• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:31 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 20th, 2025

SOUTH AFRICAN NASAKOTE NG PDEA, BOC AT PNP SA MACTAN-CEBU AIRPORT, ₱27.2-M HALAGA NG SHABU NASAMSAM

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NASAKOTE ng mga operatiba ng (PDEA) Regional Office 7, Bureau of Customs, at iba pang law enforcement agencies ang isang dayuhang high-value target (HVT) at nasamsam ang multi-milyong halaga ng shabu sa Mactan-Cebu International Airport, Terminal 2, noong Setyembre 18, 2025.
Inaresto si Mr. Keith Charles Moore Koeremoer, 33yrs. old, isang South African national na nagtatrabaho bilang IT technician, na nahulihan ng humigit-kumulang 4,000 gramo ng shabu na nakatago sa dalawang kahoy na kahon na itinago bilang mga hardbound na libro. Ang mga nasabat na kontrabando ay tinatayang may street value na ₱27.2 milyon.
Ang matagumpay na operasyon ay pinasimulan ng PDEA Regional Office 7–Regional Special Enforcement Team (Lapu-Lapu City Office) sa pamumuno ni Director III Joel Plaza, PDEA Regional Office 7 sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs, PNP Aviation Security Unit (AVSEU), Police Station 5-LCPO, NBI-7, at LCPO CIU/CDEU.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang naarestong suspek. Kung mapatunayang nagkasala, habambuhay na pagkakakulong at multang mula ₱500,000 hanggang

UAE, PH ‘true partners’ sa pagtataguyod ng ‘future-ready’ governments- PBBM

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) para sa matibay na suporta sa Pilipinas at sa pagiging isang “true partner” sa pagtataguyod ng “smarter and future-ready” na pamahalaan.
Inihayag ito ng Pangulo matapos makapulong si UAE Deputy Minister of Cabinet Affairs for Competitiveness and Experience Exchange Abdullah Nasser Mohamad Lootah sa Palasyo ng Malakanyang.
“It was a pleasure to welcome Deputy Minister Abdulla Nasser Lootah and the UAE delegation as they conclude the Philippines–UAE Government Experience Exchange Forum,” ang sinabi ng Pangulo sa isang Facebook post.
“We are grateful to the UAE for its continued support to our Filipino workers and for being a true partner in building smarter, future-ready governments. Through shared knowledge and collaboration, we are creating meaningful change for our people,” aniya pa rin.
Sa isinagawang courtesy call sa Malakanyang, nagpahayag ng kanyang pagkalugod si Pangulong Marcos sa UAE government para sa pagsuporta sa kapakanan ng mga manggagawang filipino sa Gulf state at gawing partner ang Pilipinas sa iba’t ibang ‘mutually beneficial initiatives.’
Ipinaabot naman ni Lootah ang interest ng UAE government na palakasin ang bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa, binigyang diin ang ‘great importance’ nito.
Si Lootah at ang UAE official delegation ay nasa bansa para magpartisipa sa ‘Philippines and UAE Government Experience Exchange Forum’ na isinagawa mula Sept. 16 hanggang 18.
Ang forum, inorganisa ng Department of Budget and Management at ng UAE Ministry of Cabinet Affairs, naglalayon na palakasin ang mga government personnel mula sa dalawang bansa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng karanasan at best practices, kapit-bisig tungo sa pagtataguyod ng ‘innovative, future-ready governments.’
 (
Daris Jose)

Travel clearance ni Rep. Zaldy Co, binawi, inutusang umuwi agad

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PORMAL na binawi ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang travel clearance ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at inatasan ang agarang pagbabalik Pilipinas sa loob ng 10 araw.
Sa isang liham na may petsang September 18, 2025, inimpormahan ni Speaker Dy si Co na “your existing Travel Clearance for your personal trip is hereby revoked effective immediately. This revocation is issued in the paramount interest of the public and due to the existence of pressing national matters requiring your physical presence.”
Nakasaad pa sa sulat ang pangangailangan na bumalik sa bansa ni Co sa loob ng sampung calendar days mula sa pagkakatanggap ng naturang notice.
“Your immediate return is necessary to address the aforementioned matters with urgency. failure to comply with this directive within the prescribed period shall be construed as a refusal to subject yourself to the lawful processes of the House of Representatives and may result in the initiation of appropriate disciplinary and legal actions,”pahayag pa,
(Vina de Guzman)

Sa pagdaan sa inspeksiyon ng LGU ng flood control projects… MAYOR JEANNIE, NAGPASALAMAT KAY PBBM

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa direktiba nito na lahat ng flood control projects ay kailangang dumaan muna sa inspeksiyon at pormal na pagtanggap ng mga Local Government Unit (LGU) bago ideklarang kumpleto.
“Mahalaga ito upang matiyak na ang bawat proyekto ay tunay na makakatulong sa mga mamamayan. Sa Malabon, matagal nang hamon ang pagbaha at malaking sakripisyo ang pagtiis sa tagal bago matapos ang mga proyekto. Kaya’t nararapat lamang na ang mga ito ay gawin gamit ang de-kalidad na materyales at maayos na paraan para siguradong mapapakinabangan nang pangmatagalan”, ani Mayor Jeannie.
“Makakaasa ang bawat Malabuueño na ang Lokal na Pamahalaan ay makikipag-ugnayan sa mga national na ahensya upang matiyak na bawat proyekto ay kapaki-pakinabang at makapagbibigay ng ginhawa sa lahat ng Malabuueño”, dagdag niya.
Nauna nang nagpahayag si Mayor Jeannie ng pakikiisa sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa iregularidad sa mga proyektong kontra-baha na labis aniyang nakakaapekto sa mga mamamayan ng lungsod.
 (Richard Mesa)

P289 bilyon sa 2025 budget ‘isiningit’ sa bicam – DPWH

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at iba pang mga opisyal ng ahensiya na ang ‘insertions‘ o pagsi­singit ng pondo sa 2025 national budget ay nangyari mismo sa Bicameral Conference Committee (Bicam) at hindi sa small committee ng Kamara.
Sa pagtatanong ni Marikina Rep. Miro Quimbo ay inihayag ito ni Dizon at ng iba pang mga opisyal ng DPWH kaugnay ng isinagawang pagsusuri sa kinukuwestiyong pondo ng ahensya sa kontrobersiyal na infrastructure projects kabilang na ang mga ghost at substandard ang ginamit na materyales na umaabot sa trilyong halaga sa loob ng ilang
taon.
“Kung dito pa lang binabawasan, paano ka magsisingit? Binawasan nga ng P73.7 billion ng House. So how can you have an insertion?,” kuwestiyon ni Quimbo na pinuna kung bakit matapos ang Bicam, ay lumobo sa P1.13 trilyon ang itinaas ng pondo ng DPWH o dagdag na P289 bilyon.
Kinumpirma naman nina DPWH Undersecretary Ador Canlas at Director Alex Bote na walang alam ang ahensya dito matapos ang deliberasyon sa ple­naryo ng Senado at nadiskubre lamang ito sa ipinalabas na General Appropriations Act.

Italian skier Matteo Franzoso pumanaw na, 25

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PUMANAW na ang Italian skier na si Matteo Franzoso sa edad na 25.

Nagtamo ng head injury si Franzoso matapos na aksidente sa training sessions sa Chile nitong Lunes.

Ayon sa International Ski and Snowboard Federation (FIS) na nawalan ng kontrol ito sa kaniyang unang maiksing pagtalon sa training course sa La Parva slope malapit sa Santiago.

Lumaban si Franzoso sa 17 World Cup kung saan noong Enero 2023 ay nagtapos ito ng pang-28 sa Super-G Slalom event sa Cortina d'Ampezzo.

US men’s volleyball team pasok na sa round of 16 ng FIVB Men’s World Championship

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NA-SWEEP ng United States ang Pool D ng 2025 FIVB Men's World Championship.

Ito ay matapos na talunin nila ang Cuba sa score na 25-17, 25-22, 23-25, 27-25.

Sa panalo ay mayroong tatlong panalo at walang talo ang USA Team sa laro na ginanap sa MOA Arena.

Dahil dito ay pasok na sila sa round of 16 na magsisimula sa araw ng Sabado.

Naging malaking hamon sa US ang laro dahil sa hawak pa ng Cuba ang kalamangan 23-19 sa pang-apat na set hanggang tuluyan nilang malusutan ito sa pamamagitan ni Cooper Robinson.

Bumida si Robinson sa US na mayroong 14 points at 13 attacks.

Ilang koponan na pasok na sa round of 16 ay ang Portugal na mayroong dalawang panalo at isang talo habang ang Colombia ay natapos ang kampanya ng walang panalo na mayroong tatlong talo.

					

MUNICIPAL COUNCILOR AT 2 PANG HIGH VALUE TARGET, NASAKOTE NG PDEA

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MATAGUMPAY na naisagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 10 (PDEA RO-10), katuwang ang mga law enforcement agencies, ang sabay-sabay na pagpapatupad ng search warrant sa tatlong magkahiwalay na lokasyon sa Munisipyo ng Magsaysay, Misamis Oriental, Setyembre 15, 2025.
Sa kabuuan, ang operasyon ay humantong sa pagkakasamsam ng malaking halaga ng iligal na droga na umaabot sa halos Isang Milyong piso. Dagdag pa ang nasabing pagpapatupad ng search warrant ay nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek na sangkot sa illegal drug trade sa lugar.
Kinilala ni PDEA Regional Director Alex M. Tablate ang mga naarestong indibidwal na ito, sa tatlong 3 magkahiwalay na lokasyon tulad ng sumusunod:
Location 1: Purok 1, Mauswagon, Barangay Kibungsod, Magsaysay, Misamis Oriental, nagresulta sa pagkakaaresto kay alias “Mic Mic”, male, 38yrs. old, married, resident of Purok 1, Mauswagon, Barangay Kibungsod, Magsaysay, Misamis Oriental.
Humigit-kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam, na tinatayang may street value na ₱136,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.
Lokasyon 2: Purok 5, Artadi, Magsaysay, Misamis Oriental, na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “ALPIMS”, male, 48yrs. old, married, residente ng Purok 5, Brgy Artadi, Magsaysay, Misamis Oriental.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 110 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na ₱748,000.00.
Lokasyon 3: Purok 1, Candiis, Magsaysay, Misamis Oriental, na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang alyas “Coy Ubs”, 49yrs. old, male, married, Municipal Councilor, at residente ng Purok 1, Candiis, Magsaysay, Misamis Oriental.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na ₱34,000.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng RA 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay ng sabay-sabay na operasyon ngayon ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng pinagsama-samang pagsisikap ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa paglaban sa iligal na droga at itinatampok ang patuloy na pagsisikap ng PDEA na matiyak ang isang komunidad na walang iligal na droga. (PAUL JOHN REYES)

PBBM, nagtatag ng dalawang bagong ospital sa Zamboanga

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga batas na magtatatag ng dalawang government hospitals sa lalawigan ng Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte, ipinakikita ang commitment ng gobyerno na makapaghatid ng universal healthcare sa lahat ng mga Filipino.
Tinintahan ng Pangulo noong September 5 ang Republic Act No. 12260, na magtatag ng Zamboanga del Sur Second District Hospital sa munisipalidad ng San Miguel in Zamboanga del Sur province.
Ang Zamboanga del Sur Second District Hospital ay isasailalim sa direktang kontrol at superbisyon ng provincial government ng Zamboanga del Sur.
Ang Zamboanga del Sur provincial government naman ang mamamahala sa nasabing district hospital at maghahanda, sa konsultasyon sa Department of Health (DOH), isang hospital development plan na nakaayon sa Philippine Health Facility Development Plan.
“Any future increase in bed capacity, healthcare facilities, service capability, and human resource complement shall be based on the hospital development plan,” ayon sa ulat.
Ang provincial government ng Zamboanga del Sur ay magbibigay ng kinakailangang pondo para sa “establishment, maintenance, at iba pang operating expenses” ng nabanggit na district hospital.
Sa kabilang dako, dapat naman isama ng DOH Secretary ang suporta para sa capital outlay requirements ng ospital sa subsidy program ng departamento.
Samantala, nilagdaan din ni Pangulog Marcos noong September 5 ang Republic Act No. 12261, magtatatag ng Liloy General Hospital sa munisipalidad ng Liloy sa Zamboanga del Norte province.
Isang Level II general hospital, ang Liloy General Hospital ay dapat na mayroong bed capacity na 100 beds at dapat na nasa ilalim ng direct control at superbisyon ng DOH.
Dapat na kaagad na isama ng Secretary of Health sa programa ng DoH ang implementasyon ng nabanggit na Republic Act No. 12261, at ang pagpopondo ay dapat na isama sa taunang General Appropriations Act.
Ang dalawang batas ay magiging epektibo 15 araw matapos na mailathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation.
(Daris Jose)

PBBM, pinirmahan ang mga batas na magtatatag at mag-a-upgrade sa mga eskuwelahan sa Leyte, Rizal, at Sorsogon

Posted on: September 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang apat na batas na magpapalawak sa access sa quality education sa pamamagitan ng pagtatatag ng bagong national high schools at i-convert ang existing na elementary schools sa integrated schools sa mga lalawigan ng Leyte, Rizal, at Sorsogon.
Sa katunayan, nagpalabas si Pangulong Marcos ng Republic Act 12256, itinatatag ang Doos del Norte National High School sa Hindang, Leyte, at RA 12258, lumilikha ng Tanay National Science High School sa Rizal.
Nilagdaan din ng Pangulo ang RA 12257, kung saan kinonbert (convert) ang Alegria Elementary School sa Barcelona, Sorsogon, sa Alegria Integrated School, at Republic Act No. 12259, kung saan tinransporm (transform) ang Patag Elementary School sa Irosin, Sorsogon, sa Patag Integrated School.
Sa ilalim ng mga batas, ang lahat ng mga tauhan, assets, liabilities, at mga rekord ng converted schools ay ililipat sa at ia-absorb ng integrated schools.
Ipinag-utos naman ng Pangulo sa Department of Education (DepEd) na patakbuhin ang bagong tatag at upgraded na mga eskuwelahan, na may funding support na huhugutin mula sa taunang General Appropriations Act.
“The DepEd is further tasked with formulating and implementing rules and regulations within 90 days,” ayon sa ulat.
Ang mga batas ay nilagdaan upang maging ganap na batas noong September 5, 2025, at magiging epektibo 15 araw matapos na mailathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation.
( Daris Jose)