and executive producer Samson Mücke
Cast: Jack Black, Paul Rudd, Steve Zahn, Thandiwe Newton, Daniela Melchior and Selton Mello
(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)
(ROHN ROMULO)

Aktres, binansagang ‘Patron Saint of Concerned Citizens’: CESAR, bilib na bilib sa mga pahayag at opinyon ni CARLA

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA panahon ngayon ng matinding kaguluhan sa ating bansa at gobyerno, sa mga nagaganap na nakawan at korapsyon, pasok sa banga ang pelikulang Selda Tres nina Cesar Montano, Carla Abellana, at JM de Guzman, sa direksyon ni GB Sampedro.
Tungkol ang pelikula sa katotohanan at katarungan, na isa sa limang full length films sa 7th Sinag Maynila filmfest.
Bilib na bilib si Cesar sa mga pahayag at opinyon ni Carla na ngayon ay binansagan ng mga netizens bilang “Patron Saint of Concerned Citizens.”
“There’s so much truth about what she was saying. Totoo naman iyon, totoo yung sinasabi niya,” saad ni Cesar.
“And nakakatuwa yung ginawa siyang ‘Patron Saint,’ at saka to fight for righteousness is what we need to do.
“You have to fight for righteousness kahit ano pang mangyari sa iyo. A very good example to that is Charlie Kirk.”
Polarizing umano ang pananaw ng American political activist na si Charlie na na-assassinate nito lamang September 10, sa Utah at ngayon ay itinuturing icon ng modern American conservatism.
“Yes, polarizing din yun, of course. But siyempre, faith yun. Faith yun,” sambit ni Cesar. “But, of course, yung righteousness, makukuha mo naman yun, e.
“Sa ating great God naman galing lahat iyan. Doon nagsimula iyan. So, yun.”
Sa kaliwa’t kanang nakawan umano ngayon sa ating gobyerno, ano ang nadarama ni Cesar bilang isang Pilipinong nagbabayad ng tax?
“Sa aking mga nasagap at natutunan… ah, tayo kasing mga Pilipino, sa nangyayari ngayon, this is the product of our kabaitan.
“Masasabi kong kabaitan. Alam mo, pag sobra kang mabait, masama. Lahat ng sobra, masama.
“Ang Pilipino, mabait. Kaya lang, sumobra. Inano natin, kinunsinti natin yung kamalian.
“Why am I saying this? I’m pretty sure, sasang-ayon kayo na marami sa ating mga leaders, hindi sila dapat mga leaders.
“Because they cannot lead with righteousness, correct? Pero sino ang nag-upo sa kanila? Tayo.
“So, do you hear in some provinces, minsan pa nga, nagko-compare pa iyan pag eleksyon, ‘Magkano ang kinita mo? Magkano ka binayaran?’
“We are selling our souls… we are selling our souls for how many years?! Five years lang ba, ten years lang ba?
“No! Longer than that! Naging kultura na natin ito. Hindi ito minsanan lang—kultura.
“Ugali na natin. Ang hirap tanggalin pag sinabi mong, ‘Uy! Huwag kang…’ Lalo na ang mga mahihirap, nasa probinsiya iyon.
“Pag sinabi mong huwag ibenta, tapos may offer sa kanya, ang boto niya, P10,000. Isang boto mo. ‘Pambiling bigas na ito saka ano,’ di ba?
“Of course, these voters, thinking about kung ano ang kakainin nila ngayon at bukas.
“But they’re not thinking kung ano ang magiging future ng anak nila at ng apo niya. Nandidito lang tayo sa araw na ito, e.
“Dapat kasi, iniisip natin kung ano ang magiging future din ng anak o apo natin.
“We should not, never… sell our votes. Next time po, sana sa susunod na eleksyon talaga.
“At the same time, above everything, this country needs healing. Kailangang gamutin ito.
“And according to the Scripture, we should humble ourselves and pray together.
“Ano ito, sakit. Sakit ng bansa natin ito. We should humble ourselves and pray na sana, ma-heal itong bansa natin at magbago tayo ng disposisyon sa buhay.”
Samantala nasa cast din ng Selda Tres sina Arron Villaflor, Kier Legaspi, Victor Neri, Isay Alvarez, Perla Bautista, Jeffrey Tam, Tanjo Villoso, at Johnny Revilla.
Mula ito sa Five 2 Seven Entertainment Production, sa panulat ni Eric Ramos, with executive producers GB Sampedro at Alex Rodriguez.
Ipapalabas ang mga kalahok sa 7th Sinag Maynila sa Setyembre 24-30, 2025, sa Gateway, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, SM Mall of Asia, SM Fairview, Trinoma, at Market Market.
(ROMMEL L. GONZALES)

Grupo nina Dingdong, dinaan sa pagtakbo ang protesta: VICE GANDA, hinamon si PBBM na ipakulong ang lahat ng magnanakaw

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA pagsampa ni Phenomenal Box-office Star Vice Ganda sa entablado ng ginaganap na kilos-protesta nitong Linggo, September 21 sa EDSA People’s Power Monument, may panawagan siya kay Pangulong Bongbong Marcos.
Matapang ngang hinamon ni Vice si PBBM na ipakulong ang lahat ng magnanakaw sa gobyerno.
Pahayag ng TV host-comedian, babantayan ng taumbayan ang magiging aksyon ng gobyerno tungko sa malawakang nakawan at korapsyon sa gobyerno.
”Kaya hinahamon ka namin Pangulong Bongbong Marcos, kung gusto mong magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo, ipakulong mo ang lahat ng magnanakaw.
“Nakatingin kami sa yo, Pangulong Bongbong Marcos at inaasahan ka namin, hindi dahil sa idol ka namin kundi dahil sinuswelduhan ka namin at inaasahan namin na tutuparin mo ang inuutos naming mga employer mo.
“Kami ang nagpapasahod sa inyo, tapos na ang panahong natatakot tayo sa gobyerno,” matapang na pahayag ni Vice.
Pagdidiin pa niya, “Takutin natin ang gobyerno dahil ang kapangyarihan ay nasasa-atin at wala sa kanila.
“Nakatingin kami sa inyo, ipakulong lahat, lahat ipakulong. Bawiin ang ari-arian! Pati atay, i-donate, pati mata i-donate, walang ititira.
“Kasi nga hindi tayo pwedeng maawa dahil mga put*ng i*a nila! Maraming salamat sa inyong lahat!”
Samantala, kasamang nagmartsa ni Vice Ganda si Anne Curtis para nga makiisa sa ’Trillion Peso March.” 
Nasilayan din sa mass rally ang partner ni Vice na si Ion Perez, ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis.  Nagbigay din ang suporta sina Donny Pangilinan, Darren Espanto at Jackie Gonzaga, kasama ang mga miyembro ng Angat Bayanihan Volunteer Network para sa #TrillionPesoMarch.
Marami pang celebrities ang namataan na nakiisa sa kilos-protesta tulad nina Rhian Ramos, Iza Calzado, David Licauco, Dustin Yu, at marami pang iba.
***
SA anti-corruption running event na ginanap sa Ayala, Makati naman ipinakita ng ilang celebrities ang pagprotesta laban sa matinding korapsyon sa bansa.
Spotted na nakiisa sa pagtakbo si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, kasama sina Kuya Kim Atienza, Benjamin Alves, at ang couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina.
Post ni Dong sa kanyang Facebook account…
Not our usual Sunday run.
“Today, our small community gathered not just for distance, but with prayer and intention.
“We hoped. We dreamed. For a corrupt-free Philippines. For accountability from those who have stolen from us. And for those attending the big rallies, we lifted them up in prayer as well.
“We each have different ways of expressing our grievances and hopes. Today, this was ours.”
Kapansin-pansin naman ang nakalagay na tagline sa kanilang t-shirts, kabilang na ang “End corruption now!”, “Panagutin, Pagbayarin”, “One Big Fight Against Corruption at “I dream of a corrupt-free Philippines.”
Caption naman ni Kuya Kim sa FB post, “Mabuhay ang Pilipinas! Nakikiisa sa bansa para sa pagbabagong totoo.”
(ROHN ROMULO)

Level Up Your Influence! The Orange Club is Back and Bigger than Ever

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BLOGAPALOOZA has officially re-launched the new and improved The Orange Club (OC)—an elite community of driven content creators who share the same passion for growth and making their mark in the digital space. Designed as a gated, premium membership, the Orange Club is accessible only through exclusive invitation or paid membership, making it the ultimate network for creators who are ready to elevate their influence.

What’s New with The Orange Club?

The re-launch unveiled a host of enhanced perks designed to give content creators every advantage they need to succeed:

Meet the New OC Ambassadors

The event also introduced the OC Ambassadors: Em Suringa, AK Policar, Renz Lalic, Dani B, Yani Mayo, Nanay Jecka, Odin, Dex Papa, and Doc Carl. Each ambassador brings their unique expertise and style, representing a wide range of niches and industries. Together, they embody the spirit of the Orange Club, showing how diverse creativity can thrive within one powerful community.

Ready to Join The Orange Club?

Are you a content creator ready to unlock exclusive access, priority opportunities, and expert mentorship? The Orange Club is your next step. Learn more at blogapalooza.ph/theorangeclub or reach out to us at orangeclub@blogapalooza.ph to get started. 

Nanawagan sa madlang pipol na magkita-kita: VICE GANDA, ‘di palalampasin na makiisa sa mass rally sa Luneta

Posted on: September 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI palalampasin dahil makikiisa ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa ‘Baha sa Luneta: Aksyon Na Laban sa Korapsyon!’ rally sa Linggo, September 21.
Sa kanyang Instagram story, matapang na nanawagan si Vice sa madlang pipol na ito na ang tamang panahon para ipakita ang pagmamahal para sa bansa.
“Magkita-kita tayo sa Luneta sa Linggo. Oras na para wakasan ang kagarapalan ng mga hayop na magnanakaw sa gobyerno,” ayon TV host-comedian.
Inaasahan din ang pagdalo ng iba pang celebrities at personalidad sa naturang kilos-protesta sa Luneta at EDSA People Power Monument.
Naglalayon ito na kalampagin ang mga mandarambong na politiko at mga korap na opisyal at government contractors na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Matatandaang ilang ulit nang nagsalita si Vice tungkol sa matinding korapsyon sa bansa.
Ikinumpara pa niya kung paano tratuhin ng lipunan ang mayayaman at mahihirap.
“‘Yung mga nahuhuling tindera, ‘yung mga sidewalk vendors, kapag nahuhuli ‘yan, kinukumpiska, minsan sinisira ang paninda, ‘di ba? Kinukulong. Hindi ko rin malaman paano ko sasabihin.
“Paano natin susuportahan ‘yun kasi hindi siya legal sa usaping legal. ‘Di ba hindi legal ang pwesto ninyo? Paano natin sasabihin na okay lang ‘yan, tama lang ‘yan? ‘Di ba? Kawawa, ‘di ba?” pananaw ni Vice.
“Sinisira ang gamit, kinukulong, eh kung tutuusin maliit lang ‘yun. ‘Yung malalaking mga krimen ang ginagawa, hindi naman natin nakikitang nakukulong.”
Sa ‘Laro Laro Pick’ segment ng ‘It’s Showtime’, naisingit din ni Vice ang kanyang saloobin.
Ayon sa kanya, “tingnan mo yung taong nagtatrabaho ng marangal, nahihiya pa.
“Pero yung mga ilegal ngayon, ang tatapang!  
“Tapos proud, post-post di ba? Pa-interview, ‘ay ang dami naming sasakyan’, ‘yung walang takot na maimbestigahan, ilegal pa yun ha?” natatawang kuwento ni Vice.
Tiyak na babantayan ang mga kaganapan sa mass rally sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas, at ipanalangin natin na maging mapayapa at matagumpay.
***
MTRCB, katuwang ng pampubliko at pribadong sektor sa pagprotekta sa kabataan at kababaihan
LUMAHOK si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairpersonat CEO Lala Sotto sa 11th Manila International Dialogue Technical Working Group on Anti-OSAEC Meeting nitong Miyerkules, Setyembre 17, na ginanap sa Department of Justice sa Maynila.
Tinalakay sa pulong ang pagbuo ng mga estratehiya at hakbang para labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM).
Sa isang breakout session, ibinahagi ni Sotto ang mandato ng MTRCB sa ilalim ng Presidential Decree No. 1986 at binigyang-diin ang isinusulong ng Ahensiya na maprotektahan hindi lang ang mga kabataang Pilipino kundi maging ang kababaihan, sa pamamagitan ng kampanyang Responsableng Panonood.
Layunin nitong palakasin ang kamalayan at pang-unawa ng publiko sa responsableng pagkonsumo ng media, gayundin ang mahalagang papel ng mga magulang at nakatatanda sa tamang pagpili ng angkop na palabas para sa mga bata.
Dumalo rin sa pulong ang mga kinatawan mula sa Council for the Welfare of Children (CWC), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), mga kumpanyang pangtelekomunikasyon tulad ng Globe, PLDT at Smart. Mayroon din mula sa U.S. Department of Homeland Security, U.S. Embassy at Australian Embassy.
Tiniyak ni Sotto na nananatili ang dedikasyon ng Board na maturuan ang pamilyang Pilipino sa responsableng pagkonsumo ng media para maprotektahan ang mga bata at babaeng Pilipino laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
“Ang pagprotekta sa mga kababaihan at bata laban sa mga pang-aabuso online ay nangangailangan ng pagkakaisa. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ating lokal at internasyonal na organisasyon, patuloy na maninindigan ang MTRCB sa tungkulin nitong isulong ang responsableng panonood at sa aming layunin na pangalagaan ang interes ng mga babae at batang Pilipino laban sa pang-aabuso,” sabi ni Sotto.
Patuloy rin na iniaayon ng Board ang mga inisyatiba nito sa mga pambansa at pandaigdigang programa, upang matiyak na ang mga manonood, lalo na ang kabataan at kababaihang Pilipino, ay mananatiling protektado, may sapat na kaalaman, at may kakayahang pumili ng angkop na panoorin.
(ROHN ROMULO)