• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:27 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 20th, 2025

LTO, BINAWI NA ANG LISENSYA NG 2 DATING OPISYAL NG DPWH AT HABAMBUHAY NANG DISKWALIPIKADO

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINAWI ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng liderato ni Acting Secretary ng Department of Transportation (DOTr) Giovanni Z. Lopez, ang lisensya ng dalawang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project sa Bulacan.
Bukod sa pagbawi ng lisensya nina Henry Alcantara at Brice Hernandez, iniutos din na magbayad ang bawat isa ng P3,000 para sa kasong Imitation and False Representation sa ilalim ng Section 31 ng R.A. 4136 (Land Transportation and Traffic Code).
“Patunay ito ng aming matibay na paninindigan laban sa paggamit o palsipikasyon ng anumang dokumentong inisyu ng LTO. Talagang hahabulin namin kayo,” ani Asec. Mendoza.
“Ang lisensya nina Mr. Alcantara at Mr. Hernandez ay binawi at sila ay habambuhay nang diskwalipikado sa pagkuha ng anumang uri ng lisensya sa pagmamaneho,” dagdag pa niya.
Inatasan ni Secretary Lopez ang LTO na imbestigahan ang mga isinisiwalat sa pagdinig sa Senado na nagsasabing gumamit sina Hernandez at Alcantara ng pekeng lisensya na nakapangalan sa ibang tao upang makapasok at makapaglaro sa mga casino.
Inamin ni Alcantara ang paggamit ng pekeng lisensyang may pangalang Joseph Castro Villegas, isang bagay na kinumpirma ng isang casino kung saan siya nag-apply para sa Reward Circle.
Kinumpirma rin ng parehong casino na nag-apply si Hernandez sa parehong Reward Circle gamit ang lisensyang may pangalang Marvin Santos de Guzman.
Ayon sa desisyong nilagdaan ni Asec. Mendoza, malinaw na napatunayan ng mga ebidensyang nakalap na alam nina Alcantara at Hernandez na peke ang kanilang ginamit na lisensya.
Dahil dito, sinabi ni Asec. Mendoza na sila ay may pananagutan sa kasong pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle sa ilalim ng Section 27(a) ng R.A. 4136.
Inatasan din ang dalawa na isuko ang kanilang mga lisensya, at inilagay ang mga ito sa alarm.
“Magsilbing aral sana ito sa ating mga kababayan ng inyong kakaharapin kung tutuluran ninyo ang maling gawain na ito,” ani Asec. Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Mas Matibay na Player Protection Dama sa BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone Surety Bond ng DigiPlus at PhilFirst, Inilunsad

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PARA sa proteksyon at kapanatagan ng loob ng mga manlalaro, inilunsad ng DigiPlus Interactive Corp., ang premier digital entertainment company sa likod ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone, at ng Philippine First Insurance Company (PhilFirst), ang unang domestic insurance company sa bansa, ang kauna-unahang surety bond program sa Pilipinas na magsisilbing karagdagang seguridad at kaligtasan sa mga online gaming player.
Casual gamer man o isang loyal fan, tuluy-tuloy lang ang saya sa BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone nang walang takot at agam-agam dahil ang wallet at pondo sa app ay protektado ng nasabing surety bond.
Itinuturing na karagdagang proteksyon pampinansyal, umaabot hanggang sa ₱1 million kada manlalaro ang sakop ng surety bond na ito nang walang karagdagang gastos sa mga player.
Libre at magagamit agad ang surety bond mula sa DigiPlus at PhilFirst sa oras na mag-log in at maging verified ang electronic Know-Your-Customer (eKYC) registration ng isang player. Kailangan lang siguraduhin na updated ang impormasyon at sumusunod ayon sa pamantayan ng platform para maging eligible player.
“Ipinagmamalaki namin na una ang DigiPlus pagdating sa pagbibigay ng ganitong antas ng proteksyon para sa konsyumer,” ayon kay DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco. “Kami ay committed na unahin ang kapakanan ng aming mga player. At sa surety bond, mas mae-enjoy ang paglalaro sa BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone, dahil alam mong protektado ang inyong pondo.”
Paano gumagana ang surety bond ng DigiPlus?
Eligibility: Dapat e-KYC-verified ang mga player, nakapagdeposito ng kahit isang beses, at sumusunod sa alituntunin ng platform.
Coverage: Pinoprotektahan ng surety bond ang balanse ng manlalaro hanggang ₱1 milyon.
Activation: Ang proteksyon ay agad na magkakabisa at awtomatikong mag-a-apply para sa lahat ng eligible player ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone.
Mas pinatibay ng bagong surety bond program ang commitment ng DigiPlus sa paghahatid ng maaasahang customer service at proteksyon sa mga player, dagdag pa sa sa 24/7 customer support at mahigit 130 BingoPlus physical store sa buong bansa na convenient at pinagkakatiwalaan ng mga manlalaro.
Sa paglulunsad ng surety bond program, patuloy na itinataas ng DigiPlus ang pamantayan ng gaming industry, hindi lamang sa paghahatid ng exciting at makabagong games, kundi lalo na sa pagpapalakas ng tiwala, proteksyon, at kapanatagan ng mga customer.

Gabriela partylist, proklamado na

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections (Comelec) ang Gabriela Women’s Party bilang isa sa mga nanalong partylist group sa katatapos na May 12, 2025 midterm elections.
Nabatid na ang proklamasyon sa Gabriela ay isinagawa sa Comelec main sa Intramuros, Manila.
Si Gabriela First Nominee Sarah Elago ang tumanggap ng certificate of proclamation mula sa Comelec, na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC).
Noong Linggo, una nang inianunsiyo ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na ang Gabriela ang makakakuha ng ika-64th party-list seat sa Kamara.

‘TBA Studios celebrates ‘Heneral Luna’ 10th anniversary with star-studded Bayaniverse photo shoot

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IN a momentous celebration of Filipino cinema, TBA Studios brought together the iconic cast members of the Bayaniverse cinematic trilogy for a historic class photo to celebrate the 10th anniversary of the groundbreaking biopic “Heneral Luna”. 

Shot by acclaimed photographer Artu Nepomuceno at the Gateway Cineplex 18 in Quezon City, the Bayaniverse class photo imagines the lead stars from 2015’s “Heneral Luna,” 2018’s “Goyo: Ang Batang Heneral,” and the upcoming historical biopic “Quezon” as moviegoers enjoying a film on the big screen, a fitting tribute to a film series that has helped shape cultural and cinematic conversation in the country for the last ten years.

The photo shoot also commemorates the theatrical release of “Heneral Luna”  ten years ago.  The historical war epic opened in theaters on September 9, 2015. It has since become the highest-grossing Philippine historical film of all time and jump-started the Bayaniverse cinematic trilogy.

More than just a historic photo shoot with the stars of TBA Studios’ historical film series, the Bayaniverse class photo is part of a larger call to action to remind the public of the beauty of watching movies in theaters and the immense hard work and creative labor that goes into making quality films, said Daphne O. Chiu-Soon, President and COO of TBA Studios.

“We assembled the stars of our historical films ‘Heneral Luna,’  ‘Goyo: Ang Batang Heneral,’ and ‘Quezon’ to celebrate the shared experience of cinema and the electricity of a live audience.”

Chiu-Soon added: “This photo shoot fittingly encapsulates TBA Studios’ love for and commitment to Philippine cinema as we celebrate ‘Heneral Luna’ and the 10 years since it came out in theaters. It also signals our excitement as we await the release of ‘Quezon’ in Philippine cinemas on October 15.”

(ROHN ROMULO)

Nakakabaliw ang malupit na bashing: NICCO, inaming pinagbantaan na papatayin ‘pag nakita

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AMINADO ang Filipino/Italian actor/model na si Nicco Locco na noon ay naaapektuhan siya ng mga basher, pero ngayon ay hindi na.
“Hindi. Actually, mas motivated na ako.
“I used to take it personally kasi and now I’ve realized that they don’t know me personally.
“They don’t know who I am, I’ve never met them, so lahat tayo may puwet, lahat tayo may opinions.”
Puwet?
“Yeah, lahat tayo may puwet.
“We all have opinions. Everybody, you know what I’m saying? Just like we all have a puwet. Ha! Ha! Ha!
“Or a shoulder or whatever. Yeah, and na-realize ko na parang people nowadays with social media, it might not even be about me.
“They might be going through something in their life na galit sila, so for them to comment, baka it’s a release for them. Just to take it out on somebody else.”
Nakakabaliw naman ang malupit na bashing na tinanggap na ni Nicco.
“Well, I’ve gotten death threats,” pag-amin ni Nicco na kasama sa cast historical movie na ‘Quezon’ na pinagbibidahan ni Jericho Rosales at tampok ang Hollywood actor na si Iain Glen ng ‘Game of Thrones.
Pagbabahagi pa niya sa natanggap ng bashing, “‘Papatayin kita if I see you’, I don’t know the exact words, pero I just remember sometimes I wake up to those messages, e. I don’t mind it.”
Alam naman ni Nicco na lahat ito ay bahagi ng pagiging artista at celebrity.
“Exactly. It’s what I signed up for.”
May nagsasabi na mas okay na raw ma-bash dahil ibig sabihin ay relevant o sikat ang isang celebrity.
“True! I’m living rent-free in people’s minds,” sagot niya.
Na kapag hindi na-bash, ibig sabihin ay walang pakialam ang publiko sa isang tao.
“Exactly. Importante, I focus on my craft, magaling ako sa what I do, which is acting and I’m nice to the people around me, di ba?
Samantala, may international film si Nicco na kinunan sa Canada, ang ‘The World Treated Me Kindly’; gumawa rin siya ng proyekto sa VMX (dating Vivamax) ang ‘Kolektor’; ang vertical drama sa IWant TV na ‘I Am Your Daughter.’
(ROMMEL L. GONZALES)

Sa selebrasyon ng kanyang ika-52 kaarawan: KARA, nag-wish na ‘sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!’

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PARANG ang tindi at nakakagulat ang birthday wish ng Kapuso broadcast journalist at documentarist na si Kara David para sa kanyang ika-52 kaarawan.
Kumalat nga ang naturang video sa social media na kinaaliwan ng husto ng netizens.
“Belated birthday dinner with the Cancios. Siyempre nagkukulitan na naman kami,” caption niya ng Facebook reel,
Tuwang-tuwa nga habang nagkukulitan ang Kapuso broadcast journalist sa kanyang mga bisita na kumakanta ng “Happy Birthday”.
At bago i-blow ang candles sa kanyang cake, nag-wish si Kara, “Wish…sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!”
Na sinundan naman ng palakpakan at tawanan ng mga nakisaya sa party.
Samantala, nagbigay, din ng saloobin si Kara tungkol sa mga mahilig mag-flex sa social media. Naniniwala siyang walang masama na ipakita sa publiko basta’t ang mahalaga ay wala itong bahid na korapsyon.
“Okay lang mag-flex kung galing naman kung galing naman sa malinis na paraan,” pananaw ng news anchor.
Inamin din ni Kara na kahit nagpe-flex siya kung minsan sa socmed ay hindi para ipagyabang ang mga mamamahaling gamit niya na kanyang pinaghirapan.
***
 
MTRCB, nagsagawa ng Responsableng Panonood seminar sa mga miyembro ng Rotary Club of Quezon City at Marikina West
PINANGUNAHAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pamumuno ni Chairperson at CEO Lala Sotto, ang isang Responsableng Panonood seminar para sa mga kasapi at opisyal ng Rotary Club of Quezon City at Rotary Club of Marikina West nitong Lunes, Setyembre 15, na ginanap sa Club Filipino, San Juan City.
Layunin ng RP seminar na pataasin ang kamalayan at pang-unawa ng publiko pagdating sa responsableng paggamit ng media at ang mahalagang papel ng mga magulang at nakatatanda sa paggabay sa mga bata sa pagpili ng tamang panoorin batay sa kanilang edad.
Nagbahagi sina MTRCB Board Members Wilma Galvante, JoAnn Banaga at Maria Carmen Musngi ng mahahalagang kaalaman ukol sa mandato ng Ahensya, mga angkop na klasipikasyon sa pelikula at telebisyon, at ang kahalagahan ng kampanyang Responsableng Panonood.
Binigyang-diin ni Sotto, na dumalo sa naturang aktibidad, ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor.
“Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga organisasyong tulad ng Rotary Club of Quezon City at Rotary Club of Marikina West, mas mapapalawak natin ang maaaring maabot ng aming kampanya at matitiyak na mas maraming pamilyang Pilipino ang magkakaroon ng kaalaman upang makapili ng angkop na panoorin,” sabi ni Sotto.
Patuloy na nakikipagtulungan ang MTRCB sa iba’t ibang organisasyon upang isulong ang responsableng paggamit ng media at magampanan ang tungkulin nitong protektahan ang kapakanan ng mga manonood, lalo na ng mga batang Pilipino, habang patuloy na sinusuportahan ang industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas.
(ROHN ROMULO)

Maraming natutunan bilang baguhang aktor: ESTEBAN, hangang-hanga sa kahusayan ni MIKOY

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LAST September 3, 2025 nag-umpisa sa TikTok account ng Puregold Channel ang newest BL vertical series nina Mikoy Morales at Esteban Mara na Got My Eyes On You.
Kaya tinanong namin si Esteban tungkol sa pakikipagtrabaho kay Mikoy?
“Sobrang husay. Unang-una sa lahat, mahusay na aktor si Mikoy,” pahayag ni Esteban.

“So, andami ko ring natutunan especially as someone who is technically a newbie here in the industry.
“I’m really looking forward to learn from people na matagal na sa industriya.
“Si Mikoy, napakahusay. Andami ko ring natutunan sa kanya. Very chill, napakagaan lang.
Samantala,, ang opisyal na press launch na ginanap noong Setyembre 16 sa Rampa Club ay naging isang selebrasyon ng pag-ibig, fan energy, at pagkamalikhain ng mga Pilipino.
Hosted by radio DJ at voice actor Papa JT, ang kaganapan ay nagbigay sa mga bisita ng mas malalim na pagtingin sa mundo ng ‘Got My Eyes on You’ at sa cast.
Dinadala ng ‘Got My Eyes on You’ sa S-Cape Haven Villa, isang perpektong resort kung saan nagtatagpo ang ambisyon, pagkakaibigan, at pagmamahalan.
Nasa puso nito ang dalawang karakter na nakatakdang mag-away, at maaaring umibig: si Shawn, ang misteryosong guest relations manager (Esteban Mara), at si Drew, ang ambisyosong operations manager (Mikoy Morales).
Ang tensyon ng kanilang magkaaway na magkasintahan ay nagpapasigla na sa mga comment war sa pagitan ng Team Shawn at Team Drew.
Nagsimula ang press con kasama si Puregold Senior Marketing Manager Ivy Hayagan-Piedad, na nagsalita tungkol sa layunin ng kumpanya na i-champion ang inclusivity at representation sa pamamagitan ng entertainment.
Ipinakilala rin ang ensemble cast na kinabibilangan nina Toniyuh bilang balikbayan influencer guest, Victor Sy bilang Sir Trevor, at Hannah Lee bilang Moira.
Hindi naman nakadalo sina Ady Cotoco bilang Kirk at Darwin Yu bilang Wilfred, na nakatakdang maging isang nakakaintriga na pares na dapat abangan sa serye.
Ipinagmamalaki rin ang announcement na ang ‘Got My Eyes on You’ ay binigyang-buhay ng Puregold CinePanalo film festival graduates na sina Direktor Dizelle Masilungan at Direktor ng Photography na si Lloyd Garciano, kasama sina Assistant Director Ram Tolentino at Production Designer Migo Morales.
Ito ay nagpapakita lamang na ang talentong Pilipino, kapag inaalagaan, ay kumikinang nang husto.
Panoorin ang mga bagong episode ng ‘Got My Eyes on You’ tuwing Miyerkules, Huwebes, at Biyernes ng 7:00 PM sa opisyal na Tik Tok page ng Puregold na @puregoldph.
Para sa higit pang updates at behind-the-scenes content, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at sundan ang @puregold_ph sa Instagram at X.
(ROHN ROMULO)

Emmy-winner Phoebe Waller-Bridge and Oscar-winner Kevin Kline bring the weird and whimsical in ‘A Big Bold Beautiful Journey’

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
EVERY epic trip starts with a choice. For David (Colin Farrell), it’s at a car rental agency staffed by a peculiar pair: a theatrical cashier (Phoebe Waller-Bridge) and an even stranger mechanic (Kevin Kline). Their offering? A run-down 1994 Saturn GL and—wait for it—a retrofitted GPS system that looks more suited for a video game console than a road trip.

And so begins A Big Bold Beautiful Journey, a whimsical and heartwarming new film that takes David, along with Sarah (Margot Robbie), a woman he just met at a wedding, on a ride neither of them expected.

Director Kogonada didn’t just want actors—he wanted theatricality. That’s why he cast Waller-Bridge and Kline, both celebrated veterans of the stage and screen, to bring a special kind of sparkle to their roles.

“Phoebe and Kevin are from the theater, and that scene called for a certain kind of theatricality and playfulness that for me was central to this story,” Kogonada says.

And it shows. The brief yet unforgettable sequence with the two delivers a jolt of energy, humor, and curiosity that sets the tone for everything that follows.

Seth Reiss, the film’s writer (best known for The Menu), recalls being captivated just watching the scene come to life.

“It was such a joy to look at the monitor when they were filming this scene and see Phoebe and Kevin sitting behind a desk, having a blast, and Colin having a blast with them,” says Reiss. “They created a great and surprising dynamic.”

Their chemistry? Instant. Their comedic timing? Impeccable. The result? A small but mighty moment that ripples across the entire film.

This isn’t just any GPS system. It’s quirky, it’s retro, and it’s central to the film’s journey—literally and metaphorically. When David turns it on, it asks a single question:

“Do you want to go on a big bold beautiful journey?” “There’s something playful about this device,” Kogonada explains. “We had the GPS designed to resemble a Nintendo game controller and HAL from 2001: A Space Odyssey. The GPS is helping them navigate the world both geographically and existentially in order for them to move forward romantically.”

The GPS becomes both a plot device and a metaphor. It doesn’t just guide—it nudges, challenges, and inspires.

According to producer Bradley Thomas, the Waller-Bridge-Kline duo does more than deliver laughs—they’re the film’s unexpected spark plugs.

“Phoebe’s and Kevin’s roles are pivotal,” says Thomas. “They’re the first characters David meets, and they propel him on this adventure. When Phoebe and Kevin show up, you just know you’re in for something smart and fun.”

And isn’t that exactly what we want from a story called A Big Bold Beautiful Journey?

Now showing in PH cinemas, distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

For updates and shared moments, follow @columbiapicph and tag #ABigBoldBeautifulJourney on social.

(ROHN ROMULO)

The Return of P60 Billion PhilHealth Funds Never Again to Illegal Fund Transfers: Ensure People’s Right to Health, Ensure Accountability  

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AS A national umbrella organization of public sector unions and a co-petitioner before the Supreme Court, the Public Services Labor Independent Confederation (PSLINK) welcomes the announcement of President Marcos Jr. to return the P60 billion PhilHealth funds that were unjustly diverted to the national treasury by the Department of Finance. This reversal is not a favor to the people—it is simply correcting a grave injustice against Filipino workers and citizens who rely on PhilHealth for their basic right to health care.

But let us be clear: the return of funds does not erase the fact that such a diversion was unconstitutional and a blatant attack on the people’s right to health. Labor unions and civil society urge the Supreme Court to act with urgency on our pending petitions—not only on the diversion of PhilHealth funds, but also on the zero subsidy to PhilHealth in the 2025 budget, which would further dismantle the people’s access to affordable and quality health services.

We remind the government that the Constitution, the Universal Health Care Act, and the Sin Tax Law all obligate the State to ensure sustained funding for PhilHealth. To starve PhilHealth of resources, or worse, to raid its funds for unrelated fiscal purposes, is to trample on the rights of workers, the poor, and the most marginalized sectors who depend on PhilHealth in times of sickness and crisis.

For labor, PhilHealth funds are not government savings, not a fiscal cushion, and not for political convenience. They are workers’ contributions and people’s lifeline. These must be safeguarded and used solely to cover hospitalization, treatment, and preventive care. We demand ironclad guarantees that this illegal and unjust transfer will never happen again, and that public officials responsible for this brazen act are held accountable.

We call on government: put the people’s health over profit, workers’ rights over austerity, and accountability over impunity. The health of the nation cannot, and must not, be sacrificed for fiscal tricks.

PhilHealth is for the people. Hands off our health funds.

#UHCNaminWagWasakin

 

‘Eraserheads Electric Fun Music Festival’, ipinagpaliban at tina-target sa first quarter ng 2026

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INANUNSYO ngayon ng WEU, ang organizer ng Eraserheads Electric Fun Music Festival (EFMF), ang pagpapaliban sa paparating na edisyon ng festival, na dati nang naka-iskedyul para sa Oktubre 18, 2025, na binanggit ang mga umuusbong na kondisyon na nagiging imposibleng magpatuloy gaya ng plano.

“This decision was not made lightly. After extensive deliberation and close monitoring of the local landscape, we believe that moving the festival to a later date is the most responsible course for our community, artists, partners, and audience,” pahayag ng EFMF.

Ang pagpapaliban ay kasunod ng isang pagtatagpo ng kawalang-katatagan sa pulitika, kawalan ng katiyakan sa ekonomiya, at mga alalahaning nauugnay sa klima na direktang nakaapekto sa kapasidad at pagpaplano sa pagpapatakbo.
Sa kabila ng mga hamon na ito, muling pinagtibay ng EFMF ang pangako nito sa paghahatid ng isang pagbabagong karanasan sa musika.  Tina-target na ngayon ng mga organizer ang unang quarter ng 2026 para sa muling paglulunsad ng festival, sa pag-aakalang wala nang mga hindi inaasahang pag-unlad na lilitaw.
Lahat ng may hawak ng ticket ay makakatanggap ng buong refund, na may mga detalyadong tagubilin na ilalabas sa ilang sandali sa pamamagitan ng mga opisyal na channel ng EFMF.

“Our team is working diligently behind the scenes to ensure that when EFMF returns, it will be stronger, more inclusive, and more impactful than ever,” dagdag pa ng organizers.

“We remain committed to transparency, collaboration, and artistic excellence.

Ang team ng EFMF ay nagpahayag ng pasasalamat sa mga tagasuporta, kasosyo, at tagahanga para sa kanilang patuloy na pasensya at pagtitiwala, na nangangako ng mga regular na update bilang paghahanda para sa kaganapan sa 2026 na sumulong.

Ang Eraserheads: Electric Fun Music Festival ay inihahandog ng PalawanPay, kasama ang SM Tickets bilang Official Ticketing Partner.
Official Media Partners: Business Mirror, Esquire, Philippine Daily Inquirer, Inquirer.net, Pop!, Be An Inquirer, Cebu Daily News Digital, Manila Bulletin, Manila Concert Scene, MyTV Cebu, Philippine Concerts, Rappler, WheninManila.com, 91.5 Win Radio, Wish 107.5, Y101fm
Hatid ito ng WEU Events Management Services.
(ROHN ROMULO)